webnovel

Chapter Eight

DERRICK'S POV:

"Nagkakagulo na sa labas, naglabasan na yung mga tao sa mga room, anong gagawin natin?" Sabi nung isang babae. (Yvonne)

"Hindi nila napigilan si Vivian, labas lang ako." Sabi ko sa kanila.

"Samahan na kita." Sabi ni Drea.

"Tara." Sabi ko.

Lumabas na nga kami.

"Tinititigan ako nung Zayne, nag seselos ba sya?" Pagtatanong ko kay Drea.

"H-hindi, hindi ko alam, hayaan mo na lang." Sagot ni Drea.

"Nasaan na kaya sila." Sabi ko.

"M-may zombie! Zombie!" Sigaw nung isang lalaki kaya napatingin kami ni Drea dun.

"H-hindi." Sabi ni Drea.

Si Rafael ba yun?

"Si Rafael yun diba, Rafael!" Sambit ni Drea at tumakbo papunta dun agad naman akong sumunod.

Duguan yung mukha nya, pati yung damit nya, hingal na hingal sya at umiiyak.

"Rafael? Anong nangyari?" Pagtatanong ni Drea.

"K-kailangan na nating umalis dito." Sabi ni Rafael habang umiiyak.

"Anong ibig mong sabihin?" Pagtatanong ni Drea.

"Teka, kumalma ka muna, anong nangyari?" Pagtatanong ko naman.

"Si T-thomas... p-patay na." Sabi ni Rafael na ikinagulat ko.

"H-ha? Paanong patay? Anong nangyari?" Pagtatanong ni Drea.

"Nasaan sya ngayon? Sinong may gawa?" Pagtatanong ko.

"Lucius yung pangalan nya, madami sila, sigurado akong papunta na sila dito." Sagot ni Rafael na ikinagulat ko.

Lucius...

May naaalala ako.

"Kailangan nating sabihin kay na Josephine to." Sabi ni Drea.

"Teka." Sabi nung Zayne kaya napatingin kami sa kanya, andito pala sya.

"Anong nangyari sa kanya?" Pagtatanong ni Zayne.

"Mamaya na natin pag usapan, dalhin mo muna si Rafael dun sa clinic para magamot ni Yvonne at Caleb, hahanapin lang namin sila Josephine." Sabi ni Drea.

"Ah sige." Sabi naman ni Zayne.

"Tara na Derrick." Sabi ni Drea.

*

*

YVONNE'S POV:

Nagulat kami nalang kami ni Caleb ng biglang bumukas yung pinto at pumasok si Zayne kasama nya si Rafael na duguan.

"Anong nangyari sa kanya?!" Gulat na pagtatanong ni Caleb.

"Hindi ko alam, gamutin nyo muna sya, susundan ko lang sila Drea." Sabi ni Zayne at lumabas na.

"Yvonne pwede pakikuha nung mga panggamot." Sabi ni Caleb at tumango naman ako.

"Anong nangyari sayo Rafael, nasaan si Thomas?" Pagtatanong ni Caleb.

Nakatulala lang si Rafael.

*

*

CESSA'S POV

"Saan natin dadalhin si Vivian?" Pagtatanong ni Kevin.

"Hindi ko alam, hindi natin sya pwedeng iwan na lang dito." Sagot ko.

"Alam ko na, ilagay natin sya dun sa loob ng school bus." Sabi ni Felix.

"Sige, ikaw na magbuhat sa kanya." Sabi ko.

"Hoy hoy hoy hoy! Ano yan?!" Sigaw nung lalaki samin.

"Saan nyo yan dadalhin? Teka si Vivian ba to?" Pagtatanong pa nung lalaki.

"Oo, wag ka ng maraming tanong, inutusan kami ni Josephine na dalhin si Vivian sa loob ng school bus." Pagsisinungaling ni kevin.

"Oh sige, pero bakit nagkakagulo yung mga tao? Anong nangyayari?" Pagtatanong ulit nitong lalaki.

"Yan kasing si Vivian pinagkalat na nakagat si Noah kaya ayan, pinapakalma na nila Calista at Josephine, yung mga tao." Sabi ko.

-

-

-

Nailagay na nga ni Felix si Vivian dun sa loob ng school bus.

Malayo kami sa building na yun, andito kami sa parking area ng mga sasakyan.

"Ano nang gagawin nyo ngayon?" Pagtatanong nung lalaki.

"Dito lang, hihintayin na lang namin yung susunod na mangyayari." Sabi ni Felix.

*

*

GREYSON'S POV:

Nagkakagulo na yung mga tao dun at papunta naman kami ni Noah sa may gate.

"Teka lang Noah, aalis ka ba talaga?" Pagtatanong ko.

"Oo, nakagat ako, hindi na ako pwedeng mag stay dito." Sabi ni Noah.

"May iba pang paraan, nagkakagulo na yung mga tao." Sabi ko pero bigla nya akong hinila at nagtago kami.

Biglang may mga sasakyan ang pumasok sa may gate, hindi sila nagdalawang isip na banggain yung gate.

"S-sino yun?" Pagtatanong ko kay Noah.

"Hindi ko alam, galing sila sa labas, pero paano sila nakadaan andun sila Rafael at Thomas nagbabantay." Sabi ni Noah.

"Baka kung ano na nangyari sa kanila." Sabi ko.

"Puntahan mo yung iba, tumakas na kayo dito." Sabi ni Noah.

"Saan ka pupunta?" Pagtatanong ko.

"Pupuntahan ko sila Thomas at Rafael." Sabi ni Noah at tumango na lang ako.

*

*

DREA'S POV:

Nagulat na lang kami ng biglang may mga sasakyan na binangga yung gate at pumasok dito.

"Sila na yun, yung sinasabi ni Rafael." Sabi ni Derrick na ikinatakot ko.

"Kailangan nating sabihan yung iba." Sabi ko.

"Hindi, pumasok tayo dun sa room, andun yung mga armas natin." Sabi ni Zayne kaya napatingin kami ni Derrick sa kanya.

"Paano yung iba? Sila Cessa? Yvonne? Rafael?" Pagtatanong ko.

"Mamaya pupuntahan natin sila, kailangan muna nating makakuha ng mga baril." Sabi ni Zayne at napatango naman ako.

"Tara." Sabi ni Derrick.

Maya maya pa nakarinig kami ng barilan at sigawan ng mga tao. Nakarinig na rin kami ng mga nababasag na salamin ng bintana, binabaril nila yun.

Nakasilip naman si Derrick dun sa may pintuan.

"Pinapasok na nila bawat room, binabaril yung mga tao." Sabi ni Derrick.

"Paano sila Calista?" Pagtatanong ko.

"Mamaya hahanapin natin sila, kailangan muna nating mag tago dito o kung may pumasok man, kailangan nating patayin." Sabi ni Derrick.

Pumwesto na nga yung dalawa dun sa may tabi ng pinto at umupo naman ako sa gilid ng pader.

*

*

CALISTA'S POV:

Nakatago kami ni Josephine dito sa loob ng isang room, pinagbabaril nila yung mga tao, hindi ko alam kung sino sila at anong gusto nila. Bakit nila pinapatay yung mga tao.

Nandito kami sa pinaka dulong room, sana hindi na sila pumunta at pumasok dito.

Si Caleb, sana ayos lang sya pati yung iba.

"Josephine anong gagawin natin? Paano yung iba?" Pagtatanong ko kay Josephine.

"Shh, mag hintay muna tayo." Sabi ni Josephine.

Nagulat na lang kami ng biglang may pumasok na isang babae nabaril na sya.

"Tulungan nyo ko!" Sigaw nung babae habang umiiyak.

"Shhh... wag kang maingay..." Sabi ko at nagulat na lang ng biglang bumukas yung pinto, isang lalaki yung nakatingin samin at pumasok.

"Anong kailangan nyo?" Pagtatanong ni Josephine.

"Patayin kayo." Sabi nung lalaki at agad pinagbabaril yung babae.

Natatakot ako.

Nanginginig ako.

Hindi ko alam ang gagawin.

Agad namang tumakbo si Josephine dun sa lalaki para agawin yung baril.

"Akin na yan!" Sigaw ni Josephine.

"Bitawan mo yan!" Sigaw din nung lalaki.

"Calista tulungan mo ako!" Sambit ni Josephine, agad naman akong tumayo at kinuha yung isang bag.

Agad akong lumapit papunta sa kanila at agad kong inihampas yung bag sa mukha nya.

"Aagahh!" Daing nung lalaki, agad naman syang sinuntok ni Josephine sa mukha pero bigla naman syang lumapit kay Josephine at inuntog nya yung ulo nya sa mukha ni Josephine.

Agad namang bumagsak si Josephine.

Patuloy parin ang barilan sa labas.

"Ikaw? Anong gagawin mo sakin? Hahampasin mo ulit ako nung bag?" Pagtatanong nya sakin at pinunasan nya yung dugo sa ilong nya.

"Wag kang lalapit sakin." Sabi ko, nagulat na lang ako ng biglang tumalon si Josephine sa likod nya at sinakal yung lalaki gamit yung mga braso nya.

"Ack.. b-bitawan mo ako!" Sabi nung lalaki kay Josephine, agad ko namang inagaw yung hawak na baril nung lalaki na ikinagulat nya.

Tinutok ko yun sa kanya.

"T-teka..." Sabi nung lalaki.

"Barilin mo na sya Calista!" Sigaw ni Josephine.

"W-wag!" Sigaw pa nung lalaki pero hindi na ako nag dalawang isip pa at binaril ko na sya hita at tyan.

Binitawan na sya ni Josephine at napaluhod naman yung lalaki sabay dapa.

Agad namang lumapit si Josephine sakin, may dugo sya sa ilong, nanginginig yung mga kamay ko at ibinigay ko sya kanya yung baril.

"Ayos ka lang ba?" Pagtatanong nya sakin.

"O-oo, tara na, puntahan na natin yung iba." Sabi ko kaya lumabas na kami ng room na yun.

*

*

YVONNE'S POV:

Puro putukan ng baril ang naririnig namin sa labas.

Nakatago ako ngayon sa ilalim ng higaan kung saan nakahiga si Olivia, pinatago kasi ako ni Caleb dito. Ano na kayang nangyayari sa labas.

Maya maya pa biglang may pumasok na dalawang lalaki at may hawak silang mga baril.

Itinaas naman nila Caleb at Rafael yung mga kamay nila.

"Ayan yung lalaki kanina diba?" Pagtatanong nung lalaki dun sa kasama nya. Si Rafael yung tinutukoy nya.

"Oo, anong gagawin natin sa kanila?" Pagtatanong naman nung isa. (Boy 1)

"Dalhin natin kay boss." Sabi nung isa. (Boy 2)

"Sumama kayo samin." Sabi nung isang lalaki (Boy 2) tumayo naman si Rafael sa higaan at lumapit si Caleb sa kanya.

Nagulat na lang ako ng biglang kinuha ni Rafael yung gunting dun sa may lamesa at agad sinaksak dun sa braso nung lalaki.

"Rafael!" Sigaw ni Caleb.

"Aaaaaaahhhhhh!!" Sigaw nung isang lalaki dahil sa sakit (Boy 2) nagdudugo na yung braso nya.

Shit.

Agad namang hinila ni Caleb si Rafael palayo dun sa dalawang lalaki, agad namang lumapit yung isang lalaki (Boy 1) at sinuntok sa mukha si Caleb.

"Babarilin ko na tong mga to?!" Sabi nung isang lalaki. (Boy 1)

"Wag, pahirapan muna natin yang mga yan hanggat hindi na nila kaya." Sabi nung lalaki at hinugot yung gunting nakatusok sa braso nya. (Boy 2)

"T-teka lang." Sabi naman ni Caleb.

"Ano?!" Sigaw nung lalaki. (Boy 1)

"Pagpasensy-" Sabi ni Caleb pero agad syang sinipa nung lalaking isa. (Boy 1)

"Pagpasensyahan? Gago ka ba? Hindi mo ba nakikita yung ginawa ng kasama mo?!" Sigaw nung lalaking sinaksak ni Rafael ng gunting.

Bigla namang sinugod ni Rafael yung lalaki (Boy 2) at malakas na tinulak kaya natumba yun, pinulot ulit ni Rafael yung gunting at isasaksak ulit dun sa lalaking sinaksak nya kanina, pero bigla syang sinipa nung isa (Boy 1)

Agad namang humugot ng kutsilyo yung isang lalaki (Boy 1) at sasaksakin si Rafael pero agad hinawakan ni Caleb yung kamay ni (Boy 1) at nakipag agawan sya.

"Tangina bitawan mo ko!" Sigaw ni (Boy 1) kay Caleb, pero hindi parin sya binibitawan ni Caleb.

Agad naman syang lumapit kay Caleb at malakas na itinulak sa pader, napadaing naman si Caleb kaya nabitawan nya yung lalaki (Boy 1)

Sasaksakin na sana nung lalaki si Caleb pero agad syang nakailag kaya nadaplisan sya sa kamay at natumba sya paupo, napadaing naman si Caleb at nagsimula nang dumugo yung kamay nya.

Napahawak sya sa kamay nya at laking gulat ko na lang nang pagharap ni Caleb dun sa lalaki (Boy 1) ay malakas syang sinipa nito sa mukha, agad bumagsak si Caleb at nawalan ng malay.

*

*

CALEB'S POV:

Malakas akong tinulak nung lalaki sa may pader kaya napadaing ako sa sakit at nabitawan ko sya, nakita ko naman na sasaksakin nya ako pero agad akong nakaiwas kaya nadaplisan nya lang ako sa kamay.

Natumba naman ako paupo, agad kong hinawakan yung kamay ko at nagsimula na yun dumugo.

Ang sakit.

Agad ko namang ini-angat ang ulo ko para tingnan yung lalaki pero malakas nya akong sinipa sa mukha at hindi ko na alam ang sunod na nangyari.

*

*

YVONNE'S POV:

Hindi ko na alam ang gagawin ko, natatakot ako lumabas sa pinagtataguan ko, pero nawalan ng malay si Caleb at paano na si Rafael.

Napasigaw naman si Rafael sa sakit dahil sinabunutan sya nung lalaki (Boy 1) at ini-angat patayo.

"A-arghh b-bitawan mo ko." Sabi ni Rafael.

Agad naman nyang sinikmuraan si Rafael kaya napaluhod si Rafael sa harap nila at tuluyang natumba.

"Patayin mo na sila, ikaw na bahala dyan, gantihan mo, pupuntahan ko lang sila boss." Sabi ni (Boy 1) at lumabas na.

Pumatong naman yung lalaki sa ibabaw ni Rafael at sinimulan na nyang sakalin si Rafael.

*

*

RAFAEL'S POV:

Nanghina ako sa suntok nya, nasikmuraan nya ako.

"Patayin mo na sila, ikaw na bahala dyan, gantihan mo, pupuntahan ko lang sila boss." Sabi nung lalaking sumipa kay Caleb at lumabas na.

Pumatong naman sa ibabaw ko tong lalaking sinaksak ko sa braso.

"Humanda ka sakin." Sabi nya at agad akong sinakal.

"Papatayin kita!" Sigaw nya pa sakin.

Nahirapan na akong huminga dahil ang higpit nang pagkakasakal nya sakin. Hinawakan ko din sya sa may pulso at pilit inaalis yung kamay nya sa leeg ko pero hindi ko magawa.

"A-a-urgh." Daing ko at napapapikit na lang ako sa sakit.

"Mamatay ka na!" Sigaw nya pa sa akin, ang lakas nya at ang bigat pa.

*

*

YVONNE'S POV:

Hindi na ako nag dalawang isip pa at agad na akong lumabas sa ilalim ng higaan. Papatayin nya si Rafael.

Agad kong kinuha yung vase na may lantang mga bulaklak na nakapatong dun sa gilid. Agad ko yun inihampas sa ulo nung lalaki kaya nabitawan nya si Rafael, napadaing naman yung lalaki at si Rafael ay umubo ubo.

Liningon ako nung lalaki at ang sama ng tingin nya sakin. Agad syang tumayo at agad lumapit sakin, hinablot nya yung buhok ko at agad akong sinikmuraan.

Nanghina naman ako at agad nya akong tinulak dun sa may higaan at napahiga ako dun. Agad syang lumapit sakin at hinila ulit ako at malakas akong itinulak

"Pakialamera ka, kanina ka pa pala andito ha." Sabi nung lalaki sa akin at malakas akong itinulak at nawalan naman ako ng balanse kaya tumama yung likod ko dyn sa may lamesa.

Napadaing naman ako sa sakit, anong gagawin ko.

*

*

GREYSON'S POV:

Agad kong nakita sila Cessa, Felix at Kevin sa may parking lot, may kasama silang isang lalaki.

"Si Greyson!" Sambit ni Kevin.

"Anong nangyayari? Bakit may barilan kaming naririnig?" Pagtatanong ni Cessa.

"Kailangan na nating umalis ngayon, may mga lalaking pumasok dito at pinagbabaril nila yung mga tao." Sabi ko.

"H-ha?" Sabi ni Cessa.

"Wait wait, paano yung iba?" Pagtatanong ni Felix.

"Walang aalis." Boses ng isang lalaki na ikinagulat namin.

Hindi namin namalayang napapalibutan na pala nila kami. Madami sila at tinututukan nila kami ng baril, kelan pa sila andito?

"Ilapag nyo sa sahig ang mga armas, sumunod na lang kayo sakin at walang masasaktan." Sabi nya.

"Siraulo ka ba? Pinagbabaril nyo na yung mga tao tapos sasabihin mong walang masasaktan." Sabi ni Cessa.

"Hmm... kung gusto mo namang mamatay ngayon, bakit hindi, sabihin mo lang." Sabi nung lalaki.

"Teka lang, hindi kami lalaban..." Sabi ko at inilapag na yung baril sa lupa.

Agad naman yung kinuha ng isa sa mga tauhan nya.

"Anong pangalan nyo?" Pagtatanong nung lalaki.

Pero walang sumagot samin.

Nagulat na lang kami nang bigla nyang binaril sa ulo yung lalaking kasama nila Felix, Kevin at Cessa kanina.

Na estatwa naman ako sa kinatatayuan ko.

"Anong pangalan nyo?" Pagtatanong nya ulit.