webnovel

YOU STOLE MY HEART (Tagalog/Filipino)

Unang nakita at minahal ni Bianca si Joseph pero sa best friend niyang si Chelsea ito na-inlove. Pero naniniwala si Bianca na all is fair in love and war kaya hindi siya susuko hanggat hindi siya ang minamahal ni Joseph. Hanggang sa dumating ang isang pagka-kataon upang mapasa-kanya ang sinisinta. How far can Bianca will do in order to have the man she love? Even if it means she'll stole his heart.

jjey_el · Thành thị
Không đủ số lượng người đọc
26 Chs

Chapter 14

Ang sabi niya sa bahay lang daw siya buong araw. Sa bahay nga lang. Literal, pero wala naman siyang ginawa kun'di harapin ang laptop niya o kung hindi naman kaya ay puro phonecalls. Parang wala din akong kasama. Nang ayain ko siyang mag-lunch ay tumanggi siya. Nang dumating ang alas tres ng hapon ay muli ko siyang tinanong kung gusto niya ng meryenda, pero tumanggi na naman siya.

Hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng inis. Pinili ko nalang na itikom ang bibig at ihinga nang malalim ang bumabalong na sama ng loob ko. Isa-isa kong inilabas sa refrigerator ang iniluto ko kagabi na hindi naman nagalaw at ang panang-halian na babahagya lang nabawasan dahil ako lang ang kumain. Inilagay ko ang bawat putahe sa plastic container upang isilid sa paper bag at dalhin nalang kay Minda . Anu man sa iniluto ko ay wala akong itinira.

"Aalis lang ako.."

Paalam ko sa mahal kong asawa na bahagya lang akong tinapunan ng tingin. Tango lang ang sagot niya. Nanatili akong nakatayo sa sala. Hindi ba niya ako tatanungin kung saan ako pupunta? Hindi ba siya nagtataka kung ano ang dala ko?

Napa-pikit ako nang mariin pero binaliwala ko nalang ang kirot na iyon sa aking dibdib tsaka ako lumabas na.

Nasa taxi na ako patungo sana sa pinaka-malapit na LRT station nang mag-ring naman ang cellphone ko. Si tita Mercedes iyon. Bakit ko nga ba nakalimutan ang mommy ni Joseph? Alam kaya niya ang tungkol sa kasal? Nang sagutin ko iyon ay pinapapunta niya ako sa bahay niya. Sa totoo lang, iilang beses palang ako naka-kapunta doon. Naka-kahiya naman kase sa garbo ng bahay ay para akong outsider.

"Kuya, change location po. Sa Bel-Air nalang po."

Sabi ko sa driver. Sana lang ay naibilin ni tita ang pagdating ko dahil hindi naman basta-basta nagpa-papasok sa subdivision.

"Mabuti at nakarating ka. Ang inaasahan ko ay tulog ka sa mga oras na ito."

Salubong sa akin ni tita Mercedes nang papasukin ako ng kasam-bahay niya. Napangiti nalang ako ng alanganin. Kung may trabaho nga ako, malamang nakahilata pa ako sa mga oras na ito.

" Ang laki naman niyang dalahin mo. Ano ba iyan? "

" Ah, left overs po na luto ko kagabi. Hindi naman nagalaw."

Itinaas ko ng bahagya ang dala kong paper bag. Kay Minda sana ito eh. Pero dahil gagabihin na ako kapag bumuwelta pa ako sa Valenzuela ay dito ko lang iiwan.

" Ang dami naman nito. "

Sabi niya habang sinisilip ang laman ng mga plastic containers.

" Hindi naman po kase kinain ni Joseph."

"Joseph?"

Biglang lingon niya sa akin. Pansin ko ang dumaang lungkot sa kanyang mukha bago iyon umasim at mapaingos.

"So how is he? Nakapag-usap na ba kayo?"

"Hindi po sinabi ni Joseph ?"

So tama ang hinala ko. Walang plano si Joseph na ipaalam sa mommy niya ang tungkol sa naging kasal namin.

"Sinabi ang ano? You know, my son won't come here to persuade me. I'm still rooting for you and him Bianca." 

Assurance niya sa akin.

"I'm sure he'll left no choice but to marry you."

"Tita..,tungkol po sa sinabi mo na gagawa ka ng paraan, may kinalaman ka po ba sa pinakitang mga papeles sa akin ni Joseph?"

"Papeles?"

"Complaints file po. Lalo po kaseng nagalit ang anak mo sa akin dahil doon."

Malungkot kong saad habang nagliwanag naman ang mukha niya.

"Oh? So naipadala na pala sa kanya. Ang bilis namang kumilos ni Florence."

Natutuwang sabi niya. Natigagal ako, hindi ako makapaniwala na kasabwat niya ang Mayor na nagkasal sa amin ni Joseph.

"Kayo po talaga ang may gawa niyon?"

"Well, yes. Alam kong mag-aalburoto ang magaling kong unico hijo, but like I've said, wala siyang magagawa kundi ang pakasalanan ka. I know he will Bianca."

Mataas ang kompiyansang sabi niya.

"Tita,"

Inabot niya ang mga kamay ko at isinuklob sa kanya.

"Huwag  kang mag-alala, those papers are just fake. Well the papers are authentic dahil si Florence ang naglakad niyon. But don't worry dear,hindi iyon makakarating sa kina-uukulan. Panakot lang iyon."

Natatawa pa niyang sabi. Tita Mercedes is a cunning woman, ano pa kaya ang kaya niyang gawin?

" Don't let his words affect you, he's just oblivious at the moment, but the time will come that he will know.. I'm leading him to the right woman. "

Sana nga ay ganun lang iyon kadali.

"Anyway, bakit hindi natin kainin ang dinala mo. Sayang naman kung masisira lang. "

Hihilahin niya sana ako patungo sa kusina nila, pero bigla siyang huminto kaya nagtaka ako. Iniangat niya ang kaliwang kamay ko at sinipat ang suot kong singsing. Hindi ko malaman kung hihilahin ko ba pagbalik ang kamay ko.

" Is that-Is that a wedding ring?"

Gulat na tanong niya tsaka mas inilapit ang kamay ko sa mata niya.

"It's a wedding ring."

Parang magbubuga ng apoy si tita Mercedes nang bitiwan niya ang kamay ko, tsaka ako minasdan. Napalunok ako sa nerbiyos. Ano at paanong paliwanag ang gagawin ko?

"Kailan ka pa ikinasal?"

Taas ang kilay na sabi niya.

"Tita.."

Umpisa ko. Pinag-papawisan ako ng malamig sa nag-aakusa niyang titig.

"Don't call me tita!"

Angil niya sa akin.

"Po?"

Gulat na sambit ko.

"That stupid son of mine."

Gigil na tinawag niya ang isa sa mga kasambahay niya at ipinakuha  ang cellphone na naiwan nito sa salas. Hindi niya ako pinapansin, bagkus ay paroo't parito ang lakad niya habang may tinatawagan.

"You better come home now Joseph. Don't you dare make excuses and get your ass here!"

Hindi na nito hinintay makapag-salita ang nasa kabilang linya at agad na pinutol ang tawag.

Parang tumalon ang puso ko sa gulat sa lakas ng boses ni tita Mercedes at sa kaalamang ang anak niya ang tinawagan at ngayon ay pinapauwi. Hindi pa nga ako nakaka-ahon sa lubak ay panibago na naman akong haharapin. Kung hindi ipina-alam ni Joseph ang kasal sa mommy niya ay malamang na wala naman siyang balak na sabihin ang tungkol doon. Lagot na naman ako sa kanya.

"Tita.."

Sinubukan kong pukawin ang atensyon niya, pero napa-urong ako ng iharap niya sa akin ang palad at irapan ako.

"Told you not to call me tita. I'll just go to my room. Kapag dumating ang magaling kong anak ay papuntahin mo sa kwarto ko Bianca."

Pagdi-dismiss niya sa akin. Wala akong nagawa kundi ang sumagot ng opo at sundan na lamang siya ng tingin ng pumanhik na siya sa ikalawang palapag ng bahay at maiwan akong hindi mapakali.

Kagat-kagat ko ang daliri habang palakad-lakad ng biglang bumukas ang pintuan at iluwa niyon si Joseph. Halatang nagulat siya nang mabungaran niya ako, pagkatapos ay nagsalubong na ang kilay niya. Mabibilis ang bawat hakbang niya patungo sa direksyon at mula sa aking isipan ay alam ko na ang sasabihin niya.

"What are you doing here?"

Tanong niya. Saktong-sakto sa kung ano ang nasa isip ko.

"Joseph..ano kase."

Panimula ko. Pero hindi ko na nagawa pang dugtungan ang sasabihin ko ng tumayo siya mismo sa harapan ko. Yung tipong kahit yata pati hangin ay mahihiyang dumaan sa pagitan namin.

"What have you done this time?"

"Wala-"

Sagot ko na sinamahan ko pa ng iling. Hindi ko naman ginusto na malaman ng mommy niya ang naging kasal namin. Hindi ko din naman alam na wala palang kaalam-alam ang mommy niya.

"Where's mom?"

Sa halip ay sabi niya.

"Sa kwarto niya. Puntahan mo nalang daw siya doon."

Lalagpasan na sana niya ako ng hulihin ko ang kamay niya at pigilin siya saglit.

"Joseph hindi ko alam.."

At hindi ko din alam kung bakit sobrang defensive ko. Bakit sobrang importante sa akin ang mararamdaman niya. Iwinaksi niya ang kamay ko, lumingon sa itaas, tsaka ako muling tinapunan ng nagbabantang tingin.

"We'll talk later."

Sabi niya pagkatapos ay iniwan na ako. Gusto kong sabunutan ang sarili ko. Wala na bang tama ang pwedeng mangyari sa akin, sa amin? Frustrated na tiningnan ko ang ikalawang palapag ng bahay na para bang makikita at maririnig ko sila buhat sa kinaroroonan ko.

Ilang sandali pa ang lumipas, isa ito sa mga panahong gustong-gusto kong hilahin ang oras ngunit sa kabilang banda ay gusto kong huminto muna ang sandali at hayaan na muna akong kainin ng kaba kaysa harapin ang mag-ina.

"Mom we' are both consenting adults."

Napatayo ako nang marinig ang naiiritang boses na iyon ni Joseph. Nau-unang bumaba sa hagdan ang mommy niya samantalang para namang mau-ubusan ng pasensya si Joseph na nakasunod dito.

"Shut up. Anong klaseng kasal ang ibinigay mo kay Bianca? I've called your ninong Florence, and I'm well informed. Saan ka nakakita ng kasal na pumirma lang sa papel na parang test papers lang?"

"How did you know that it's ninong Florence? I haven't told you about that."

Naghihinalang balik tanong ni Joseph sa mommy niya.

"Huh? Eh,."

Napipi-pilang tila nag-iisip ng alibi ang mommy ni Joseph. 

"Ako yung nag-banggit sa kanya hon."

Singit ko sa sagutan nilang mag-ina. Parehong bumaling sa akin ang tingin nila. Si tita na ngumiti na may halong pasasalamat at panunukso, habang si Joseph na lalong umasim ang mukha dahil sa endearment ko. Try ko lang baka sakaling lumambot ang puso niya, pero mukhang lalong kumulo ang dugo niya sa akin.

" I'm already annoyed Bianca, stop shitting around."

"Watch your words Joseph, kaharap mo ako at nasa pamamahay kita."

Parang aatakihin ng alta presyon na binato nito ng kabiyak na sapatos ang anak na hindi nagawang umiwas. Dati ko ng napansin ang similarities ng ugali ng mag-ina. Joseph is like a replica of his daddy, but his attitude is so much like his mommy. Kumbinsido na ako na nag-mana siya sa mommy niya lalo na kapag ganitong nagba-bangayan ang mag-ina.