webnovel

Paglalakbay

編輯: LiberReverieGroup

Dahil wala siyang ibang pwedeng gawin para ma-develop ang kanyang spiritual powers, walang magagawa si Jun Wu Xie kundi ang tumingin sa ibang halaman.

Ang kanyang spiritual powers ay na-develop sa pamamagitan ng cultivation ng Snow Lotus. Parehas lang ba angkalalabasan ng kanyang pag-cultivate ng ibang halaman?

Para patunayan ito, kinailangang mag subukan ni Jun Wu Xie ang pagtanim at pag-alaga ng iba't ibang klase ng damong-gamot. Matapos ang sampung araw ng nakakapagod na pagsusubok, napagtanto niya na ang pag-cultivate ng mga pangkaraniwang halaman at damong-gamot ay walang maidudulot sa kanya na spiritual energy, at ang pag-cultivate lamang ng mga kakaibang halaman at mga damo ang magbibigay sa kanya ng kaunting spiritual energy. Ngunit ang bilis ng paglago at pag-unlad na binigay sa kanila kumpara sa Snow Lotus, ay maliit lang.

Ngunit mas mabuti na ang maliit kaysa wala…..

Mayroon pang labing-pitong araw bago ang kinsenas ng susunod na buwan, nang nagpaalam si Jun Wu Xie kay Jun Xian at Jun Qing at sumakay sa karwahe papunta sa mga tuktok ng angkan ng Qing Yun. Para magpaalam sa kanya, ang magaling na na Mo Qian Yuan ay nagpunta sa mga pasukan ng bayan at malungkot na tumingin sa mga kapamilya ng Jun na nagpapaalam kay Jun Wu Xie sa kanyang pag-alis.

Sa pag-alis niya, hindi niya alam kung kailan pa niya ulit makikita si Jun Wu Xie. Taimtim ang puso niya habang pinapanood ang karwaheng dahan-dahang nawala sa kanyang paningin.

Sa loob nitong karwahe, nakaupo ang isang mayumi at magandang dalaga, na may hawak na mahinahing maliit na itim na pusa.

Bago siya umalis sa Palasyo ng Lin, iniba ni Jun Wu Xie ang kanyang itsura. Binalik niya ang anyo ng binatang pumunta sa Bayang Naulog. Dala lamang niya ang maliit na itim na pusa, si Little Lotus, at ilang garapon ng Jade Nectar sa karwahe para matuloy niya ang pag-develop ng kanyang spiritual powers sa gitna ng paglalakbay. Bago siya umalis, nais niyang magpaalam kay Jun Wu Yao, ngunit hindi niya siya nakita, kaya sumuko nalang siya.

[Panginoon, pupunta ka talaga sa katawa-tawang angkan na iyon? Para maging disipulo nila?]

Tinanong ng maliit na itim na pusa habang naghahanap ng komportableng posisyon. Bagaman alam nito ang layunin ni Jun Wu Xie sa kanyang pagpunta, ang makitang nagkukunwari ang kanyang amo at tawaging guro ang isang albularyo ay nagdulot ng pagkabalisa.

Sa mundong ito, isang guro na may kakayanang magturo kay Jun Wu Xie tungkol sa medisina ay hindi pa pinapanganak!

"Angkan ng Qing Yun." Pinaalala ni Jun Wu Xie.

Base sa kaalaman ni Bai Yun Xian, nagpasya si Jun Wu Xie sa kanyang paglalakbay patungo sa angkan ng Qing Yun na pumasok sa Mu Chen's Cloud Treading Peak. Ang kaaway ng kanyang kaaway ay isang kaibigan, at hindi problema ang magkaroon ng isang kakampi.

Sa labas ng mga pintuan ng kaharian, nakatitig lang si Jun Wu Yao kung saan naglaho ang karwahe, at may malalim na pag-iisip.

Mayroong aninong nabuo at isang lalaking nakaitim ay lumuhod sa tabi ni Jun Wu Yao, na nagulat. Alam ng kanyang senyor na aalis ang Panginoon ngayong araw, ngunit nanatili siyang nakatago. Matapos lang umalis ang dalaga siya lumabas at tumayo sa labas. Sa kanyang pagpaglilingkod sa ginoo, alam niyang nais ng kanyang senyor na samahan ang dalaga sa kanyang paglalakbay.

"Ye Sha." Biglaang tinawag ni Jun Wu Yao.

"Nandito." Sumagot ang lalaking nakaitim.

"Sundan mo siya, at bantayan ng maigi." Nanliit ang mga mata ni Jun Wu Yao. Kung wala lang siyang kailangang gawin dito, hindi niya hinayaang umalis ang kanyang sinta ng mag-isa.

"Masusunod ang iyong utos." Inasahan nang mangyari ito ni Ye Sha at tinanggap.

"Kapag wala siya sa panganib, wag kang magpakita." Dinagdag ni Jun Wu Yao, ng may malamig na boses.

Ang maliit na angkan ng Qing Yun ay walang halaga sa kanyang mga mata. Kung ang angkan lamang ng Qing Yun, naniwala siyang kaya na ng kanyang sinta na harapin sila ng mag-isa, at ang nagpa-alala sa kanya ay ang nakatagong mga kapangyarihan sa likod ng angkan ng Qing Yun.

Ang isa sa labing-dalawang palasyo, anumang palasyo ito, ay hindi kayang harapin ng kasalukuyang Jun Wu Xie ng mag-isa.

下一章