webnovel

Chaos Ground

編輯: LiberReverieGroup

Mabilis na lumabas ng kweba si Marvin.

Nagmadali pa ito lalo.

Ang lugar na ito ay malapit sa ibabaw ng lupa at madalas pumasok ang mga adventurer dito para kumuha ng mga kagamitan, kaya wala naman na sigurong iba pang banta kay Marvin.

Sa katunayan, ang pugad ng mga Hook Horro ay ang namumuno sa lugar na ito.

Ngayong pinatay na ang mga ito ni Marvin, wala na dapat iba pang halimaw na mapanganib.

Kaya naman ibinuhos na niya ang lahat sa pagtakbo.

Hindi naman siya hinabol ng Dark Elf na iyon.

Marahil dahil inagaw ni Marvin ang dagger nito. Ang isang Dark Elf na nawalan ng sandata ay hindi basta-basta hahabulin ang kalaban nito.

Sa madaling salita, maswerteng nakatakas si Marvin mula sa grupo ng mga Dark Elf.

Paglipas ng ilang sandal, umabot na siya sa labasan ng kweba.

Mararamdaman na ang sariwang hangin mula sa labas ng kweba kasabay ng paglabas ni Marvin. Kailangan niyang pakibagayan ang nakakasilaw na liwanag ng araw.

Pumikit siya at pagkatapos ng isang Segundo ay binuksan na niya ito muli.

Ang lugar sa kanyang harap ay isang napakagandang tanawin!

Dalawang ilog ang dumadaloy mula hilaga. Napakaraming mayabong na halaman sa paligid.

Mayroong maliit na bayan sa bundok na ito, at ang ilang mga bahay naman ay nakakalat sa paligid.

Tuloy-tuloy ang pagpasok at paglabas ng mga tao mula sa bayan na ito.

Sa kalayuan, mayroong mataas na bundok kung saan isang puting usok ang maghapon at magdamag na lumalabas.

Isa itong bulkan.

Ang Rocky Mountain.

..

Tahimik na umalis si Marvin sa kweba. Sa bundok na ito ay maraming kaparehong butas gaya nito.

Ang mga adventurer na gustong makapasok ay kailangan magbayad.

Pero walang may pakielam sa paglabas ni Marvin sa isang liblib na kweba.

Bahagyang inayos niya ang kanyang sarili at gumamit ng Disguise.

Ito ang ibabaw ng lupa, kahot pa pinabayaan na ang lupang ito ng South Wizard Alliance, ito rin ay hangganan ng sibilisasyon ng mga tao.

Magmula noong kaganapan ng Decaying Plateau, naunawaan ni Marvin na halos lahat ng tao sa Feinan ay kilala na siya, kasama na dito ang Rocky Mountain.

Sa era na kung saan hirap kumalat ang impormasyon, maituturing nang mataas ang reputasyon ni Marvin.

Kung wala siyang Disquise, siguradong makikilala siya ng mga tao.

Para mas mapadali ang kanyang mga gagawin, kailangan niyang baguhin ang kanyang itsura, kaya naman ginamit niya ang pagkakakilanlan niya sa River Shore City.

Ang Masked Twin Blades, kasama na ang isang balabal.

Hindi naman siguro umabot ang reputasyon niya bilang Masked Twin Blades nang ganito kalayo.

Binilisan ni Marvin ang pagbaba sa bundok at papasok na sana siya sa insang maliit na bayan, nang bigla nagkaproblema

"Ano? Protection fees?"

Sa harap ng dalawang malaking lalaki na masama ang tingin, bahagyang nagulat si Marvin sa gusto ng dalawang ito.

"Hindi pa ba ito sakop ng teritoryo ng Three Sisters?"

Matangkad ang dalawang lalaki walang suot na pang-itaas ang mga ito, may hawak silang mga mahahbang patalim. At mukhang mabagsik ang mga ito.

Nang marinig ng dalawa ang sinabi ni Marvin, nagkatinginan ang dalawa at sumimangot ang isa. "Tauhan ka ng Three Sisters?"

Sa tahimik na kadiliman, isang malamlam na ilaw ang nagmumula sa kisame ng kweba.

Ang mga ito ay mga hiyas na lumiliwanag.

Sa buong Underdark, bukod sa ilang umiilaw na halaman, tanging ang mga hiyas na ito ang pnagmumulan ng liwanag.

"…Lady Tree, ito po ang resulta ng imbestigasyon namin."

"Bukod sa aksidente kay Raven, matagumpay naman po ang naging misyon ng ibang grupo," balita ng isang malambing na boses.

Mayroong isang babaeng Dark Elf na tila masayang-masaya. Mukhang natutuwa ito sa kamalasang natamo ni Raven, kahit na isa din siyang kapitan tulad nito.

'Ngayon, kahit pa gusto ka ni Lady Tess, wala na siguro siyang rason para pagtakpan ka, hindi ba?"

Hindi naman niya inaasahang na si Lady Tess, na balot ng isang balabal, ay hindi na magsasalita tungkol dito

Bumulong ito, "Isang tao na mula sa labas ang nakapatay sa apat na Hook Horror nantin, kasama na ang elit Hook Horror. Mukhang hindi ito ang uri ng expert na kakayanin ng mga scouting party. Pinili nitong tumakas dahil ayaw niya tayong makalabanm kaya tama lang ang naging desisyon ni Raven na wag na itong habulin."

"Hindi na mahalaga ang taong iyon. Gayunpaman, kailangan na nating simulant ang surpresang pag-atake bago pumutok ang araw bukas."

"Bago iyon, kailangan nating magsagawa ng isanng huling pagronda."

"Sa pagkakataong ito, ang pinaka-elit expert na alang ang ipapadala ko, mga dalawang tao."

Biglang napunta ang paningin ni Lady Tess sa bbaneg Dark Elf na nag-uulat sa kanya kanina, at kay Raven. "Kayong dalawa, kaya niyo ba?"

Agad namang tumango ang dalawa.

"Tingnan niyo nag Lion, at estimahin niyo kung hindi talaga kayang tumanggap ng mga taong iyon ng isang pag-atake. Tingnan niyo ang depensang militar nila."

"Pero wag niyong kakalimutan, ang mga Shapeshift Scroll na ibibigay ko sa inyo ay anim na oras lang tatagal.

"Kailangan niyong mag-ingat, hindi pwedeng makahalata ang mga expert ng mga tao!"

"Alam niyo na ang mangyayari kapag pumalya kayo!"

Malinaw na mas mabigat na tono ang ginamit ni Lady Tess para sa huling pangungusap. Ikintal naman ito ni Raven at ng isa pang Drow sa kanilang mga isipan.

"Ang [Underdark Winter] ay maagang darating, at paubos na an gating mga pagkain. Inutos sa akin ni Leader Clarke na gabayan ko ang inyong landas," mabagal na sabi ni Lady Tess.

"Ang mga tangang taon sa mundo sa labas ay walang kaalam-alam na nagkaisa na tayo sa ilalim ni Leader Clarke at nakahanap na tayo ng panibagong daan patungo sa labas. "

"Papatayin natin silang lahat at magsisimula tayo ng panibagong buhay."

Sa ilalim ng nakakahalinang boses nito, hindi mabilang na pulang mata ang nagliwanag sa dilim.

Ito ang epekto ng [Eye of Fear]!

Hindi mabilang na anino ang nagtipon-tipon mula sa kadiliman.

Isa lang sa mga kasapin dito ang mga Drow. Mayroong mga Quaggoth, Kobold, GNoll, Kuo-toa, at ilang mga Duergar!

Ang mga nilalang na ito ay mortal na magkaka-away na sa wakas ay nagkaisa na.

Isang delubyo ang tahimik na namumuo.

Ang mga tao sa ibabaw ng lupa ay wala pa ring kaalam-alam.

Kahit si Marvin ay hindi naunawaan ang ibig sabihin kung bakit malapit sa labas ang mga Dark Elf na ankita niya, dahil sa dalawang tanga na nakasalubong niya kanina.

Napagtanto niyang nasa panganib siya.

Noong pumutna siya sa Rocky Mountain noon, ang lugar na ito ay nagkaisa na at bumuo na ng sarili nilang bansa.

Ang tatlong Fate Sistes ang namamahala sa lugar na ito, pero hindi pa ito nangyayari sa ngayon!

Ang kasalukuyang Rocky Mountain, kahitna maganda ang tanwain dito at mataba nag lupa, ay Kung ano-anong klaseng kapangyarihan pa rin ang narito!

Talaga nga na magulo ang lugar na ito; isa ito sa mga lugar kung saan ipinatatapon ang mga taong mula sa mga sibilisadong mga bansa!

Halimbawa na lang, matapos ipatapon ng South Wizard Alliance ang mga Sorcerer dito, dito na rin nila pinapadala ang mga taong nakakagawa ng mga karumaldumal na krimen.

Dahil sa Bai clansmen at sa Saint Desert, kakaunti lang sa mga ito ang nakakatawid sa disyerto at nakakabalik sa sibilisasyon.

Kaya naman, sa paglipas ng panahon, naging paraiso na ito ng mga kriminal.

Sa ngayon, marami pang iba't ibang kapangyarihan ang namamayagpag sa Rocky Mountain. Ang grupo ng Three Sisters ay kilala at kayang makipagsabayan sa dalawa pang malalakas ng grupo, pero kailan lang din ito nangyari. At ang lahat ng ito ay dahil paggising ng bloodline panganay na si Jessica, at naging isang nakakatakot na Fate Soceress.

Sa madaling salita, ang kasalukuyang [Three Sisters] ay isang makapangyarihang pwersa na papausbong pa lang.

Ang headquarter nila ay ang Hope City sa ilalim ng Rocky Mountain, hindi ang maliit na Lion Town.

Sa katunayan, ang bayan na ito ay kasalukuyang nasa ilalim ng isang [Golden Lon].

Ang lugar na ito ay malapit sa Underdark kung saang maraming adventurer ang nagtitipon-tipon. Naghahalo ang malakas sa mahina, pero sa ilalim ng pamamahala ng Golden Lion, kahit papaano ay napapanatili pa naman ang kaayusan.

Basta walang lalabas tuwing gabi.

Isang maliit na bayan ang tumatanggap sa lahat ng parokyano at adventuer, at tanging mga taong hindi pwedeng pumasok dito ay ang mgg tauhan ng Three Sisters.

Kaya naman, matapos na sabihin ni Marvin ang kanyang sinabi, lahat ng tao sa paligid ay sumama ang tingin sa kanya.

Kahit na walang ginawa ang dalawang malaking lalaki, isang grupo ng tao ang biglang lumabas mula sa bayan!

Ang mga taong ito ay may suot na simple at lumang kagamitan, pero mabilis pa ring nagpunta ang mga ito doon. Sa mga ito, isang baldadong, matangkad at payat na lalaki ang tumitig kay Marvin. "Kung naghahanap ka ng gulo, pinapayuhan kitang sa ibang lugar ka na pumunta. Hindi tinatanggap ni Lion ang mga tauhan ng Three Sisters."

Natawa si Marvin sa kanyang loob, at mahinahong sinabi, "Hindi ako tuhan ng Three Sisteres, isa lang akong manlalakbay na napadaan."

"Naisip kong bumili ng mga kailangan ko dito, hindi ba pwede?"

Tinitigan si Marvin ng isang expert at binalaan ito, "Siguraduhin mo lang!"

"Kung espiya ka ng Three Sister, bubugbugin ka ng mga tao naming."

"Kung gusto mong pumasok sa bayan, pwede. Pero kailangan mong magbayad ng protection fee."

"Kung hindi …"

"Klank!"

Dalawang pilak ang direktang tinapon ni Marvin.

"Sapat na ba yan?" Malalim na sabi ni Marvin.

Kinuha ng baldadong lalaki ang mga pilak at sinabing, "pwede na."

Agad itong tumabi at mahinahong pumasok si Marvin.

"Pasundan mo siya sa dalawang tao."

"Balitaan niyo ko maya't maya," bulong ng baldadong lalaki sa mga tauhan niya.

Maikli ang mga umaga sa Rocky Mountain.

Mabilis naman na inikot ni Marvin ang Lion Town. Hindi na siya gaanong naglakad-lakad noong papalubog na anag araw.

Habang ang mga walangkwentang sumusunod sa kanya ay hindi na lang niya pinansin.

Isa na siyang 4th rank expert, tanging sa mga Legend level na tao na lang natatakot si Marvin.

At ang Lion ay binubuo ng mga kawatan na walang disiplina.

Napagtanto ni Marvin na baka maging problema kapag pinatay niya ang mga ito, pero madali na lang para sa kanya ang tumakas.

Ang Lion ay nasa hangganan ng Rocky Mountain pero kahit papaano buhay na buhay pa rin ito.

Ang kailangan lang ni Marvin ay makahanap ng impormasyon tungkol sa bulalakaw na bumagsak.

Kaya naman nag-ikot siya ng ilang oras sa business district.

Sa wakas ay nakahanap siya ng isang tavern na maraming tao at pumasok.

Saglit na naupo si Marvin sa isang sulok at saka ito bumili ng isang baso ng sikat na alak nila, pero maasim ang lasa nito kaya ininom na lang ito ni Marvin ng sapilitan.

Habang nakaupo siya doon, hindi niya mapigilang tantyahin ang mga taong pumapasok sa tavern.

Nang biglang isang nakakahalinang boses ang narinig niya, "pwede mob a akong bilhan ng inumin?"

Isang magandang babaeng dilaw ang buhoy at asul ang mga mata.

Kita sa kanyang damit ang kanyang malaking dibdib na umaalog-alog sa harap ni Marvin.

Nagkibitbalikat si Marvin at naglabas ng ilang pilak at inilagay sa lamesa.

"Bigyan mo kami ng maiinom"

下一章