webnovel

Wishing Girl 3: Pain 2 Forget

PAIN 2 FORGET (Wishing Girl 3) A novel was written by Ji Mie Han (HanjMie) ANNIZA knows that she should pay that person who does good deeds to her. Kaya naman nang magtapos siya ng pag-aaral ay pinili niyang magtrabaho sa kompanyang nagpa-aral sa kanya. At doon, nakilala niya ang baliw at pasaway na pamangkin ng big boss, si Joshua Jhel Wang. Tuwing nakikita niya ang pinanggagawa nito ay napapataas na lang siya ng kilay. Ngunit dahil sa isang gabi, napalapit siya kay Joshua. Naging daan din iyon para maging magkaibigan silang dalawa. Kaya ng maging head ito ng kanilang departamento at ginawa siyang sekretarya ay hindi na siya tumutol pa. Nakikita na lang kasi ni Anniza ang sarili na tumatawa sa kalukuhan ng kanyang boss. Pero may hangganan pala ang lahat. Hindi pala isang simpleng pagkakaibigan lang ang nais nito. Anong gagawin ngayon ni Anniza? Paano kung malaman din niyang buntis siya? At lalong gumulo ang lahat ng bumalik ang unang pag-ibig ni Joshua? (c) 2020

HanjMie · Thành thị
Không đủ số lượng người đọc
53 Chs

CHAPTER THIRTY-EIGHT

THEIR HONEYMOON supposed to have happened with them only but because they don't want Joshua's parents to know that they are now married. Shan, Shilo, Carila and Kaze comes with them. Tatlong araw lang naman sila sa Baguio City. At itinaon nila iyon sa long weekend. Nasa sala sila. Nasa mahabang sofa silang apat, Shan, Carila, at Joshua. Nasa kabilang panig naman si Shilo at Kaze. Kakabalik lang nila mula sa labas kung saan sila kumain ng hapunan. Unang araw nila sa Baguio at umikot na sila kanina sa ilang park doon.

Natatawa lang siya dahil nagmamaktol si Joshua. Hindi daw siya nito masulo. Nais kasi nitong sila lang dalawa ngunit sumama ang apat.

"Cousin, hindi ka na dapat magtampo sa amin. Tinutulungan ka na nga namin kina Tito at Tita," wika ni Shan na ayaw ng magpatawag sa kanya ng 'sir'.

He said that she is now part of the family. Pamilya na siya at nakakahiyang magpatawag pa ng 'sir' lalo na kung nasa labas sila ng opisina. Ganoon din ang sinabi sa kanya ni Shilo. Kaze and Carila also happy for her. Akalain bad aw nila na silang tatlong magkakaibigan sa loob ng opisina ang makabingwit ng magpinsang Wang.

"Iwan ko sa inyo." Inis na wika ni Joshua at niyakap siya sa baywang.

"Bitiwan mo nga ako. Amoy pawis ka." Sigaw niya sa asawa at pinalo pa ang braso nito.

"Hon!" Humaba ang nguso ni Joshua na tumingin sa kanya.

Tinaasan niya lang ng kilay ang binata at hindi pinansin ang pagmamaktol nito. Nasa bahay ni Wilsy sa Baguio sila tumuloy. Nang sabihin nilang doon ang distinasyon nila ay sinabi nitong doon na sila tumuloy at wag na sa hotel ng pamilya. Pumayag sila para hindi iyon makarating sa mga magulang ni Joshua. They wanted everything to be perfect. Iyon lang hindi sila magkasolohan ni Joshua dahil na rin sa dalawa nitong pinsan.

"Sana ay matagalan mo ang ugali ng pinsan ko, Anniza." Biro ni Shan na umani ng bato ng unan sa kanyang asawa.

Alam niyang si Joshua ang malakas mang-asar sa magpinsan pero pagdating sa kanya ay nagiging sensitive ito. Kaya nga madalas na itong asarin ni Shan at ng iba nitong kaibigan. Lalo na si Patrick na malakas ding mang-asar.

"Kung alam niyo lang," aniya.

Sinulyapan niya ang asawa. Gusto niyang tumawa ng malakas ng makita ang mukha nito. Ang haba kasi ng nguso nito at talagang nakasimangot na. At dahil mahal niya ang binata, dinampian niya ang labi nito na siyang ikinatalon nito ng mahina. Ilang beses itong napakurap habang nakatingin sa kanya.

"I love you so much." Bulong niya dito.

Joshua just keep on looking at her. Nasa mata pa rin nito ang pagkagulat sa ginawa niyang paghalik dito.

"That was smooth, Annie." Narinig niyang komento ni Shilo.

Tumingin siya kay Shilo. Katabi nito si Kaze na namumula ang mukha. Kaze acted innocent again. Kaya tumaas ang isang kilay niya.

"Bakit kayo po, Shilo? Hindi din ba smooth ang ginawa niyong pangliligaw sa kaibigan ko. Kaibigan muna bago naging jowa. Akala nga namin wala ng pag-asang maging kayo," aniya.

Tumawa siya ng mahina ng mamula ang mukha ni Shilo. Tumpak talaga ang sinabi niya. Lalong lumakas ang loob niyang asarin ito dahil pinaparamdam nito sa kanya na parte na siya ng pamilya ng mga ito. Kung akala ng mga ito na si Joshua lang ang mahilig mang-asar, pwes nagkakamali ang dati niyang boss. Kung may pagkakatulad man sila ng asawa ay iyong mahilig silang mang-asar ng mga tao.

"Akala ko nga habang buhay na kayong magpapakiramdaman dalawa ni Kaze eh." Dagdag niya.

"Hindi lang iyon, Hon. Di ko din akalain na itong pinsan ko ay clingy. Simula ng magtrabaho sa café shop si Kaze madalas na itong wala dito sa opisina. Buti nga at hindi pa nasisita ng board." Nakisabay na din ang asawa niya sa asaran.

Lalong namula ang mukha ng dalawang taong inaasar nila. Ang mag-asawang Shan at Carila ay nakikinig lang. Kapag nagsalita ang dalawa, sa mga ito matutuon ang pang-aasar nila.

"Anong problema kung gusto kong makasama ang taong mahal ko?" Nakasalubong ang dalawang kilay na tanong ni Shilo at inakbayan pa si Kaze.

Mabilis na tinakpan ni Kaze ang mukha dahil lalo lang iyong namula. Maputi kasi ang kaibigan kaya talagang agaw pansin kapag mamumula na ito.

"Okay lang naman iyon pero wag naman iyon mahihirapan si Carila na hanapin ka. Wag iyong sa oras ng trabaho." Nagsalita na rin si Shan.

Tumingin si Shilo sa kapatid nito at itinaas ang kamay. Pinakita nito ang gitnang daliri. "Hindi mo kasi alam ang pakiramdam ko, Kuya. Kasama mo si Carila sa trabaho habang ako hindi. Soon, Maze will handle Tita Aliya's company. She will not have time for me anymore."

May kasamang pagmamaktol na sabi ni Shilo. Napangiti siya sa sinabi nito. Kung noon ay takot siya dito dahil sa pinagdaanan niya. Ngayon ay hindi na. Kaze change Shilo. She changes him for the better. Now, Shilo is in the better version of him. Napatingin siya sa kaibigang si Kaze. Namumula ang mukha nito. Napangiti siya. This lady is so adorable.

She wanted to protect Kaze like how Shilo protect her.

KAKABALIK lang nila mula sa mahabang linggo ay agad naging abala si Joshua sa trabaho. Nitong huling buwan ay naging abala na siya dahil nais niyang maging maayos ang lahat. Gusto niya kasi na kapag nanganak si Anniza ay nandoon siya at para na rin maalagan ang kanyang mag-ina. Tatlong buwan pa lang ang pinagbubuntis ni Anniza at ilang buwan pa bago ito manganak pero nais na niyang paghandaan. At saka, nais din niya na pagsapit ng limang buwan ay tumigil na sa pagtatrabaho ang kanyang asawa. Ayaw niyang ma-expose sa stress ang babaeng minamahal. Lumalaki na rin ang tiyan ni Anniza at alam niya na malalaman ng magulang niya ang tungkol sa pinagbubuntis ni Anniza.

Hindi niya hihintayin na masaktan ang babaeng minamahal at madamay ang batang dinadala nito. Kilala niya ang mga magulang. Gagawin ng mga ito ang lahat para maghiwalay silang dalawa. Kahit pa na kasal sila ay hindi sila titigilan ng mga ito. Kaya nga niya pinakasalan sa huwes si Anniza para masigurado ang kinabusakan nila na magkasama. He won't let his parents ruin her own happiness.

Natigil sa pagbabasa ng mga papeles si Joshua ng marinig ang pagkatok sa pinto ng kanyang opisina. Nagtaas siya ng bumukas ang pinto ng opisina at pumasok ang pinsan. Nagsalubong ang kilay niya ng makita ang mukha nito. Namumula ang mukha nito at nanlilisik ang mga mata.

"What's up? Napasugod ka yata? At bakit ganyan ang mukha mo?" sunod-sunod niyang tanong dito.

Hindi siya sinagot ng pinsan. Inilapag lang nito ang isang brown envelop sa table niya. Nagtataka man ay dinampot niya iyon at kinuha ang nilalaman. Nagtagpo ang kanyang kilay ng mabasa niya ang sulat na pinadala ng CEO ng taong may hawak sa kompanya ng pamilya sa China.

"What's the meaning of this?" tanong niya sa pinsan.

"Read the other letter." Utos nito.

Sinunod niya ang sinabi ng pinsan. Binasa niya ang sunod na sulat. Galing ulit iyon sa CEO ng shoe company ng pamilya. Namutla siya ng mabasa ang nakasulat.

"S-si Tito Andrie talaga ang may gawa nito?" hindi makapaniwalang tanong niya.

Tumungo si Shilo. "They are trying to ruin our own company. Sinisimulan nila sa kompanya natin sa China. Doon ay hawak nila ang lahat dahil lugar nila iyon."

Yumuko siya. "Alam na ba ito ni Tito Shawn at Kuya Shan?"

Nag-aalala din naman siya. Isa siya sa may-ari ng Shoe company ng pamilya. It was a joint company but it was under MDHGC. Kaya kung may problema ang kompanya ay damay na rin ang main company na naka-base sa Pilipinas. They need to do something.

"Alam na ni Dad at gusto niyang lumipat si Kuya Shan para ayusin ang problema pero ayaw ni Kuya Shan na iwan si Ate Carila. Kaya na-isip ko na ako na lang ang aalis at ayusin ang problema doon." Hindi makakaila ang stress ng pinsan. Napahawak pa ito sa noo nito.

"Hindi mo pwedeng gawin iyon. Tatlong araw na lang at kasal mo na kay Kaze." Tumayo siya.

"Then what we should do? Unang kompanya ng pamilya ang pinag-uusapan natin dito, Joshua." Sigaw ni Shilo.

"Kung aalis ka, paano si Kaze?"

Hindi nakasagot si Shilo. Tumalikod lang ito at hinawakan ang buhok para guluhin. Lumapit si Shilo sa sofang nandoon at sinipa iyon. Nagulat man sa ginawa ng pinsan ay hindi na siya nagsalita.

"I want to marry Kaze first before I go to China. Kailangan kong kausapin si Tito Andrie at Andria. Hindi tama itong ginagawa nilang pananalbutahi sa negosyo ng pamilya dahil lang sa hindi ko pinakasalan si Andria." Humarap si Shilo.

"Baka may iba pang paraan para maayos ito ng hindi ka umaalis ng bansa. Hindi ba kanyang harapin ng CEO ang problema ngayong ng Mei De Hao Shoe Company? It's his possibility."

"He can't. Kung kaya niya i-handle ang problema hindi sana ganito kalaki ang problema natin ngayon. We are losing millions here, Joshua. Nag-aalisan ang mga investor natin dahil sa pananalbutahe niya sa produkto natin."

Alam niyang mahirap kalaban ang mga Lee. They are influential in China. Hindi nga ito kasing yaman ng pamilya nila pero pagdating sa mga kilalang tao sa China ay marami ang mga itong kakampi at kaya silang kalabanin. This is big problem. Kapag hindi nila agad naagapan ay baka tuluyang masira ang kompanya dahil sa pinakalat na mga ito na balita.

They are trying to ruin the company reputation by spreading fake rumors about the quality of their shoes. Ganoon din ang ilang produkto ng kompanya kagaya ng apparel at sports materials. The company's product already knows in other country and if they didn't handle this problem very well, no one going to trust their product. And it will be a big problem to everyone.

"Should I talk to Tito Andrie?" tanong niya.

Tumingin sa kanya si Shilo. "Don't. Kapag ikaw ang pumunta doon ay baka lalong magkagulo. At kapag nalaman ng mga magulang mo ang tungkol kay Andria at sa ginawa mo noon siguradong gagawin nila ang lahat para matuloy ang pangako mong kasal kay Andria. At kapag nalaman nilang ikinasal ka na kay Anniza, gulo lalo iyon, Joshua."

"Then what we should do? Importante sa pamilya ang shoe company. I can go to China now and fix the mess I made. These things happen because of my stupidity." Sigaw niya.

He is mad of himself. Siya ang puno't-dulo ng lahat. Kung hindi niya ginawa ang kalukuhan na iyon ay hindi ito mangyayari. Kung hindi siya nagpanggap ng gabing iyon at nangako ng kasal kay Andria ay wala sanang gulo sa buhay nila. Everything is his fault and he should take all the responsibility of what he did. Aayusin niya ito ng hindi nadadamay ang mga taong wala naman talagang kasalanan.

"And then what. Sasabihin mo kay Tito Andrie na ikaw talaga ang nangako kay Andrea. What will he think of us? You will add fuel to the fire. Lalo lang natin gagalitin si Tito Andrie dahil lalabas na pinaglaruan natin ang anak niya. Isipin mo muna ng mabuti, Joshua."

Natauhan siya sa sinabi ng pinsan. Tama ito. Kapag kinausap niya si Tito Andrie at inamin dito ang totoo lalo lang itong magagalit. Baka lalo lang lumala ang sitwasyon at hindi nga talaga siya makatulong.

"And I can't let you go to China, right now. Lalo at buntis si Anniza. Isipin mo ang mag-ina mo, Joshua."

Napatingin si Shilo. Nawala ang matigas nitong mukha kanina. Napalitan iton ng lungkot. Huminga ito ng malalim at umupo sa mahabang sofa. Isinandal ni Shilo ang likod at inihilig ang ulo sa sandalan. His cousin looks like restless. Bakas sa mukha nito ang pagod. Muli siyang huminga ng malalim. Naglakad siya palapit dito at umupo sa tabi nito. Nasa ganoon silang sitwasyon ng bumukas ang pinto ng kanyang opisina at pumasok ang seryusong kapatid ng katabi.

"Are you two okay?" tanong ni Kuya Shan.

Sabay sila ni Shilo tumingin dito. Umupo si Kuya Shan sa pang-isahang sofa na siyang katapat nila. "We need solution, asap."

Tumungo si Kuya Shan. "I will think of the solution. Ako ang dating CEO ng MDHSC. Alam ko ang pasikot-sikot ng kompanya. I also ask help from one of my friends there."

Shilo just mold but his expression didn't change. Pinuproblema talaga nito ang nangyayari sa kompanya nila sa China.

"Shilo..."

Muli silang napatingin kay Kuya Shan. Inilapag nito ang isang larawan sa harap nila. Napatingin sila ni Shilo doon. Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang larawan na iyon.

"What the meaning of that? Akala ko ba ay kaibigan lang ni Kaze ang lalaking iyan?"

Napatingin siya sa pinsan. Kilala niya ang lalaking kayakap ni Kaze sa larawan. Ang alam niya ay malapit itong kaibigan ng magkapatid. Madalas din niyang nakikita noon ang lalaki na sinusundo si Kaze. If he is not mistaken. That man is a taxi driver and Kaze's childhood friend.

"I think, he is Maze's first love. Nakita ko din sila noon na nagyayakapan." Shilo's voice almost crack.

"What do you mean first love? Ika---"

"Stop it, Joshua." Tumayo na si Shilo. Tumingin ito sa kapatid. Babalik na ako sa opisina ko. Called me if you have a solution. Mag-iisip din ako ng paraan parra maayos ang problema natin."

Sinundan niya ng tingin ang pinsan ng lumabas ito ng kanyang opisina. Hindi ma-ipinta ang mukha nito. Alam niya din ang ibig sabihin ng emosyon na nasa mga mata nito.

"Joshua..." tawag ni Kuya Shan.

Napatingin siya sa pinsan. Seryuso na naman ang mukha nito. Hinarap niya ito at nakipagsukatan ng tingin.

"Let's Shilo find a solution to his problem. Nandito lang naman tayo para tulungan siya."

Umiling siya. Hindi nito na-iintindihan. Walang alam si Kuya Shan sa ginawa niyang pangako noon kay Andria. Ang alam lang nito ay ginamit niya ang pangalan ni Andria para alisin sa buhay niya si Jassie. Alam nitong una niyang minahal si Andria.

"Kuya, I can't stay still. Lalo na at ako ang puno't dulo ng lahat."

"Anong ibig mong sabihin?" Nagtagpo ang dalawang kilay ng pinsan.

Huminga siya ng malalim. "Ako ang nangako ng kasal noon kay Andria. Ako ang kasama niya ng gabi sa puno sa hardin ng mansyon niyo. Hindi si Shilo ang nangako ng kasal sa kanya kung hindi ako."

"What?!" tumungo siya sa pinsan.

"I'm sorry. Ako ang may kasalanan ng lahat. It was my mistake."

Napahawak si Shan sa sariling buhok nito. Nasa mukha nito ang hindi makapaniwala sa ginawa niyang problema. Nagtatanong pa ang mga mata nito na nakatingin sa kanya.

"I'm telling the truth here, Kuya Shan. Sa tingin mo ba ay magagawang mangako ng kasal ni Shilo kay Andria gayong baliw na baliw siya kay Kaze mula pa noong bata tayo?"

"Well, Oo. Kagaya nga ng sabi mo nangako siya noon ng kasal kay Kaze at alam natin noon na malabo ng bumalik sa buhay natin si Kaze."

Bumuntonghininga si Joshua. "Shilo never look to Andria how he looks at Kaze. Kahit na nawala sa buhay natin si Kaze noon ay hindi tumingin sa ibang babae ang kapatid mo."

Tumaas ang kilay ni Kuya Shan. Para itong may naisip at alam niya agad ito. Muli siyang huminga ng malalim.

"Shilo is the most loyal person I know. Kahit na binuksan niya ang puso niya sa ibang babae ay nasa malalim na parte ng puso niya si Kaze. Mahal na mahal ni Shilo si Kaze, Shan. I assure you. He is no longer in-love with your wife. Sa ilang taon namin magkasama sa trabaho ni Shilo nakilala ko ng lubusan ang kapatid mo. Hindi ganoon kalalim ang pag-ibig niya sa asawa mo."

Hindi nagsalita si Kuya Shan. Alam niya ang dinadala nito. Alam niya ang kwentong pag-ibig ng dalawa. Kung si Shilo ay walang alam tungkol sa pagsasama ng kapatid nito at ni Carila, siya ay hindi. Alam niya ang baho ng pinsan at ganoon din ito. Hindi lang talaga nito alam ang tungkol sa ginawa niya noon kay Andria. Itinago niya iyon sa lahat.

"Let's stop talking about my marriage life. Gawan natin ng solusyon ang problema ngayon ng kompanya."

"Anong gagawin natin?" tanong niya.

Sumeryuso na rin siya. Tama ito, dapat nilang pagtuunan ng pansin ngayon ang problema sa China.

"I will ask Patrick help. May hinala akong alam na ng ama ni Andria ang ginawa mo."

"What?"

"Hindi ba nakapagtataka na ngayon lang siya gumalaw pagkatapos tanggihan ni Shilo ang kasal. Kung iisipin mo kasi ay parang napakatagal naman yata niya magplano ng paghihigante sa pamilya natin. Sa tingin ko ay alam na niya ang ginawa mong kalukuhan."

Napayuko siya at na-uwi sa malalim na pag-iisip. He analyze what his cousin said. May point ang mga sinabi nito. Maari ngang alam na nito ang ginawa niyang kalukuhan. Kung ang pagtanggi lang naman ni Shilo ay hindi na iyon big deal sa mga ito. Arrange marriage is fine to Chinese family. It been tradition but they are in a modern era. Hindi na uso ang arrange marriage. Hindi din naman struggle financially ang mga Lee para ipilit ng mga ito ang sarili sa pamilya nila.

Namutla siya dahil maaring tama nga ang sinabi ng pinsan. Pwedeng alam na ni Mr. Lee ang tungkol sa ginawa niya?

"I will ask Patrick help now. Kailangan natin malaman ang mabigat na rason ni Mr. Lee. Hindi tayo pupunta ng China ng walang laban." Seryusong sabi ni Kuya Shan.

Tumungo siya. Kailangan na nilang gumalaw ngayon. Kailangan nilang malaman ang dahilan ng kalaban kung bakit ginagawa nito ang lahat para sirain ang meron sila.

'IKAW NA ANG bahala kay Maze. Babalik din agad ako pagna-ayos ko na ang problema.' Muli niyang inalala ang sinabi ng pinsan bago ito tumulak papuntang China kasama si Andrea.

Tama nga ang hinala ni Kuya Shan. Alam na ng ama ni Andria ang tungkol sa ginawa niyang kalukuhan. Bumalik ng Pilipinas si Andria para ka-usapin sila. Doon nagdesisyon si Shilo na sumama kay Andria papuntang China at iwan si Kaze sa araw ng kasal ng mga ito.

Sinubukan niyang pigilan ang pinsan ngunit hindi talaga ito nakinig. Iniwanan lang nito ng sulat si Kaze. Sobra siyang na guilt sa ginawang kasalanan sa pinsan. Isinakrepisyo nito ang sariling kaligayahan para lang maayos ang problemang ginawa niya. Lalong bumigat ang nararamdaman niya ng makita kung gaanong nasaktan si Kaze dahil sa ginawa ng pinsan.

"Nakita niyo ba si Kaze?" tanong niya kay MT at Wilsy.

Nasa airport sila ng mga sandaling iyon. Nalaman nila mula kay Tita Aliya na aalis si Kaze papuntang U.S. Kumalat sa social media ang larawan ni Shilo at Andria na magkasama sa China. At ang balak na pagpapakasal ng dalawa. Isang fake news iyon pero nakarating pa rin kay Maze at naging dahilan para umalis ito ng bansa.

Kailangan niyang ka-usapin ang dalaga at sabihin dito ang totoo. Dapat niyang pigilan si Kaze na umalis ng bansa dahil babalik pa si Shilo para pakasalan ito. Shilo love Kaze so much. He plans to marry Kaze after the mess happening to him in China.

"Hindi ko siya nakita." Habol ni MT ang hininga.

Napahawak siya sa batok at iniikot ang paningin.

"If Patrick and Asher is here, we can easily track her," aniya.

Tumungo bilang pagsang-ayon sa sinabi niya ang dalawang kaibigan. But there's nothing they can do. Nasa China din kasi ang dalawa para tumulong sa problema doon. May nangyaring cyber problem sa system ng kompanya. May ilang confidential files na naninakaw ang hacker. Asher is expert on that one while Patrick personally when there to track all the person involve on the problem. Ilang araw na ang mga ito doon.

"Hindi pa nakaka-alis ang ereplano kaya maaring nandito pa si Kaze. Let's find her."

They about to go on separate ways when his phone ring. Kinuha niya ang phone sa bulsa. Nagtagpo ang mga kilay niya ng mabasa ang pangalan ng Kuya ni Anniza. Sinagot niya agad iyon.

"Hello!" sagot niya.

Nakatingin sa kanya ang dalawang kaibigan.

"Nasaan ka?" seryusong tanong ni Anzer sa kabilang linya.

"I'm in the airport. Hinabol namin ang fiancé ng pinsan ko. May problema ba?"

"Oo. Kailangan mong pumunta agad dito. Nasa ospital kami ngayon."

"Huh! Bakit nasa ospital kayo?" Bigla siyang binundol ng kaba.

"Sinugod ng ina mo ang kapatid ko sa ospital. Dinugo si Anniza at kritikal ngayon."

Nanigas si Joshua sa kinatatayuan. Parang may bombang sumabog sa karapan niya. Nanlamig ang kanyang katawan. Ang matapang nitong mukha ay nabahiran ng umagos na mga luha. He's heart is stop bitting.

What is happening right now is like dejavu to him?