Nitong mga nakaraang mga araw, naghihirap si Jun Xian sa sakit ng ulo na iba ang sanhi. Ang Palasyo ng Lin ay hindi sanay sa pagdalo ng mga opisyal mula sa korte. Linayo sila ng mga Heneral para maiwasan ang mga sabi-sabi at hindi matiis ni Jun Xian ang walang katapusang pagsatsat ng mga opisyal na pampanitikan.
Ngunit sa mga nakaraang mga araw, lahat ng mga opisyal ng korte, maging militar man o pampanitikan, ay dumadalo araw-araw sa Palasyo ng Lin. Sa kanilang pagpasok na may malalaking mga ngiti, lahat ng kanilang mga pag-uusap ay naging mga tanong tungkol kay Jun Wu Xie.
Walang malay si Jun Xuan sa kanilang biglaang pagbisita. Ngunit dahil sa mga pag-uusap na laging nagiging tungkol sa kanyang apo, napagtango na ni Jun Xuan.
Lahat ng mga opisyal na ito ay may mata para kay Wu Xie, at nais magmungkahi ng pag-aasawa!
Napakapangit ng pagkakakilala kay Jun Wu Xie sa kaharian dati. Kusa siyang malupit, at kasama pa ang kanyang nakaaraang relasyon sa pangalawang prinsipe, itinuring ni Mo Xuan Fei ang marami sa mga opisyal ng korte na kahihiyan. Kahit na ang bagong Emperador ay naghayag ng maraming papuri kay Jun Wu Xie, hindi ito sapat para baguhin ang paningin ng mga opisyal ng korte kay Jun Wu Xie.
Ngunit! Tila iba na ang situwasyon!
Ang pagsugod ni Jun Wu Xie sa Palasyo para iligtas ang Emperador, ay kumalat sa buong kaharian ng Qi, at ang mga dating paningin ng lahat ng opisyal ng korte, maging militar o pampanitikan, kay Jun Wi Xue ay nag-iba at nabaligtad!
Ang dalaga ay napakaganda, at mayroong utak at lakas. Siya ang perpektong manugang!
Kaya naman, ang lahat ng may anak o apo na lalaki, ay nakatingin kay Jun Wu Xie, na ngayo'y tila mayuming bulaklak at pinong esmeralda. Kundi para sa pagkakakilala sa Palasyo ng Lin, ang mga opisyal ay nagtangka na ng pagdukot para sa pagpapakasal.
Ngunit ang Palasyo ng Lin ay binabantayan ng Hukbo ng Rui Lin na nagtanggan ng anumang pag-iisip na ganoon, at nagdulot sa kanila na baguhin ang isip nila sa pamamagitan ng damdamin at rason. Pinuri nila ang kanilang mga anak at apo hanggang sa langit, at pinag-usapan ang mga kabayanihan ni Jun Wu Xie, at siniraan ang kanilang mga kalaban.
Naging masigla ang Palasyo ng Lin!
Walang magawa si Jun Xian laban sa kanila, dahil hindi siya nabuhay para tanggihan ang mga nakangiti. Kahit na ang mga opisyal ay biglaan nalang lumitaw, hindi niya kinayang paalisin sila, at umupo lang para makinig sa mga palabas habang pinapahayag nila ang kanilang mga plano para agawin ang kanyang mahal na apo.
Walang alam si Jun Wu Xie patungkol dito, habang hinaharangan sila ni Jun Xian sa kanilang bakuran, at ang sinumang nakalusot ay pinalabas ni Long Qi, na nakabantay sa mga pinto.
May dalawampu't tatlong araw pa bago binuksan ng Angkan ng Qing Yun ang kanilang mga pinto para tumanggap ng susunod na pangkat ng mga nais matuto sa kanilang pangangasiwa. Sa mga oras na ito, walang ninais si Jun Wu Xie kundi ang maghanda para sa kaniyang mahabang paglalakbay.
Bago siya umalis sa Kaharian, nais niyang may sapat na elixir at gamot na maiiwan sa Palasyo ng Lin, at ang isa pang problemang gumambala sa kanya ay ang pag-unlad ng kanyang spiritual powers.
Ang mga development niya ng kanyang spiritual powers sa ngayon ay nakabase lamang sa mga pamamaraang nasa sinaunang kasulatan para i-cultivate ang Snow Lotus, ang ang cultivation ng mga Snow Lotus ay nangailangan ng Jade Nectar. Ngunit imposible para kay Jun Wu Xie ang magdala ng ilang garapon ng Jade Nectar sa angkan ng Qing Yun.
Kapag walang Jade Nectar, hindi niya kakayaning mag-cultivate ng mga Snow Lotus, at ang ibig-sabihin rin noo'y hindi matutuloy ni Jun Wu Xie ang pag-develop ng kanyang spiritual powers sa mga buwang siya'y nasa angkan ng Qing Yun.
Hindi niya nais iyon. Hindi ito ang nais niyang resulta!
Wala siyang iba pang mapagpipilian, kundi ang patuloy na pagbabasa sa mga pahina ng sinaunang kasulatan para makahanap ng iba pang mga halamang pwede niyang i-cultivate para ma-develop ang kanyang spiritual powers.
Ngunit ang mga pangalan lamang ng mga halamang hindi pa niya naririnig dati ang kanyang nahanap. Mukhang hindi magiging madali ang paghahanap niya ng pamalit para sa pag-develop niya ng kanyang mga spiritual powers.
Sa pampitong araw matapos makulong si Qin Yu Yan sa loob ng mga bilangguan ng hari, nagpadala si Mo Qian Yuan ng balita sa pagpanaw ni Qin Yu Yan.
Hindi inasahan ni Qin Yu Yan na, bilang Panganay sa makapangyarihang angkan ng Qing Yun, ay mamamatay siya sa loob ng bilangguan ng isang maliit at hindi mahalagang kaharian.