webnovel

Itaas Ang Tabing (8)

編輯: LiberReverieGroup

"Kalimutan mo na, dahil pareho kayo ng ina mo mapilit, hindi ko na ipipilit ang usapin. Ngunit,

kalahating araw ang ipapahintulot ko. Kapag sa loob ng kalahating araw ay hindi pa rin makahanap ng

ibang lunas, wala akong magagawa kung hindi sunurin ang sinabi ng Manggagamot ng Emperyo." Magiit

na sabi ng Emperador ngunit ang kaniyang mga mata ay puno ng pag-alala para ky Lei Fan.

Sa mga sandaling iyon ang likod ni Lei Fan ay basang basa na ng pawis at hindi niya matanto kung ang

pagmamahal ng Emperador para sa kaniya ay yumabong.

"Oo." Mabilis na salita ng Emperatris, takot na baka bawiin ng Emperador ang kaniyang sinabi.

Matapos makita ng Emperador na nagkamalay na si Lei Fan at nagkakaroon na ng sigla ang kaniyang

anyo, hinayaang makapagpahinga si Lei Fan ng kaonti para ipagpatuloy ng Manggagamot ng Emperyo

ang paggagamot. Umalis ang Emperador sa palasyo ng Emperatris kasama sila Xiong Ba.

Matapos silang lumabas, nagsalita ang Emperador, "Bago mahuli ang assassin, ang palasyo sarado.

Makikiusap ako sa ating mga panauhin na temporaryong manatili sa Emperyo ng sandali at makakalabas

lang kapag nahuli na ang may sala."

Tumango ng ulo si Xiong Ba at hindi na nagsalita. Wala rin ganang makipagusap pa ang Emperador kay

Xiong Ba at sa grupo niya kung kaya inutusan na lamang nito ang mga yunuko para ipaghanda sila ng

lugar na mapag-papahingahan.

Buong sandali ng paglalakad, ang maliit na yunuko ay kasama nila at kahit na maraming gustong itanong

si Xiong Ba, hindi siya nagsalita, ang kaniyang mga mata ay nakakatutok lamang kay Jun Xie. Hanggang sa

makarating sila sa mansiyon sa loob ng palasyo ng imperyo at ang maliit na yunuko ay nagsimula ng

umalis, hindi na matiis ni Xiong Ba ang pagsususpetsiya at takot sa kaniyang puso kaya tumakbo siya

palapit kay Jun Xie.

"Young Master Jun! Kahit ipinangako ko sa Young Miss na dalhin ka sa loob ng palasyo ng imperyo,

ngunit hindi ako sumang-ayon sa pagtulong na saktan ang prinsipe. Sa sitwasyong ito na mag-isa kang

gumagalaw, paano kung malaman ng Emperador ito? Madadamay ang buong Thousand Beast City dito!

Naiintindihan mo ba kung ano ang ginawa mo?"

Tinignan ni Jun Wu Xie si Xiong Ba. Inaasahan na niya ang ganitong reaksyon ni Xiong Ba. "Iniisip mo ba

Hall Chief Xiong na ako ang may kagagawan noon ky Lei Fan?"

Tanong ni Xiong Ba, "Kung gayon, sino ang may kagagawan noon maliban sa iyo?"

Ilang sandali lamang matapos lumabas ni Lei Fan at Jun Xie nang bigla nalang si Lei Fan inatake ng

salarin. Napakaraming pagkakataon ang nangyayari sa paningin nin Xiong Ba.

Sumagot si Jun Wu Xie, "Iniisip mo ba Hall Chief Xiong na may kakayahan akong magpapasok sa loob ng

palasyo ng imperyo at saktan ang ika-apat na prinsipe sa harap ng maraming kawal at painomin ng

lason, aabalahin ba kita para lang madala mo ako dito sa loob ng palasyo ng imperyo?"

Panandaliang nabigla si Xiong Ba sa mga sinabi ni Jun Wu Xie. Ang oras ng pag-atake kay Lei Fan ay

masyadong malapit sa pagkakataon para maiugnay ito kay Jun Xie ng walang pag-aalinlangan. Ngunit

base sa mga sinabi ng ilang yunuko, ang umatake sa kay Lei Fan ay magaling at mapamaraan. Maliban sa

pag-iwas na makita ng mga kawal, nabihag pa ito ng salarin sa harap ng marami. Kahit si Xiong Ba ay

mahihirapang isagawa ang ganoong klaseng tagpo.

"Hindi nga ba ikaw iyon?" nagdadalawang isip na tanong ni Xiong Ba habang diretsong nakatuon ang

mga mata kay Jun Wu Xie.

Nagkibit ng balikat lamang si Jun Wu Xie. "Kahit totoo man o hindi, paniwalaan mo ang gusto mong

paniwalaaan."

Dahil sa pagiging bukas at kalamdo ni Jun Wu Xie, pakiramdam ni Xiong Ba naging mababaw at

suspesyoso siya at dahil dito nahiya siya. Mabilis siyang humingi ng paumanhin kay Jun Wu Xie. Hindi

naman masyadong dinamdam at sineryoso ni Jun Wu Xie ang bagay na iyon.

Sa kabilang banda, hindi napansin ni Xiong Ba na hindi talaga siya binigyan ng sagot ni Jun Wu Xie kung

hindi ay binalik lamang sa kaniya ang kaniyang tanong.

"Hindi ko naisip na may ganitong mangyayari sa pagpunta natin sa palasyo. Ang blood of kin ay bibihira

lamang at kaonting tao lamang ang naging matagumpay sa pagkuha nito. Hindi ko inisip na ang

matandang katulad ko ay makakakita ng epekto ng blood of kin." Saad ni Feng Yue Yang kasabay ng

mahabang buntong hininga.

Ibinaba ni Jun Wu Xie ang kaniyang malamig na tingin habang nakaupo lamang sa isang tabi.

下一章