webnovel

Who's the Killer?

(KILLER SERIES 1) Date Started: June 15, 2019 BLURB/TEASER Napaikot ang tingin ni Ghoul sa kisame ng lumang bahay. Mag-isa't ramdan sa dibdib nito ang kakaibang kaba na dinadala sa bawat hakbang na kaniyang ginagawa. Iniisip niya pa rin ang mga nakaraang kasong kaniyang binigyang solusiyon, ngunit lahat ng iyon ay napakadali lamang. Datapwat, ang kasalukuyan ay badyang nakalilito't mapanlinlang. Nang kalauna'y narating niya ang isang kuwartong puno ng mga imahe't mga papel na nakakalat. Gulantang s'yang nanlamig sa kinatatayuan, patak ng pawis na animo'y palakas na palakas na lagaslas ng gripo. Abaddon. Salitang minarka mula sa dugo, preskong ukit nito sa napakalapad na pader ng bahay. Kakabog na dibdib ang siyang kaniyang naririnig, bawat oras na dumadaan ay pawang buhay din na nalalagas. Bilis na lingo nito sa kabilang kuwarto, buong gulat niyang natanaw ang silyang tutumba-tumba. Agaran niyang nilapitan ang selya sa kuwarto nang namatay na matanda, ang kaniyang Lola. Wala siyang napansing tao na maaaring nagpagalaw sa selya, ngunit laking gulat niya nang mapatingin siya sa malaking salamin. Nakita niya, alam na niya, kilala na niya kung sino ang pumapatay. "Aaaaaaaaaaahhhhhhhhhhh!" Huling alingawngaw nito sa buong bahay bago siya tuluyang himatayin.

HaresPratum · Kinh dị ma quái
Không đủ số lượng người đọc
21 Chs

P A N G A T L O

Masagana kaming kumakain sa hapag-kainan, hindi alintana ang hindi akmang 'di pagpapansinan. Si Eunice na ang nag-prepare ng mga pagkain, dahil sa hindi magandang pagkaka-unawaan. Mabigat pa rin talaga sa dibdib iyong mga nangyari kanina, para akong sinasakal 'pag naiisip ko iyong mga kaganapan. Bumuntong-hininga na lamang ako.

"So, guys? How's the food? Did you like it? Pangit ba ng lasa?" may pangiti-ngiting 'turan ni Eunice. Bakit parang hindi sila apektado sa mga nangyari? Ako lang ba ang na-trauma kanina.

"Masarap naman siya," matamlay na tugon ni Sioney. Habang pinaglalaruan nito ang mga gulay na nasa pinggan niya. Hindi ko siya ma-gets. Pero, ang mas hindi ko maintindihan ay iyong, 'balak nga ba kaming patayin ni Sioney? I mean-nasa harap ko na ang ebidensiya: lason sa kape, daga sa pagkain, at mga bubog.' Gano'n na ba talaga ang magkakaibigan ngayon? Parang laro lang ang lahat.

"Ikaw talaga kukunin kong Cook kapag ikasal na kami ni Chim. Right Chim? Trusted na, discounted pa." Halakhak ang bumalot sa buong palagid maliban kay Sioney. Napanganga naman ako sa rebelasiyon nilang dalawa. Kasal? You mean-iyong magsusuot ka ng belo, tapos maglalalad ka sa aisle. Wow, as in? Pero sure na ba talaga sila?

"Oo nga babe. As always, sobrang malinamnam. Masarap ka talagang mag-luto, Nice. Bakit hindi ka na lang kaya mag-asawa? Tutal, nasa tamang edad ka na rin para makapag-bukod." Napalingon ako kay Chim na nagsalita. Tinignan ko naman si Eunice, at namumula na naman ito.

"Bakit hindi na lang kaya kayo ni Lux, 'di ba matagal ka nang may gusto sa kaniya? Sabi mo pa nga, "Lux, please akin ka na lang. Akin ka na lang, pangako mas mamahalin kita higit pa sa pagmamahal sa 'yo ni Ghoul. Kahit ialay ko pa sa 'yo virg . . ."

"STOP!" Giit ni Lux. Tinitigan ko siya, kita sa mukha niya ang pagpupuyos nito sa galit.

"Kung wala naman kayong magandang sasabihin, puwede bang manahimik na lang kayo. Kitang may kumakain pa rito." Naiinis na tono nito. Natahimik naman si Chim siguro dahil na rin sa pagka-gulat

Napa-muni naman ako saglit. Para akong nawala sa ulirat nang may pumasok sa isipan ko-babaeng nakatayo, may hawak na kutsilyo, duguan ang mga kamay, at kita sa mukha nito ang isang malusog na killer smile. Napaka-pamilyar ng babae. Iyong kurba ng kaniyang katawan, ang inosente nitong tindig, at ang mala-anghel nitong awra. Ngunit, ang labo. Sobrang labo.

"Sioney?" Napabalik ako sa ulirat nang marinig ko ang boses niya. Ano iyon? Bakit gano'n ang pumasok sa isipan ko? Sino siya? Arrgh. Baka nag-ha-hallucinate na naman ako. Hays, sobrang stress ko na. Kailangan ko na talagang bumalik sa trabaho, at magpaka-subsob roon. Kailangan kong ituon ang atens'yon ko sa isang bagay na alam kong magpapasaya sa 'kin.

"Sioney!" Pagbubukas muli ni Eunice nang diskusiyon. Napatingin naman kaming lahat sa dalawa. Hindi ito sumagot, at patuloy lang na kumakain. Sobrang tamlay niya.

"Kung iniisip mong galit kami sa 'yo dahil sa ginawa mo kanina, nagkakamali ka. Hindi kami galit, at sadyang nainis lang kami sa ginawa mo-" nag-seryoso ang hangin sa buong kapaligiran.

"-pasensiya na rin kung feeling mong pinagtutulungan ka namin, it's just that hindi kasi tama ang ginawa mo. Hindi naman kasi exotic foods ang daga." Malumanay na wika ni Eunice. Walang sagot. Nabigla na lang kami nang biglang malakas na ibinagsak ni Sioney kaniyang mga kubyertos na ginamit. Tumilapon sa hapag-kainan ang mga bubog ng nabasag mula sa pinggang kinainan.

"Oo na, kayo na ang tama. Ako na ang mali, palagi naman kayong ganito e'. Palagi niyo akong pinagtutulungan. Pero ni minsan inisip niyo ba ako? Inisip niyo ba ang mararamdaman ko sa ipinapakita niyo sa akin? Hindi 'di ba? Bakit? Dahil wala kayong pake sa isang tulad ko!" Nagulat kami nang magsisigaw na si Sioney sa galit. Ano ang ibig niyang sabihin?

"H-hindi 'yan totoo, Sioney. Mahal ka namin dahil kaibigan ka namin. At kahit na ano pang gawin mo kaibigan ka pa rin. Masama man o mabuti ang gawin mo, kaibigan, at kaibigan lang din ang ituturin namin sa 'yo. Kaibigan nga tayo hindi ba? Ang kaibigan nagtutulungan. Iisang pamilya tayo, Sioney. Pamilya tayo." Malaman na ani ni Eunice sa kaibigan namin. Tumahimik ito bigla. At agad naman napangisi si Sioney. Napaka-creepy niya.

"Kaibigan? May kaibigan bang kaya kang iwanan para lang sa pagluluto na 'yan. Kaibigan your face!" May kakaiba rito. Umaakto si Sioney ng sobrang napaka-weird.

"Sinabi lang naman kasi 'yon ni Eunice dahil para magising ka sa katotohanan . . ." 'turan ni Lena.

"Na ano? Wala akong kayang gawin? Na 'di ko kayang gawin ang kaya ninyong gawin. Na hindi ko kaya ang sumayaw tulad mo, na hindi ako masarap, at marunong magluto katulad ni Eunice! "

"No Sioney. Hindi ka namin ikino-kompara sa mga sarili namin, ang gusto lang namin sabihin na . . ." Agad namang pinutol ni Sioney ang pagsasalita ni Lena.

"Ako na lang palagi ang nakikita niyo. Bakit ba? Dahil gan'to ako? Dahil ba palpak ako sa lahat nang ginagawa ko? Then now, tell me. Sino ang kaibigan niyo no'ng mga oras na wala si Ghoul? Sino ang naging karamay ni'yo sa mga oras na kailangan niyo ng makakapitan? Sinong tangang kaibigan ang walang ginawa kundi ang sumunod nang sumunod sa mga utos ninyo! Hindi ba ako! So, sabihin niyo. Sino ang walang silbi sa atin ngayon?" She's so weird.

Natahimik kaming lahat. Sobrang nakakabingi ang bawat segundong paubos nang paubos. Napatingala kami sa babaeng kaharap namin ngayon-si Sioney. Kakaiba ang bawat titig nito sa amin. Malagim, at nakalulula. Buong tindig nito na iniikot ang kaniyang bisyon sa buong palagid, hanggang napadako ang mga ito sa direksiyon ko.

"At ikaw! Akala mo kung sino kang magaling. Hmm. Detective ka ba talaga? O peke ka lang? Maski, kaso ng Lola mo hindi mo ma-iresolba. Fuck you!" Ramdam ko ang paglapad ng aking balintataw dahil sa sinabi niya. Sa tanang buhay ko ay ngayon lamang ako sinigawan nang ganito ng best friend ko.

Hindi pa rin sumi-sink in sa utak ko ang sinabi niya. Paano niya nasasabi ang mga salitang iyon? How can she manage to utter a words with no hesitant. Kahit na masaktan ako. Anong klaseng best friend siya?

"Bobo. Peke. Baliw. Iyan ang dapat itawag sa 'yo Ms. Ghoul. Kaso ng iba naireresolba mo, pero 'yong sa Lola mo maski na katiting na clue hindi mo alam. Ano'ng klaseng detective 'yan." Naluluha na talaga ako. Ramdam ko na rin na napatulo na rin ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

"Tumigil ka na, Sioney." Rinig kong wika ni Lux. Nakatingin lang sa amin sina Lena, Chim, at Eunice.

"At ano? Ikaw din? Kakampihan mo ang pekeng detective na 'yan. Go, sige. Magkampihan kayo, pare-pareho lang naman kayo. Mga walang kuwenta . . ." Humina ang pagsasalita nito nang bigla siya nahimatay. Gulat akong napanganga sa nakita. Itinurok ni Eunice ang syringe sa likod ni Sioney.

"Ano ang ginawa mo? Anong nangyari sa kaniya? Bakit mo siya tinurukan?" Seryoso 'kong tanong kay Eunice. Habang pinapahid pa rin ang mga luha ko.

"Kalma, pinatulog ko lang siya. Alam ko kasing mangyayari ito. Don't worry, tubig lang iyon na hinaluan ko ng sleeping pills. Lux, iakyat mo na siya sa kuwarto niya." Napahinga naman ako nang malalim. Akala ko kung ano na. Agad naman na ipinasan ni Lux ang nahimlay na katawan ni Sioney. Mabilis itong dumako sa ikalawang palapag ng bahay.

"What do you mean na 'alam mo na mangyayari ito'? May itinatago ka ba sa 'kin?" Tanong ko. Nakita ko pa siyang seryosong tinignan ang bawat isa sa dining area.

"Guys, I think, ito na ang tamang oras para malaman niya." Napalingon ako sa kinatatayuan ng bawat isa. Agad naman silang nanunuod sa akin. Hanggang isa-isa ko na silang nakitang tumango bilang pag-sang ayon sa 'turan ni Eunice.

"Sabihin mo na, Eunice." Pababa siyang naglalakad sa hangdan ng bahay. Pagbibigay ayon sa gusto ni Eunice.

"Hindi ko alam kung paano sasabihin sa 'yo 'to." Pina-kulot ko ang aking kilay, senyales na sobrang naguguluhan ako. Nakita ko pa siyang huminga nang sobrang lalim bago siya magsalita.

"May sakit si Sioney sa utak, Ghoul-" natingala ako habang pinapakinggan ang mabagal na tunog ng dibdib ko. M-may sakit si Sioney? Ang best friend ko may sakit? How come? Impossible?

"She has Multiple Personalities Disorder. Paiba-iba ang personalidad niya. Iyong parang mabait siya, tapos biglang mag-iiba. Ayon sa psychiatrist na tumingin kay Sioney, malaki pa ang chance na bumalik siya sa dati. Pero, hindi na daw mawawala ang iba pa niyang personalities." Naluluha na naman ako. Sa hinaba-haba ni Sioney sa pagsasalita kanina, lahat pala kadramahan lang dahil sa sakit niya. Bumalik ako sa pagkakaupo kanina at muling itinuon ang atensiyon ko sa pagkain. Biglang naging lutang ang isip ko dahil sa mga nangyayari. Hindi alintana ang bubog sa may hapag dulot sa galit na 'di naman katanggap-tanggap. I was so disappointed on you, guys. Sabay na iiling-iling na ani ko sa aking isipan.

"I'm done," mahinang ko wika at mabilis na tumayo. Naubos ko ang pagkain nang hindi ko manlang napansin ang iba pang pagkain na nginunguya ko. Hindi ko sila pinansin dahil sa okupado nang maraming bagay ang utak ko.

"Tapos ka na? Ang bilis naman?" ani ni Chim. Hindi ko sila hinarap, bagkus ay . . .

"Kapag ang isang bagay ay magandang pinagsimulan, madali lang itong natatapos." Dalawa ang kahulugan ng mga katagang binitawan ko, sana naman mabigyang linaw sila na ang pagkakaibigan namin ngayon ay nasa kritikal na lebel na. Kung sinabi lang sana nila sa una palang, hindi na sana hahantong sa ganito ang lahat.

Wala akong narinig na maski isang sagot mula sa kanilang apat, wala na ring mga tunog ang mga plato't kutsarang nagbabanggaan.

"Kung wala na kayong sasabihin pa. Can I excuse myself? Pagod ako." Monotonous na tono na 'tinuran ko. Hindi ko sila pinansin. Marahan akong umalis sa silid-kainan. Napa-hawak naman ako sa sentido ko, sumasakit na naman ang ulo ko sa kakaisip. Kanina muntik na kaming malason, ngayon iyon lang pala ang katotohanan, na lahat ng 'yon ay dulot lang ng sakit. Bakit hindi manlang nila sinabi sa akin na gano'n. Na grabe na pala ang kalagayan ng best friend ko. Kung alam ko lang, sana naintindihan ko sana siya.

Bagsak akong napa-upo sa malawak na sofa. Sobrang tahimik. Iniikot ko ang aking mga paningin. Bawat mga bagay ay aking isa't isang tinitigan. Maalikabok na mga lumang libro, sira-sirang orasan, faded na kulay ng mga oleo, at mga vase na plastic na mga bulaklak lang ang nagpapakulay.

"Hey," napalingon ako nang mapansin ang lalaking papalapit sa kinauupuan ko. Hindi ko siya sinagot at marahan lang siyang tinitigan. Hindi pa rin talaga siya nagbabago. Siya pa rin ang lalaking noon ay minahal ko.

"Sorry." Isang salita, pero libo-libo ang pinatatamaan nito sa pagkatao ko. Napatango naman ako, at alam ko naman na iisa lang talaga ang pinatutunguhan niya.

"It's okay. Pero, I'm just really disappointed on you guys. Akala ko ba hindi tayo maglilihim sa isa't isa. Akala ko ba magkaibigan tayo? Bakit parang ang ginagawa niyo ay inilalayo niyo ako sa kaibigan kong may iniinda palang depekto." Salamat at naisabi ko na rin sa kaniya. Sobrang sakit lang kasing isipin.

"Para rin naman kasi 'yon sa iyo. Pino-protektahan ka lang namin." Para sa akin? Para saan pa? Narinig ko siyang huminga nang malalim at marahas na ibinuga ito.

"Nang mga oras na iyon. Nasa probinsiya pa kami, napapansin na namin ang pagiging balisa ni Sioney. Tinatanong naman namin pero ayaw naman niyang magsalita. Tapos, isang dapit hapon ay pupuntahan sana namin siya sa bahay nila ngunit ang sabi ay hindi raw ito bumalik mula sa pamamasyal. Hinanap namin siya buong maghapon, hanggang matagpuan na lamang namin siya sa lugar na iyon. Ang lugar ng tagpuan ninyong dalawa. Nakangiti habang sumasabay sa indayog ng duyan." Tahimik akong nakikinig sa kuwento niya. Napapalunok na ako, na parang kakaiba ang nasa laman ng kuwento. Tinignan ako ni Lux sa aking mga mata, nagtatanong ang mga ito.

"Dahan-dahan naming pinuntahan siya, hindi kami nagpapahalata dahil balak sana naming gulatin siya. Pero, habang palapit ka nang palapit, ay bawat isa sa amin ay kinakabahan na. Nakikita naming nakangiti siya at parang may kinakausap. Hanggang nakatago kami sa likod ng puno at narinig namin ang pinagsasabi niya. "Hehe, nasaan na kaya ang babaeng iyon. Ghoul yata ang pangalan niya. Hmmm, napakaganda niya pero ayaw ko sa kaniya. Galit ako sa kaniya, ang pangit nang ugali niya. Ayaw ko sa kaniya, papatayin ko siya." Tapos mag-rereply siya sa sarili nitong tugon, "Huwag, kaibigan ko siya. Huwag mo siyang sasaktan, kaibigan natin siya. Best friend ko iyon, huwag please." Gulantang kaming nagulat sa narinig namin sa kaniyang nang araw na iyon. Until one day, nalaman na lang namin na may sakit pala siya. Sabi sa amin ng parents' niya ay nagkaroon raw ito ng mental disorder. Siguro dahil sa depress nito sa trabaho kaya naging ganiyan siya." Bagsak balikat akong nakikinig sa kuwento niya.

Sobrang raming hinuha ang pumapasok sa isip ko. Ako ang binabalakan niyang patayin? Si Sioney na ba talaga ang pumatay sa kaniya? Ang pumatay kay Lola? Pero hindi, ang sabi ako ang papatayin. Arggh. Ang gulo.

"Tapos? Ano pa?" Pag-aalam ko.

"Tapos pinasamahan sa amin ng pamilya ni Sioney, ang nag-iisa nilang babaeng anak/apo. Sinabing samahang pumunta sa Manila para ipatingin sa mas eksperto sa sakit." Pinasamahan? So ang ibig sabihin . . .

"Kailan kayo pumunta sa Manila?" Kunot kilay kung tanong.

"Hmmm. Last month siguro, 1 week before mamatay si Lola Aloisa. Ah oo. Last month talaga. Natatandaan ko pang ilang araw nawala no'n si Sioney dahil sa may hinahanap daw siya."

Kinukutoban na talaga ako na may kinalaman siya sa pagkamatay ni Lola.

"Then? Ano pa?" Napansin siguro niyang nagiging aggresibo na ako kakatanong.

"Wait? Ano ba 'to? Interview?"

"Sagutin mo na lang please." Napatango naman siya.

"Oo na. Kung hindi lang kita . . ."

"Ano na?" Blanko siyang tumingin sa akin.

"Then, nakita na lang namin siya diyan malapit sa Village na kinaroroonan ninyo. Hindi naman namin alam na malapit lang pala kayo diyan." Pabilis nang pabilis ang bawat pintig ng puso ko. Palapit na nang palapit, siya talaga ang itinuturo ng bawat detalye.

"Ano date niyo siya nakita?" Napapakamot na talaga siya sa kakatanong ko. Please, kahit itong tanong na ito na lang, sagutin mo na.

"Hmmmm. I think, ahhh. Kailan ba 'yon? Ahmmm. Ah wait lang, nalimutan ko kasi. Ahhhhmmm. Ah! Alam ko na August 1, kasi sa araw na iyon masayang-masaya daw siya dahil may nakalaro raw siyang matanda."

August 1! Matanda? Nagpabalik-balik sa akin ang petsang sambit ni Lux. August 1 natagpuan si Sioney, August 1 rin natagpuang patay si Lola. Hindi imposible ito. Mali, mali itong hinuha ko.

Si Sioney ang pumapatay!?

---

HeartHarl101