Hindi lumabas ng kwarto si Elaine hanggang sumapit ang gabi.ikinulong niya ang sarili ang sa loob at hindi rin kumain. Sinubukan siyang kausapin ng Ina subalit nag-kumwari siyang tulog at hindi sumagot sa katok ng pintuan. Ang cellphone na kanina ay panay tunog dahil sa tawag ng kanyang Kuya ay pinatay niya na rin.
Sa loob ng bahay ng Sandoval, sa sala. Palakad-lakad ang Ina ni Elaine dahil nag-aalala ito sa kalagayan ng anak. Hindi ito kumain at nanatiling naka-kulong sa kwarto.
"Teodore, why don't you try to talk to her?" Utos niya sa Asawa na hindi rin mapalagay.
Lumaki si Elaine na hindi manlang sila sinuway, mabait at masunuring anak. Pero anong gagawin nila kung sakaling hindi nga ito ang totoo nilang anak? They can still accept her as their own pero paano kung umayaw na ang anak nila?
"Let me try."
Sinubukan ng Ama ang kumatok sa pintuan ng kwarto ng anak. Subalit, kanina pa siya kumakatok ay hindi pa rin sila pinag-bubuksan ng dalaga.
"Is she mad at us?" Malungkot na tanong ng asawang babae.
"I'm not sure." Sagot ng lalake na napa-buntong hininga pa.
"I'm worried Teodore." Yumakap ang babae sa Asawa bago nila nilisan ang harapan ng kwarto ni Elaine.
Sa loob ng silid ay tahimik nanamang umiyak ang dalaga. She heard them. Hindi naman sa ayaw niyang makausap ang mga magulang. Hindi niya lang alam kung ano ang sasabihin. Mag-mamaka-awa ba siya dito na wag siyang paalisin kapag hindi siya ang anak ng mga ito? O uutusan niya ang mga magulang na wag na ituloy ang DNA test at bayaran na lang si Kate? Ayaw niyang maging masama.
"Mommy... Daddy.. Please don't abandoned me.." Umiiyak na tahimik at pabulong niyang sabi habang tutup ang sariling bibig.
Nagising si Elaine kinabukasan sa malakas ng katok at ingay sa labas ng kanyang kwarto.
"Hey! Fake! Get out of there already! Kanina pa kami nag-hihintay sayo!" Boses iyon ni Kate.
Bumalik ba ang mga ito?
"Enough! My daughter is not fake! She's my daughter so stop making trouble!" Boses naman iyon ng Mama niya.
Nag-kakagulo sa labas dahil sa kanya. Sobrang late na siya naka-tulog kagabi dahil sa kaka-isip at kaka-iyak. Pero bago matulog, bumabad muna siya sa tubig para hindi mamaga ang kanyang mga mata.
"I am your daughter! Hindi pa ba patunay na kamukha ng tinuturing mong anak ang kapatid ng nag-palaki sa akin?" Galit na sagot nito sa kanyang Ina.
Hindi na naka-tiis si Elaine, binuksan niya ang pintuan ng kanyang kwarto at madilim ang mukhang lumabas.
"I can't believe it, hindi pa napapatunayan na anak ka nga ng Sandoval pero kung maka-sagot ka kay Mommy parang anak ka na ah. I wonder, kaninong dugo ang dumadaloy dyan sa ugat mo?" Natigilan ang lahat sa labas ng kanyang kwarto.
"Kapag napatunayan na hindi ka anak ng Sandoval, I will sue you for trespassing, and telling lies. So be prepared." Dugtong pa ni Elaine.
Nakita niyang natigilan ang Babae pati ang Auntie nito.
"Elaine, my baby. Are you hungry?" Hinawakan ng kanyang Ina ang kanyang mykha at mabilis siyang inakay papunta sa kusina.
This sweet tenderness, makakaya niya kayang mabuhay na wala ang Ina?
"Same goes for you" narinig niyang banggit ni Kate. "Kapag napatunayan din na hindi ka nga tunay na anak, ako mismo ang kakaladkad sayo palabas." Madilim din ang anyong sagot nito.
"There's no need for you to do that. Hindi makapal ang mukha ko para isiksik ang sarili ko sa hindi ko kadugo." Ang sinabi na yun ni Elaine ay tumatak sa utak ng mga magulang.
The two feel nervous and scared. They love Elaine..
"Haha! Wag kang mag-alala. Hindi rin ako papayag na habulin ka ng parents ko kapag napatunayan na ako ang tunay na anak. Dahil kapag ginawa nila yun, I will tell public how they abandoned their real daughter and choose the fake one."
It's a warning. So wala pala talaga siyang mapupuntahan. In the end, she will be abandoned.
"Do as you please..." Sagot niya dito.
Hindi manlang siya magawang ipag-tanggol ng kanyang Ama. Nararamdaman ba nito na si Kate nga ang kanyang anak? O nag-hihintay lang ito na lumabas ang totoo?
"Enough with exchanging words, Both of you will be under the test. At walang uuwi hanggat hindi lumalabas ang result." Sa wakas, sumagot na ang kanyang Ama.
"Fine with me" mataray na sagot ni Kate.
Si Elaine naman ay tahimik lang na nag-simulang kumain ng kanyang agahan kasama na ang para sa hapunan niya kagabi.
"Elaine.." Tawag sa kanya ng Ina.
Ini-angat niya ang tingin at tumingin sa kanyang Ina.
"Y-You have to prepare too. Don't be afraid, Mom will come too." Pampalakas ng loob niya.
"... Alright." Tipid niyang sagot.
Parang hindi niya magawang lunukin ang kanyang kinakain. She lost appetite.
"I'm stuffed."
"Pero konti pa lang nakakain mo baby. " ani ng kanyang Ina.
Isang matamis na ngiti ang ibinigay niya sa Ina.
"Kailangan ko pa maligo. Daddy will be mad if I don't take my bath." Pag-bibiro niya pa.
She needs a fake smile. She needs to show them that she's alright. Para kahit dumating ang oras na umalis siya sa tahanang yun. They will still remember her smile even she's gone.