webnovel

Chapter 6

Zhian P.O.V

Maaga akong pumasok sa school para hintayin sya. Gusto ko talagang mag sorry sa nagawa ni Beverly sa kanya.

Alam kong palagi syang maaga pumapasok para makaiwas sa mga nang-bully sa kanya.

Mula sa malayo nakita ko syang nag lalakad. Kaya agad ko syang nilapitan na ikina gulat nya.

"Hi Sophia. Pwede kabang makausap?"

Sophia P.O.V

Paano nya nalaman pangalan ko? My gosh bakit kaya nya gustong makausap ako?

Hindi kaya aamin na sya na May gusto sya sakin?

O kaya yayayain nya akong mag pakasal?

Hahaha Ang taas naman ng pangarap ko. Pero bakit kaya?

"Gusto ko lang mag sorry sa nagawa ni Beverly sayo nitong nakaraan. Sorry Sophia."

"Hindi mo na kailangan na manghingi ng sorry. Tapos na rin yun. Saka okay na ako." Sabi ko.

"Masaya ako na napatawad mo sya. Maraming salamat Sophia." Sabi nya at bigla nyang hinawakan ang kamay ko para magpasalamat.

O/////O

Dug dug dug dug

Waah! Hinawakan nya kamay kooo... My gosh!! Kyaah!!

Ang lambot ng kamay nya!!

Tinanggal naman nya yun at nakakunot na tiningnan ako. "Okay ka lang ba Sophia? Namumula ka kasi." Tanong nya sabay ngiti sa akin.

Teka masyado na ata akong asumera! Kalma ka lang sophia.

Naku naman wag kang ngumiti. Na I I love ako!! No no no. Ehem focus Sophia may jowa na yan.

"S-syempre naman okay lang ako." Nakayukong sabi ko.

"Pwede ba kitang maging kaibigan?" Nailahad nya ang kamay nya sakin.

What? Ano daw?

Friends!?

Magiging friends kami tapos maiinlove kami sa isa't isa tapos tatawagin nya akong baby nya tapos magiging kami na tapos ikakasal kami tapos... Yun pala panaginip lang.

Masyado ata akong umasa. Friends lang naman eh. Kung saan na napunta ang iniisip ko.

"Sure." Sabi ko at tinanggap ang kamay nya.

"First I'm Zhian." Nakangiting sabi nya. Habang nag kashake hands parin kami.

"I'm Sophia."

"Friends." Sabay naming sabi.

Leonardo P.O.V

Super init sa earth! Grabe ang make up ko masisira na ata sa sobrang init! Tapos itong si Mr. Lim masyadong strict.

Like duh hindi nya ba naisip na naiinitan ang Dyosa!? Kalerki.

Nakatingin ako sa malaking gate ng school.

"Mag-iingat po kayo Master Leo." Sabi ni Mr. Lim sabay yumuko sakin.

"kailangan ko ba talagang pumasok sa school?" Nakakunot kong Sabi.

"Kailangan po master Leo." Sabi nya.

Eh! Ang init kaya. Saka nakakatamad pumasok ngayon.

Tinarayan ko naman sya sa isip ko. Oo nga pala hindi alam ni Mr. Lim at daddy na kasali ako sa grupo.

Grupo ng mga magaganda.😘

"Sige papasok na ako." Sabi ko. No choice naman ako dahil pag umuwi ako. Baka hindi na ako bigyan ng allowance ni dad.

"Sige po master Leo." Urgh! Nakakairita ang tawag nya sakin. Haler! My name is Kimmy😒

Habang nag lalakad ako papasok sa school May napansin akong nag lalakad na ang suot ay mahabang palda maluwag na damit at magulong pag kakatali ng buhok.

Like Eww! Ano bang damit yan!?

Lumapit naman ako sa kanya at tinap ang balikat nya at lumingon sya.

"Hi Miss anong name mo?" Nakangiti kong sabi sa kanya.

Mukha naman syang nagulat at hindi alam ang sasabihin. Oo nga pala sa school na toh. Ang tawag nila sa akin ay Leo ang Prince charming ng lahat. Pero hindi nila alam na ako ang Prinsesang nag babalat kayo lamang na lalaki.

Ang true ko talagang pag katao ay Bakla ako.

Yup maraming nag sasabi na gwapo ako. Sabi rin sa akin ni Rianna na sayang daw ako.

Well hindi yun sayang kundi a Miracle🤗👸

"Sorry kung nabigla ka. Ako nga pala si Leo." Abot ko ng kamay ko sa kanya.

Sophia P.O.V

Matapos maging kaibigan ko na si Zhian. Umalis naman sya agad dahil May practice pa sila ng team nya.

Naalala ko na sa Monday na ang laban nila. Kaya ito na ang last practice nila. Para mag handa sa liga. At kami namang mga drum and Lyre May practice din mamaya.

In a middle of nowhere habang pa pasok na ako sa gate biglang May kinalabit naman sa akin. At hindi lang yun isang simple at ordinaryong tao ang kumalabit lang naman sakin ay si..

"Sorry kung nabigla kita. Ako nga pala si Leo." Sabay abot nya ng kamay nya.

WAAHH!! sya lang naman ang top 2 na matalino at gwapo sa school. At isa rin syang sikat na model ng isang sikat na Fashion company.

"Ahm...ako si S-Sophia." Nauutal kong nasabi sa pagkabigla parin.

"Wow ang gandang pangalan?" Sabi nya habang pinapakita sa akin ang kumpleto nyang ngipin.

"Pwede ko bang malaman ang classroom number Mo?"

Ano daw nabingi ako.

"A-ano!?"

Napakamot naman sya ng batok nya habang nakangiti. "Well gusto ko kasing makipag kaibigan sayo kung pwede?"

Napataas naman ang dalawang kilay ko dahil sa sinabi nya.

"Sure ka!?"

"Yup!"

Leonardo P.O.V

My gosh girl pag may nakikita talaga akong ganitong itsura hindi ko ma pigilang gawan ng make over. Hindi ko naman sya hate. Ang hate ko ay kung papano sya manamit at kung papano nya ayusin ang sarili nya.

My goodness Cassy!!

Kahit na naguguluhan sya Ibinigay naman nya ang Room number nya. This girl i want to give her a make over. Matapos yun pumasok na ako sa room ko.

At lahat halos ng babae napatingin sa ganda ko. Syempre ilang araw ba naman ako nawala dahil May fashion week akong inatend at halos hindi na ako nakapasok. Buti nalang pinayagan ako ng school.

Pero kailangan ko daw humabol na hindi naman problema sa akin dahil pinanganak din akong matalino.

Pagkatapos ng klase ay break time na kaya pumunta agad ako sa room number nung Sophia. At lahat nanaman ng babae nakatingin sa akin.

Grabe girl ang gwapo talaga ni Leo.

Ano kayang ginagawa nya dito sa building natin?

Napansin ko naman na lumabas na si Sophia sa room nya kasama si Rianna. Mukhang close sila ah! Tamang tama lang pala ang dating ko.

😌

"Uy Leo buti naman pumasok ka na." Masayang nyang palo sa balikat ko.

"Kamusta na Rianna mukhang ang laki ng pinag bago ah!"

"Sya nga pala ang bago kong kaibigan. Si Sophia." Pakilala nya kay Sophia.

"Yes kilala ko na sya nag kita rin kami kanina."

"Wow what a good news tara dun tayo sa tambayan." Bigla naman kaming inakbayan ni Rianna at pumunta na sa secret garden sa rooftop.

"Aaah! Namiss ko ang lugar na ito." Sabi ko at prenteng umupo sa bench. Nang May bigla akong maalala.

Oo nga pala May Mission pa ako kay Sophia. Tutal kaibigan naman sya ni Rianna syempre kaibigan ko narin sya. Saka mukha namang mabait itong si Sophia. Kaya okay lang na sabihin ko sa kanya ang sikreto ko.

Sophia P.O.V

Hindi ako makapaniwala na kaibigan rin pala ni Leo itong si Ria.

Paglabas ko kasi nag kamustahan sila Ria at Leo. At ang lahat ng kaklase ko ay nagulat dahil nandito sa building na ito ang Top 2 sa university. Ang sikat na si Leonardo Torres.

Bakit nandito si Prince Leo?

Waah! Girl nakikita mo ba yun!? Kasama ng nerd na yun si Leo.

Ang landi talaga nya. Nung nakaraan si Dylan ang kasama nya ngayon ang prince Leo natin.

That bitch! Ginayuma nya ba ang mga ito?

At iba pa. Yan lang naman ang mga sinasabi nila sa akin. Well sanay na ako sa lait nila. Eh sa kung hindi ba araw araw ko yan naririnig. Sinong hindi mai-immune?

At kanina ko pa ito gustong malaman kay leo. Eh kasi nakakabastos naman kung tanungin ko yun.. eh pano kung hindi naman totoo yun edi napahiya ako.

Ngayon ko lang nakita si Leo na ganito. Parang May something akong naaamoy e.

Inilapit nya ang mukha nya sakin."Saka nga pala Sophia. Ngayong kabigan ka narin namin. Sasabihin ko sayo ang sekreto ko." Sabi nya.

Sheyms tama ba ako?

"Na dyosa ako!" Proud nyang sabi. Na ikinangiti ko.

Sabi ko na nga e.

"Sabi ko na nga bakla ka." Mahina kong sabi na sapat na para marinig nya.

"Hindi ka manlang nagulat?" Sabi nya.

"Hindi ako naniwala nung una. Pero ngayon na totoo naman pala. Okay lang sakin." Nakangiting Sabi ko. Nagulat naman ako ng bigla nya akong yakapin.

"Sis! Thank you." Sabi nya.

Pero shocks sayang ka Leo.

"Okay lang." Naiilang kong sabi. Hindi parin kasi ako sanay na ganito sya.

Na-imagine ko tuloy yung mga times na ang manly nya at ang gentleman nya sa mga babae sa school. Tapos sa kabilang side naman ay yung diring diri sya sa ginagawa nya.

Natawa naman ako bigla.

"Okay ngayong. Dumating ka na mag celebrate tayo." Maarteng Sabi ni Ria.

"Tutal weekends na bukas Shopping tayo." Excited na sabi ni Rianne. Na ikinatuwa ni Leo rin.

"Wow tamang tama yun. Marami akong gustong bilhin. At sakto lang rin dahil gusto kong bigyan ng make over itong si Sophia." Maarteng sabi ni Leo. Na ikinagulat ko.

"Isa pa pala Sophia. Tawagin mo nalang akong Kimmy." Sabi ni Leo sakin. "Pag walang nakakakita." Mahinang bulong nya.

Napangiti naman ako. Kimmy!? Hmm.. parang bagay sa kanya ang Lia kasi Leo ang name nya. Kaya Liana.

"Parang mas maganda ang Liana na pangalan." Suggest ko. Na ikinatuwa nya.

"Wow pwede girl!. Liana. I like it!"

"Oo nga teh! Saka para parehas tayo na May 'ia' na pangalan. Tawag ko kay sophia ay Pia tawag nya naman sakin Ria at ikaw Lia for liana mo. Waaah!! Destiny talaga tayong tatlo!" Masayang sabi ni Ria.

"Naks May tawagan na tayo!" Sabi ni si Leo as Lia.

Masaya ako na meron ulit akong bagong kaibigan.

Matapos ang klase ngayong araw ay napagpasya namang mag sabay sa pag labas sa school. Nang makalabas na kami sa school. Nakita ko agad ang mga sundo nila Ria at Lia.

Isang magarbong kotse. At isa pa nakita ko rin si..

"Mr. Lim?" Gulat kong sabi ng makita si Mr. Lim na lumabas sa magarbong kotse na yun.

"Sophia ikaw pala." Sabi nya.

"Magkakilala kayo?" Tanong ni Lia sa amin.

"Kaibigan kasi sya ni mama. Kaya kilala ko sya. Hindi ako makapaniwala na butler mo pala sya." Sabi ko.

"Mr. Lim magkakilala pala kayo pero di mo sinabi sa akin?" Sabi ni Lia.

"Sorry po Master Leo." Yuko ni Mr Lim kay Leo. Na muntik ko ng ikatawa. Buti nalang napigilan ko.

"Pfff- ehem. Sige Leo alis na ako." Natatawang paalam ni Ria. " Ba-bye Pia. Wag nyong kakalimutan yung usapan natin bukas."

Tumango ako bilang sagot sa kanya.

"Pia sabay ka na saamin. I hahatid kita." Alok ni Leo.

"Naku wag na. Mag commute nalang ako." Sabi ko. Nakakahiya naman kasi sa kanya.

"Sigurado ka?" Nag aalala ng tanong ni Leo.

Tumango naman ako't ngumiti sa kanya. "Okay lang talaga ako."

"Sige. Mag-iingat ka." Sabi nya bago sila umalis na.

Naiwan naman akong magisa kaya nag lakad na ako pauwi. Padilim na rin ang langit kaya nakabukas na ang mga street lights.

Sorry Sophia.

Naalala ko nanaman ang mga sinabi ni Zhian saakin kanina. Bakit sya nag sorry?

Patawarin mo sana si Beverly sa nagawa nya.

Imbes na si Beverly? Mukhang wala na akong magagawa.

At mahal nya talaga si Beverly.

Pero buti nalang  naging mag kaibigan kami.

Kahit friends lang okay na ako.🙂

I'm okay.... I hope so..