Leonardo's P.O.V
(Duh!? Author dapat Liana's P.O.V na yan hindi Leo. Yup know naman na girl ako diba!?
Gusto mo tanggalan nalang kita ng pangalan? Arte mo huh.
K fine hmp!)
So ito ngayon nakauwi na sa mansion. Na isip ko tuloy kung ano na nagyari sa kanila.
"Mr. Lim nasaan si Dad akala ko ba uuwi sya?"
"Umalis po sya kanina, Master."
"At saan naman sya pumunta?"
"Hindi ko po alam, Master."
"Kakauwi nya lang sa bahay umalis ulit." Sabi ko at nag pasya na akong umakyat sa kwarto ko para mag beauty sleep.
Dahil mag handa na ako para sa gaganaping laban nila Baby Dylan ko sa monday. Kyaah!! Hindi naman ako excited kahit na mag Linggo palang bukas.
Napatingin ako sa laptop ko dahil tumunog ito At May nag Gmail sa akin. Yun ay si Ms. Santos ang hinire kong secret agent today. Isa nyang kasamahan ni Mr. Lim kaya kapag katiwalian sya. Pagdating sa mga utos ko.
Ang sabi sa message nya.
Master Leo nakahanap ko ako ng details tungkol kay Mylin Lastimosa. Ayon sa nakalap kong data. sya po ang inyo ina.
*Pictures*
*Pictures*
*Pictures*
Ano!? ang mommy ko?
Sophia P.O.V
Gulat na gulat na nakatingin si mama sa akin habang nakayakap si Mr. Torres sa akin.
Oo sya nga po. Nagulat din ako bakit sya nandito kanina lang pinagke-kwentuhan namin sya ni Ria kanina ngayon nasa harapan ko na. At nasa bahay pa namin.
"Sophia...anak."
O_O ano daw!?
"A-anak?" Humiwalay ako sa yakap nya at kumot syang tiningnan "Teka nagkakamali ko ata kayo Mr. Torres. Hindi nyo po ako anak." Naiilang na sabi ko.
"Sophia...ako ang papa mo...patawad kung ngayon lang ako dumating." Naiiyak na sabi nya.
Narrator's P.O.V
Napatingin si Sophia sa mama at ate nya na hindi makatingin sa kanya. na umiiyak na. Natatakang tinitigan nya ang mama nya at si Mr. Torres na papa nya daw.
"Mama? Ate?...Totoo po bang sya si papa? diba sabi nyo patay na sya? Sabi nyo naaksidente sya. Mama sagutin mo ako." Naiiyak na tanong ni Sophia.
"Sophia. Sorry anak... Oo s-sya ang papa mo. Sorry kung nagsinungaling ak-"
"Pero ginawa mo na! Kayo! Sabi nyo wala na si papa. Alam nyo kung gaano ko kagusto pa dati ang magkaroon ng ama simula bata pa ako naiinggit na ako sa mga kaibigan ko. Tapos.. tapos.. nagsinungaling lang kayo.." napayuko si Sophia at mabilis na umakyat sa kwarto nya.
"Sophia!" Tawag sa kanya ng mama nya kaso Nakapasok na ito sa kwarto nya.
"Mylin patawarin mo ako."
"Mamaya na tayo mag usap Andrei kausapin muna natin si Sophia." Seryosong Sabi nito at pumunta na sa kwarto ni Sophia.
Sophia P.O.V
Bakit? Bakit sila nag sinungaling sa akin? Bakit tinago nila ang katotohanan na buhay si Daddy.
Bata palang ako nangangarap na akong mag karon ng ama. Tapos..
Bigla namang pumasok si mama sa kwarto ko. May duplecate pala na susi si mama ng kwarto ko. Kaya nag taklob ako ng kumot ko. "Sophia? Anak. Patawarin mo ako kung tinago namin sayo ito. Natakot lang kasi ako noon sa sitwasyon kaya nilayo ko na kayong dalawa." Naiiyak na sabi ni mama."P-Patawain M-mo ako.."
"Mama wag kang umiyak. Hindi naman ako galit sa inyo. Siguro nag tatampo lang ako. Kasi nagsinungaling kayo sa akin. Buong buhay ko akala ko wala akong papa."
"Patawad anak." Niyakap ako ni mama. "Nandoon lang ang papa mo sa baba."
"Mama sya ba talaga si papa?"
Tumango naman sya sa akin at May kinuha sa bulsa nya. At ipinakita ang litrato mula sa wallet nya na kumpleto kami.
Family picture namin.
Baby pa lang ako nito.
"Ako po ito?"
"Ikaw yan. Napakataba at ang lusog mo noon kaya pinanggigigilan ka ng mga kuya mo."
Nakakatuwa naman na malaman na May kuya pa ako. Para akong nakumpleto ganun yung feeling..
Pagkatapos naming mag-usapin ni mama. Pumunta na kami sa baba para puntahan si papa.
"Sophia." Masaya nyang sabi ng makita ako.
"Papa?"
"Oo anak."
"Kung ganun kapatid ko rin.."
"Si Leonardo ba?"
Tumango naman ako. "Sya ang kuya mo. Apat kayong mag kapatid Si Yukihiro, Summer, Leonardo at ikaw."
Ibig sabihin kuya ko si Leo?
Mylin P.O.V
Alam kong darating ang araw na malalaman na ni Sophia ang katotohanan. At ito na ang araw na yun. Nang makita ko ang mag-ama kanina na magkayakap hindi ko mapigilang umiyak sa reaksyon ni Sophia. Alam kong masakit sa na mawalay sa ama. Pero ginawa ko lang yun para protektahan sila ng mga kapatid nya.
Dahil yun sa pamilya namin. Ang Castillo at Torres family ay matagal ng mag kaaway. Hindi ko man alam ang dahilan. Pero naging dahilan yun para sa pag tutol ng pamilya namin sa pag mamahalin namin ni Andrei. Tumakas kami at nag pagkalayo layo. Namuhay ng payapa sa probinsya.
Pero isang araw may nangyaring aksidente kay Sophia nasagasaan sya. Punong puno ng dugo ang ulo nya at wala syang malay sa kalsada. Agad namin syang pinunta sa ospital At ang sabi ng doctor ay kailangan syang operahan. May namuong dugo kanyang ulo ng dahil sa aksidente at wala kaming pera para noon para maoperahan sya. Kaya nag desisyong humingi ng tulong si Andrei sa pamilya nya, para sa operasyon ni Sophia.
Isang araw pinapunta ako ni Mr. Torres na ama ni Andrei sa Mansion nila. "Sasagutin ko ang lahat ng gastusin pati sa operasyon ni Sophia."
"Maraming salamat po"
"Sa isang kondisyon." Napatingin ako sa kanya. "Hiwalayan mo ang anak ko."
"P-pero Mr. Arthuro--"
"Kung hindi mo gagawin yun. alam mo na ang mangyayare. Saka kukunin ko rin ang dalawa mong anak na lalake bilang kapalit. Bibigyan din kita ng 5 million para makapagsimula ka ulit."
Para akong pinag sakluban ng langit at lupa ng pati ang anak ko kukunin nya at ginawa nya pa akong bayaning babae. Ayoko man mawalay sa mga anak ko ngunit kailangan kong iligtas si Sophia.
Mga ilang araw matapos ang operasyon. Ang sabi ng doktor ay maaaring mawala ang alaala nito dahil sa impact sa ulo nya.
Dumaan ang 5 months at muling nag kamalay si Sophia. At ang nakakalungkot ay hindi nya na kami maalala.
At Masakit man para sa akin ay nag desisyon akong hiwalayan si Andrei. At kunin si Summer at Sophia.
At Ngayon ito sya kausap at yakap si Sophia.
Mr. Lim's P.O.V
Kanina pa ako nag aantay sa labas ng mansion para bantayan si Master Leo. Dahil sa mga oras na ito ay ginugol ni Mr. Andrei ang libreng oras nya para sa pamilya nya..
At sa mga oras na ito ay pinabantayan ko rin ang mga Torres para hindi nila mahalata na wala sa mansion si Mr. Andrei. Dahil ang alam nila palagi kong kasama si Mr. Andrei kaya akala ng mga tagabantay ay nasa mansion lang sya. Buti nalang itong si Leo ay nasa kwarto na nya.
Tinawagan ko naman ang kabilang team kung na babantayan ba nila si Mr. Andrei ngayon sa bahay nila.
"Team B kamusta ang lugar?"
"Safe and secure Mr. Lim."
"Good. Magbantay lang kayo dyan. Sabihan nyo si Mr. Andrei na kailangan na nyang umalis ng maaga baka maka halata na ang mga Torres."
"Copy Mr. Lim."
Sophia P.O.V
"Matagal na rin kitang binabantayan kay Mr. Lim. At masaya akong natatanggap ang mga regalo ko sayo."
"Kung ganun sa inyo po galing ang mga regalo na binibigay sakin ni Mr. Lim!?" Gulat na tanong ko. Dahil simula bata pa ako si palaging nireregaluhan ako ni Mr. Lim ng mga gamit. A mula pa noon nandyan lang pala si papa.
Tumango sya at hinawakan nya ang kanyang bulsa at kinuha ang cellphone nya. "Excuse me lang anak." Pag excuse nya at tumalikod sakin. "Hello? Sige naiintindihan ko..." Sabi nya sa kausap nya at humarap ulit sya sakin. "Sophia kailangan ko ng umalis dahil baka makahalata sila na umalis ako."
"Bakit? Ano po bang nangyayari?" Tanong ko.
Nilagay nya ang kamay nya sa ulo ko. "Sa ngayon kailangan ko kayong protektahan. Sa susunod ipapaliwanag ko sayo ang lahat. Pag okay na ang lahat. Patawad kung aalis ulit ako."
Nakakalungkot mang umalis si papa. Masaya na akong nakita ko sya na buhay. At nayakap pa. Sumakay na sya sa kotse nya kasama ang mga bodyguards nya.
At simula ng araw na yun. doon na nagsimula ang pagkumpleto ng buhay ko.
May papa ako at mga kuya ako.
Someone's P.O.V
"Ano ka ba wag ka ngang malikot!" Sabi nito sa kasamahan nyang reporter.
"Nakuhanan mo ba ng picture?" Tanong nito.
"Syempre naman." Sabi nito at nag apir sila. Kasalukuyan kasi silang nasa isang makapal na damo. "Madami man syang bantay hindi naman nya matatakasan ang galing ko bilang photographer." Halos ibuwis nito ang buhay nya, Dahil umakyat pa ito sa mataas na puno para lang makakuha ng litrato.
Ipinakita nito sa kasama nya ang nakuhanan nyang mga litrato. "Ano sa tingin mo ang koneksyon ng mga yun kay Mr. Andrei?"
"Aba malay ko. Pero bago natin ito ilabas sa media kailangan muna nating makasiguro kung ano ang koneksyon nila."
"Naku magiging sikat na tayo. Mapapansin natin tayo ni Boss Cheng! At magkakaroon din ako ng maraming chicks!"
(づ ̄ ³ ̄)づ
"Naku magsasabong ka nanaman. Aray!" Sabi niya at kinutongan naman sya.
(ノ`⌒´)ノ┫:・┻┻
"Baliw hindi manok ang sinasabi kong chicks! Kundi babae.."
(ノ゚0゚)ノ~ ╰( •̀ε•́ ╰)
"Ahh.. inahing manok pala well kikita ka rin sa itlog nun--Aray!! Ano bang problema mo?"
(ノಠ益ಠ)ノ*( ≧Д≦)
"May utak ka ba? Ang sabi ko mga magagandang babae."
(ノ`⌒´)ノ┫:・┻┻
"Ahh...gusto mo yung native na manok--ARAY TAMA NA TEKA ANG SAKIT NUN AH! TEKA LANG AYOKO NA!!" Sigaw nito dahil sa walang humpas na pag pato sa kanya kaya mabilis na tumakbo ito palayo sa kaibigan nya.
(ノ`Д´)ノ彡┻━┻ ( ≧Д≦)
Leonardo P.O.V
Kailangan kong malaman ang totoo. Kung sya nga ang mama ko. Bata palang ako naghahanap na ako ng kalinga ng isang ina. At ngayon na nalaman ko na sya talaga si mama. Kailangan ko syang puntahan.
Mabilis kong kinuha ang mga gamit ko at lumabas ng kwarto ko. Pagkalabas ko ng kwarto ko nakita ko agad si Mr. Lim.
"Master leo saan po kayo pupunta?"
"Pupuntahan ko si mommy! Kaya tumabi ka dyan!" Itinulak ko sya para umalis sa daraanan ko. Ngunit sa laki ng katawan nya hindi ko manlang sya napaurong kahit konti.
"Hindi po pwede Master leo."
"At bakit hindi pwede!? Matagal nyo nang tinatago si mommy sa amin. pero hindi nyo manlang sinabi saakin. Mga sinungaling kayo!"
"Pakiusap Master huminahon po kayo."
"Bitawan mo ako!!"
"Makakasama po yan sa kalagayan nyo." Sabi nya.
Dahil sa sakit ko hindi ko magawang sumali sa mga sports na gusto ko. Bwisit na sakit sa puso ito!!
"Gusto syang makita bitawan mo ako Mr. Lim!!" Naiiyak kong sabi. "Pakiusap.."
"Anong nangyayare dito!?" Isang galit pamilyar na boses ang narinig ko.
"Kuya Yuki!!" Agad ko syang pinuntahan at niyakap. "Kuya akala ko hindi ka na uuwi."
"Ano bang nangyayari dito Mr. Lim?"
"Master Yuki."
"Ayaw nya kasi akong paalisin para puntahan si mama." Sabi ko.
Narinig kong napabuntong hininga si Mr. Lim. "Yun po ang bilin sa akin ng ama nyo."
"Bakit?"
Nakarinig namn ako ng hakbang papunta saamin. "Para protektahan kayo." Sabi ni Dad.