Kung nalaman niya na nagkaroon siya ng mga damdamin para sa kanya, hindi tatagal ang kanyang buhay!
"Pwede ka bang maging normal na tao?" Tinanong ni Hua Yao ng may mababang tingin kay QIao Chu.
Huminga ng malalim si Qiao Chu para pahinahunin ang kanyang sarili bago bumalik. Ngunit nang tumalikod siya, nakita niyang nakatingin si Jun Wu Xie sa kanila.
Nanghina ang mga tuhod ni Qiao Chu.
Ang tingin ng napakagandang dalaga, ay hindi niya malabanan!
Wala parin silang alam sa kakaibang kapaligiran ng Akademya. Masyado silang nagaabala sa pagiibang anyo ni Jun Wu Xie.
Si Nangong Xu sapat na nakabawi matapos ang sunod-sunod na pagkagulat sa kanyang puso at nakapansin kay Qiao Chu at mga kasama nito. Naalala niyang nandoon sila noong araw na iyon sa Battle Spirits Forest, pinuntahan niya ang mga ito: "Kayo, sumama kayo sa akin."
Hinaplos ni Qiao Chu ang kanyang ilong at sumunod silang lahat.
Dinala sila ni Nangong Xu sa harap ni Jun Wu Xie, at hirap sa pagpapakalma sa kanyang sarili, sinabi niya kay Jun Wu Xie: "Binibining Jun, ang mga disipulong ito ay nandoon rin noong araw na iyon. Kung may nais kang itanong sa kanila, tanungin mo sila."
Deretso lang ang tayo nilang apat, na parang bloke ng kahoy sa harap ni Jun Wu Xie.
Sa paglapit, nanlalambot si Qiao Chu.
Nanliit ang mga mata ni Jun Wu Xie at ang kanyang tingin ay dumaan kay Qiao Chu at mga kasama niya.
Muntikan nang mahilo si Qiao Chu.
"Long Qi." Biglaang sinabi ni Jun Wu Xie.
"Nandito, Binibini."
"Dalhin mo ang apat na ito, gusto ko silang tanungin ng dahan-dahan."
Nang nagpasya si Nangong Xu na dalhin ang apat, inisip niya na baka mapagaan nito ang hangin, matapos makita ang pagpatay kay Ning Xin. Hindi niya inakalang hindi pa tapos si Jun Wu Xie at huhuliin pa ang apat na disipulo para sa pagtatanong.
Ang tubig na binato, at gatas na hinati, ay pwede pang bawiin. Ayon sa kanyang mga salita.
Kinutuban siyang sampalin ang kanyang sarili. Ang mga pangyayari ay pwede nang malutasan doon, at sino ang makakaalam kung ano ang magagawa ng kanyang mga kilos sa gagawin ni Jun Wu Xie?
Tumango si Long Qi, ngunit tumalikod nang makita si Yin Yan na nakaluhod parin sa paanan ni Fan Qi at tinanong si Jun Wu Xie: "Binibini, ano ang gagawin natin dito?"
Nang ituro, nanginig si Yin Yan. Nang makita kung paano pinarusahan ng Hukbo si Ning Xin, nawala na ang lakas niya ng loob. Nang nakita niyang tinuro siya ni Long Qi, nahimatay siya, at bumula ang kanyang bibig sa takot, nangingisay ang kanyang katawan sa sahig.
Sinulyapan lang ni Jun Wu Xie si Yin Yan at sinabing: "Dalhin mo rin siya."
Dinampot ni Long Qi si Yin Yan ng walang pagaatubili, sa kanyang kwelyo, na parang isang kuting.
Hindi na siya nagsalita pa, tumalikod si Jun Wu Xie at naglakad palabas. Kinaladkad ni Long Qi ang walang malay na Yin Yan at sumunod, habang si Qiao Chu at mga kasama niya ay sumunod sa kanila.
Hindi nagtagal, ang mga nagulat na gao ng Akademya nalang ang naiwan.
Lumabas si Jun Wu Xie sa Akademya kasama ang iba pa at sumakay sa kanilang mga kabayo. Ang mga sundalo ng hukbo ng Rui Lin na nakaharang sa daanan ay mabilis na tumalikod at sumunod sa kanila.
Ang madidilim na ulap na lumutang sa ibabaw ng Akademyang Zephyr ay dahan-dahang nawala at ang mabibigat na puso ng mga disipulo ng Akademya ay gumaan.
"Umalis na kayo." Nagbuntong-hininga si Fan Qi. Napagod siya sa mga pangyayari ngayon.
Nagkalat ang mga disipulong nagpulong-pulong sa pasukan ng Akademya, may ilan pang natataranta. Mukhang ang ilan sa kanila ay hindi makakatulog sa gabing iyon.
Kumpara sa kapalaran ni Ning Xin at ni Yin Yan, ang mga disipulong pinaalis ay mas masuwerte.
Ang hukbo ng Rui Lin ay hindi lumayo matapos umalis sa Akademyang Zephyr. Sa halip, tumigil sila sa loob ng maliit na gubat, at nagtatag ng kampo.