webnovel

WORKS

FEIBULOUS WORKS

Feibulous · Thành thị
Không đủ số lượng người đọc
17 Chs

CHAPTER 4 - Hooligan

[Christen Park]

MASAMA ang loob ko na lumabas ng opisina ni Director Austin. Unang beses ko na mabigyan ng suspension. Actually, unang beses ko na hindi sumunod sa protocol.

"Christen!" habol sa akin ni Doc. Mikko.

Nilingon ko siya. Halata siguro sa anyo ko na hindi ako masaya.

"Don't feel bad. Ang mahalaga, nailigtas mo ang pasyente nang nagdaang gabi," sabi niya na sinabayan ako ng lakad.

Hindi ko masyadong inintindi ang mga sinabi ni Doc. Mikko dahil may katwiran naman siya. Inilabas ko na lang ang cellphone ko mula sa white coat para maghanap ng flight ticket pauwi sa amin sa Maynila. Baka magbakasyon na lang muna ako sa Pilipinas. My parents are currently residing in Manila. My Mama Lira and my Big Brother Cally is in the UK. So, I have a lot of places to choose kung saan ko gustong gawin ang bakasyon-grande ko na isang buwan.

Habang nagtitipa, may narinig akong tumawag kay Doc Mikko.

"Mikko!"

Nag-angat ako ng tingin. Isang doktora na naka-assign para sa night shift ang nakita ko na papalapit sa'min. Lumalagutok ang takong ng sapatos niya sa tiles na sahig ng mahabang pasilyo na iyon sa labas ng opisina ng direktor. Namumukhaan ko lang siya at nakausap na rin nang minsan.

I can see that her smile is different. 'Yung tipo na nang-aakit at may pagka-plastik. Hindi ko rin akalain na may nagtatakong na doktora habang naka-duty. Madalas kasi na puro kami takbo lalo na kung 'Code Blue' ang mensahe sa pager. We are using Code Blue in the emergency section. 'Yung tipo na may nag-aagaw buhay sa emergency.

Kilala ko ang babaeng palapit bilang si Doktora Gella, pero hindi kami close.

"Hello Mikko, you messaged my secretary. You want to see me?" tanong niya sa malanding boses.

Nagtaas ang kilay ko nang bahagya. I'm curious if Mikko is flirting with this girl but I'm pretending busy with my phone. Inabot ni Mikko ang pager na hawak niya sa babae.

"It's now in your possession," simpleng saad ni Doc. Mikko.

Doon ko naisip na ipapasa lang pala ni Mikko ang pager. Somehow, I felt relieved. Akala ko kasi ay third wheel ako sa eksena nila.

"Thanks! I'm not eating yet. Let's have dinner!"

Nagpatuloy ako sa pagpanggap na busy sa pagtipa sa keyboard pero curious ako sa usapan nilang dalawa. Halata kasi na may gusto ang babae kay Mikko. Nakikita ko na nga rin ang matamis niyang ngiti sa gilid ng mata ko.

"Sorry, I don't have time. We have to do some research. And don't call me just 'Mikko' next time. Thanks!" agad na tanggi niya na nagsinungaling na nga ay dinamay pa ako!

Nakikita ko sa gilid ng mata ko na nakatingin sa akin si Doc. Gella na bahagyang nagtaas ng kilay. Hinila na ako ni Doc. Mikko papalayo sa babae. Mabilis akong nagtipa sa keypad ng cellphone para makapag-book ng flight ticket pauwi sa Pilipinas.

"I'll treat you to dinner," bulong niya sa akin habang naglalakad.

"Sorry, but I have to prepare for my vacation."

"Where?" Nagtaas ang kilay niya.

"Uuwi muna ako sa pamilya ko," sabi ko at mabilis na naglakad at nilagpasan siya.

Ngunit hindi ko akalain na hindi nakaligtas sa mata niya ang mga nakasulat sa destinasyon na inilagay ko kung saan ako magbabakasyon. Palibhasa ay mas mataas siya sa akin. Halos balikat niya lang ang taas ko.

"I never thought that you have a family in Australia," he said.

Nagtaas ang kilay ko sa sinabi niya. Nanlaki na lang ang mata ko nang mabasa kong muli ang nabayaran ko nang ticket. Para akong binuhusan ng malamig sa nakasulat sa aking destinasyon. Patungong Melbourne!

"No—!" hiyaw ko.

Kahit naman independent ako. Ayokong nagpupunta sa isang lugar na hindi ko alam ang kultura ng mga lokal na mamamayan. Lalo na at may banta sa aming magkakapatid mula sa mga kalaban ng pamilya ko.

"Sh*t!" Napamura na lang ako. Mas nabigla ako dahil naka-first class pa ang ticket na nabili ko.

Gusto ko tuloy mapakanta ng 'sayang ang pera ko, pambili ng lobo'. Hindi ko alam kung kailan ako nagkamali sa pagtipa ng destinasyon. Siguro noong oras na makita ko si Doc. Gella habang nginingitian si Mikko Jang.

"No! no! no!" Hindi biro ang binayad ko na 100 thousand para lang sa ticket at first class pa ang napili ko.

"Haaay… sayang ang pera," pang-iinis pa niya sa'kin.

Matalim ang tingin na ipinukol ko sa kanya.

"Since, you want to have a vacation in that place, let me accompany you," sabi niya sa akin.

"W-who wants to be with you?" inis na tanong ko.

"Professor Sullivan is now working in Australia," simula niya.

Bigla kong naalala ang magaling na professor sa school kung saan kami naka-graduate ni Mikko. He is one of the best physicians na nagtuturo sa'ming mga estudyante noon. He guided us na parang mga sundalo na puwedeng sumabak anumang oras sa larangan ng medisina.

Biglang pumasok din sa isipan ko na ilang beses ako na nakiusap sa kanya noon. I stayed outside his apartment for two days while it's snowing, hanggang sa mawalan na lang ako ng malay.

Pinilig ko ang ulo ko at ayoko nang balikan pa ang mga nangyari noon.

"He created medicine now. Since parehas tayong suspended sa loob ng isang buwan, why not go to his home. May kasabihan nga na 'ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan,'"

Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang bagay na iyon pero may point naman siya. Humalukipkip ako. "As far as I know, Korean ka. Saan mo natutunan ang kasabihan na iyan?"

Nakatitig lang si Mikko sa akin at hindi sinagot ang tanong ko. "The point is I'll be going with you." Nagulat na lang ako nang bigla niyang inagaw ang cellphone ko.

"Hey! That's mine!" Halos tumalon ako makuha ko lang muli ang cellphone ko na inangat niya sa ere, sa taas na hindi ko basta maaabot. Mas nagulat ako na nagbook siya ng ticket sa parehas na destinasyon gamit ang account ko, pati na ang credit card ko. O 'di ba ang kapal ng mukha?!

"Y-you!" galit na singhal ko sa kanya.

Nanghinayang na nga ako sa 100 thousand na ginastos ko sa personal kong ticket, ang lakas pa ng loob niya na magpalibre sa akin!

"Thank you Doc Christen! See you tomorrow morning at the airport." Pagkasabi niya noon ay nakangisi na nilayuan niya na ako.

"Mikko. Chen. Jang!" Galit na galit ako na sinundan siya. Mas maliwanag pa sa sikat ng araw ang panlilinlang niya sa akin. Ninakawan ako ng mokong nang harap-harapan.

"Doc Christen, h'wag mo na akong sundan. Baka kasi isipin nila na may gusto ka rin sa akin."

Napatigil tuloy ako bigla at nilingon ang mga nasa paligid. Nakatingin sa amin ang mga nurses na nadaanan namin.

Wala akong nagawa kung hindi ang titigan siya nang masama. Kung nakamamatay lang sana ang mga titig ko, baka natunaw na si Mikko Jang na nakatalikod sa akin.

What a hooligan and shameless person this Mikko Jang is?!