webnovel

Chapter 10

Dylan P.O.V

Natawa ako ng Wagas ng makita ko ang reaksyon nya.

"Baliw ka na ba?" Nakakunot na tanong nya. Sino ba kasing hindi magugulat kung nilapit ko bigla ang mukha ko sa kanya. Eh sa sobrang ka gwapuhan ko pa lang panis na sya---

*Poink!*

"ARAY! bakit mo ginawa yun!?" Himas ko sa ulo ko. Shut ang sakit nun ah!

"Wag mo ng akong masali-sali sa trip mo. hindi ako na tuwa." Galit nyang sabi at nanuod na ng laro.

#FAIL

"Tapos mo na bang basahin yung libro?" Hindi nakatinging tanong sa kanya.

Naramdaman ko namang napatingin sya sa akin. "Tapos na Bakit?"

"Pahiram naman."

"Sige basta wag mong lulukutin okay!?" Mataray nyang sabi.

"Syempre naman. IINGATAN KITA." Lumingon ako sa kanya bigla at nagulat nalang ako ng nakahanda na ng pag sapol nya sa ulo ko habang naka poker face sya. Kaya umilag na ako. "Uy! Masakit yan!" Turo ko sa kamay nya. Napa 'tch' nalang sya sakin at

Nagulat nalang ako ng "AND THE WINNER IS MYTHS!!!" Sigaw ng MC. Lahat ng supporters ay natapon sa kani-kanilang upuan salo na kami ni Sophia.

"Wooh! The best ka talaga Zhian!" Sigaw ni Sophia habang nakikita ko ng masasayang ngiti nila Zhian ng manalo sila, na hindi ko alam kung bakit napatahimik ako at umalis na lang.

Sophia P.O.V

"Huh!? Nasan na sya?" Nagulat nalang kasi ko ng wala na si Dylan sa tabi ko ng manalo nanaman ulit ang Myths at dahil yun sa magaling na teamwork nila. Pero itong si Dylan bakit hindi nag laro at nasaan na ba yun?

Lahat ng tao nag sasaya na. At nag sisigawan ng Myhts.

"Sophia!" Tawag sa akin ni kuya Leo. Nito kasing nalaman ko na kuya ko sya. Palagi nalang kaming mag kasama at syempre pati rin si Rosanna.

"Kuya Leo. Nanalo nanaman sila!! Diba ang saya!?" Tuwing tuwa kong sabi.

"Hindi ako masaya kasi hindi ko nakita si Dylan. Balita ko kasi napilay ang Paa nya sa practice nila. Kaya hindi sya nakalaro ngayon." Malungkot na Sabi nya na ikinagulat ko.

"Ano!?" Akala ko tumakas lang sya. Pero yun pala...

Kailangan kong hanapin si Dylan. Kung ako yung nasa kalagayan nya Napakasakit nun, ang hindi mo makakasamang mag laro ang mga kaibigan mo.

"Sophia saan ka pupunta?"

"Sorry kuya May pupuntahan lang ako." Tumakbo ako palabas ng court at pumunta agad sa Hallway. Ng makita ko bigla sila Zhian at Beverly na nag aaway na nasa tabi ni Beverly si Marcus.

"Beverly anong ibig sabin nito?" Tanong ni Zhian kay Beverly.

"Pwede ba Zhian wag kang OA kaibigan ko lang si Marcus."

"Kaibigan? Kaibigan ba yung nag Fli-flirt sa isa't isa?" Galit na sabi ni Zhian. "Kaibigan na pala yun?" Galit na pilosopong sabi ni Zhian.

"Zhian mag best friend lang naman talaga kami."

"Bahala ka." Sabi ni Zhian ay umalis na sa harap nila.

"Zhian!!" Humarap naman si Beverly kay Marcus. "Kasalanan mo ito." Hinampas ni Beverly ang bulaklak sa dibdib ni Marcus at umalis na rin para sundan si Zhian.

"What!?" Hindi makapaniwalang sabi ni Marcus.

Hindi ko nalang pinansin yun at umalis na. Tanggap ko na hindi talaga pwede eh. Kaya lalayo na ako simula ngayon.

Pero ang iniisip ko ngayon nasaan kaya pumunta si Dylan?

Dylan P.O.V

Nag punta ako sa Plaza garden ng School para makapag muni-muni.  Inihiga ko ang sarili ko sa damuhan at tinignan ang magandang langit at ulap at pumikit muna saglit. Nang mag biglang may humarang ng liwanag nito.

Nang iminulat ko ng mata ko nakita ko si Sophia na nakatayo. At tinatakpan liwanag para hindi ako masilaw gamit ang kamay nya. "Napakainit kaya! Ano bang ginagawa mo dito?"

Dahan dahan akong umupo at tinitigan sya. "Bakit ka nandito?" Tanong ko sa kanya.

"Ako naunang nag tanong kaya sagutin mo muna ako." bossy na sabi nya.

Napa smirk naman ako sa sinabi nya. "Okay panalo ka na." Taas ko ng kamay sign na suko na ako. Pumunta kami sa ilalim ng puno.

"Kaya ako nandito kasi para matulog." Pasimula ko.

"Okay ka lang ba?"

Nagulat naman ako sa tanong nya kaya napalingon ako sa kanya.

"Nabalitaan ko kasi na pilay ka."

"Ah.. ayun ba? Okay lang naman ako." Nakangiti kong nakatingin sa langit.

"Sure?" Tanong ulit nya.

Maikli akong napangiti. "Alam mo ikaw palang ang nag taong nag tanong sa akin nyan. Iniisip kasi ng lahat ng wala akong problema at palaging seryoso sa lahat. Pero hindi nila alam na kahit na ganun makulit din ako, palabiro."

"Alam ko." Sa sinabi nya napatingin ako sa kanya. "Pag kasama mo ang ng kaibigan mo dun ko nakikita ang totoong Dylan. Masaya kang kasama sila. Sila ang palaging nag papasaya sayo at nag papalabas ng totoong ikaw."

"Pangit ba yun?"

"Naku hindi Ah! Maganda yun kasi pinapakita mo kung ano ka talaga. Hindi lahat ng tao naipapakita ang totoong sila. Minsan kailangan nilang mag sinungaling para sa ikabubuti ng lahat kahit na nahihirapan na sya."

"Tama ka. May mga tao rin kailangan mag sinungaling para protektahan ang mahal nya."

"Kaya kung gusto mo ng makakausap at makikinig. Nandito lang ako." Nakangiti nyang sabi s akin.

*Dug Dug*

Wait bakit ganito ang nararamdaman ko?

"O-okay." Ang bilis ng tibok ng puso ko.

Author's P.O.V

Nakaupo sa malayo si Rhian at pinag mamasdan sila Dylan at Sophia sa malayo.

"Bakit napaka pamilyar mo sa akin Sophia?" Tanong nya dito kahit na alam nyang hindi sya nito naririnig.

Mag mula ng makilala nya si Sophia. Hindi nya mapigilang isipin kung sino si Sophia at bakit pag nakikita nya ito ay bumibilis ang tibok ng puso nya ng hindi nya alam kung bakit.

"Sino ka ba talaga Sophia?" Mahina nyang sabi habang nakatingin sa dalawa na mag katinginan sa isa't isa.

Habang mula sa malayo ay nakatingin din si Beverly sa kanila Dylan at nang gagalaiti sa kanyang nakikita.

"Bakit ba napaka landi ng isang ito? Ngayon naman si Dylan ang nilalandi nya." Naka cross arm na nakatingin sa kanila. "Paepal din sya saamin ni Zhian, sigurado akong sinabi nya kay Zhian ang saamin ni Marcus. Humanda ka saakin." Sabi nya at sabay umalis na.