webnovel

Can You Warn Me Before Displaying Affection?

編輯: LiberReverieGroup

Chapter 931: Pwede Mo Ba Ako Sabihan Bago Ka Magpakita Ng Apeksyon?

Napalunok si Si Xia at sinabi, "Hindi ko talaga alam kung pa'no ko gagawin!"

Uminom si Ji Feixue mula sa lata at tinignan niya ito, at pumait ang kanyang mga mata.

Ang nasa harap ko ay isang lalaking napakalakas ng loob at napakahusay, pero napakalungkot niya...

Agad tinakpan ni Ji Feixue ang mga emosyon niya habang pinatong niya ang lata. Umupo siya sa tabi ni Si Xia. "Ganoon ba kahirap? Punta ka rito, tuturuan kita! Ako ikaw, ikaw yung babae!"

Natuwa si Si Xia dahil may liligtas na sa kanya. "Okay, ano gagawin ko?"

"Wala kang gagawin…" sabi ni Ji Feixue habang inaakbayan niya si Si Xia. Dahil sa pusturang ito, agad naglapit ang dalawa. 

Sumimangot si Si Xia at nalito, hindi niya alam kung ano gagawin niya.

Sa sumunod na sandali, biglang naging seryoso ang tingin ni Ji Feixue. "Gusto kita. Mag-date kaya tayo?"

鎖定章節

在webnovel.com支援您喜歡的作者與譯者

下一章