webnovel

46th Chapter

Eloisa's Point of View

Iminulat ko ang aking mata dahil sa kabaliwan sa panaginip ko bumungad naman ang mukha ni Andy, Japs, Lilian at Eliz.

Napatayo ako sa gulat habang hawak-hawak ang aking dibdib. Nadoble pa ang pagkabilis ng tibok ng puso ko. Dahil sa kalokohang panaginip na yon at sa paggulat sa akin ng apat.

"You all startled me," sambit ko.

Umupo ako sa kamang hinigaan ko. Napansin kong sa kama pala ako nakatulog. Ta's dalawa sa kanilang apat ang natulog sa kutson. Ang dalawa pa ay sa isa pang kama. I think? The plan was ruined dahil sa paglalasing ko.

Nagpeace sign si Japs at umalis na kasama si Lilian at Eliz sa aking harapan habang si Andrea nagstay at itinaas ang kilay niya.

Hinawakan ko ang ulo ko dahil bahagyang kumirot ito. Napadami nga pala kami ni Dominic.

Wait... nakauwi kaya siya sa kwarto nila ng maayos? Sa pagkakatanda ko- mali siguro ako. Paano niya ako mahahatid dito kung lasing rin siya.

Umiling-iling siya. "Ito, inumin mo daw." may inabot siya sa aking papel na baso. May tea doon. "For your hangover. Haynako! Kailan ka pa natutong uminom, aber? Paano kung 'di mo kilala yung naghatid sa iyo? Parehas pa kayong lasing ni Dom! But, good for you. Atleast mukhang okay na kayo." aniya. What?

"Umm... wala ako sa wisyo. Ano ulit?" kinain na ako ng sistema ng alak. Hinding-hindi na ako iinom! That's the first and last! Kung ano-ano naiimagine ko sa panaginip! Hindi ko rin maintindihan ang sinabi ni Andrea.

Ininom ko ang green tea. I still have a hangover. Ang sakit pa rin ng ulo ko!

"Ni Paolo--- wait 'di mo maalala?" tanong niya. "Speaking of!" aniya sa akin. Bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Paolo.

Si Paolo ang naghatid sa akin---so that----that dream... is--- not just a dream?!

I am drunk, really. Hindi ko na alam ang pinaggagagawa ko. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko.

I saw Dominic leaving.

Inaantok na ako. But, I think I saw him. He's here.

"I love you." ani ko sa kaniya. "Don't leave me hanging, Paolo."

Hinigit ko siya dahilan para mapasandal siya sa kama at magkalapit ang mukha namin.

He kissed me gently. I know it's just a dream or a hallucination rather. So I'd just enjoy this!

Ipinulupot ko ang braso ko sa leeg niya. Nagkusa na siyang itayo ako at buhatin. Hawak-hawak niya ang hita ko habang nakapulupot pa rin ang braso ko sa kaniyang leeg.

Padiin ng padiin ang halikan naming dalawa. And I kind of loving it.

Naalog ang utak ko ng ilaglag niya ako sa kama. The next thing I knew. He's already half-naked.

"You're tempting me, Eloisa Ramos. Fuck. Let's do this."

Sinunggaban niya agad ako ng mararahas ngunit hindi nakasasakit na halik.

Nasa ibabaw ko siya. May kung ano man akong nararamdaman sa katawan ko. Napakainit ng pakiramdam.

Naramdaman ko ang kamay niya sa hinaharap ko habang naglalakbay ang kamay niya sa aking likuran.

"Fuck." rinig kong sambit niya pagkatapos niyang maalis ang pagkakakabit ng aking bra.

I felt something in my stomach. It's... something. I need to release.

Sa kalagitnaan ng pagalis niya ng aking suot na pants. Nasuka ako.

I thought panaginip lang iyon! Dammit! Nag-iinit ang pisngi ko sa hiya! Suot ko pa rin ang suot ko kagabi. I think walang naman nangyari maliban sa naalala ko.

"H-hi!" aniya sa mga kasamahan ko. Mapait na kinawayan ni Andrea si Paolo. "B-binilhan kita ng lugaw." aniya sa akin habang nakangiti.

Kinagat ko ang labi ko at pumikit ng madiin. Nakakahiya talaga!

Pinilit kong ngitian siya pabalik. Nagwagi ako pero obvious naman sigurong naaawkwardan ako sa sitwasyon.

He's wearing a khaki shorts and a singlet. Mainit sa labas kaya't tama lang ang suot niya para sa panahon.

Tumahimik ang kwarto tanging ang tunog lang ng aircon ang tumutunog.

"Gals. We're going at the restaurant, right? Eloisa can't come. So, let's go!" Inakbayan ni Japs si Andrea at inilabas ito. Sumunod naman si Lilian at Eliz.

Iwan ba naman daw ako. The awkward silence is killing me!

Papatayin ko dapat ang aircon pero nag-insist si Paolo na siya na ang magpapatay at kusa na niyang binuksan ang balkonahe. Ayokong mangamoy ang lugaw sa kwarto. Hindi lang rin kasi ako ang natutulog dito. Pagkatapos non ay umupo siya sa kamang inuupuan ko rin at kinuha sa supot ang lugaw.

I can't look at him.

Pero nakita kong natapos niya ng ilagay ang ibang sahog sa lugaw. Tinikman niya ito. Sa pangalawang kuha niya gamit ang kutsara hinipan niya ito at iniharap sa akin.

Nagising ang diwa ko ng sabihin niya ang aking pangalan. Kusa ko ng isinubo ang lugaw.

When I finished it. There's lot of question in my mind.

"Bakit hindi ka nagparamdam noong mga nakaraang araw? Bakit hindi mo ako kinikibo? Bakit iniilagan mo ako? Tapos, bigla kang magkakaroon ng pake sa akin? Bakit? At anong kabaliwan iyong nangyari kagabi?" ayan ang mga gusto kong itanong pero hindi ko kaya. Nakababa ang tingin ko sa sahig.

"I'm sorry." aniya na nagpaangat ng ulo ko.

If it's about last night, please! Huwag mong ibring up, Paolo. Please. I am begging you.

"H-ha?"

Nakatungo siya saka iniangat ang ulo niya.

"Sa hindi ko pagpansin sa iyo kahapon. Sa hindi ko pagkausap o pagtatanong kung kamusta ka noong mga nakaraang araw. Madami lang gumugulo sa utak ko." aniya. Nakahinga akong maluwag. "And about w-what happened l-last n---" pinutol ko na agad ang sasabihin niya.

"H-Ha? Ano bang nangyari?" tanong ko. "Ay n-nako! 'Di na talaga ako iinom. Wala kasi akong maalala." sambit ko. Believe me. Kahit hindi kapani-paniwala ang sinabi ko.

"Oh, o-okay. T-that's good." aniya.

Katahimikan. Buntong-hininga niya lang ang aking naririnig.

I know there's something bothering him---rather someone. It's not about what happen last night. It's probably his mom. Dominic's right. That's my guess too. Siguro ayon nga ang dahilan.

I hugged him. Gusto kong maramdaman niyang nasa tabi niya lang ko kahit na anong mangyari. Niyakap niya na rin ako.

Humiga kaming dalawa sa kama na magkaharap. Inilapit ni Paolo ang ulo niya sa akin.

"Namiss kita, sobra pa sa sobra." bulong niya sa aking tenga. "I love you."

I felt butterflies in my stomach.

Napangiti ako. "I love you to--" naputol ang sasabihin ko dahil sa pumasok.

Nagulat ako kaya naitulak ko siya.

Si Ms. Guevarra. Damn!

Nakataas ang kilay at nakacrossarms siyang lumapit sa akin. Siya ang nakatoka sa girls room. Habang si Sir naman sa mga kalalakihan. Hindi nagkalalayo ang edad namin ni Ms. Guevarra. She's the youngest proffesor in Craeac. Kung sa lalaki si Mr. Tolentino. Sa babae siya.

"What's the rule, Ms. Ramos? Mr. Scott?" tanong niya na may nakakatakot na aura.

"Limang tao sa bawat kwarto." ani Mr. Tolentino. "Bawal may lalaki sa kwarto ng mga babae maski babae sa kwarto ng lalaki."

Oh, damn. Alam niya ba iyong nangyari kagabi?

Nakatayo na ako ngayon pati si Paolo. Parehas kaming nakatingin sa sahig.

Napakabilis ng tibok ng aking puso. Para itong hinahabol sa kaba.

Sumunod na pumasok sila Andy habang parang walang mukhang maihaharap. Nagpeace sign si Japs. Habang si Andrea ay magkasama ang dalawang palad sabay mouthed ng sorry.

Napakunot ako.

Umirap si Ms. Guevarra. "Hindi ako kill joy pero, this is beyond the one and only rule! Alam kong gustong-gusto niyong makasama ang isa't isa pero kapag kayo'y nasa labas na." aniya. "Lumabas ka na ngayon din dito sa girls room, Scott!"

Nakahinga akong maluwag. Thank God, walang nakakaalam sa nangyari kagabi. Maliban sa aming dalawa.

Tumango si Paolo at naglakad na. May takot rin pala siya sa teacher. I did not know that. He bid goodbye before leaving.

"Ms. Ramos." umiiling siya.

"P-Po?"

"Papalagpasin ko dahil nandito kayo para mag-enjoy, okay? Mag-ayos na kayo. Pupunta tayo sa beach." sambit ni Ms. Guevarra sa akin sabay lingon kina Andy. "Huwag kakalimutang magdala ng sunblock! Uuna na ako girls." aniya at labas.

"Eloisa, sorry!" ani Japs at Andrea habang si Eliz at Lilian nag-uusap at nagiisip ng isusuot sa beach.

I frowned. "Anong nangyari ba?"

"Pinag-uusapan namin kayo ni Paolo. Yung nandito siya para dalawin ka. Narinig ata ni Ms. Guevarra kaya pumunta dito. Sorry!"

"Ay! Hindi niyo naman kasalanan. Maghanap na lang kayo ng isusuot niyo sa beach." ani ko habang nakangiti sa kanila.

"Oo nga pala! May ready na akong bikini." nakangiting sabi ni Japs.

"Bikini sa 'yo? Haynako!" aniya. "Parang ayokong sumama. Ang init don, e!" si Andrea.

"Alangan!" pamimilosopo ni Japs. "Sa beach tayo pupunta, duh!"

Inirapan lang ito ni Andrea.

~*~

Nagsuot ako ng swimsuit na one-piece kulay puti ang itaas habang ang ibaba ay black and white. Magkasama sila pero may parte sa tiyan ko na kita ang balat dahil disenyo nitong pa-eks sa tiyan. Nanlambot tuhod ko. Bakit ito ang ibinigay sa akin ni ate.

Pinatungan ko ng shorts ang aking one piece.

Andrea's wearing black one-piece tulad ko mayroon ding nakapatong na short doon. Ganon din ang kay Lilian at Eliz.

Habang si Japs, she's the only one among us wearing a bikini top na nakashorts.

Bago kami tuluyang pumunta ng beach naglagay muna kami ng sunblock saka umalis.

On our way sumulpot ang naka-rashie at board shorts na si Julian. Kung hindi siguro siya makakembot ay wagas mapagkakamalan siyang straight.

Madaming tao. Mga nakashades ang naglalakad at iyong mga lumalanggoy nagsisiyahan.

"Lalaking-lalaki tayo ah?" pang-aasar ni Andrea kay Julian.

"I've no choice." umirap siya. "Kung pede lang magbikini, nagbikini na ako!" we all laughed sa sinabi ni Julian.

Hindi gaanong napapaso ng araw ang balat namin siguro dahil na rin maaga pa. It's still 9 AM. Tirik na rin naman ang araw. Marahil dahil rin sa sunblock na inilagay naminsa aming sarili.

Magkakasamang dumating ang magkakaibigan na si Lance, Warren, Dominic at Paolo.

Buti at okay si Paolo at Dominic despite what stupid thing I have done.

Napapalingon ang mga nakakasalubong nila. They're all wearing boardshorts without a top.

Napairap ako. Pede namang magsuot ng rashie o kahit t-shirt ibinalandra pa talaga nilang magkakaibigan ang katawan nila. Palibhasa meron silang abs lahat. Hays.

"Ano ba naman yan! Yung mga tao dito parang ngayon lang nakakita ng naglalakad na mga pandesal ha! Kairita!" ani Japs na katabi ko.

Natawa ako.

"Ang hot nila! Ohmegash! Palaman na lang kulang, gals." si Julian habang pinapalo ang balikat ng kapatid niya.

"Kuya! Masakit." ani Lilian.

Inirapan ni Julian ang kaoatid niya.

Inaya kami nila Paolo na pagtampisaw sa dagat. Naghahagisan pa kami ng tubig na oarang mga bata.

Nag-eenjoy kaming lumangoy-langoy ng may makita kaming pamilyar na mukha.

"Gals, are you seeing what I am seeing?" tanong ni Julian. "That bitch!" aahon na sana si Julian pero pinigilan ko siya.

It's her. She's wearing a bikini with a sunglasses on. Si Eadaion Lorenz. What the hell is she doing here?