webnovel

Ning Xiao Xi, Don't Court Disaster!

編輯: LiberReverieGroup

Chapter 930: Niang Xiao Xi, 'Wag Kang Maghamon Ng Gulo!

"Mabuti naman pala." Tumango si Ning Xi, kahit na alam niyang hindi matagal mananatiling ganito si Zhuang Rongguang. Halos imposible paamuin ang taong ito.

Matapos siyang bigyan ng babala, umupo sa sulok si Jiang Muye, pero nang marinig niya ito, hindi niya napigilang sabihin "Please! Ning Xiao Xi, nag-abala ka sa laro kagabi para tulungan ang babaeng 'to? Paano ba kayo nagkakilala?"

"Wala kang pakialam. Wag mo ngang sumabat!"

Nag-usap pa sila ng sandali ni Zhuang Keer bago magsimula muli ang shooting.

Pinaupo ni Ning Xi si Zhuang Keer. Nilagyan niya ng unan ang likod nito tapos kinumutan. Inutusan niya si Xiao Tao na bilhan si Zhuang Keer ng hot choco bago siya magtrabaho.

May malamig na simoy na bumuga kay Jiang Muye at may bigla siyang naisip.

"Pareho kaming bumisita sayo, pero bakit iba mo kami tratuhin?! Bakit?! Inuuna mo lang mga chicks mo bago mga kaibigan mo!"

鎖定章節

在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者

下一章