webnovel

Chapter 8

Rose POV

Nagpasya akong makikipagdate na ko kay aron sa susunod ko na day off pagbibigyan ko na ito, ilang araw na din itong nangungulit sa akin, ilanga gabi ko na din itong laging nakatext at lagi itong tumatawag magahan ang loob ko dito , mukha itong mabait halus gabi gabi ko itong kausap kasi halus gabi gabi itong tumatawag sa akin, hindi naman akong pinagbawalan ni naanay bagkus ay naging masaya si nanay na sinubukan ko daw buksan ang aking sarili sa ibang lalaki, biro pa nito na akala daw nito na tatandang dalaga ako, tuwang tuwa pa nga ito kasi gabi gabi nakikita niya akong may kausap lagi at biro pa ni inay magkakaaroon na ng ama ang aking anak , gusto daw nitong may makalikhan na ama ang aking anak kasi simula ng mabuntis ako , hindi na ako ulit tinanong ni nanay kung sino ang ama ng aking anak ko , na kinapayapa ng aking loob dahil ni minsan ndi ako tinanong ni nanay at ndi rin niya ako hinusgahan sa aking katangahan sa pag-ibig, hindi ko kasi ito sinagot ng minsan tanungin niya ako noon kasi ayaw ko papanagutin si sir miguel sa nangyari sa amin at lalong na sa aking pagkakabuntis dahil unang una -wala naman malinaw sa amin at ni minsan ndi niya sinabi o binigkas sa kanyang labi na papanagutin niya ang nagyari sa amin, Pangalawa -wala naman talaga ito ipinangako sa akin ng kahit na ano, Pangatlo -ako ang nagpilit ng aking sarili sa kanya , ako ang nagpahayag ng aking nararamdaman sa kanya ,Pang-apat - ayaw ko ipapanagot sa kanya ang anak ko, hindi naman ako sigurado kung magugustuhan ba niyang magkaanak sa akin, baka ipalaglag lang nito ang anak ko dahil siguradong gusto lang ntong magkaanak sa kanyang mahal na mahal na first ex girl friend/ asawa at Panglima- Hindi rin ako sigurado kung gugustuhin ba niya panagutan ito, sigurado hindi at ayaw ko panagutan niya ito dahil naipit ito at napilitan kaya mas nanaisin kong isilang itong mag-isa at palakihin itong mag-isa keysa ipapanagot ito dito

Minsan nalulungkot ako dahil hindi ko mabigay lahat ng pangagailangan ng aking anak ko na kung tutuusin kaya niyang matamasa dahil mayaman ang kanyan ama, hindi lang mayaman pala kundi sobrang yaman, sa sobrang yaman na kahit ano man gusto ng aking anak ay mabibigay niya sa isang pitik ng kanyang mga daliri

Mabait nman si aron base sa nararamdaman ko sa kanya at pinapakita nito sa akin, minsan nahihiya na ko dito, kasi hindi ko man nasasagot mga tanong niya sa akin sa cellphone dahil wala akong load, kaya siya ang nagloload sa akin nakakhiya man ang ginagawa niya , mukha akong dukha binabalik ko ito sa kanya pero ayaw niyang ibalaki ko ang load, nakabigla yung niload niya sa akin akalain mo bang niload ako ng lokong lalaki iyon ng 10,000 pesos na load at napansin ko dito ni minsan ndi nito nakalimutan tawagan ako gabi gabi at tuwing umaga at tanghali naman lagi niya ako tinitext , atleast nabaling sa iba ang aking atensyon at hindi nalang si sir miguel ang aking naiisip, yung aking trabaho ganoon pa rin , naging maayos naman ito, kaya naging masaya ako at mabilis lumipas ang araw

Ito na yung linggo na magkikita kami ni aron medyo kinakabahan ako kasi makikipagdate ako , ihhh first time kong makipagdate kasi ni minsan ndi ko naranasan kay sir miguel yung bagay na yun at nagpaalam ako kay inay at kaagad itong pumayag at naging masaya pa ito

Gusto ni aron na isama ko ang anak ko sa lakad namin, kilala nito ang aking anak, kasi madalas silang mag-usap sa cellphone ko pero hahihiya akokaya tumangi ako kaya sabi ko dito hindi ko muna isasama ang anak ko baka sa susunod pwede pa at sabi ko din sa kanya sa ibang pagkakataon ko isasama ko ang aking anak para makakilala sila ng lubusan, sabi ko magkita kami sa isang mall nalang doon nalang kami magdate at sabi ko sa kanya sa bandang bungad nalang kami magkita para ndi ako maligaw dahil ndi naman ako palalabas baka sa loob ng mall ay maligaw pa ako at ang napag usapan namin oras ay 10:30 kaya ng mag aalas diyes nandoon na ito at nakapulang damit daw ito, naku ang lalaking iyon napakaaga at ako dumating ako ng 10:15 sa lugar na pagkikitahin namin , ndi naman ako late kasi ang nagpa-usapan ay 10:30 pero nahihiya ako dito na naghintay ito ng kinse minutos sa labas ang tagal kasi ng nasakyan kong dyip, palinga linga ako hinahanap ng aking mata ang nakapulang damit pero ang dami naman tao ditosa bandang bugad ng mall at 5 ang nakapulang damit sino ba sa kanila?, nasaan na ba siya? hindi ko muna sinabi na nandito na ako, nagmasid masid masid muna ako ganoon nalang ang aking gulat ng may magsalita sa aking gilid at agad ko naman ito tinignan at ganoon nalang ang paglalaki ng aking mata kasi ang nasa harapan ko ay isang napakagwapong nilalang mala adonis ito mukha itong modelo sa tikas at sa gwapo nito mukha itong anghel na bumaba sa lupa, pinagmasdan ko itong maigi mapapawow ka talaga , Ang tangos ng ilong, Ang ganda ng mata, singkit, Ang labi niya mapula pula, Ang tangkad nito, Ang kutis nito ang kinis, mukaha itong anak mayaman

"Ikaw ba si rose" sabi niya sa akin , ang lambing ng boses nito katulad ng naririnig ko sa cellphone yung boses nito ngayon at ng ngumiti ito nakita ko ang kanyang mga ngipin ang puti at pantay pantay

"oo " sagot ko at ngumiti ako sa kanya ng simple

"ako si aron" sabi nito sa akin at kinamayan ako, agad ko din itong kinamayan

At ng niyaya niya ako sa loob ng mall pumasok na kami sa loob

Tinanong nito ako kung nagugutom na ako, ngumiti ako sa kanya sabay sabing

"hindi, kakain ko lang kanina bago ako umalis" sabi ko sa kanya at binaba ko ang aking tingin nakakahiyang tumabi dito mukha nito akong katulong dahil sa sobrang kisig nito, nakita ko na panay ang tingin ng mga kababaihan dito naku ang gwapo kasi nito yung ibang babae naman naaninag ko sa kanilang mukha ang ingit at yung iba naman naiinis

"saan mo gustong pumunta?' tanong niya sa akin

"Kahit saan " sabi ko sa kanya sabay kibit balikat at dinala muna niya ako sa loob ng department store, nakita ko yung ibang mga satff ng mall na itona binabati ito ng walang tigil para lahat ay nagpapansin dito, nakita ko naman ang tingin ng mga staff dito bakit mukha silang naiingit sa akin , lahat sila mukhang galit , naku yan ang mahirap pag may kasama kang mala adonis na lalaki sa iyong tabi, dahil sa nakikita parang may napansin ako kaya nagpasya akong magtanong pero bago ko ibuka ang aking labi narinig ko itong nagtanong sa akin

"may gusto ka bang bilhin na pasalubong kay miguelito" sabi nito sa akin, napatitig ako dito, napalapit na talaga ang loob nito sa aking anak, agad akong nahiya sa kanyang tanong kaya agad kong piniling ang aking ulo bilang pagsagot sa kanyang tanong

At naalala ko ang itatanong ko dito, kaya agad ko na itong tinanong " mukhang kilala ka ng mga staff dito" sabi ko dito , nagkibit balikat lang ito at sinabing suki kasi siya dito, masyado itong humble sa nakikita ko siya ang may-ari nito base sa aking nakikita at ng natapos kami sa paglilibot sa department store at nagtungo kami sa cinema upang manood ng palabas na pelikula at ng tignan namin ang list ng mga movie agad ako nitong tinignan at tinanong

"Anong gusto mong panoorin namovie?" tanong niya sa akin, agad ko tinignan ang mga nasa list at dali dali kong pinili ang isang sci fiction movie at bumili na ito ng ticket at pumasok na kami sa loob ng cinema ng matapos ang aming pinapanood, dinala nito ako sa isang restaurant, papasok na kami ng may mahagip ako ng aking mata, tama nga ako kahit nkaatalikod ito , kilalang kilala ko pati likod nito namemorize ko na at agad kong binaling sa kasama ko ang aking mata at agad ko itong tinanong

"aron dito ba tayo kakain?" tanong ko dito sabay tingin sa loob ng restaurant mukhang pangmayaman ito

"oo rose, ayaw mo ba dito?, tara lilipat tayo sa iba"sabi nito sa akin pero agad akong nahiya sa kanya kaya nasabi ko

"naiisp ko lang mahal kasi dito" sabi ko sa kanya at nakita ko itong ngumiti

"hindi naman" sabi nito sa akin sabay ngiti ng matamis, ang gwapo talaga nito

Agad kami sinalubong ng isang waiter na dinala kami paupunta sa isang lamesa sa gitna pero ang nakakainis lang yung pupuntahan namin lamesa ay katabi ng lamesa nila sir miguel at ni maam chloe, anaku ang malas naman