webnovel

Masyado kang Maganda (1)

編輯: LiberReverieGroup

"Diyos ko! Ganoon ba ako kapangit? Nagsuka talaga siya!!" Tinitigan ni Qiao Chu ang mga disipulong nagpunta sa pader para magsuka, at ito ang unang pagkakataong nagduda siya sa kanyang itsura.

Tinignan ni Fei Yan si Qiao Chu at tinapik ito sa likod: "Masyado mong iniisip ang sarili mo, tingin ko, nagsusuka sila dahil doon…" 

Habang nagsasalita siya, nagturo si Fei Yan. Tinignan ni Qiao Chu ang tinuturo ni Fei Yan at nakita niya ang eksenang may dagat ng dugo. Sa isang lugar na walang mga disipulo sa tabi ng pasukan, mayroong winasak na bangkay na nahati sa hita, nakahiga sa sahig sa gitna ng lawa ng dugo. Nakapaligid dito, ang mga lamang loob at mga bituka nito, nakakakilabot tignan.

Nanigas si Qiao Chu sa mga nakita niya. Bakit nila kinailangang makita ang ganito pagdating nila?

Nang matauhan si Qiao Chu, nakita niya si Long Qi, na nakatayo malapit sa bangkay, at nang ituon ang kanyang tingin sa sunod na tao…

Nanigas si Qiao Chu.

Isang nakakabighaning dalaga ang nakatayo, malamig at nakakakilabot. Ang kanyang purong puti na damit ay baligtad sa dagat ng pula, ngunit ang talagang tumama kay Qiao Chu, ay hindi ang mukha niya, kundi ang mga mata nitong kilala niya.

Malamig at malayo!

"Na… na… na… Nakakakita.. ata… ako… ng mga bagay… bagay…" Nautal si Qiao Chu sa kanyang pagsasalita.

"May nakikita akong… nakakabighaning ganda… na mayroong mga matang… katulad ni Little Xie…"

Linoloko siguro siya ng mga mata niya!

Maaaring mayroong maseselang katangian si Jun Xie, ngunit wala siyang itsura na kayang magpabagsak sa mga bayan. Kahit na magsuot siya ng pambabaeng damit, magiging maselan lang siya na ganda, at hindi isang walang kamali-maling ganda.

Ngunit, kahit na walang pagkakapareho sa kanilang mga itsura, paano… nagagawa ng mga matang iyon na paramdam sa kanya na magkamukha sila?

Hindi lang si Qiao Chu ang nabighani. Pati si Hua Yao, Fei Yan, at Rong Ruo ay ay nabighani at hindi makapaniwala.

Habang pinagdududahan nila ang kanilang mga hula, napansin nila ang mabalahibong itim na buntot, na lumabas sa manggas ni Jun Wu Xie.

Ang saglit na iyon, ang gumulat sa kanila!

Buntot iyon ng maliit na itim na pusa!

"Si Little Xie… ba talaga iyon?" Nagbuhol-buhol ang dila ni Qiao Chu.

"Sa tingin ko, siya nga…" Nataranta si Fei Yan.

"Nakakagulat… nga ito." Pinilit ni Rong Ruo na panatilihin ang kanyang hinahon, ngunit sa loob-looban niya'y gulat parin siya.

Ang reaksyon ni Hua Yao ang pinakakalmado sa kanilang lahat, ngunit ang kanyang mga nanlalaking mata ay nagsasabing hindi malayo ang nararamdaman niya sa mga kasamahan niya.

"Sandali! Sandali! Hihinahon muna ako!" Tinitigan ni Qiao Chu si Jun Wu Xie ng matagal, at naramdaman ang pag-init ng kanyang mga pisngi at namula ang kanyang mukha. Nagmadali siyang tumalikod at kumapit sa kanyang dibdib: "Muntikan na! Kung ganyan nga ang mukha ni Little Xie… muntik ko nang dayain ang aking sarili!"

Kasama ang itsura na kayang magpabagsak ng mga bayan, na nakatago lang sa ilalim ng maskara ng maseselang tampok. Dahil sa nakasanayang inibang itsura ni Jun Wu Xie, at nang makita ang kanyang totoong mukha, nagulat si Qiao Chu at ang iba pa!

"Si Little Xie iyon, na isang malupit at mabagsik na demoñita! Ngunit kailangan kong huminahon! Hindi iyon ordinaryong bata!!!" Pinipilit ni Qiao Chu na kalmahin ang kanyang puso.

Muntik na siyang mabighani! Ngunit naalala na si Jun Wu Xie iyon na kinatatakutan niya! Nakita niyang wala siyang dapat ikasiya.

Bago pa niya malasap ang pakiramdam ng pagmamahal, pakiramdam na ni Qiao Chu na nawawala siya sa pagmamahal…..

Sino ang makakapagpa-amo sa demoñitang iyon?!

下一章