webnovel

Hera

編輯: LiberReverieGroup

Nagliwanag ang mga mata ng babae nang makitang kampanteng maglabas ng pera si Marvin.

Hindi mapigilang tumingin ito sa taas na tila may iniisip.

Binalaan naman siya ng bartender sa tabi, "Kaibigan, mukhang mang ayos ang babaeng iyan pero hindi siya magandang kasama."

"Maglagay ka na lang ng inumin." Galit na sabi ng babae.

Bahagyang ngumiti si Marvin.

Hindi nagtagal isang malakas at mabulang inumin ang ibinigay sa kanila.

Tila uhaw na uhaw ang babaeng maganda at agad na nakalahati ang inumin.

"Ako si Hera."

Pagkatapos uminom ng kalahati, bahagyang namula ang maputing balat nito.

Lumabo nang lumabo ang paningin nito.

"Ngayon lang ata kita nakita dito."

"Ako si Robin." Nagbigay ng ibang pangalan si Marvin.

Sa ngayon mukhang siyang mas matanda kesa sa tunay niyang edad. Ang Disguise ng Shapeshifting Sorcerer ay napakalakas, halos kasing lakas nito ang karamihan ng Apperance Changing Masters.

"Oh… ang yaman mo naman Mister Robin."

Lumapit ng kaunti si Hera. "Hindi k aba naiingayan dito? May laam akong tahimik na lugar na pwede tayong makapagusap."

Bahagyang sumimangot si Marvin.

Hindi niya masabi kung ano ang intensyon ni Hera.

Alam niya naman kung bakit siya binalaan ng bartender kanina. Noong una ay akala niya isang pangkaraniwang prostityut lang ito… Kung ganoon, wala namang problema kay Marvin na makakuha ng impormasyon sa babaeng ito.

Pero base sa obeserbasyon ni Marvin, sandali pa lang sa ganitong industriya ang babeng ito.

Tila kakaiba rin ang babaeng ito.

Pero hindi malaman ni Marvin kung ano ang kakaiba sa babaeng ito.

Sa madaling salita, hindi kasing simple ng itsura nito ang tunay nitong pagkatao.

"Mahilig ako sa mga ganitong lugar."

Bahagyang tumawa si Marvin. "Dito na lang tayo?"

Makikita ang gulat sa mata ni Hera.

Sa kabuoan, ang mga nagpupunta rito ay galing sa ibang lugar at dumaan sa disyerto. Kadalasan ay kailangan magpigil , lalo na ang mga lalaki.

Isang magandang babae na ang gumugusto dito pero tumanggi pa rin ito?

May napansin ba ang lalaking ito? O baka wala lang talaga itong hilig sa mga tulad niya?

Nanatili itong mahinahon at tumawa, "Sige, dito na lang tayo."

"Pero hindi ba parang hindi ka bagay sa lugar na ito?"

Tumingin siya sa gilid kung saan may dalawang lalaki na maya't maya tumitingin sila.

Ang basura ng Golden Lion.

Hindi io pinansin ni Marvin.

"Wag mo silang pansinsin," bulong ni Marvin. "Nabalitaan ko na may mga bulalakaw raw na bumagsak noong nakaraan, totoo ba 'yon?"

Biglang nagbago ang itsura ni Hera. "Iyon din ang pakay mo?"

"Pasensya na pero hindi na kita pwedeng kausapin, inutos ng Golden Lion na wag ipakalat ang impormasyon tungkol sa mga bulalakaw sa Lion Town."

Sumimangot si Marvin.

At biglang may dalawang matpunong lalaki ang pumasok sa tavern!

Tiningnan ni Hera ang mga ito at agad na napasabing, "Masama ito, nandyan na ang mga kalaban ko."

"Mauuna na ko, pogi."

Pagkatapos sabihin ito, yumuko ito at mabilis na umalis sa tabi ni Marvin at biglang nawala, nakatakas ito sap unto sa likuran sa isang iglap.

"Nasa loob siya, habulin niyo, bilis!"

Sumigaw ang dalawang lalaki, pero sadyang kakaiba ang kakayahan nitong tumakas. Sa loob lang ng ilang segundo, naka-alis na agad siya sa puno at masikip na tavern.

Hindi na siya nasundan ng dalawa.

Malinaw ang mata ng isa s amga ito at napansin nitong umiinom ito kasama ni MARvin.

Kaya naman agad nilang pinalibutan ito.

"Bata, sinabihan naman kasi kita na hindi magandang kasama si Hera," natatawang sabi ng bartender.

Bahagyang tumawa si Marvin at tinulak ng kaunti nag baso ni Hera sa kanyang harapan. "Tulungan mo ko."

Tumango ang bartender.

Sa susunod na sandal, isang kamay ang umaabot sa balikat ni Marvin!

"Hoy, anong koneksyon mo kay Hera?!"

Pero nagulat ito nang biglang naka-iwas si Marvin kaya dumeretso ito sa mesa.

"Bang!" nakaramdam ng matinding sakit sa kanayng kamay ang lalaki.

"Wala akong koneksyon kay Hera. Pinabili niya lang ako ng inumin niya, iyon lang."

Binuka ni Marvin nag magkabilang kamay niya at nagpakitang inosente siya.

Masama ang tingin ng aoat, "Malaki ang utang sa akin ni Hera," sabi ng isa sa kanila.

"Dahil pumayag ka namang bilhan siya ng inumin, bayaran mon a rin ang utang niya sa akin."

"Dahil dayo ka lang dito, bibigyan kita ng pagkakataon na makaalis."

"Bigyan mo ko ng isang ginto ng Wizard at papakawalan kita."

Hindi mapigilang tumawa ni Marvin.

Tiningnan niya ang bartender. "Kasabwat niya ba ang mga ito?"

Marami nang nakitang modus si Marvin gaya nito.

Ngumiti ang bartender. "Hindi, pero kasamahan ko sila. Isang gang kami."

"Magbayad ka na lang at sisiguraduhin kong makakaalis kang may natitira pa sayo."

"Ah ganoon." Dahan-dahang umikot si Marvin. "Sige, pero kapag binigay ko sa inyo ang pera, kailangan niyo kong pakawalan."

"Wag ka nang dumaldal. Akin na ang pera kung hindi dudurugin kita na parang itlog!" sigaw ng isa sa malalaking lalaki.

Tila gusto nitong pagbantaan si Marvin.

Dahil dito, si Marvin na gusto sanang tapusin ito nang mapayapa ay ngumisi.

Pagkatapos ay kumilos ito na kasing bilis ng kidlat!

"Bang!" Umatake siya na parang sang tigre at ang kamao niya ay unang tumama sa tiyan ng lalaki!

Napayuko naman ito at agad na namutla!

Sinamantala na ito ni Marvin at ginamit ang lalaki para kapitan ito at sipain ang iba pa!

Namaluktot sa sakin ang dalawang laking tumumba sa sakit matapos tamaan ng sipa ni Marvin.

Habang ang panghuli, bumunot naman ito ng dagger pero biglang tinutukan ni Marvin ng baril ang gulo nito.

"Kung ayaw mong pasabugin ko ang uli mo, wag kang satsat nang satsat," mahinahong sabi ni Marvin. "Ayoko na pala kayong bigyan ng pera, ano sa tingin mo?"

Biglang natahimik ang buong Tavern.

Ang lahat, kasama na ang bartender, ay nagulat.

Nakakatakot ang husay ng lalaking ito!

"Isa siyang Sha!"

"Maket Scuffle at isang pistol."

"Isang Sha expert, pambihira…"

Pinatumba ni Marvin ang tatlong matipunong lalaki sa loob ng ilang segundo, at ang natira naman ay tinutukan ni Marvin ng baril sa kanyang ulo.

Ang kawawang lalaking ito ay hindi man lang napansin na binunot ni Marvin ang kanyang pistol.

Sadyang nakakatakot ang bilis ni Marvin.

Ngayon lang sila nakakita ng isang nakakatakot na Sha clansman.

Kahit ang pangkaraniwan lang ang isang atake ng pistol, kung babarilin ito ng ganito kalapit, magiging kahindik-hndik ang pangyayaring ito.

Biglang namutla ang lalaki, at pinagpawisan ang buong katawan.

Mahinahong ngumiti si Marvin.

Ito ay resulta nang isang napakataas na Dexterity kama na ang Sleigh Hand

Nakakapanliit ang bilis nito kumilos. Karamihan ng mga Thief ay walang ganiting skill, lalo pa ang mga mahihinang 2nd rank. Para kay Marvin, walang kwenta ang mga ito.

"Sir… Sir…. Taga… Tagakolekta lang kami ng pera…"

Nagngingitngit ang lalaki habang nanginginig, "Mukhang nagkamali kami ng kinanalabang… Dahil muka namang wala kang koneksyon kay Hera, aalis na kami agad…agad agad."

Hindi siya pinansin ni Marvin at iba ang ginawa nito.

"Woosh! Woosh!"

Dalawang dart ang tumama sa dalawang basurang nakatayo sa isang sulog.

Malinaw na balak sanang mag-balita ng dalawang iyon sa Golden Lion.

Walang tinamaang mahalagang bahagi ng katawan ang mga dart, pero balit ito ng isang malakas na pampamahid. Saglit lang magpupumiglas ang mga ito hanggang sa mawalan na sila ng nararamdaman.

Pagkatapos niyang gawin ito, tinabi na ni Marvin nag kanyang pistol.

Nagpakita ng isang pangit na ngiti ang lalaki. "Salamat…"

Pero bago pa man ito matapos sa kanyang sasabihin, siniko na siya sa sikmura ni Marvin at napadapa sa lupa.

Humarap siya sa bartender at inabot ang kamay.

Agad namang binalik ng bartender ang baso sa kamay niya ang basong ginamit ni Hera, "Kahit pa bahagi kami ng iisang gang, hindi ao nakikielam dyan sa negosyo nila."

"Wag kang mag-alala." Tumawa si Marvin. "Wala akong balak sirain ang lugar na ito."

Matapos sabihin ito, hindi na siya matagal nanatili at agad na umalis, at nawala mula sa tavern.

Kasing bilis ng ipo-ipo ang kilos nito, at kahit na mga adventurer ay hindi siya nakita na luamabas!

"Isang expert na hindi bababa sa 4th rank…"

Napalunok ang bartender kasabay ng gualt sa mga mata nito.

Matagal nang walang expert na dumadalaw dito.

Tunay na walanng katahimikan at kaguluhan ang mayroon.

..

Agad namang ginamit ni Marvin ang Night Tracking.

At muli, sinuot niya ang aking maskara at balabal, kasabay ng mabilsi na pagtakbo nito sa Lion.

Isang malamlam na pulang linya ang nagppakita na halos makaalis na ito mula sa range ng Nigh Tracking.

'Ambilis niyang nakapagtago," ngumisi si Marvin habang mas binilisan ang pagkilos.

Patuloy ang pagtakbo ni Marvin. Walang mas mabilis sa isang Night Walker sa gabi.

Paglipas ng dalawanmpung minute.

Sa isang sulok ng Lon Town, sa labas ng isang tila abandonadong maliit na bahay sa isang mahirap ng distrito.

Mahinahong bumagsak sa lupa si Marvin.

Sigurista si Hera, sampung beses muna itong umikot sa Lion Town bago ito tuluyang tumigil/

Ito na siguro ang pinagtataguan niya… oa baka bahay niya ito?

Binuksan ni Marvin ang isang bintana at may nakikita siyang malamlam na liwanag.

Gumamit siya ng Stealth at tahimik na pumasok.

Matapos pumasok mula sa bintana, nakita na niya ang bente anyos na dalaga. Maganda ang hubog ng katawan nito. Masasabing isang babaeng disenteng tingnan.

"Halika, Guy, nakauwi na si mama," malumanay na sabi ng babae.

Tumabi ang isang tabla, at nakita ang isang butas patungo sa basement. Isang batang 3 o 4 na taong gulang ang lumabas at tumalon papunta sa babae.

Isang masayang ngiti ang makikita sa mukha nito.

"Maraming kinita si mama ngayon."

"Pwede kitang ibili ng masasarap na pagkain." Habang sinasabi niya ito tinimbang-timbang niya sa kanyang kamay ang isang pitaka.

Nagulat siya na pitaka niya ito.

Pero wala naman ito kay Marvin, wala naman siyang pakielam sa ganoong halaga ng pera.

Gayunpaman, alam niyang masusundan niya sai Hera.

Pero hindi niya inakalang makakahanap siya ng isang mahusay na manggagantso gaya ng Thief na ito sa lugar na ito.

'Magandang skill para baguhin ang itsura ng isang tao.' Isip-isip ni Marvin.

"Pwede lang tayong bumili ng sabaw ngayong gabi."

"Maraming kalabang gustong humili kay mama sa labas."

"Uminom ka na, ah?" Binuhat ng babae ang bata at malumanay na sinabi.

Pero nagulat siya nang makarinig siya ng boses mula sa kanyang likuran.

"May gatas ako dito."

下一章