webnovel

[ Tagalog ] - Random One-Shot Stories

These stories are purely fictional. The names, places, dates, events, establishments, locales are either product of the authors imagination or are used fictitiously. Any occurrence which names, events, places and dates are found or encountered in reality only happens by coincidence and nothing more. Stories are not mine. There might be based from true stories or is completely fictional. You can send me your stories if you wanted tp share. Just message me.

great_sage00 · 其他
分數不夠
20 Chs

TWELVE FIFTY ONE (12:51) - II

PART 2 OF 12:51

[ "TWELVE FIFTY ONE (12:51) {NANG HULI KITANG TINAWAGAN. NASAAN KA NOONG ORAS NA KAILANGAN KITA.}" ]

Oras at atensyon ang kailangan sa isang relasyon. Updates kahit sa maikling oras ayos na at sapat na 'yon para sa 'yo. Sa panahon ngayon marami ang naghihiway at nakikipag hiwalay dahil sa wala nang oras at panahon ang isang tao sa kanila.

Walang nagloko, nakikipag laruan at nakikipag landian sa iba't pinagpalit. Nasa isa ang problema dahil sa kan'yang barkada at paglalaro. Ang lalaking mahal ko, ang lalaking mahal ako nakalimutan ako. Sa hindi inaasahang pangyayari pakiramdam ko nakalaya ako pero nag-alala dahil paano na ang mahal ko.

"M-mahal..." Sa wakas dumating din siya pero bakit ngayon lang, bakit kung kailan wala na ako at kung kailan hindi na niya ako p'wedeng iligtas pa kahit ano pa ang gawin niya. Ang sakit-sakit. Pero napapangiti na lang ako sa huli kasi sa huling pagkakataon nakita ko siya at nandito siya.

"M-mahal, I'm sorry. M-mahal I'm sorry. M-mahal I love you. Please, naman o h'wag mo akong iwan. Pangako babantayan kita at aalagaan. M-mahal. Ahh!!!" sigaw nito sa huli puno ng pagsisi at galit sa sarili. Ngayon pa, na mawawala na ako, ngayon pa kung kailan ito ako naghihingalo at naghihintay ng oras, minuto at segundo nang pagtigil nang paghinga ko at pagtibok ng puso ko't pagpintig ng pulso ko. Sayang bakit kasi napakadaya ng oras at panahon sa amin.

"M-mahal, sinubukan kong manlaban sa kanila para pagdumating ka na dalawa tayong lalaban," parang batang sumbong ko habang nagsusuka ng dugo. Siya naman napapasigaw sa galit at inis sa nakikita sa 'kin. "Magkasama sana tayo. Mahal, bakit gan'on ako na lang lagi, ako na lang lagi 'yung lumalaban at nagiging malakas sa ating dalawa. Naghintay ako sa 'yo hanggang sa may mga taong sinubukan akong pansamantalahan," tumutulo ay ani ko sa kan'ya. Umiiyak ang puso ko't damdamin. Sa pagkakataong ito hindi niya ako nagawang iligtas.

'Yong sana kayong dalawa 'yung magkasamang humarap sa lahat ng pagsubok sa buhay lalo na sa relasyon n'yong dalawa. Pero ikaw lang 'yung nag-iisang lumaban, wala siya at 'yon 'yung masakit at mahirap sa lahat.

Sa una puno ako ng oras at atensyon niya pero habang tumatagal unti-unti 'yung nawawala. Naramdaman ko na wala na akong halaga sa kan'ya. Iniintindi ko 'yon at sinasabi palagi habang may isang ako sa buhay niya sa ngayon, hindi ako aalis sa buhay niya. Masakit pero hindi ako napapagod, nagsasawa at pinipiling iwan siya. Minahal ko siya at mas lalong minamahal pa at mamahalin kahit sa kabilang buhay pa.

"I-i'm sorry, p-puro barkada at laro lang ako. D-doon ko n-nabuhos l-lahat imbis na sa 'yo. I-i'm sorry, d-dahil w-wala a-ako nang mga p-panahon na k-kailangan mo ako. I-i'm s-sorry na m-mag-isa m-mong dinadala at t-tinitiis l-lahat ng h-hirap at sakit. I-im sorry M-mahal, k-kung h-hindi kita n-nabigyan ng o-oras at a-atensyon at m-mas l-lalong 'di ko n-naiparamdam sa 'yo na m-mahal k-kita na a-andito lang a-ako p-para sa 'yo palagi. I-paglalaban, i-iagatatanggol at i-ilililigtas. I-im sorry, M-mahal," ani nitong garalgal ang boses na parang babaeng broken hearted umiiyak. Nasasaktan pero may pagsisi sa sarili.

"M-mahal. N-nasaan k-ka n-noong oras na k-kailangan kita. T-tinawagan k-kita pero 'di k-ka s-sumasagot," ani kong nahihirapan nang magsalita at huminga. May mga oras na kung kailan kailangan na kailangan mo ang importanteng tao sa buhay mo ay saka naman s'ya wala sa tabi mo. Kung kailan mawawala ka na doon mo na mararamdaman na may mahalaga ka. Masakit.

"I'm s-sorry M-mahal, k-kasama ko ang b-barkada. I'm sorry. H-hindi ko s-sinasadya. I'm sorry. M-mahal na m-mahal kita," 'Yon lang ang gusto kong marinig mula sa kan'ya at 'yun lang ang hinihintay ko. Masaya ako dahil papaano dumating siya sa buhay ko at sana makahanap siya ng taong higit pa sa sa 'kin.

Ang mukha niya na hindi ko pinagsasawaang tingnan at titigan. Ang boses niyang maganda sa tenga at pakiramdam ay parang musikang pumapawi ng lungkot. Ang lalaking mahal na mahal ko ay iiwan ko na. Iiwan kong masakit sa kalooban. Ang lalaking minahal ko ng higit pa sa buhay ko.

"Mahal? H'wag mong ipikit ang mga mata mo. Mahal h'wag kang ngumiti ng gan'yan, Mahal!" sigaw nitong umiiyak.

Hindi ko na kaya tumutulo ang mga luha kong binulong, "S-salamat, m-mag ingat ka... M-mahal n-na m-mahal k-kita."

"Mahal!!! Ahh!!! Mahal!!! Gumising ka!!!" Huling sigaw at tinig ang narinig ko nang tuluyan ng naputol ang oras na nilalaan para sa akin. Sobrang sakit. Pero masaya ako. Masaya akong nagmamahal ng totoo at minahal ako nito pabalik ng totoo. Hindi ako niloloko at pinaglalaruan sadyang nawalan lang talaga siya ng panahon sa akin.

Maikli lang ang oras para sa atin at gan'on din ang buhay. Kaya dapat marunong tayong magpahalaga ng buhay. Iparamdam at ipakita mo sa kan'ya araw-araw na mahal mo siya, pinapahalagahan at iniingatan. Lagi kang andiyan hindi mo siya iiwan kahit ano pa ang mangyari sa mundong inyong ginagalawan.

Mahirap at masakit pag hindi ka binibigyan ng oras at atensyon na kailangan mo. Iniiwasan ka, pinapabayaan at hinahayaan ka lang niya minsan. Masakit pero pag mahal mo ang isang tao kahit gaano ka hirap siyang intindihin at kahit napakasakit na nang pagmamahal niya mananatili ka hanggat sa puso mo lumalaban ka't kaya mo pa.

BY: PAINLESS PEN MANUNULAT