webnovel

You're Still The One [Filipino]

Mula high school ay gusto na ni Sheyi si Cj. Nagsimula lamang sa isang kasinungalingan ng kanyang kaibigan hanggang sa unti-unti ay nahulog na siya dito. Si Cj ang nagturo sa kanya kung ano ang ibig sabihin ng pag-ibig. Dahil din dito ay naranasan niya ang umiyak at masaktan at ang umasa sa wala. Unang taon niya sa high school nang makilala at nang mahulog siya rito. Hindi niya inaasahan na sa kanilang muling pagkikita ay naroon parin sa kanyang puso ang nararamdaman para rito. At katulad noon, binibigyan siya muli nito ng pag-asa na nauuwi lamang din sa wala. Pero bakit? Dama niya na may nararamdaman din ito sa kanya ngunit bakit siya nasasaktan? Bakit kailangan niyang masaktan? Pinaglalaruan lang ba nito ang nararamdaman niya? Biro lamang ba dito ang lahat?

Avvynibini · Hiện thực
Không đủ số lượng người đọc
45 Chs

T W E N T Y T H R E E

  Sheyi's POV

Kinabukasan ay nagulat ako dahil may nakahintong sasakyan sa harap ng bahay namin. Palabas na sana ako para pumasok ng bumukas ang pinto ng kotse at mula rito ay lumabas si Antony.

"Good morning," nakangiting bati nito sa akin.

"Lahat ba ng nagtatrabaho sa restaurant na iyon ay may kotse?," takang tanong ko habang pinagmamasdan ang magarang sasakyan sa tabi niya. Natawa siya dahil sa narinig. Umikot siya para buksan ang pinto sa passenger seat.

"Halika na,ihahatid na kita," sabi nito kaya naman lumakad na ako at sumakay bago niya isara ang pinto at muling umikot upang magtungo sa driver seat para sumakay na rin.

"Paano mo nalaman itong sa amin?," takang tanong ko ng pareho na kaming nasa loob ng kotse.

"Tinanong ko kay Lorraine," nakangiting sagot niya bago dumukwang sa akin para abutin ang seatbelt at ikabit sa akin. Naalala ko tuloy noong inihatid ako ni Cj. Ganito din ang ginawa niya ngunit hindi naman ako ganito kakalmado noon. Sobra ang lakas ng tibok ng puso ko noon nang lumapit siya sa akin.

Si Cj na naman.

Napailing ako at agad na pinalis sa isipan si Cj. Nang matapos si Antony na ikabit sa akin ang seat belt ay ginawa niya din ito sa sarili.

Ngayon ko lang napagtanto ang suot niya. Malayo ito sa nakagisnan kong uniform namin sa restaurant.

"Antony, hindi ka ba papasok?," tanong ko dahil mukhang may iba siyang lakad.

"Parang kakaiba ang suot mo ngayon,"

"Papasok ako syempre," sagot niya bago pasindihin ang ignition.

"Kaso baka ma-late ako dahil may pupuntahan muna ako bago pumasok,"

Tinanong ko kung saan siya pupunta pero ang sagot niya ay sa malapit lang kaya hindi ko na muling inulit. Marahil ay ayaw niyang sabihin sa iba. Tahimik lamang kami habang binabagtas ang daan patungo sa restaurant. Nagtext ako kila Lorraine at Arlyn na hindi ako makakasabay sa kanila. Nang makarating at makahinto kami sa may parking lot ay nauna siyang bumaba para pagbuksan ako ng pinto. Nagpasalamat ako sa kanya bago siya muling sumakay sa kotse at umalis.

Nang makapasok ako sa restaurant ay sa locker agad ako nagtungo. Si Geraldine ang naabutan ko doon habang naglalagay ito ng gamit sa sariling locker. Malamang ay kadarating lang din niya. Saglit niya akong tinignan bago tuluyang isara ang locker at naglakad patungo sa labas. Nagkibit balikat lamang ako at nagpasyang magbihis na ng uniform.

Katulad ng nakagisnan ay sa kusina ako dumiretso. Napahinto ako sa aking paglalakad ng makitang nandon na si Cj. Naghahasa ito ng kutsilyo. Huminga ako ng malalim bago muling humakbang.

Act normal She. Kalma lang.

Marahil ay hindi niya pa ako napapansin dahil abala parin siya sa ginagawa. Mabilis ang kilos na nagtungo ako kaagad sa lagayan ng mga pupunasang kasangkapan upang gawin ang nakagawian ko ng gawin tuwing umaga. Pinilit kong kumilos ng kaswal. Nakakailang minuto na ako ng marinig ang pagpasok ni Ma'am Ana sa kusina. Saglit akong natigilan ng marinig ang sobrang tamis na bati nito kay Cj. Inangat ko ng kaunti ang paningin upang silipin sila na sana ay hindi ko nalang ginawa dahil nakalingkis na naman si Ma'am Ana kay Cj.

Mukhang sila na nga talaga.

Napairap ako ng palihim bago muling ipinagpatuloy ang ginagawa. Nang matapos ako ay nagdiretso na ako sa locker dahil nag-ngingit ang kalooban ko sa mga nangyayari sa kusina. Parang sinasadya nilang iparinig sa akin ang mga landian nila.

Naabutan ko sila Arlyn at Lorraine na nag-aayos na ng uniform. Maya-maya pa ay nagtungo na ang lahat ng empleyado sa locker room pati na ang mga chefs at mga assistant nito para salubungin ang anak ni Mr. Chen.

Nauna itong pumasok at sa likod nito ay nakasunod ang isang binata na nakayuko at ng mag-angat ito ng paningin ay napanganga kaming lahat.

"All of you, this is my son, Antony Chen," pagkasabi ni Mr. Chen ng mga katagang iyon ay umugong ang mga bulungan ng iba pang empleyado dahil sa labis na pagkabigla.

"Maybe you are all wondering how it happened because as you can see, Antony was a former employee of this restaurant. Well, that was my way on teaching him how to handle such business like this. I want him to fully understand how hard it is to work here,and I guess he finished his job very well. He will be your new boss,"

Nagsimula ang palakpakan mula sa mga empleyado. Napatingin sa akin si Antony bago ngumiti at kumindat.

So kaya pala ang gara ng kotse niya saka kakaiba ang suot niya kanina.

Nagsimula ang trabaho namin matapos ang pagpapakilalang iyon ni Antony.. Mali.. Ni Sir Antony pala. Ngayong siya na ang bagong may-ari ay ibang-iba siya sa Antony na nakilala kong nagtatraho dito dati. Mabait parin naman siya at palangiti pero masyadong strict pagdating sa negosyo.

"Nagulat ba kayo?," nakangiting tanong niya ng sumapit ang lunch break namin. Nagpunta siya sa locker room at naabutan niya kaming kumakain.

"Sobra! Sinong mag-aakala na anak ka ni Mr. Chen eh hindi mo naman siya kamukha," sagot ni Arlyn na sinang-ayunan naman ni Lorraine.

"Sabi ko na eh, may kakaiba talaga kanina noong nakita kita sa labas ng bahay namin," sambit ko naman kaya napatawa siya. Ikinuwento niya sa amin ang mga hirap na dinanas niya dahil sa pagsubok na ibinigay sa kanya ni Mr. Chen upang mapatunayan na handa na siyang hawakan ang mga business ito. Napag-alaman din naming nagtrabaho ito sa resort kung saan ginanap ang party ni Mr. Chen. Natapos ang kwentuhan namin ng sumapit ang oras ng aming trabaho.

Naging maayos naman ang maghapon kahit na paminsan minsan ay naiinis ako dahil sa nakikitang landian sa kusina. Minsan ay nahuhuli pa ako ni Cj na nakatingin sa kanila kaya naman dinalangan ko ang pagpunta sa kusina.

Pagsapit ng uwian ay nagprisinta si Antony na ihatid ako pauwi ngunit tinanggihan ko siya dahil kailangan kong dumaan sa palengke dahil may bibilhin ako, ayoko namang abalahin pa siya kaya sinabi kong sa susunod na lang.

***