webnovel

YOU STOLE MY HEART (Tagalog/Filipino)

Unang nakita at minahal ni Bianca si Joseph pero sa best friend niyang si Chelsea ito na-inlove. Pero naniniwala si Bianca na all is fair in love and war kaya hindi siya susuko hanggat hindi siya ang minamahal ni Joseph. Hanggang sa dumating ang isang pagka-kataon upang mapasa-kanya ang sinisinta. How far can Bianca will do in order to have the man she love? Even if it means she'll stole his heart.

jjey_el · Thành thị
Không đủ số lượng người đọc
26 Chs

Chapter 8

The days have passed by like a blur. Nakabalik na si Joseph mula Davao, and what makes my blood boil is that Chelsea is acting like a loving girlfriend again.

"Walang engagement na magaganap."

Napalingon ako sa nagsalita, si tita Mercedes na may hawak na isang bote ng wine sa kaliwa n'yang kamay at dalawang wine glass naman sa kanan. Inilapag n'ya iyon sa mesa bago ibinaling ang paningin sa magkasintahan na kasalukuyang nasa umpukan ng mga kaibigan ni Joseph.

"The nerve of her ,showing her face to me like as if she never done anything wrong. Can you believe ? She's being extra sweet .."

Napa-pailing na komento nito.

"Baka naman po gusto ng ituwid ang pagkakamali n'ya."

Maging ako ay napangiwi sa mismong lumabas sa bigbig ko. 

"Bianca, alam nating pareho na ang pangangaliwa ay na-pag-pipilian. It's a matter of choice and decision hija, at hindi lahat ng piniling makipagrelasyon sa iba habang committed pa ay nakakaiwas ng ganoon kabilis. There's something in her that I can't point out. "

Naihilamos ko na lamang ang palad ko sa mukha ko, at ng igawi ko ang aking paningin kila Joseph ay nakatingin pala sa akin si Chelsea na agad nag-iwas ng tingin at ipinulupot ang kamay sa braso ni Joseph na para bang mawawala ito sa tabi niya. I gritted my teeth and took a deep breath. Parang gusto kong tumayo sa kina-u-upuan ko at ibisto s'ya ngayon mismo.

"And I won't let her be a part of this family."

May konbiksyon na sabi n'ya. It's supposed to be tita Mercedes late husband Jeremy's birthday celebration na ilang taon na rin namayapa but from the looks of it , kulang nalang dito ideklara ni Chelsea ang engagement nila ni Joseph. My best friend never left his side, at sa tuwing mag-ta-tagpo ang mga paningin namin o hindi naman kaya ay kay tita Mercedes ay para itong bulate na inaasinan. She can't withstand our presence.

Maagang inihatid ni Joseph si Chelsea pauwi, habang ako ay pinakiusapan ng mommy n'ya na manatili muna. Pagtayo ko upang magpunta sa comfort room ay nahagip ng paningin ko si Gibson na patungo na sa sasakyan nito. Hindi ko man lamang s'ya nakita, kahit sa umpukan kanina ng mga kaibigan ni Joseph. Hindi din nasabi ni tita Mercedes na naroon ang makating ahas na kaibigan ng anak n'ya.

Dire-diretso ang hakbang ko, wala akong pakialam kung nakakaagaw na ba ako ng atensyon ng ibang tao dahil nasisiguro kong para akong susugod sa gyera ng mga sandaling ito.  Mabilis kong itinulak pasara ang pinto ng sasakyan na bahagya ng nabuksan ni Gibson. Gulat s'yang lumingon sa akin habang gustong-gusto ko namang pilipitin ang leeg n'ya.

"Leaving so soon?"

Sabi ko. Lalong uminit ang timpla ng temperatura sa katawan ko ng pasadahan n'ya ako ng tingin mula paa hanggan ulo na para bang inu-uri n'ya ako.

"You are Chelsea's best friend right?"

"And you are her closet boyfriend right?"

Balik tanong ko. I see his jaw clenched, and his eyes narrowed at me. Isinuklay nito ang kamay sa maayos na nakagel na buhok. He is handsomely rouge. Kabaliktaran ni Joseph na parang boy next door.  He look wild ,while Joseph look like a Mr. Executive type of guy. Ito ang tipo ng lalake na makikita mo sa mga bar , Joseph's complete opposite.

"Look..whatever is going on between me and your friend, that's none of your business. "

Parang may umugong sa tenga ko sa sinabi n'ya. Nangangati talaga ang kamay ko na dumapo sa pisngi n'ya.

"Ang kapal din naman talaga ng mukha n'yong dalawa eh noh? So you are saying na I should just shrugged my shoulders and make a blind eye when it's clear as a day that you two are screwing each other behind Joseph's back? May I remind you that the girl you are secretly having an affair with has a boyfriend and soon to be married? And that guy happened to be your friend too!!"

Halos umusok ang ilong ko habang dinuduro ang dibdib n'ya. He catch my wrist and shove me off. Halos mawalan ako ng panimbang, why of course sa laki n'ya ano na lang bang pitikin n'ya ako.

"Stop acting like you care. For all I know , baka nga nagdidiwang ka pa. You like Joseph right? And you actually flirts with him in front of your best friend, so you're not an exception."

"How dare you? I like him yes , and I may be a little too desperate to catch his attention ,but I never go beyond from that. I don't fuck him when no ones watching! I cared for Chelsea as well as I cared for Joseph. Hindi mo maitatago ang katotohan na ginagago n'yo s'ya at nakukuha n'yo pang humarap sa kanya like you two are nothing but strangers!"

"Be careful what's coming from your mouth!"

Gigil n'yang hinablot ang braso ko at halos mapa-aray ako sa sobrang higpit ng pagkakahawak n'ya. Balak yata akong balian ng buto.

"Gibson!"

Mabilis na pinawalan ni Gibson ang braso ko ng marinig ang boses na iyon. Nagbabanta ang tingin n'yang iniwan sa akin bago kaswal na humarap sa noon ay papalapit ng si Joseph.

"Hey bro."

Lumapit ito kay Joseph at iniwan akong nanggagalaiti sa galit. Kumukulo talaga ang dugo ko sa kanya. Kung maka "bro" sarap lang bungian.

"Whats happening?"

Tanong ni Joseph na sa akin dumiretso ang tingin, bago muling tiningnan ng may pagsu-suspetsa ang kaibigan.

"Ah, nothing. She's just you know..The usual girl around .."

Nanliit ang mata ni Joseph sa sinabi ni Gibson na dinagdagan pa nito ng nakakalokong pagtawa.

"I'm just kidding. She just accompany me and bid her good byes. Isn't that right ..Bianca?"

Hindi na ako nag-salita pa. But I make it clear na maiparating ko kahit sa mga mata ko man lang na hindi pa kami tapos. Naramdaman ko na lamang ang braso ni Joseph sa balikat ko na iginiya na ako upang maglakad. 

"Well then, off you go bro."

Seryosong sabi ni Joseph na sinagot lang ng ngisi ni Gibson bago sumakay na sa sariling sasakyan at pasibadin iyon palayo.

"You okay? He's not harassing you or anything?"

Tanong sa akin ni Joseph ng maiwan na kami sa driveway. Tumango na lang ako at pasimpleng hinaplos ang braso ko na pinag-diskitahan ni Gibson kanina.

"Are you sure? Gibson can be an asshole, well..he is an asshole most of the time and actually he's not the type of guy that I wanted you to be around with."

Napatingala ako sa kanya sa sinabi n'yang iyon pero hindi na ako nag-salita pa.

Ilang araw pa ang lumipas at parang nagbalik sa normal ang lahat. Sa natuklasan ko tungkol sa kaibigan ko ay naging mitsa para magkaroon ng pader sa pagitan naming dalawa kahit na ba may mga pagka-kataon na nag-ka-kasama kami. Ramdam ko ang labis na pag-kailang ni Chelsea at alam kong napapansin na iyon ni Joseph.

Habang pa-palapit ng pa-palapit ang araw ng engagement ni Joseph at Chelsea ay pabigat naman ng pabigat ang pakiramdam ko. Alam ko, at tina-tanggap  ko na sa sarili ko na baka wala na nga talaga akong pas-asa. Pero isang malaking isipin at dalahin ng konsensya ko ang nalalaman ko. Kaya ko bang itago iyon kapalit ng kaligayahan ni Joseph? Kaya ko bang magbulag-bulagan sa katotohanan?

Mahal ko si Joseph at wala yata akong hindi kayang gawin para sa kanya. Ang masaktan s'ya ay isa sa mga bagay na ayokong makita. Pero, sadya nga yatang susubukin ako ng pagka-kataon. Dahil kung kailang handa na akong mag-paka-martir ay tsaka naman lumapag ang isang pagka-kataon na maaaring maging dahilan para mapa-saakin si Joseph. Kahit na ba malaki ang magiging kapalit at tuluyan na n'ya akong kamuhian.

Good day, after a long while nakapag-ud din. Enjoy reading..and please don't hesitate to tell me your thoughts.

jjey_elcreators' thoughts