webnovel

YOU STOLE MY HEART (Tagalog/Filipino)

Unang nakita at minahal ni Bianca si Joseph pero sa best friend niyang si Chelsea ito na-inlove. Pero naniniwala si Bianca na all is fair in love and war kaya hindi siya susuko hanggat hindi siya ang minamahal ni Joseph. Hanggang sa dumating ang isang pagka-kataon upang mapasa-kanya ang sinisinta. How far can Bianca will do in order to have the man she love? Even if it means she'll stole his heart.

jjey_el · Thành thị
Không đủ số lượng người đọc
26 Chs

Chapter 19

Tahimik akong nakaupo sa E. R habang nilalapatan ng first aid ang mga galos ko at si manong driver habang tinatanong ito ng mga pulis na sumunod sa amin. Tapos na akong makuhanan ng statement, at hindi ko naman alam kung makakatulong ba iyon sa imbestigasyon nila dahil wala naman ako halos nai-bigay na solid description sa sasakyang nag-hit and run sa amin.

Maya-maya pa dumating na ang mag-ina. Si Joseph at mommy Mercedes. Nag-mamadali silang makalapit sa akin ng makita ako. Halos hawiin ang mga nurse at ilang mga naroroon na may mga pasyenteng under observation.

"Dios mio hija."

Bulaslas ni mommy Mercedes habang tutop ang bibig. Tumaas at bumaba ang tingin niya sa akin na animo inaalam kung mayroon pang dapat na gamutin sa nakakubli sa katawan ko.

"What really happened?"

Si Joseph. Tumayo siya sa harap ko tsaka marahang sinakop ng kanyang mga kamay ang aking ulo at itingala ako sa kanya.

"Aw,"

Daing ko ng hindi sina-sadyang maabot niya ang tahi sa likod ng ulo ko . Ilang sentimetro din ang haba niyon. Nagsalubong ang kilay niya tsaka ako iniyuko upang tingnan iyon. Lumalim ang paghinga niya tsaka ako muling hinarap. Inabot ang kamay ko, tiningnan ang siko na parehong may galos at ang pisngi ko na may gasgas din. Hindi siya nagsalita makaraan niya akong inspeksyunin. Iniyakap ko ang aking mga braso sa bewang niya na tinugon niya ng mas mahigpit pa. Pinag-sawa ko ang sarili na samyuin ang bango niya na kahit papaano ay nakapag-pakalma sa akin.

"Uwi na tayo,"

Ungot ko sa kanya.

"You have to stay hija. We have to make sure that your head is okay. Don't worry we will stay with you here."

Sabi ng mommy niya. Lumingon ako kay Joseph, nagpapa-awa, pero tumango lang siya tsaka pilit na ngumiti.

"It's for your own good."

Sabi niya habang pina-ra-raanan ng daliri ang akin pisngi. Dumating ang wheelchair at kahit na ayaw kong sumakay doon ay pinilit ako. S.O.P daw iyon kaya wala na akong nagawa.

"Paano si manong?"

Lumingon ako sa gawi ng taxi driver na kausap pa rin ang mga pulis.

"Don't stress your self Bianca, I'll make sure he is well and taken cared of."

Sabi ni Joseph. Siya na ang nagtulak ng wheelchair patungo sa magiging hospital room ko.

"Hindi naman ako kailangang i-confine."

Muli kong sabi oras na maisara ni Joseph ang pinto.

"Nabagok ang ulo mo Bianca."

Seryoso niyang sabi. Napakamot ako sa sintido ko. Mahapdi lang ang mga galos at gasgas ko, pero maliban doon at sa tahi sa ulo ko ay maayos naman ako.

**Joseph's pov**

Maingat kong inayos ang buhok niyang kumu-kubli sa kabuuan ng mukha niya at ini-ipit iyon sa kanyang tenga. Mula sa pagka-katagilid niya ay kitang-kita ko ang parteng iyon ng ulo niya na may gasa at ang bahagi ng pisngi niya na may mga gasgas. Matapos ang CT scan ay nakatulog siya, marahil ay dahil na din sa pagod. I can't blame her though.

Tiningnan ko si mommy na nakatulog na sa spare bed. She almost freaked out when we got a call from the police that Bianca is currently at the hospital. I can't remember when was the last time I got scared but the news makes my blood run cold out of fear. For the first time in forever, Im scared shitless .

Nang mag-ring ang phone ko ay lumabas ako ng silid upang maiwasan silang magising. Tawag iyon mula sa police officer na nag-i-imbestiga sa nangyaring aksidente. Agad akong nagpunta sa silid kung saan naka-admit ang taxi driver na nagligtas kay Bianca. Kumatok muna ako ng ilang beses bago iyon binuksan nang police na kasama ng taxi driver.

"Good evening Mr. Caballero."

Bati niya sa akin na tinanguan ko lang. Lumapit ako kay manong na may mga galos din at naka-semento ang kanyang kanang kamay.

"Thank you for saving my wife."

Sabi ko kay manong ng makalapit ako, na napa-kamot naman sa kanyang ulo tsaka nahihiyang ngumiti.

"Ako nga po ang dapat mag-pasalamat. Hindi niyo naman obligasyon ang nangyari. Iyon dapat nag-hit and run sa amin ang sumagot nito eh."

Naupo ako sa isa sa visitors chair doon.

Tsaka ko ipinatong ang mga siko sa aking hita.

"Walang anuman po iyon. It's nothing compared to the heroic act that you've done."

It's true, ang pag-sagot ko sa pag-papagawa ng nasira niyang taxi at pagpapa-ospital sa kanya, at gayun din ang kaunting tulong hanggang sa maka-balik siya sa pagma-maneho ay maliit na bagay lang kumpara sa pag-ligtas niya kay Bianca. He could have run for his own life, baka nga hindi pa siya na-ospital kung hindi niya tinakbo ang kinaroroonan ni Bianca.

"Ang sabi mo po ay parang hindi naman drunk driving ang nangyari?"

Iyon kase ang paunang imbestigasyon. Mostly ang suspetsa ay drunk driving.

"Normal naman kase iyong takbo ng sasakyan nung medyo malayu-layo pa. Tsaka nasa tamang linya din iyon, pero bigla iyong bumilis at tinumbok ang direksyon namin. Eh pwede din naman na nag-malfunction ang sasakyan nung driver."

Paliwanang ni manong. Napakunot noo ako sa sinabi niya tsaka ko nilingon ang police investigator na nasa tabi ko.

" That might also be the caused dahil may mga records of accidents due to malfunctions ang ganoong sasakyan. But then again, we're not sure about that. "

Napatuwid ako ng upo at napa-isip ng malalim.

"Do we have the description of the vehicle?"

Nang basahin sa akin ang detalye sa statements including ang kay Bianca ay nai-kuyom ko ang aking mga kamao sa umaahong galit sa dibdib ko.

"Sigurado po kayo na iyon ang nakita niyo sa sasakyan?"

Tanong ko kay manong na mabilis na tumango sa akin. Nagta-taka naman akong minasdan ng katabi ko.

"May problema ba Mr. Caballero?"

"Nothing. Please do a thorough investigation. Call me for any updates."

I acted normal and casual, but deep within me, I'm already mad. I know that it can't be 100% sure, but the description of the vehicle leads me to only one person I know.

"If you need anything more, please don't hesitate to call me."

Ini-abot ko kay manong ang calling card ko tsaka ako nag-paalam ng aalis. On my way to Bianca's room I can't help but to stop every now and then. Hindi maalis sa isip ko ang sinabi ni manong kaya sa halip na kay Bianca ay pumihit ako patungong elevator. No, I can't let it wait until tomorrow.

Nang makarating ako sa destinasyon ko ay sa garahe ng town house ako unang tumingin. Wala doon ang sasakyan niya na lalong nagpa-dagdag sa suspetsa ko. Nag-ngalit ang ngipin ko sa galit. Ano ang motibo niya para gawin iyon?

Patay na ang ilaw sa kabahayan, marahil ay tulog na siya o pwede din na walang tao dahil kasalukuyang nag-tatago? But I take my chances. Something within me urge me to go on and see it for my self, so I push the bell button, once, twice, non-stop. Until the light went on.

Paulit-ulit ko iyong pinindot hanggang sa bumukas ang front door.

"Open this goddamn gate."

Sigaw ko sa kanya na mukhang nagulat sa presensya ko. Well it's my first time actually.

"Joseph?"

Gulat na bulaslas niya na para bang naka-kita ng multo, habang tila na-estatwa na kina-tatayuan. I don't know what's gotten into me pero lalo akong nakaramdam ng galit. That reactions are so on point.

"Open this fucking gate or I'll run it over just like what you'd try to do with Bianca."

"What the hell are you talking about ?"

Ganting sigaw niya sa akin.

"I said fucking open it!"

I kick the iron gate with so much anger, it shakes violently.

"Calm down!"

Sabi niya.

"You want me to calm down. Get over here."

"Joseph calm down first, ano bang nang-yayari sayo?"

Huminga ako ng malalim tsaka tumingin ng seryoso sa kanya.

"You wouldn't want me breaking this gate of yours right?"

"That's not the point, I don't care if you fold it with your bare hands. I just want you to cool down."

Lumapit siya nang sa tantya niya ay huminahon na ako kahit papaano. Pero oras na maalis niya sa pagka-kalock iyon ay malakas ko iyong itinulak kaya napa-urong siya ng ilang hakbang nang tumama iyon sa katawan niya.

Gulat siyang napataas ng tingin sa akin, pero hindi siya nag-tangkang kumilos.

I don't care anyway. Itinulak ko siya pero kahit na halos mawalan siya ng balanse ay hindi siya gumanti. Kahit na nang makapasok kami sa bungad ng bahay niya ay nanatili siyang unresponsive.

"Where is your car?"

Tanong ko.

Nagsalubong ang kilay niya.

"Nasa pagawaan."

"That fast huh.."

Hindi ako maka-paniwalang tinitigan siya. Lalo namang lumalim ang kunot sa noo niya.

"Ano bang trip mo at ang sasakyan ko ang hina-hanap mo?"

"Anong trip ko? You're asking me what?"

I didn't hold my self anymore. Sumalubong sa mukha niya ang kamao kong kanina pa gustong mag-landing doon. Tumama iyon sa panga niya at padausdos siyang bumalandra sa makintab niyang granite na sahig.

"Trip kong burahin ang mukha mo at lumpuhin ka ngayon din mismo! You almost killed Bianca, you fucking son of a bitch.!"

"I almost what?"

Sapo ang nasaktang bahagi ng kanyang mukha ay tigagal siyang napa-upo. Pumai-babaw ako sa katawan niya tsaka siya muling inundayan ng suntok. What's pissing me off more is that he didn't move. He just take every single punch.

"Stop it! Joseph please stop that! You're going to kill him!"

Nabitin sa ere ang kamao ko nang marinig ko ang boses na iyon. And I can't even comprehend the sight that I saw when I look up. Its as if, my heart stoped beating in that moment. I didn't imagine nor did I expected it.

" I told you to stay in that fucking room didn't I?"

Bumaba ang tingin ko kay Gibson, kahit na parang namanhid ang buong katawan ko. Nanlilisik ang tinging ipinu-pukol niya sa babaing nakatayo sa puno ng hagdan. Nang bumaling siya sa akin ay napa-upo na lang ako sa nakita kong emosyong naka-balandra sa mukha niya.

Nanlabo ang mga mata ko, at bago ko pa nasupil ay gumuhit na ang mainit na likidong iyon sa aking pisngi.

Mabilis akong tumayo at tumalikod.

It's doesn't take a genius to know what I saw.