webnovel

YOU STOLE MY HEART (Tagalog/Filipino)

Unang nakita at minahal ni Bianca si Joseph pero sa best friend niyang si Chelsea ito na-inlove. Pero naniniwala si Bianca na all is fair in love and war kaya hindi siya susuko hanggat hindi siya ang minamahal ni Joseph. Hanggang sa dumating ang isang pagka-kataon upang mapasa-kanya ang sinisinta. How far can Bianca will do in order to have the man she love? Even if it means she'll stole his heart.

jjey_el · Thành thị
Không đủ số lượng người đọc
26 Chs

Chapter 12

Pag-pasok ko sa trabaho ay para akong lutang. Gumagalaw ang katawan ko pero blanko ang isip ko, kung hindi lamang sa isipin at pag-aalala na baka masisante ako dahil kakagaling ko lang sa leave pagkatapos ay sunud-sunod ang naging absent ko ay ayoko pa muna talagang pumasok. Isa rin sa isipin ko na baka magsalubong ang landas namin ni Chelsea, hindi naman sa takot ako dahil tanggap ko na ang magiging reaksyon n'ya kung sakali man lalo na at hiwalay na sila ni Joseph. Hindi pa man din nag-iinit ang pwet ko sa cubicle ko ay say namang pagdating ng team leader namin diretso papunta sa akin.

"Bianca ano bang nangyayari sa inyo ng kaibigan mong si Penson?"

Tukoy n'ya sa kaibigan kong si Chelsea.

"Si Penson ilang araw ng absent ,hindi nagre-report at wala ding notice,by the end of this week at hindi s'ya nag-pakita sa head I'm afraid terminate na s'ya. At ikaw naman ito."

Iniabot n'ya sa akin ang isang sobre. Hindi ko na kailangang hulaan kung ano iyon.

"Thats your warning kapag nag-absent ka pa within this month at sa mga susunod pa you'll be fired."

Nahilot ko na lang ang sintido ko ng makaalis ang team leader namin. Hindi pa man ako nagta-tagal sa pagka-kaupo ay gusto ko ng hilahin ang oras upang makauwi. Wala ako sa mood pero kapag umalis naman ako ay tiyak na masisibak na ako sa trabaho at iyon ang hindi pwede dahil wala naman akong malaking ipon para tumambay lang.

10am na ng makapag-out ako at kataka-takang wala ni bahid ng kaunti mang antok akong nararamdaman. Kung dati rati'y tulog ang unang pumapasok sa isip ko sa oras na matapos sa trabaho o hindi naman kaya ay masilayan si Joseph, ngayon ay parang hindi sapat ang pagod para sa akin. Sa halip na umuwi ay tinahak ko ang daan patungo sa LRT station at bagaman may kalayuan ang Valenzuela ay tanging kay Minda lang ako nakakaramdam ng kapanatagan. Si Minda na taga-pakinig sa lahat ng sentimyento ko sa buhay. Marahil ay mas malapit ang personalidad naming dalawa kung kaya kahit best friend ko si Chelsea ay si Minda ang una kong naiisip kapag down ako o gusto ko lang mag-unwind.

"Para kang bangkay na naglalakad."

"Good morning din sa iyo."

Pairap na sagot ko ng labasin ako ni Minda at pasadahan ng tingin.

"Pumasok ka at baka diyan ka pa himatayin sa labas."

Niluwagan n'ya ang pagka-ka-bukas ng pintuan. Naabutan ko ang anak n'yang si Jigs na kumakain ng agahan. Napangiti ako dahil oras na makita n'ya ako kahit puno pa ng pagkain ang bibig ay nagmadali itong tumayo upang sumalubong ng yakap na agad ko namang niyuko at binuhat oras na makalapit sa akin. Limang taon lang si Jigs at never pang nakita ng ama nito o never na nagka-interes na hanapin ng ama nito.

"Tita Banky may toys?"

Tanong n'ya habang sinisilip ang inilapag kong plastik bag buhat sa aking balikat. Napalingon ako kay Minda ng tumawa s'ya sa sinabi ng anak at sa nagtatanong kong tingin ay sinabi n'yang umakma daw ang pet name ni Jigs sa akin. Banky as in bangkay.

"Naghu-hukay ka ng sarili mong libingan Bianca."

Natahimik ako sa komento ni Minda. Ipinaliwanag ko sa kanya ang nangyari wala akong itinago kahit na maliit na detalye. Gulat na gulat s'ya sa nalaman at mas lalong hindi makapaniwala na pumayag si Joseph na pakasalan ako. Matapos iyon ay halata ang pagka-disgusto n'ya sa pang-yayari.

"Bakit gusto mo pang palakihin ang gulo. Sabihin mo ang totoo kay Joseph at hayaan mong iresolba nila ang problema nila. Bakit hinayaan mong ikaw ang mag-mukhang may kasalanan sa kanila? At pakakasalan mo pa talaga si Joseph? Nasisiraan ka na ba talaga ng bait?"

Hindi n'ya maitago ang inis sa akin. Hindi ko din naman s'ya masisi. Siguro nga nasisiraan na ako ng bait.

"Naisip mo din ba kung bakit pinili n'yang pakasalan ka gayong malinaw sa kanya na pinipikot mo s'ya? Don't you think he's not aware? Do you think that you can scare him with those props? Ano na lang ba na tumanggi sa iyo? Hindi mo ba naisip na maaaring pinapasakay ka lang n'ya?"

Muli akong hindi naka-imik at sa totoo lang pinanlamigan ako sa sinabi n'ya. Bakit hindi ko naisip iyon? Tama nga kaya si Minda? Pinapasakay nga lang kaya ako ni Joseph para makaganti sa akin?

" Hindi naman ganoong klase ng lalake si Joseph.."

Ang tangi kong naisagot, pero maging ako ay hindi kumbinsido.

"Hindi mo masasabi at hindi mo naman alam ang eksaktong tumatakbo sa isip n'ya. Sa mga oras na ito hindi na ako magta-taka kung sinasakal ka n'ya sa isip n'ya. Sana lang ay nagkakamali ako, sana nga ay pakakasalan ka n'ya at hindi iiwanang luhaan sa bandang huli.

May pag-a-alalang sabi ni Minda. Napangiti ako dahil alam kong hindi n'ya talaga gusto ang ginawa ko pero nanatili s'yang kaibigan na handang ibahagi ang pagdamay n'ya para sa akin.

Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakatulog, hindi ko din namalayan na nakatulog pala ako habang naki-kipag-kwentuhan at nakikipaglaro kay Jigs. Nagising ako sa mabining hangin mula sa bentilador at sa ingay na nagmumula sa t.v. Mahilo-hilo pa ako dahil sa puyat at nanlalambot dahil wala ni anong laman ang tiyan ko maliban sa isang tasa ng kape mula pa kaninang umaga na timpla ni Minda.

"Mabuti at gising ka na para maka-kain ka ng hapunan. Gigisingin sana kita kaninang tanghali para kumain pero mukhang mas kailangan mo nang tulog. "

"Salamat Minda."

Tumayo ako mula sa pagka-kaupo at ipinulupot ang mga bisig sa kanya. Natatawa man ay pilit s'yang kumalas sa akin.

"Huwag mo na akong yakapin at amoy longganisang bawang ako. Tayo na at kumain. Papasok ka ba ngayon?"

Tanong n'ya habang papunta kami sa mesita kung saan nakahain na ang hapunan. Longganisang bawang, pritong talong, okra at kamatis, tsaka ginisang ampalaya. Parang pinilipit ang bituka ko ng maamoy ko ang mga pagkain. Ngayon ko naramdaman ang sobrang gutom.

"Oo, hindi na ako pwedeng um-absent dahil sisante na ang aabutin ko. Mahirap maghanap ng bagong trabaho."

"Eh yung kaibigan mong si Chelsea? Ang sabi mo'y hindi rin pumapasok iyon."

"Wala akong balita sa kanya. Baka naroon lang s'ya sa apartment n'ya.."

"O posible rin naman na kasama s'ya nung Gilbert, "

Dugtong n'ya na para bang alam n'ya na iyon ang nasa isip ko.

"Gibson"

Pagtatama ko.

"Kahit sinong poncio pilato pa siya."

Nakairap namang balik niya sakin.

"Tama ka naman, mali pa rin ang mali. Sa halip na itama ko ang pagka-kamali ni Chelsea dumagdag pa ako sa mga mali na iyon. "

"Tapos na, nangyari na ang nangyari. Sana lang ay hanggang doon na lang iyon. Ayokong magka-sakitan pa kayong lalo ng kaibigan mo Bianca. Higit sa lahat si Joseph na walang kaalam-alam sa mga nangyayari. Bakit hindi mo na lang sabihin sa kanya kung ano ang totoo at kung bakit kayo umabot sa puntong ito?"

"Sa tingin mo ba paniniwalaan n'ya ako?"

Isang malaking hindi. Hindi ako paniniwalaan ni Joseph lalo na at wala naman akong ginawang tama para sa kanya.

"Nasa sa kanya na iyon kung pipiliin n'yang maniwala sa iyo o magpa-pakabulag sa kaibigan mo."

Matapos ang hapunan ay nanatili pa muna ako ng ilang sandali kay Minda bago nag-pasyang umuwi na at ng makapag-handa sa pag-pasok sa trabaho. Kahit papaano ang tulog at pagkain ay nakatulong upang mawala ang pagkahilo ko. Nang marating ko ang apartment ko at akmang isuksok ang susi upang mabuksan ang pinto ay natigilan ako. Bukas ang lock. Wala namang senyales na pinuwersa ang pagkabukas niyon pero ako lang ang tanging may hawak ng susi ko at yung landlord syempre. Pero hindi naman niyon bubuksan ng walang pahintulot ang inu-upahan ko lalo na at hindi naman ako nag-papaliban sa buwanang upa.

Mariin akong napalunok at kahit nagsisimula nang kumabog ng malakas ang puso ko ay nag-lakas loob na akong buksan ang pintuan. Madilim at wala ako halos maaninag. Kinapa ko ang switch ng ilaw pero halos panawan ako ng ulirat ng may kamay na pumatong sa kamay ko. Marahil ay napag-tanto ng kung sino mang nasa loob ng apartment ko ang takot ko at marahil ay nahinuha n'ya na sisigaw ako kaya mabilis n'yang tinakpan ang bibig ko at tuluyang hinila papasok sa loob.

Nag-pumiglas ako, pilit na kuma-kawala sa kanya pero lalong humigpit ang braso n'ya kaya lalong nag-wala ang kalabog ng puso ko. Pakiramdam ko mamamatay ako sa sobrang bilis ng tibok niyon.

"Hey, relax! It's me!"

Nabingi na yata ako dahil ugong lang sa tenga ko ang naririnig ko. May sinabi s'ya pero hindi maintindihan. Pinapatahimik siguro ako, baka papatayin din n'ya ako katulad ng mga napapanood ko sa social media. Nanakawan, re-rape-in at pagkatapos papatayin. Sa isiping iyon ay lalo akong nag-panic. Halos mag-wala ako sa pag-ka-kayapos n'ya.

"Fuck!"

Hindi ko alam kung saan tumama ang siko ko pero ako ay nasaktan din dahil matigas yung bahagi na iyon na nasiko ko. Nang lumuwag ang pagkaka-yapos n'ya ay mabilis akong humakbang palayo , halos mag-kandatalisod na ako, pero hindi ko akalaing magagawa pa n'ya akong abutin at kabigin pabalik. Tumama ang balakang ko sa kung saan kaya sana ang sigaw ko para humingi ng ruling ay nauwi sa daing dahil sa impact niyon. Bumagsak ako sa sahig, hindi pala sahig dahil sa mismong ibabaw ng intruder na iyon ako lumagapak.

"Damn it ! Calm down Bianca! It's me!"

Halos sumigaw na iyon sa mukha ko. Magwawala pa sana ako ulit pero natigilan ako ng marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Pero paano?

"J-Joseph? Joseph ikaw ba iyan?"

Nag-da-dalawang isip kong tanong. Kahit boses ko ay nanginginig sa takot.

"Yes, it's me."

Doon na ako tuluyang napa-tahimik.

"Stay here."

Sabi n'ya tsaka ako binitiwan. Napa-salampak ako sa sahig, ramdam ko ang panginginig ng buong kalamnan ko at ang mabilis pa rin na tibok ng puso ko , pero kahit papaano ay naka-recover na ako sa sobrang takot.

Mariin kong naipikit ang mga mata ko nang kumalat ang liwanag ng mabuksan ni Joseph ang ilaw. Nakatayo s'ya doon malapit sa pintuan at kunot ang noo habang mataman akong tinititigan. Hindi ko magawang magsalita, si Joseph talaga ang nasa harapan ko at hindi kung sino, hindi mag-na-nakaw ,rapist o kung ano pa. Napahugot ako ng malalim na hininga, pilit na pinapakalma ang sarili.

"Hey,"

Lumapit s'ya sa akin kaya mabilis akong yumukyok sa mga tuhod ko. Dinig ko ang paghugot n'ya ng malalim na hininga bago hinawi ang buhok kong malamang ay sabog-sabog na.

"I'm sorry, I didn't mean to scare you."

Kagat labing nag-angat ako ng tingin. He didn't just scared me ,he terrifies me. Gusto kong sumigaw sa kanya, gusto ko s'yang  sapakin sa sobrang takot na naramdaman ko pero marahil sa sobrang emosyon ay naghalo-halo na, napa-hagulhol na lang ako. Hindi na nag-salita pa si Joseph at hinayaan n'ya lang ako na ngumawa ng ngumawa, kasehodang para na akong baka. Sisinghot-singhot pa ako at sigurado akong  naghalo na ang uhog at luha ng sakupin ng mga kamay n'ya ang mukha ko at tuyuin ng mga palad n'ya ang aking pisngi.

"Done?"

Hindi ako kumibo, hindi dahil sa ayaw ko kundi dahil masakit na lalamunan ko. Napasimangot ako bago tumango ng marahan. Laking gulat ko ng pangkuin n'ya ako at halikan sa noo. Magugunaw na yata ang mundo. Dinala n'ya akoang sa kusina at iniupo sa mismong lamesa, mabuti na lang at kahoy iyon,hindi plastik. Iniwan n'ya ako saglit at kumuha ng isang basong tubig bago iniabot sa akin.

"You're still shaking. Drink it."

Sabi n'ya. Sa nanginginig ko pa ring kamay ay inilapit ko ang baso sa labi ko, pero lumiligwak ang laman niyon sa labis na panginginig ko. Muli n'ya iyong kinuha sa akin at siya na ang nag-lapit niyon sa labi ko upang mainom . Hindi ko maalis sa kanya ang paningin ko habang pinapainom n'ya ako.

"I'm really sorry Bianca ,hindi ko ginustong takutin ka. " Napa-tango na lang ako. "Then let's get you to bed. Bukas na lang tayo mag-usap."

Ba-baba na sana ako pero hindi pa man ay muli na n'ya akong nabuhat. Nadala n'ya ako sa kwarto ng walang kahirap-hirap at na-i-higa sa kama. Napangiwi ako ng aksidenteng madiinan n'ya ang bahagi na iyon ng balakang ko. Buong akala ko ay aalis na s'ya, nakaramdam pa ko ng kahungkagan para lang manlaki ang mata ng pumaibabaw s'ya sa akin at simulang tanggalin ang pagka-ka-butones ng pants ko.

"J-Joseph!"

Sa paos kong boses ay biglang tawag ko sa kanya tsaka mabilis na hinuli ang kamay n'ya upang pigilan sa tuluyang pagkakabukas at pagbaba ng zipper ko.

"What?"

"A-Anong ginagawa mo?" Nabibigla kong tanong.

"Undressing you."

Sagot n'ya na para bang shunga ako dahil obvious naman kung ano ginagawa n'ya.

"Alam ko pero.."

"Stay still Bianca."

Tiningnan n'ya ako nang kunot noo habang hawak-hawak ang bewang ng suot kong pantalon na bahagya na n'yang naibaba. Marahas ang hanging kumawala sa bibig ko ng maibaba n'ya na iyon ng tulyan at maiwan na lamang ay ang maliit na saplot na doon. Pigil-pigil ko ang mapa-singhap ng paraanan n'ya ng palad ang balakang ko. I started to feel dizzy the kind of dizziness that will enchant you to something more . Awang ang labing minasdan ko kung paano n'ya paraanan ng daliri ang nagsisimula nang magkapasa na iyon sa bahagi ng balakang ko. Nakakahiyang mang aminin pero iba ang hatid niyon sa akin. Nabubuhay ang ala-ala na iyon ng isang gabing pinag-saluhan namin pero hindi n'ya naman maalala.

Matapos niyang maalis ang pants ko lumabas siya ng kwarto. Nang magbalik siya ay may dala na siyang ice cubes sa isang mangkok at isang kitchen towel.

"Tumagilid ka."

Utos niya sa akin matapos niyang sumampa sa higaan ko.

Tumagilid ako, patalikod sa kanya. Naramdaman ko nalang ang paghiga niya sa tabi ko at ang pagdampi niya ng towel na may yelo sa aking balakang.