webnovel

Chapter 12

Sophia P.O.V

Nang makilala namin si Jazmine ng araw na yun nalaman rin namin na mag ta-tranfer sya sa school din namin ni Ria sa susunod na buwan. Grabe ang saya namin ng malaman yun kaya niyakap namin sya ng mahigpit. Nung araw din na yun nanuod kami ng sine at bumili ng gamit nag laro sa arcade at kumain. Sayang lang dahil wala si kuya leo.

Meron kasi syang photoshoot this week kaya busy sya. Kaya hindi namin sya nakasama ni Ria. Simula rin ng malaman kong kapatid ko si Kuya leo naging mas close pa kami sa isa't isa. Sa kalaunan sinabi na rin namin kay Ria ang tungkol sa amin at nagulat sya ng malaman yun pero kailangan naming isekreto lang yun dahil hindi pa namin alam kung anong mangyayari kung malaman ito ng lolo ko.

Hindi ko man alam kung bakit sya galit sa pamilya ni mama pero naniniwala akong balang araw matatanggap nya rin si mama. At magiging close kami.

Ano kayang itsura ni lolo?

Nasa terrace ako ng biglang pumasok si ate Summer. "Sophia?" Narinig ko tawag nya sa akin.

"Bakit ate?"

"Wala lang gusto ko lang malaman kung anong ginagawa mo."

"Nag iisip lang ako kung anong itsura ni lolo. At hinihiling na sana balang araw mag reunion tayong mag pamilya." Sabi ko habang nakatingin sa kalangitan at maraming bituin. Nakaramdam naman ako ng pag akbay ni ate.

"Parehas lang tayo ng gusto Sophia. Sana matapos na ito para hindi na umiyak ulit si mama." Sumandal ako sa balikat nya at pumikit.

"Sana nga ate Summer."

---

Panibagong araw na naman para pumasok sa school at mukhang marami ang pumasok ng maaga ngayon. Ang sabi sa kin ni Ria May lagnat daw sya na mukhang hindi sya makakapasok ng ilang araw at ngayon hindi rin makakapasok si kuya leo kasi naman busy sa trabaho nya. Hays sana namn walang mangbully sa akin ngayong araw na ito.

Habang nag lalakad ako sa hallway nakikita ko ang mga tingin nilang lahat sa akin parang feeling ko gusto ko ng lamunin ng lupa sa titig nila. Shempre nakasuot ako ng maluwag at mahabang palda, makapal na salamin at magulong pag kaka tali ng buhok. Well mas comfortable kasi ako ng ganito ang suot. Kesa naman sa suot ng iba na halos nakulangan ng tela ang suot. Kung siguro nag titinda lang ako ng tela bibigyan ko sila.

Libre pa.

Parang ayoko ng ganyang suot na kita na ang dibdib at maikling palda with ternong mahabang heels na parang makakabali sa Paa ko pag sinuot ko yun.

Nagulat nalang ako ng mag biglang umakbay sa akin. "Hi miss Beautiful." Na hindi ko kilala.

Sino ba ito? Mukhang ang lakas din ng trip nito. May pa miss beautiful pa.

"Alam mo bang ang ganda mo today?" May pag ka sarcastic at natatawang sabi nya.

"HAHAHA Uy! Tae nakaka cringe!" Sabi ng mga tropa nyang mukhang baliw kaka pigil ng tawa.

"Tigilan nyo nga ako." Sabi ko at tinanggal ang pag kaka akbay nya sa akin. Na ikinagulat nila.

"Oy! oy! Panis ka pala Dude eh! HAHAHA" Pangaasar ng mga kasama nya.

Aalis na sana ako ng May bigla namang humawak sa akin at hinila ako sa loob ng comfort room. "Ano ba! Bitawan nyo ako. Among gagawin nyo-" At tinapunan ng spaghetti.

"Binigyan ka lang namin ng make over na bagay sayo." Sabi nya. Sila ang mga alipores ni Beverly.

"At ang kapal din ng mukha mong lumapit kay Dylan ko."

"Akala mo naman maganda sya."

"Isa ka lang basura tandaan mo yan."

"At kahit kailan hindi ka nababagay sa tulad naming magaganda."

"Kaya wag ka ng umasa na magugustuhan ka ni Dylan dahil wala ka pa sa kalahati ng GANDA NAMIN." Sabi nya at binuksan ako ng orange juice bago sila umalis.

Namayani ang katahimikan pag katapos nilang umalis. Humarap ako sa salamin at tumingin sa sarili ko. "Panget nga talaga ako." Mapait akong ngiti sa sarili ko habang tumutulo na ang luha ko. "Hindi nyo naman kailangang sabihin dahil alam ko na yun." Isang napakasakit na katotohanan.

Dahan dahan kong tinanggal ng mga pasta sa ulo ko at hinilamusan ang mukha ko na puno ng sauce nito. Habang ginagawa ko yun hindi parin tumitigil ang pag labas ng luha ko.

Nagpatuloy yun ng Talong araw. Nung una spaghetti sung nakaraan naman chocolate cake. Ang tinapon sakin. At ngayon naglalakad ako papasok ng pinto.

"Guys nandito na sya. Ready nyo na." At pag bukas na pagkabukas ko ng pinto ay may naghagis ng mga itlog sa akin kaya agad kong tinakpan ang mukha ko at tumakbo agad sa banyo.

At ngayong araw namn ay palabok ang tinapon nila sa akin. Lahat ng ginawa nila nanahimik nalang ako. Baka sakaling mag sasawa rin sila sa ginagawa nila.

"SOPHIA!" Narinig ko namn bigla ang pagtawag sa akin ni Ria na kakarating lang sa Comfort room at mabilis na niyakap ako.

"Sorry Sophia." Hinaplos ko ng buhok nya. At pilit akong ngumiti at pasiglahin ng boses ko.

"Ano ka ba Ria. Bakit ka nag so-sorry?"

"Hindi kita mapagtanggol sa kanila."

"Ano ka ba okay lang naman ako-" bigla syang humiwalay sa akin. At nginitian sya.

"Palagi mo nlang sinasabi yan. Palagi ka nalang bang ganyan?" Naiiyak na galit na sabi nya.

"Anong magagawa ko? Saka Mag sasawa rin naman sila sa ginagawa nila. Mas mabuti lang na mana-"

"Manahimik!? Kahit na sinasaktan ka na nila?"

Hindi ako sumagot at tinuloy lang na punasan ng damit ko na madumi na ulit. Bigla naman akong hinila ni Ria at muling niyakap.

"Nandito lang ako walang makakakita sa atin. Iiyak mo lang yan Sophia."

Huminga ako nang malalim para sabihin sa kanya na okay lang ako. Pinilit kong ngumiti sa kanya. Ngunit binigo ako ng mga luha ko at kalaunay humikbi na sa kakaiyak.

"Sige iiyak mo lang yan Pia... Nandito lang ako."

"R-ria.. panget ba ako?"

Humarap sa saakin at tinitigan ako. "Hindi ka panget. Tandaan mo yan. Wag kang maniniwala sa kanila. Okay!?"

"S-salamat... Ria at nandyan ka."

"Nandito lang ako para sayo. Pangako ko yan."

Ang isa maganda sa pagiging panget ko. Nakahanap ako ng tunay na kaibigan na palaging nandyan sa akin at hindi ako iiwan, At yun ay si Rianna.

Rianna P.O.V

Hindi talaga ako makapaniwala sa mga araw na May sakit ako ganito ang ginagawa nila kay Sophia. Parang gusto kong sumabog sa galit sa ginawa nila.

Nandito kami ngayon sa comfort room at nililinis ang dumi sa damit nya. Tinawagan ko narin si Leo para bumili ng extrang damit kay Sophia. At hinihintay nalang namin syang dumating dito.

"Ria, Pia nandito na ako." Narinig kong tawag ni Leo.

Lumapit ako sa pinto at binuksan yun at pinapasok sya sa loob.

"OMG! Anong ginawa nila sa kapatid ko!?" Galit na sabi nya ng makita si Sophia.

"Okay lang naman ako kuya." Sabi ni Sophia.

"Ito ng damit mag palit ka na." Bigay nya kay Sophia sa damit at pumasok na ito sa shower room ng c.r. humarap naman sa akin si Leo na halatang galit dahil sa ginawa nila sa kapatid nya.

"Nasaan ang mga May gawa nito kanya!?"

"Sa ngayon wag mo muna silang atupagin. Si Sophia kailangan nya tayo. Hindi nya ako tinitingnan sa mata kanina at tahimik lang na umiiyak."

"Pag babayaran nila ang ginawa nila sa kanila. Tama bang ganunin nila ang taong makita lang nilang hindi nila gusto!?" Sabi nya. Sa mga oras na ito nakikita ko ang boy side ni Leo dahil sa kapatid nya. He's sweet kuya to Sophia.

"Ria parang May mali sa damit ko." Biglang lumabas si Sophia na nakasuot ng white dress na above the knee na sakto lang sa kanya.

"My Gosh Sophia ang ganda mo." Sabi ko habang tinitingnan nang itsura nya. Kahit walang make up natural ng parang may make up ang mukha nya. Natatakpan lang kasi yun ng makapal nyang salamin pero kung nakatanggal yun. Masasabi mong beautiful. PERIOD.

Ngumiti lang sya sakin at tumingin kay Leo.

"That's my Sister Gorgeous din tulad ko." Sabi nya at niyakap si Sophia na sinundan ko naman at nag yakapan kaming tatlo.

Matapos nun ay inayusan ko si Sophia tinanggal ang salamin nya at pinalitan ng Contact lens na sabi nya ay bihira lang nya gamitin. At kahit konting lipsgloss at pulbos lang okay na sa mukha nya. Ang ganda ng Bestfriend ko.

____