webnovel

Prologue

Pagpasok ko ng Pavillion, mga photographers agad ang sumalubong sakin. I smiled and posed a little bit.

Nilibot ko ang aking paningin sa bawat tao na nandito ngayon. Just like what I have expected, madami akong hindi kilala. Pero I don't mind as long as hindi ko siya makikita dito. I just want to enjoy this night without seeing anyone connected to him.

"Aloja! Sup?"

I waved my hand, "Hi, Ry! I'm doing great. Ikaw?"

"Okay lang din. Walang ganap sa buhay." Bigla siyang napansigi, "So, are you still single?"

"Yup. Single and ready to mingle," Pabiro kong sagot.

Ngitian, batian, kamustahan at konting picture taking ang nangyari sa mga makakasalubong kong mga iilang kakilala. Pinupuri nila ang mga features kong mas naeemphasize ngayon dahil sa pagiging blooming ko daw. So far, so good..

Nasa kalagitnaan pa lamang ako ng pakikipagpicture sa mga former highschool classmates ko ng may humawak bigla sa braso ko ng mahigpit. Nanginig ang buong kalamnan ko ng makita ko siya. Seryoso ang kanyang mukha at pagod na tumingin sakin.

Bakit siya nandito? Akala ko ba ay hindi siya makakarating?

Bago pa ako makapagprotesta, nahatak na niya ako palabas ng Pavillion ng walang kahirap hirap.

Ito na naman ang puso ko, mabilis na tumitibok. Heart, huwag ka munang makisabay ngayon please. Kalma ka lang sa pagtibok.

"What the hell is your problem, Dylan!?" I hissed.

Pumikit siya ng mariin at ramdam ko din ang paglalim ng paghinga niya, "You! You are my problem!"

Hindi ako nagsalita. Hinayaan kong balutin kami saglit ng katahimikan dahil sa ngayon, hindi ko ata kayang magsalita sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

"Bakit hindi mo sakin sinabi ang lahat? Bakit tinago mo lang 'yon? Bakit mo inako ang isang bagay na hindi mo naman ginawa from the very first place?" Mahina ngunit madiin niyang tanong saka dumilat at tinignan ako ng diretso na may punong puno ng pagsusumamo.

Nagsimula ng lumabas ang mga traydor kong luha na matagal ng gustong lumabas ngunit ngayon lang nabigyan ng pagkakataon, "Bakit?" Pumiyok ako ngunit hindi ko 'to ininda, "May magbabago ba kapag nalaman mo? Babalik ba ang lahat sa dati?"

Hindi siya umimik kaya pinagpatuloy ko ang pagsasalita ng mga salitang matagal ko ng gustong ipabatid sa kanya noon pa.

"Diba hindi? Hinding hindi na. Kasi sa totoo lang?" Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at tumulo na naman ang aking mga luha, "Wasak na wasak parin ako dahil sa kagagawan mo."