webnovel

ZERO : Digits Are Everything

Genre/s: Romance, Action, Sci-Fi Language used: English, Tagalog Alanis Ridge lives in a wealthy family. She has everything everyone's been wanting to have. She has eleven digits on her arm and still counting, sole heiress of the Ridge's family. She's smart, beautiful and yeah, good family. Until she happened to hear her parents talking. She heard the secret about their money that changed her perception in life. Will she able to pass her problem? Especially in this year that zero is everything. ㅡ JOYOUSMELODY

JoyousMelody · Khoa huyễn
Không đủ số lượng người đọc
8 Chs

Chapter 1

It was a gloomy day to wake up from her dreamless dream. She felt the sun rays as she slowly opened her eyes. A new day yet the same routine.

Nakapanatiling nakatitig lamang siya sa ceiling ng kaniyang magarang kwarto. Until an automated voice surrounds her quiet room, "Its thirthy minutes after 2 in the afternoon."

Dahan dahan niyang tinanggal ang kaniyang kumot at umalis sa kaniyang kama. Wala sa sariling napahinto siya ng mapadaan siya sa isang whole body mirror.

She's still wearing her silky night dress. Pinagmasdan niya lalo ang kaniyang kabuuhan. Mula sa mahabang buhok na sobrang itim, maputlang balat, mapulang labi at ang labing isang numerong pataas nang pataas ang bilang kada segundo.

Money. Eleven digits. She wonder what would she be if she hasn't got these numbers? Magiging masaya kaya siya o magiging katulad pa rin ngayon?

Ilang segundo pa ay naisipan niya ng maglinis ng katawan. Matapos maligo ay kumuha lang siya ng isang black dress with long sleeve na nagawang itago ang kaniyang mga numero na nakaimprenta sa kaniyang kanang braso.

Isa sa mga nakagawian ng royals ang pagsuot ng mga damit na may mga mahahabang manggas. Para na rin hindi malaman ng ibang tao kung ilang numero ang nasa kanilang braso.

Kalat ang kabi-kabilang balitang mga nakawan ng pera sa kanilang lugar, at para makaiwas sa ganitong sitwasyon ay ginusto ng ibang takpan ang kanilang mga numero. Dala na rin sa takot na baka mamatay sila sa pag-ubos ng mga magnanakaw sa kanilang numero.

Once their digits turn to zero, their heart will automatically stop its beating. At iyon ang kinakatakutan ng mga tao. Ang mamatay.

Pagbaba niya ng hagdan ay kaagad siyang sinalubong ng kanilang maids at butlers. Isang kasamabahay ang lumapit sa kaniya upang ibigay ang isang sling bag na may lamang phone.

"Lady Alanis. Handa na po ang sasakyan." Yumuko ito at bumalik sa kaniyang pila.

End of their vacation and winter season, kung kaya nagpatawag ng isang malaking pagpupulong ang kanilang principal tungkol sa nalalapit nilang pasukan.

Nang makita niya ang orasan ay naglakad na siya papuntang sasakyan. Nakaramdam pa siya ng gutom dahil hindi pa siya kumakain at mas inuna na lang ang pagpasok ng maaga.

Hindi niya rin naman gugustuhing makuhaan ng pera sa unang araw ng kaniyang pasok. Isa sa pang-paaralang batas ang pagbawas o pag-punch ng pera sa mga taong nagkamali. Kasama na ron ang pagiging late o kawalan ng assignment.

Punching or deducting of money is the new punishment. If you have money, you can live. Ang mga taong may natitira pa ring isang numero ay maari pa ring mabuhay. Ngunit ang isang numerong iyon ay hindi makakabili ng pagkain.

Huminto ang kotse sa isang parking space. Makalipas ang ilang segundo ay binuksan ng kaniyang butler ang kaniyang pinto. Nang makalabas siya ay nagpaalam siya sa mga ito at nagsimula ng maglakad.

Tahimik ang paligid ngunit hindi naman siya natakot dahil pang upper class lang ang kaniyang pinapasukang paaralan, kung kaya ay wala makikitang lower class na pagala-gala sa kapaligiran.

Napahinto siya sa paglalakad ng may isang boses ang tumawag sa kaniya.

"A!" ani nito. Humarap siya sa pinanggalingan non at nakita niya ang isang babaeng patakbong pumunta sa pwesto niya.

Catriona Fonacier, her great friend. An upper class member.

Pinasadahan nito ng tingin ang kabuuhan niya, "You still look shit, A! What in the world happened to you?" tanong nito na ikinairap niya. Ganito na lang kasi lagi ang naririnig niya tuwing nagkikita sila ng kaniyang kaibigan.

"Shut it, Fonacier," ani Alanis na ikinatawa ng dalaga. Nagpati-anod siya sa paglalakad ni Catriona. Ni hindi niya nga alam kung saan sila pupunta ngunit sinundan niya na lang ito.

Napaisip siya bigla nang maalala niyang kaibigan ng mga magulang nila Catriona ang kaniyang magulang. Mahigit dalawang buwan niya na kasi itong hindi nakikita kung kaya ay nagtataka na siya dahil wala man lang itong paramdam sa kaniya.

"A?"

Napatigil siya sa pag-iisip nang marinig ang tawag ng kaniyang kibigan at ang pag-ikot ng kaniyang paligid. "Yes?" She replied, blinking her eyes multiple times.

"What in the world happened to you?" Marahan niyang tinanggal ang dalawang kamay nitong parehong naka-hawak sa kaniyang balikat.

"Fonacier. You're seriously ruining my dress." Aniya nang pinapagpagan ang kaniyang balikat at inaayos ang gusot nito.

Ngumuso ito na ikinatalikod niya, "A. Kanina pa tapos ang meeting pero nakatulala ka pa rin."

Nagsimula na silang maglakad palabas ng auditorium, "A, don't you heard the news?"

"What news?" tanong nito na hindi man lang binigyan ng pansin ang mukha nito.

"Middle class are now allowed in this university." Napatigil siya sa paglalakad nang marinig ito. Ngunit nagkibot balikat na lamang siya at naglakad muli.

"I don't care."

"What!? Paano pag ninakawan nila tayo? What will happen if I die young?" Napairap muli si Alanis nang marinig ang sinabi ni Catriona.

"Seriously Cat?" She tsk-ed, "Don't judge them easily. Maybe they're nice."

"But A, I'm scared." Huminto siya sa paglalakad at walang pasabing humarap sa kaibigan. Hinablot niya ang kanang kamay nito at itinaas ang mahabang manggas ng bistida nitong tumatakip sa kaniyang mga numero.

Eight digits. Napakunot siya ng noo. Kung siya ngang labing isa ay hindi natatakot e. Umiling siya at binitawan ang kamay nito.

"A?"

"Don't worry. The principal wouldn't want to risk our lives right? Alam mo naman siguro kung anong pwedeng gawing ng pamilya natin?"

Tumango ito sa kaniyang sinabi.

"Okay. Then let's just eat. I'm famished."

"Shopping plaza? Why here?" nagtatakang tanong nito.

"And why not?" balik nito sa babae.

Napanguso ito, "Dresses here worth hundreds."

"Alam ko."

"Then why are we here? I can't lose another hundred thousand, A. May deal kami ni Mommy."

"Kakain ako ng pagkain, hindi ng damit."

Lumingon lingon siya sa paligid upang makahanap ng makakain ngunit halos lahat ay puno ng upper class members.

Narinig niya pang nagreklamo sa kaniya si Catriona ngunit hindi niya na ito nilingon. Nang makakita siya ng restaurant ay biglang nagvibrate ang kaniyang phone.

Message from Fonacier 2:

Hey babe. Sorry if I snatched Catriona Xyrille. You should go home. Ingat, I love you.

Napalingon siya sa kaniyang likuran. At tama nga ang kaniyang nabasa, wala ng babaeng nakasunod sa kaniya. Umiling na lang siya at pumunta sa isang coffee shop.

Nang makabili ay agad siyang lumabas upang pumunta sa parking space to ride to home. Pero bago pa siya makalabas ng area ng shopping plaza ay nakaramdam siya muli ng vibration.

Habang hawak ang isang frappe ay agad niyang kinuha ang kaniyang phone at idinouble tap ito para masagot ang tawag.

She didn't even took a glimpse to the caller's ID, but then she said, "Hello?"

"Babe! Dito na me! Don't you missed me---"

"No," aniya at ibinaba ang tawag.

Kung parehas sila ng gusto ni Catriona, si Douglas naman ang kabaliktaran niya. At ngayong bumalik na ang kakambal ng kaibigan ay maghahanda na siya sa paparating na pang-aasar nito.

Umiling na lang siya at naglakad ulit.

JOYOUSMELODY

Creation is hard, cheer me up!

JoyousMelodycreators' thoughts