webnovel

Wishing Girl 3: Pain 2 Forget

PAIN 2 FORGET (Wishing Girl 3) A novel was written by Ji Mie Han (HanjMie) ANNIZA knows that she should pay that person who does good deeds to her. Kaya naman nang magtapos siya ng pag-aaral ay pinili niyang magtrabaho sa kompanyang nagpa-aral sa kanya. At doon, nakilala niya ang baliw at pasaway na pamangkin ng big boss, si Joshua Jhel Wang. Tuwing nakikita niya ang pinanggagawa nito ay napapataas na lang siya ng kilay. Ngunit dahil sa isang gabi, napalapit siya kay Joshua. Naging daan din iyon para maging magkaibigan silang dalawa. Kaya ng maging head ito ng kanilang departamento at ginawa siyang sekretarya ay hindi na siya tumutol pa. Nakikita na lang kasi ni Anniza ang sarili na tumatawa sa kalukuhan ng kanyang boss. Pero may hangganan pala ang lahat. Hindi pala isang simpleng pagkakaibigan lang ang nais nito. Anong gagawin ngayon ni Anniza? Paano kung malaman din niyang buntis siya? At lalong gumulo ang lahat ng bumalik ang unang pag-ibig ni Joshua? (c) 2020

HanjMie · Thành thị
Không đủ số lượng người đọc
53 Chs

CHAPTER THIRTEEN

NAKASIMANGOT pa rin si Anniza ng mga sandaling iyon. Hindi naman niya kasi napigilan ang emosyon kanina. Bigla na lang iyon sumabog ng makita niyang ka-usap ni Anniza si Brix. Alam naman niyang kaibigan lang ang dalawa pero nagseselos pa rin siya. Malapit ang dalaga sa lalaki at hindi niya iyon gusto. Hindi niya intensyon na maging sarcastic sa lalaki pero talagang nadala lang siya. Ang hirap naman kasing itago ang nararamdaman niya para kay Anniza. He has this tendency of being possessive towards her.

Huminga siya ng malalim. Nagmamaneho siya ng mga sandaling iyon. Sinulyapan niya ang dalaga. Nasa labas ang mga mata nito ng mga sandaling iyon.

"I'm sorry." Panimula niya.

"Just drive, boss."

Napahigpit ang pagkakahawak ni Joshua sa manibila. Galit talaga ang dalaga sa kanya. At hindi niya gusto ang ganitong sitwasyon. Inihinto ni Joshua ang kotse sa gilid ng daan.

"I'm sorry kung ganoon ang asta ko sa kaibigan mo." Humarap si Joshua kay Anniza.

Hindi pa rin nagsalita ang dalaga. Sinulyapan lang siya nito.

"Annie, pasensya na talaga. Promise hindi ko na iyon uulitin. Kung gusto mo humingi pa ako ng tawad sa kanya. Tawagan mo siya ngayon. I will---"

"Hindi mo talaga alam kung bakit galit ako sa iyo ngayon?" Galit na sigaw ni Anniza sa kanya. Humarap ang dalaga na namumula ang mukha.

"Annie..."

"Naiinis ako kasi pinaasa mo ako. You send me a flower early this morning. Magpapasalamat sana ako at balak kitang ilibre ng lunch pero nasaan ka. Kumain ka sa labas ng hindi sinasabi sa akin. Muntik na akong magutom ng dahil sa iyo. Kung hindi ko pa naka-usap ang sekretary mo ay hindi ko pa malalaman. Nakakainis ka. Alam mo ba iyon."

Natigilan si Joshua sa narinig. Hindi agad nakapagsalita ang binata at nakatitig lang sa galit na mukha ni Anniza. Nagtaas-baba pa ang dibdib ng dalaga.

"I-iyon ang dahilan kaya ka nagagalit sa akin ngayon?" Hindi makapaniwalang tanong ni Joshua.

"Bakit may iba pa ba?"

"Akala ko kasi dahil kay B---" hindi na niya matuloy ang sasabihin. Binalot bigla ang puso niya ng kakaibang ligaya.

Shit! Pwede bang lumabas at masisigaw sa saya ng mga sandaling iyon? Dahil lang sa hindi siya nagkasamang magtanghalian kaya galit sa kanya ang dalaga. Kinikilig siya ng mga sandaling iyon. Is it possible for a man like him to feel that way? Nakakabakla naman ang nararamdaman niya pero wala siyang paki-alam, si Anniza ang pinag-uusapan nila.

He clears his throat. Kailangan niyang kalmahin ang sarili. "I'm sorry. Biglaan lang iyong lunch meeting ko sa kay Daddy. Nawala na din sa isipan ko na sabihin sa iyo dahil minamadali na ako nv aking ama. It's an urgent matter. I'm sorry. Hindi ko na iyon uulitin."

Isang matalim na tingin ang ipinukol ni Anniza sa kanya. "No need. Dahil hindi na ako sasabay sa iyo kumain simula bukas."

Nabura bigla ang ngiti sa labi ni Joshua. "Annie, wag naman ganyan. I'm sorry, okay. I make up to you. Saan mo gustong kumain ngayon. It's my threat."

"Sinabing ayoko ko. Iuwi mo na ako, boss. I'm tired. Gusto ko ng magpahinga." Tinalikuran siya ng dalaga.

Napangiwi si Joshua dahil sa sinabi ni Anniza. Hindi na nga talaga magbabago ang dalaga. Kapag sinabi nito, sinabi nito. Wala tuloy nagawa si Joshua kung hindi ihatid na lang ang dalaga. Ayaw niyang mas lalo silang mag-away dalawa. Ang huling bagay man na nais niya ay iyong magkagalit sila ni Anniza.

Nang maihinto ni Joshua ang kotse nito ay agad niyang hinawakan sa braso si Anniza.

"I'm sorry."

Binawi ni Anniza ang braso nito at inalis ang pagkakasuot ng seatbelt. Walang salita-salitang lumabas ng kanyang sasakyan si Anniza. Sinundan lang ito ni Joshua ng tingin. Hanggang sa makapasok sa loob ng bahay nito ang dalaga ay hindi man lang siya sinulyapan. Isang malalim na paghinga ang ginawa ni Joshua. Bakit ba kasi niya kinalimutan na sabihan sa dalaga na kakain siya kasama ang kanyang mga magulang?

'Well, nagselos ka lang naman kanina dahil tinukso siya ni Mae kay Brix. Iyong wala kang planong kumain kasama ang mga magulang mo pero ginawa mo dahil naiinis ka,' ani ng kanyang isipan.

Napasabunot na lang si Joshua sa sariling buhok. Kinuha niya ang phone sa kanyang bulsa at nagtipa ng mensahe.

'I'm sorry. Hope you are not mad at me tomorrow. Babawi ako bukas. Breakfast on me, Annie.'

Pagkatapos niyang ipadala ang mensahe na iyon ay nagmaneho na siya ngunit hindi siya umuwi sa bahay niya kung hindi pumunta siya sa club ni Patrick. Naabutan niya ang kaibigan na naghahalo ng inumin. Nagsalubong agad ang kilay nito ng makita siya.

"What happen to you?" tanong nito.

"Can I drink tonight?" Instead of answering his question. He ask too.

"No!" matigas na sagot ni Joshua.

Ibinigay nito ang ginagawa sa kasama at umupo sa tabi niya. Yumuko na lang siya. Kapag sinabi nito na hindi siya iinum ay hindi siya nito pagbibigyan. Kahit na takutin niya pa ang staff nito ay hindi siya bibigyan ng anumang alak.

"Ano bang problema mo?" Hinawakan siya ni Patrick sa balikat.

Huminga siya ng malalim. "Do you have this possessiveness to someone? Na ayaw mo siyang mapalapit sa ibang lalaki. Do you think it's a toxic attitude?"

Nakita niyang natigilan si Patrick. Tumingin ito sa isang direksyon. Sinundan niya iyon at nakita niya si Sasha na kumukuha ng order ng customer.

"Yes. Kung pwede lang ikulong sa isang kwarto ang isang tao ay ginawa ko. It's eating me alive inside every time I saw her talking to a guy." Tumingin sa kanya si Patrick. Bakas ang lungkot sa kanyang mukha. "But I don't have the right to be possessive to her. And yes, it was a toxic attitude. Maari kasi iyong makasakal sa taong mahal natin."

Yumuko siya at tumungo. "Kaso ang hirap noon pigilan."

Patrick taps his shoulder as if he is encouraging him to be strong and also telling him that everything will be alright.

"Nag-away ba kayo ni Anniza?"

Tumungo siya. "I got jealous. Narinig ko lang na binibiro siya kay Brix ay nagselos na ako. I hate that green monster but I can't help it." Itinuro niya ang dibdib. "Sumisikip ang dibdib ko kapag naririnig ko siyang binibiro sa iba. It should be me. Mahal ko siya, Patrick pero hindi niya ako mahal. Ang hirap ng ganito. Noon, okay lang sa akin na hindi ako gusto ng isang babaeng nakakasama ko. Alam ko kasi na gusto lang din naman nila akong maging nobyo para ipakita sa campus pero iba ngayon. Anniza is very different. She doesn't mind about my money and my name. She is the one I love right now and I want her to love me back but it seems to be impossible right now."

Namayani ang katahimikan sa pagitan nila pagkatapos ng kanyang mga sinabi. Itinaas ni Patrick ang kamay nito para tawagin ang staff nito na naghahalo ng inumin. Agad naman itong nilapitan ng staff nito.

"Sir."

"Isang bote ng vodka."

Napatingin siya sa kaibigan. Mukha naman nakuha ni Patrick ang ibig sabihin ng kanyang tingin.

"I let you drink pero magpapahatid tayo mamaya. At hindi kita ihahatid sa bahay ng magulang mo. Sa pen house mo kita ihahatid. I called Liam. Let get waste tonight." Tinapik muli ni Patrick ang kanyang balikat bago tumayo para tawagan ang kaibigan.

Nang makaalis ang kaibigan ay kinuha ni Joshua ang kanyang phone. Nagsalubong ang kilay niya ng may natanggap na mensahe mula sa isang unregister number.

'Are you going to wait for me?'

Iyon ang nakasulat sa mensahe. Thinking that the person sends a wrong number, he deletes the message. Hinanap niya ang number ni Anniza at tumipa ng mensahe.

'Natutulog ka na ba?'

Inilapag ni Joshua ang kanyang cellphone at tumitig sa mesa. Anong gagawin niya ngayon para mapatawad siya ng dalaga? Seeing her mad face makes him uncomfortable. Alam niyang hindi siya makakatulog agad ngayong gabi. Isang malalim na paghinga ang ginawa niya. He needs to do something. Hindi pwedeng humaba ang galit sa kanya ni Anniza.

"Thinking about going to waste tonight?"

Natigilan si Joshua ng marinig ang tanong na iyon. Napatingin siya sa kanyang kaliwang bahagi. Nakatayo ang isa sa malapit niyang kaibigan. Liam with his office attire really suit to him well. Sino bang mag-aakala na ang lalaking ito ay anak mahirap. He looks so amazing until now. Ito lang sa kanilang magkakaibigan ang may magandang pangalan. He didn't date because he wanted to display a girl. He date because he likes the girl he dating. Pero kagaya nila ni Patrick wala din tumatagal na relasyon dito. Maswerte kapag tumagal ng anim na buwan ang relasyon nito. Well, si Liam lang naman sa kanila ang nagkakaraon ng ganoon katagal na relasyon. Ang pinakamatagal na relasyon nito ay dalawang taon. Siya at si Jassie ay umabot ng anim na buwan, kung hindi lang nangyari ang trahedyang iyon ay baka sila pa rin hanggang ng mga sandaling iyon. Baka nga masaya siya kasama ang pamilya na dapat meron na siya ngayon.

"Gusto ko lang makalimutan ang bigat na nararamdaman ko." Sagot niya sa tanong ng kaibigan.

Tumaas ang isang kilay ni Liam at umupo sa upuan na katabi niya. Itinaas nito ang isang kamay. Agad naman lumapit ang bartender.

"Yes, Sir."

"Isang orange juice." Sagot ni Liam.

"Hindi mo kami sasamahan ni Patrick?"

"Ako ang maghahatid sa inyo mamaya kapag lasing na kayong dalawa ni Patrick. Baby-setter niyo ako ngayong gabi kaya sulitin niyo na." May bahid ng irritasyon na sagot ni Liam.

Ngumiti siya at umiling na lang. Hindi man sabihin ni Liam ng diretso ay alam niyang nag-aalala lang ito sa kanila ni Patrick. Base sa nakikita niyang ayos nito ay siguradong iniwan nito ang trabaho para lang samahan sila ng kaibigan. This is what he call a real friendship. Nagtapos man sila ng kolehiyo ay wala pa rin nagbago sa kanilang tatlo.

INAAYOS NI ANNIZA ang record ng mga bagong empleyado ng lumapit sa kanya ang sekretarya ni Joshua.

"Bakit niya ako pinapatawag?" tanong niya.

Nakasunod siya sa likuran nito. Walang ngiti sa labi ng babae. Mataray talaga ang sekretarya ni Joshua. Ito din kasi ang dating sekretarya ng dating Head nila. Nakuha din yata nito ang ilang ugali ng dati nilang head.

"Hindi ko alam. Basta pinatawag ka lang niya."

Tumaas lang ang kilay niya at hindi na natanong. Kumatok sa pinto ng head HR ang babae. Nang marinig ang pagsagot ni Joshua ay binuksan ng babae ang pinto. Nabungaran niya ang binata na abala sa pagbabasa ng mga papeles. Nagtaas ito ng tingin ng pumasok sila.

"Sir, Ms. Jacinto is here."

Ngumiti si Joshua. "You can leave us now."

Yumuko lang ang sekretarya ni Joshua. Hindi na nagpaalam ang babae. Nilampasan lang siya nito habang hindi nakangiti. May problema ba sa kanya ang babae? Nagkibit-balikat na lang si Anniza. Hindi niya dapat iniisip kung anong problema nito sa kanya. Bahala ito sa issue nito sa kanya.

"Good morning, Sir. May kailangan po ba kayo sa akin?" tanong niya.

"Umupo ka muna, Annie." Itinuro ni Joshua at upuan sa harap nito.

Agad naman siyang sumunod dito. Umupo siya at pinakatitigan ito. Maliit lang ang opisina ni Joshua. Hindi iyon kagaya ng ibang opisina ng head. Wala iyong sofa. Pagkapasok na pagkapasok sa opisina nito ay mesa agad nito ang bubungad. May mga cabinet din doon na nilalagyan nito ng mga files. May mga tanin sa dalawang sulok at iilang painting. May mga trophy din na napanalunan ng department nila kapag may event ang kompanya. Joshua's office smells like him. Amoy na amoy ang pabango ng binata sa apat na sulok ng opisina nito. Kung hindi siya nagkakamali ay Lacoste Blanc Cologne ang brand na gamit nito. Mabango iyon pero hindi ang presyo.

Noong nakaraang buwan ay tumingin siya ng perfume para sa kanyang Kuya Anzer at pabango ang naisipan niyang bilhin para dito ngunit nagulat siya ng makita ang presyo ng pabango na nagustuhan niya. Lintik lang kasi, almost 3 thousand na ang isang maliit na bote ng pabango. Kaya iba na lang ang binili niya. It's not a necessary to buy such expensive thing. Oo nga at kaarawan naman iyon ng kanyang nakakatandang kapatid pero hindi pa rin iyon rason para bumili siya ng ganoong kamahal na bagay. Pero sa isang tulad ni Joshua, siguradong baliwala lang ang pagbili ng ganoon. Sa yaman ba naman nito. Hindi isang tulad nito ang gagamit ng mumurahing pabango.

"Pinatawag talaga kita, Annie para dito." May inilapag si Joshua na puting sobre sa harap niya.

Nagtataka man ay tinanggap iyon ng dalaga at binuksan. Isang sulat ang bumungad sa kanya. Binasa niya iyon at nanlaki ang kanyang mga mata ng makita ang nakasulat.

"Human Resources exclusive secretary?"

Ngumiti si Joshua at tumungo. "Ms. Saurez is accepting her promotion as head accountant for Mei Hotel in Davao. May sakit ang ama niya at tanging siya lang ang pwedeng mag-alaga dito kaya nag-request siyang magpalipat doon. I accept her request and now, I'm looking for a new secretary and you are the person I wanted too."

Annie didn't alter any words. Gulat na gulat pa rin siya sa nabasa. Tama ba talaga na siya ang pinili nitong maging sekretarya nito.

"Why? Bakit ako?" nagtatakang tanong niya.

"Well, why not? Matagal ka na sa kompanya at alam mo na ang pasikot-sikot ng departamento natin. You will be an efficient secretary for me."

"Pero may mas matagal pa sa akin. Hindi po yata tama na a---"

"I already submit your recommendation letter to the President and he said I should go for it, if my judgement is right. They approve my recommendation."

"What? Pumayag si Sir Shawn?"

Tumungo si Joshua. Tumayo ang binata at naglakad papalapit sa kanya. Sinundan ni Annie ang galaw ng binata. Nagugulat pa rin siya sa nalalaman ng mga sandaling iyon.

"Hindi dahil sa malapit tayo, Annie kaya kita nirekomenda bilang sekretarya ko. I saw how good you are to your work. I saw how dedicated you are. Iyong loyalty mo din sa kompanya ang isa sa dahilan ni Tito Shawn kaya siya pumayag sa rekomendasyon ko. Annie, you deserve this promotion. Kaya sana ay tanggapin mo." Umupo si Joshua sa katapat niyang upuan at hinawakan ang kamay niya.

Hindi nakapagsalita si Annie. Tumingin lang siya sa makahugpong nilang kamay ng binata. Bumilis bigla ang tibok ng kanyang puso. Hindi dahil sa nalaman na balita kung hindi dahil sa ginawang paghawak ng binata sa kanya. She can't get back her hands because she likes the feeling it giving her.

"Alam kong magugulat ka kaya bibigyan kita ng oras na makapag-isip. Sagutin mo na lang ang tanong ko bukas. Think it over, Annie. Pero para sa akin, Ikaw ang nararapat na maging bago kong sekretarya." Ngumiti si Joshua at tinapik ang kamay niya bago binitawan.

Tumayo ang binata at bumalik sa dati nitong kina-uupuan. Huminga ng malalim si Anniza. Hindi niya alam kung tatanggapin ba ang ibinigay na posisyon sa kanya ng binata. Deserve niya ba talaga ang ibinigay nitong pagkakataon sa kanya. Muling napatingin si Anniza kay Joshua. He's about to pick up the landline when she speaks.

"Give me a reason to accept this position, Sir Joshua."

Joshua looks at her with a spark in his eyes. Sumandal ito sa upuan nito at pinakatitigan siya sa mga mata.

"I already answer your question, Anniza. Pero kung gusto mo talaga marinig... You are a loyal employee. Magaling ka din sa trabaho mo na wala kaming nakikitang problema at ang huli..." ngumiti si Joshua. "You always do your best at your job. Me and Tito Shawn believes on you."

Naramdaman ni Annie ang pang-iinit ng kanyang pisngi. Alam niyang sinagot lang ni Joshua ang kanyang tanong pero humaplos naman sa kanyang puso ang sinabi nito. It's like he is complementing her and it makes her heart warm. Minsan sa buhay niya ay ngayon lang siya nakadama ng ganoon dahil sa pinuri siya ng isang tao. Masaya siyang marinig mula sa binata ang ganoong salita.

"You... believe on me?"

"Oh..." Tumungo si Joshua at ngumiti.

Itinuloy ng binata ang pang-angat ng telephone. Kina-usap nito si Ms. Saurez na hindi na niya maintindihan dahil ang tanging naririnig na lang niya ng mga sandaling iyon ay ang malakas na tibok ng kanyang puso.

"Annie? Annie?"

Ang pagtawag na iyon ni Joshua ang siyang nagpagising sa natulala niyang isipan. Napakurap si Annie at napatingin sa binata.

"Ha?!"

"Let's eat lunch together. Pero dito lang sa loob ng opisina ko. I don't feel going out today."

"Ha?!"

Ngumiti ang binata at muling lumapit sa kanya. Tumayo ito sa harap niya kaya naman napatingala ang dalaga. Matangkad talaga si Joshua kaya naman kahit sino ay mapapatingala talaga dito.

"Nagulat ka pa rin ba sa binalita ko?" Mahinang tumawa si Joshua. "Well, I expect your reaction. Hindi mo ba talaga inaasahan na maari kang ma-promote? I mean, ayaw mo bang ma-promote?"

Huminga ng malalim si Anniza. "Oh... Hindi ko masyadong iniisip iyon. Ang gusto ko lang naman ay magtrabaho sa MDHGC. Makabawi sa tulong na ibinigay nila sa pamilya ko. Dahil sa kompanyang ito ay hindi ko mararating kung anong meron ako ngayon. Utang ko sa kanila kung ano ako at kung bakit buhay ako ngayon. Kung sakaling tumaas man ang posisyon ko ay isa na iyong karangalan. MDHGC is like a family to me, Sir Joshua."

Nakita niyang nagningning ang mga mata ni Joshua. "Happy to hear that from you, Anniza. Kaya sinasabi ko sa iyo, you deserve this promotion. Accept it. Kukunin ko lang ang order kong lunch natin sa labas."

Tumayo si Joshua at iniwan siya sa loob ng opisina nito. Saka lang nakahinga ng maluwag si Anniza. Kanina pa kasi nagwawala ang puso niya sa tuwing lumalapit ang binata sa kanya. Para na nga iyong lalabas ng kanyang katawan. Sobrang bilis at malakas ang tibok ng puso niya. She never expect such reaction from her heart. Hindi niya alam kung bakit nagkakaganoon ang puso niya kapag malapit ang binata. Sa buong buhay niya ay ngayon lang niya naramdaman ang ganoong emosyon. Everything is new to her and it makes her confuse.

Mapakurap si Anniza ng marinig ang isang malakas na tunog. Napatingin siya sa gitnang mesa ni Joshua. Nakita niyang umiilaw ang phone ng binata. Napatayo siya at umikot para tingnan kung sino ang tumatawag. Nagsalibong ang kilay niya ng makitang number lang ang lumabas. Sasagutin na sana niya iyon ng tumigil sa pagtunog ang phone nito.

"Sino ka naman kaya?" tanong ni Anniza.

Nagkibit-balikat na lang si Anniza at babalik na sana sa kina-uupuan ng muling umilaw ang phone ni Joshua. Napatingin siya doon at nakita niya muli ang number na iyon. Anniza out of her coruisity, she picks up the phone. Mabuti na lang at walang password ang phone ng binata. Mabilis siyang nakapunta sa inbox nito. Nanlaki ang mga mata ni Anniza ng mabasa ang mensahe.

'I miss you. I know, you are waiting for me. And I also waiting for you. I miss you so much, JJ.'