webnovel

YIA and ELYA

I never thought I'd ever like a woman until I saw this girl across the balcony of my room. What am I thinking? Why am I starting to become someone I'd never thought I'll be. How did she captivate me with her beauty. I want her to be mine. Can Yia get Elya's heart?

ENCHANTe16_ · LGBT+
Không đủ số lượng người đọc
3 Chs

Chapter 1 "Yia meets Elya"

"Balita ko may lilipat daw dyan sa bagong gawang bahay ah, mag ayos kayo ha, wag kayong maingay palagi may  titira sa katabing bahay natin. Mag tuga kayo." paalala ni mama saamin. May point naman si mama, sanay kasing laging nagsisigawan sa bahay kahit magkakalapit lang naman, hindi naman galit pero ang lalakas ng boses.

Umakyat na ako sa kwarto ko para gawin ang school works ko na ipapasa sa isang araw, kinuha ko na ang mga libro ko at naupo sa balcony ng kwarto ko nang may nakita akong babae maganda. Mas maganda pa kaysa saakin, ngunit sa halip na maiingit at mainsecure ako, hindi ko alam bat bumibilis ang tibok ng puso ko. Tama bang sabihin kong nabighani ako sa kagandahan nya?

Napakapungay ng bilog nyang mga mata, na tuwing natatamaan ng liwanag ay tila ba nagiging golden brown sa ganda. Kay haba ng pilik mata nya, matangos ang ilong at napakapula ng labi na para bang nakakaakit at gusto kong halikan. Ano ba ang pinagiiisip ko? Nababaliw na ba ako? Babae sya.

Natuliro ako ng biglang nagtugma ang aming mga mata. "Ahm hi!", nakangiting sambit ko ngunit hindi siya ngumiti o bumati pabalik man lang. Hindi pala sakin nakatingin sa ibon ko pala. Gusto ko nalang magpakain sa lupa dahil sa kahihiyan. "Birdie sana ol tinitignan. Ang assuming ko sa part na yun. Grabe nakakahiya."

Nagulat ako ng may biglang kumatok sa pintuan ng kwarto ko. "Alyia Monterey! Magbihis ka dyan at pupunta tayo sa kabit bahay! Nangimbita at may padasal ng lipatan sa kanila. Kahapon pa kasi pinagtatapos ng mga gagawin ngayon lang maggagawa. Maghahapit kananaman kung kailan malapit ang pasahan! Bilisan mo na diyan." Sigaw ni mama sakin. 'Akala ko ba bawal sumigaw?', sabi ko saking isipan. Nagrap nanaman si mama, konti nalang talaga matatalo na nya si Eminem.

Mabilis akong nagpalit ng damit at nagsuot ng itim na oversized shirt at black na high waist pants. Nagrubber shoes nalang din ako, 'Syempre kahit sa kapit bahay lang ang pupuntahan dapat presentable padin.' Pagbaba ko ay agad akong napagalitan ni mama, "Ano yang suot mo? Bakit ka na kaitim? Sa burol ba punta mo? Oh magsusumbrero ka pang itim, yung pormahan mo talo ang sa kuya mo ahh. Parang yung mga lalaking nakikita ko sa tiktok na laging pinapanood ng ate mong bayo ki bayo sa camera." sabi ni mama na parang walang preno. "Mama  ga~" sabi ni ate Mae na akala mo'y nahihiya pero kino-connect pa nga sa tv ang cellphone nya tuwing nanonood ng kumakaldag na lalaki sa TikTok. "Meme geh~" gaya ni kuya Jake kay ate na para bang nangaasar at nangkaldag pa. Nagpipigil ako ng tawa dito sa likod ni mama dahil sa asaran nina ate at kuya. "Mga bata kayo ang tatanda nyo na pero talo nyo pa yung mga batang magaway, bilisan nyo na at baka mamaya yung pagkain pa ang pumunta sa atin." suway ni mama sa dalawang isip bata kong kapatid, ako ang bunso. Kambal si Ate Mae at Kuya Jake pero magkaibang araw sila ipinanganak ni mama. 11:40 pm ng December 16 nilabas si Kuya Jake at 12: 25 am naman ng 17 nilabas si Ate Mae. Parehas silang 21 years old at ako naman ay 17 years old, grade 11 student.

By the way, ang ibig iparating ni mama ay baka dalhan pa daw ng kapitbahay kami ng handa dahil hindi agad nakapunta.

Nag ayos na sila at nagtungo na kami sa kapit bahay. Mas malaki ng konti ang bahay nila kaysa saamin ngunit malalaman mo kaagad na mayaman sila dahil napakaganda ng interior design ng bahay nila, may pa chandelier pa. May kaya din kami pero hindi ganito kaganda ang interiorng bahay namin, simple lang ang pagkakaayos at dahil narin siguro ay matagal na itong ginawa, simula ng ikasal si mama at papa.

May iba naring bisita sa bahay nila, mga kapitbahay din namin at ang iba ay mga bagong mukha, siguro ay kamag anak ng mga bagong lipat. Agad kaming sinalubong ng mga bagong lipat at nagbeso beso kay mama at nagpakilala sila. "Salamat at nakarating kayo, pasok kayo at kumain." May dumaan na batang babaeng mga nasa edad 12 na nagsecellphone at pinigil ito ng ginang. "Ah bunso ko nga pala, si Star mahilig mag roblox." sabi ng ginang nang nakangiti. Ay may pa TMI, sana more information pagdating sa babaeng nakita ko kanina. "Magandang umaga po." bati naman ng batang iyon, "Napakabait na bata naman nito." Nagbless yung bata kay mama at nakyutan naman si mama. Ang ginang ay mukhang kaedadan lang ni mama, mukhang mga 45 years old lang. Itinuro naman ng ginang ang babaeng nakaupo sa harap ng tv at nanood ng The Conjuring. 'Magpapadasal pero nanonood ng paranormal movie ano yun?' natatawang tanong ko saking isipan. "Iyon naman ang panganay ko, 20 years old, 2nd year college student si Andromeda tawagin nyo nalang syang Anda mas gusto nya yon." pagpapakilala ng ginang. "Ang gaganda ng anak mo ah, ilan sila?" tanong naman ni mama. "Tatlo, nasa kwarto yung padalawa ko, mahiyain at introvert kasi yun eh." sabi ng ginang. Ahh so mahiyain pala. Napasilip ako kay kuya na kanina pang natulala dun sa Anda na anak ng ginang. "Ehem", sabi ko at kinabig si Kuya. "Ang landi ahh, bilis mo mafall?", bulong ko sa kanya. "Manahimik ka", bulong pabalik saakin ni kuya at kinurit pa ako. "Aray ko ga." kaya pinalo ko ang braso ni kuya. Nakita ko naman si mama na minumulagaan na kami ng mata, Send help. Buti nalang hindi kami napansin ng ginang.

"Eliyassa bumaba ka muna dito!", sigaw ng ginang na tinatawag ang anak sa taas. Mukhang parehas lang pala ang pamilya namin, puro sigawan din. So Eliyassa pala ang pangalan nya? Ang cute. Bumaba ang kaninang nakapantulog na babae sa katapat ng balcony ko na ngayon ay nakasuot na ng simpleng dress. Mas gumanda sya lalo dahil tinali ng messy bun ang buhok nya. Nakita ko si kuyang nawala ang titig sa panganay ng ginang at lumipat kay Eliyassa. Agad kong kinurit ang tagiliran nya kaya napatingin sya ng masama sakin. "Isa isa lang, dun ka nalang sa panganay kaedadan mo yun. Gusto mong makasuhan?", pabulong kong sabi kay kuya. "Oo na, kung di ka babae aakalain kong may gusto ka diyan.", sabi ni kuya.

"Ito naman ang padalawa ko, si Eliyassa pero ayaw nyang tinatawag na ganon kaya Elya nalang. Grade 11, ABM and strand nyan kakatransfer ko lang sa kanya sa school dito." sabi ng ginang at si Elya naman ay nakayuko at nahihiya. Elya... Ang ganda ng nickname nya.

"Ganon ba? parehas pala sila ng bunso ko, Eto si Alyia grade 11 din, ABM student. Ano ba section mo ineng?" tanong naman ni mama kay Elya. "Ahh A po." nahihiyang sagot ni Elya kay mama. Ang lumanay at ganda ng boses nya, G help nafafall na po ako dito~

"Parehas pala kayo ng section nitong si Yia ko, kung may kailangan ka wag kang mahihiyang lumapit sa kanya, mabait toh." sabi ni mama. Meme nemen ehh weg genern. "Ahh sige po. Please excuse me po muna I have an online seminar to attend po, salamat sa pagpunta po." ang lumanay nya magsalita ngunit hindi parin nya kayang makipageye to eye contact. "Mahiyain ngunit napakabait na bata." puri ni mama kay Elya. "Ahh eto ang kambal ko Si Mae at Jake, katulad ng panganay mo at 2nd year college student din, sa Me Amos Yè University nagaaral ang babae ko'y architecture student and isa naman ay medical student future gen surgeon." sabi ni Mama. "Doon din papasok ang panganay ko. Medical student din katulad ni Jake. Ay nauna kong ipakikila ang mga anak ko, ako nga pala si Rossana, Rosa nalang. Ang asawa ko naman ay nasa Korea dun nagtatrabaho Marketing director ng isang entertainment company." pakilala ng ginang. "Ako naman si Divina, dean ang asawa ko sa En-Light University kaya wala din dito busy sa school." sabi ni mama. Pagkatapos ng pakilanlanan ay nagkainan na kami, I mean pinakain na nila kami.

"Tita Rosa pwede pong makicr?" tanong ko kay Tita Rosa, agad naman akong nakurit ni mama. Andaming kurit na naganap sakin for today hindi naman ako fried chicken. "Sa bahay ka nalang magcr, katabing bahay lang ehh" sabi ni mama. "Ma nakalock, dala ni Ate ang susi. Ang ate ay nagpuntang tindahan di ko na kaya nawee wee wi na ako." sabi ko kay mama. "Divina ayos lang, kaso under construction pa ang restroom namin dito sa baba, sa taas ka nalang magcr. Diretso kalang sa kanan nandoon ang cr ineng." nakangiting paliwanag ni Tita Rosa. "Salamat po, hehe"

Dali dali akong umakyat at nagtungo sa sinabi ni Tita Rosa. Tita Rosa why naman hindi mo sinabi na dalawa ang pinto dito? Alin dito ang cr naiihi na ako. "Eenie minnie alin dito? Kung san maglanding daliri ko yun ang cr dito!" panghuhula ko na parang bata at napagdesisyonan na sa isang pinto ang cr. Kwarto? Wait may balcony... Nagmasid ako sa paligid at nagpunta sa balcony, pagkakita ko ay yun ang katapat ng kwarto ko, so it means nasa kwarto ako ni Elya? Yiee kinikilig na naiihi pa, hanep. Pinigil ko muna ang ihi ko nagmunimuni. Nakita ako ang polaroid picture ni Elya nung bata pa siya, tinitigan ko iyon nang napakinggan kong gumalaw ang doorknob kaya bigla ko itong naibulsa at dumaan ako sa balcony papunta sa kwarto ko. 1 feet lang naman ang pagitan ng bubong after ng railings ng balcony ko at sa kwarto ni Elya kaya dun na ako dumaan. Buti nalang at iniwan kong bukas ang pintuan ng balcony ko kaya sa bahay na ako umihi.Hindi na naman ata ako hahanapin ni mama since busy sa pakikipagchismisan kay Tita Rosa, mabilis silang naging mag'mars'. May bago nanamang kachissy si mother. Nilagay ko ang picture ni Elya sa drawer ng table katabi ng kama ko. Kinakabahan ako, ano bang nangyayari sakin? Babae ako, inside and out pero bakit parang gustong gusto ko na si Elya. At nagawa ko pang ibulsa ang picture nya? Magnanakaw na ba ako? Inhale~ Exhale~ Aksidente lang yung pagkuha ko ng picture nya, isasauli ko ba o hindi? Paano ko yun ipapaliwanag? My ghad Help!!!