webnovel

Chapter 3: Chosen Member

Third Person's POV:

Nabigla si solar sa nangyari kaya di' niya napansin ang mga taong nasa paligid nito.

Nakatingin parin ito sa puno ng makarinig ito ng isang boses..

" This incident says it all.. "

Napatingin ang binata sa likuran nito at nakita ang isang lalaking nasa middle age na.

Nagtatakang tinignan ni solar ang lalaki

" What do you mean?  "

Naglakad palapit ang lalaki sa binata, pormal ang suot nito at sa kanyang tindig ay bakas ang ma-awtoridad nitong aura.

" let me introduce myself first to you,  young man..  " sambit nito

" Im Jameson Deulthane , the Headmaster of this University "

Nilahad nito ang kamay kay solar.

Agad tinanggap ito ng binata,

" ako nga po pala si----" di nito naituloy ang sasabihin ng biglang pinutol ito ng headmaster.

" Solar Dave Lightstone, " agad nanlaki ang mata ng binata sa pagbanggit ng HM sa pangalan nito.

" Paano niyo po nalaman?  " takang tanong nito.

" Well,  it's  a long story " at ngumiti ito.

" Now,  that im sure na meron kang kapangyarihan. can you see me after lunch ? I need to discuss to you on something. "

Anyaya ng headmaster kay solar.

Di tumanggi si solar sa alok ng HM.

Dahil marami siyang gustong tanungin dito.

Tinignan ni solar ang kanyang mga kamay di parin ito makapaniwala sa nangyayari.

Sumapit ang lunchtime at ganoon parin ang trato sa kanya ng mga estudyante.  Animo'y isang taong may nakakahawang sakit kung makagilid ang mga ito sa tuwing dadaan si solar.

Papunta narin kasi ito ngayon sa HM office kung saan makikipagkita ito sa punong principal ng unibersidad.

Solar's POV:

Kasalukuyan akong naglalakad sa mahabang pasilyo ng paaralan, iniisip ko pa rin hanggang ngayon ang nangyari kaninang umaga.

Kapangyarihan ko ba talaga yun?

O may gumawa lang nun para sa akin at pagtripan ako?

Maraming pumapasok sa utak ko ngayon at di ko namalayang nasa tapat na ako ng pinto ng Admin Office. Dadaan muna kasi ako dito bago makarating sa HM Office, nasa loob kasi ng kuwartong ito ay ang kuwartong opisina ng principal.

Nakita ko ang Fingerprint scanner sa gilid at agad kong priness ng bahagya ang thumb ko rito at may lumabas sa screen.

Solar Dave Lighstone

19 years old

Class Alpha - B

Unidentified

Unidentified? Ang alin? Bumukas ng kusa ang pinto kaya pumasok na ako sa loob may dalawang pinto ang nasa harapan ko.

Isang kulay pilak at ginto.

May nakalagay sa taas nito na signage.

Sa pintong kulay pilak :

Teaching Personnel.

Habang sa gintong pintuan ay:

Headmaster Office.

Lumapit ako sa gintong pintuan, tulad sa unang security ay idinampi ko ang thumb ko sa scanner at ako'y nakilala.

Pero akala ko makakapasok na ako ngunit hindi pa pala,  may nakita ako sa gitna ng pinto mukha itong lens ng camera ngunit ng silipin ko ito ay umilaw ng berde ito.

Mukhang ito na ang sinasabi nilang

Eye retina verification .

Dahan dahang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang napakalawak na espasyo ng kuwarto.

Lahat ng mga kagamitan mula muwebles at mga display ay may bahid ng ginto.

Umikot ang aking paningin sa loob ng napakaganda at sophisticated na opisina hanggang sa huminto ang aking mga mata sa isang nakatayong tao sa harap ng bintana kung saan ang liwanag ng araw ay tagos na tagos kaya di ko maaninag ang naroon.

Mula sa tindig nito mukhang si headmaster ethan na nga ito.

Against the light kasi, siguro naramdaman na nito ang presensya ko. At unti-unti itong humarap sa akin wearing his genuine smile.

" Welcome to my office, Solar " bati niya sa akin.

Ngumiti din ako sa kanya pabalik.

" Salamat po, pero ano po ba ang gusto niyong sabihin sa akin? "

Ngunit sumenyas lamang ito na umupo ako sa visitor's chair na nasa harapan ng kanyang mesa.

Kaya umupo ako dun,  at hinintay na magsalita ito.

" I think ..this is the right time for you to know "

Sabi ni headmaster sakin habang inilagay nito ang mga kamay na magkasalop sa ibabaw ng mesa nito at seryosong nakatingin sa akin.

" For me to know?,  about what? "

Nalilito kong tanong sa kanya

" Your Power,  ...your MAGIC "

Nanlaki ang mga mata ko pagkarinig ko sa mga salitang yon.

Bumilis ang tibok ng puso ko at nanlalamig na ang mga kamay ko sa sobrang nerbyos.

" Im sorry headmaster,  pero i think wala po akong magic nor power na sinasabi ninyo. " deny ko sa kaniya na nagpatawa sa kanya ng bahagya kaya mas lalo akong nagtaka.

" How can you say so?  Di mo pa ba nakita kaninang umaga, kung anong ginawa mo sa isang puno na wala ng buhay, solar? " natahimik ako bigla sa sinabing yon ni HM at inalala ang mga nagyari kanina.

"  Pero sir with all due respect, impossible po yun! Baka may nang-trip lang po sakin kanina dahil sa wala akong kapangyarihan kaya nila ginawa yun. " depensa ko na mas ikinangiti ng HM.

Ano bang nakakatawa?! Mukha ba akong payaso sa isang children's party para pagtawanan?.

Nakakaloko kasi...

" Baka,  that's what you've said earlier right?  Baka --- maybe..

Walang kasigaraduhan."

Di ako makaimik , totoo nga naman kasi why should i assumed things na wala pa namang sapat na evidence na may gumawa nun para sa akin kung mismong kamay ko na ang umilaw kanina.

Why so stupid, solar!

" Paano mo maipapaliwanag ang liwanang na lumabas dyan sa mga kamay mo at ang gintong may bahid ng puti na aura na pumapaligid sa katawan mo kanina? "

Nagulat ako sa sinabi niya.. Ginto at puting aura?! May ganoon ba kanina?

" sa pagkakaalam ko kasi walang nakakagawa ng ganon.  Dahil walang ganon."

" Maraming naka-saksi kanina solar,.. kaya kahit ano pang tanggi mo hindi mo na mapagkakaila na isa kang chosen ones. " dagdag nito na ikinasalubong ng kilay ko.

" C-Chosen Ones?  What was that?  "

Tanong ko .

Tumayo ito mula sa upuan niya at nagsimulang magkwento habang nakatingin sa bintana.

" Chosen Ones , isa itong grupo kung saan pinili sila ng mga goddess at gods ng pitong sagradong elemento ng buhay.

Have you heard the 5 holy elements o mas kilala sa tawag na leafé Guardians?

( umiling lang ako bilang sagot )

leafé guardians or 5 Holy elements are the gifted ones that can fully control the element that their deity gave them to have.

Sila ang nagsisilbing host ng mga elementong ibinigay sa kanila para pangalagaan at tumulong sa mga nangangailangan ng kanilang tulong.

Fire, water, wind, earth at metal ang limang elementong gumagabay at tumutulong sa lahat.

Pati narin sa Dalawang itinakda ang...

.....

Yin at Yang of Life.

Isang babae at lalake ang Yin Yang, ngunit sa lahat ng bagay at katangian ay lagi silang magkasalungat.

Light and darkness ang kapangyarihan ng dalawa na ang tanging kapangyarihan nila ang nagbibigay balanse sa mundo na ito,

Habang ginagabayan sila ng limang elemento.

Ngayon ay patuloy parin kami sa paghahanap sa ibang elemento pati narin sa dalawang itinakda.

Pero ang hindi ko maintindihan ay ang kapangyarihang taglay mo, solar....

.

Kakaiba ito sa lahat na maski ako ay ngayon ko lamang ito nakita.

Hanapin mo at tanggapin mo ng buong puso ang iginawad sayong kapangyarihan solar... "

pinipilit ng utak ko na i-absorbed lahat ang mga sinabi sakin kanina ni headmaster ethan kaso sa sobrang dami di ko na alam ang nangyayari.

Napabuntong hininga ako habang nakatingin sa malayo..

Narito pala kami ngayon sa garden at kasama ko ngayon si justine.

" Uy tulala ka dyan, tol " tanong nito sa akin na nagpabalik sa akin sa wisyo.

"A-ah?  W-wala pagod lang " pagsinungaling ko,  bilin kasi ito ni HM kanina na wag ko muna saaabihin kahit kanino ang napagusapan naming dalawa dahil sa mga chosen ones at siya lamang ang maaaring makaalam.

Tumango tango naman siya bilang sang-ayon sa sinabi ko.

Di ko gustong magsinungaling kay justine pero kailangan...

" Don't trust anyone solar,  they would might backfire you... "

" they only want their enemies closer to them,  enough to kill them"

Naalala ko ulit ang mga sinabi ni HM, dapat daw akong maging aware sa mga nakapaligid sakin dahil may isa o dalawa dun ang may maskara na nababalat-kayo lamang.

" San ka pala nagpunta kahapon? Iniwan mo na ako agad kahapon sa Oval, natakot ka ba sa ginawa ko? "

mukhang nabigla ito sa tanong ko kaya di siya makatingin sa akin ng diretso.

Weird.. .

" Ai yun ba?  Nawala ako kahapon kasi dumami na yung mga tao sa paligid mo kaya natabunan na ako. "

Sagot nito kaya napatango nalang ako.

Kinuha ko ang royal in can ko sa bag at binuksan ito isha-share ko sana kay justine ng sumenyas ito na ayaw niya.

At tinaas niya ang kanyang kanang kamay na may coke in can din pala siya.

Napatawa kami bigla at nag-toast sa isa't isa sabay inom.

###