webnovel

When I’m Gone

Paano mo ba masasabi na mahal ka ng isang tao? It is because of the way he cares for you or even treats you? How could you tell if he is sincere with you? Are you that sure enough? I was in the so irritable situation and it pissed me off. Should he treat you to makes you sure that he is sincere? No, it's not. Because since when I recognized it. I was in deep sorrow. Now that he changes for the sake of his love for me, I am gone for an insane reason. When Trilogy: Book 1

SerialPogi · Thành thị
Không đủ số lượng người đọc
13 Chs

Kapitulo 3

Kapitulo 3

Are you okay?

"Nasaan na raw ba sila?" tanong ko kay Jarmine na kumakain ngayon ng kwek-kwek.

Ew! She's eating street food? For real? Mom did not let me to eat that kind of stuff. Hindi raw kasi safe. The air from nowhere is getting into the food. That's why I didn't eat that.

Hinawi ko ang kamay niya nang isusubo niya na sana ang isang kwek-kwek.

Nagtaka naman siya sa ginawa kong iyon. Ayokong kainin niya iyon. Baka ma food poison pa siya.

"Ano ba, Rei?! Bakit mo hinawi ang kamay ko? Nalaglag tuloy 'yong pagkain ko..." Tinalasan niya ako at saka bumili ulit sa lalaki na tansiya ko ay nasa mid-30's na ang edad no'n.

"Bakit ka ba kumakain niyan? Don't get me wrong ha, but you're wasting your money for buying that stuff. That's not good for your health, Jarmine."

"What's wrong with this, Rei? This is just an egg for pete's sake!" mariin niyang sinabi.

Huminga na lang ako ng malalim at hinila siya papasok sa university. Sana naman, papasukin na kami ng guard ngayon.

"Kuya, puwede na ba kaming pumasok?" tanong ko sabay puppy eyes.

"Opo, pero kailangan niyo ho munang pumirma rito," sabi niya sabay turo sa log book.

Diyos ko naman! May ganito pa talaga, ha. Parang reunion lang naman iyon. Sinunod na lang namin ang sinabi ni manong guard.

Pagkapasok sa loob ng university ay agad naming hinanap ang function hall.

"Nasaan ba kasi iyon? Nakalimutan mo na ba, Rei? Kasi ako hindi ko na maalala eh. Mas memorado ko pa ang bawat sulok ng Harvard kaysa rito."

Hindi ko siya sinagot bagkus nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa may nakasalubong kaming isang school personnel.

"Puwede po bang magtanong?" magalang na sabi ni Jarmine.

"Sige lang, miss," sabi ng gwapong janitor.

In fairness ha, kahit janitor matikas pa rin ito kung tumindig. Ang mata nito'y namumungay, at ang ilong nito'y kay tangos na 'di mo gugustuhing matusok.

"Uhm... saan po ba ang function hall dito?" tanong ni Jarmine do'n sa lalaki.

"Ah, function hall po ba ang hinahanap niyo? Nandoon po. Just walk straight up there and you'll find it." Tinuro niya ang daan.

Wait, bakit parang ang straight niyang mag-english at walang ka sablay-sablay? Tinitigan ko siya ng seryoso. He's tall and muscular and his face is docile.

"Sige po, salamat po sa pagsabi," sabi ni Jarmine at hinila ako.

"Hindi ka ba nagtataka sa lalaking iyon? He's really mysterious and I'm still unsettled about him. I want to know who really is he," sabi ko habang naglalakad.

"Duh, guni-guni mo lang 'yan. Ayan ka na naman sa hinala mo na mali naman. I can't believe Reilyn Lopez is like this. Ang tanging nakikita lang ng mga tao sa 'yo ay mabilis kang tumakbo. But little did they know, something about you that only me knows it."

Hindi ko na lang siya pinansin. I don't know what she saying. Oo, hindi alam ng tao kung sino talaga si Reilyn Lopez but I'm not that rude like they're expecting.

Maganda rin naman ang pakikitungo ko sa mga taong bet ko, pero kung feel kong you're a scoundrel or bida-bida. Sorry ka na lang, hindi talaga kita papansinin.

Ilang sandali lang ay huminto kami sa isang silid na may dalawang glass door na tinted kaya hindi nakikita ang nangyayari sa loob.

I inclined my head and saw a few words up there where embossed a black paint color.

"Ito na nga siguro iyon," sabi ni Jarmine habang sinisilip ang nangyayari sa loob gamit ang dalawang kamay niya.

"Hoi! Ano ba'ng sinisilip mo riyan? Baka hindi ito iyon..." nag-aalanganin kong sabi.

To make sure that we're in the right track. I get my phone and dialed Harry's number.

Ilang ring lang ang pumakawala bago niya sinagot iyon.

"Hello, Rei? Nasaan na kayo? We're going to start na," sabi ni Harry sa kabilang linya.

"Harry, saan ba'ng function hall ang sinasabi mo? They have four function halls here. Care to tell me where exactly are you now? Don't get me tired baka maisipan kong umuwi ngayon. Choose!" mariin kong sabi.

"Rei, calm down. Look after for a... golden thing there, 'pag may nakita ka, 'yon na 'yon."

Inilibot ko ang aking mga mata and there, may nakita akong isang golden table where possibly that thing he meant.

"Yes, may table ditong kulay ginto and I guess ito na 'yon, tama ba ako?" tanong ko sa kabilang linya.

"Yes, 'yan nga 'yon. Come, get inside Rei, naghihintay kami sa inyo."

I sighed. "Okay, see you later."

Pagkababa ko sa telepono ay hinila ko si Jarmine papasok sa loob. Ayaw pa ng gaga kasi baka mali ang napasok namin. Kahit kailan wala talaga siyang tiwala sa akin.

"Bakit ba tayo pumasok rito?" tanong niya habang naglalakad.

"Pwede ba! Mamaya ka muna magtanong. Harry is getting bored for waiting us."

Buti na lang at sumunod naman ang gaga. Nakita ko si Harry sa 'di kalayuan na may kausap na familiar sa akin. I think that was... Cerine, I guess.

"There you are," sabi ni Harry nang pumunta kami sa gawi niya.

Wala na 'yong Cerine dahil pumunta siya sa mga kaibigan niya. Hindi pa rin siya nagbabago. Feelingera pa rin.

"Sorry kung natagalan kami, ito kasi eh..." Tinuro ko si Jarmine.

Ngulat naman si Jarmine. "Ako? Bakit ako?"

"Whatever, basta ang mahalaga nandito na kayo," ani Harry.

"Okay? Nasaan na ang mga ka batch mates natin? Sila Cristina, Brent, Sarry at iba pa. Nasaan na sila? Hindi ba sila dadalo rito?" tanong ko.

"They're in states. Alam mo naman 'yung magkakapatid na 'yun. They were not fond attending this kind of occasion. Larry just called me lately and said they're in Boston now."

Kahit kailan hindi pa rin pala nagbabago 'yung magkakapatid na 'yun. Mga classy pa rin kahit na 'di naman bagay sa kanila.

Nag-usap lang kami ni Harry ng kung ano-ano. Pagkatapos no'n ay pumunta ako sa mga kakilala ko.

"Oh my god, Reilyn Lopez is now here. Totoo ba ito? I'm not dreaming, right?" sabi niya sabay hawak sa mukha niya.

I slapped her hard sabay ngiti. Nagulat naman siya sa ginawa ko pero ibinaling ko na lang ang paningin sa babaeng karibal ko simula noon pa man.

"W-Why do you do that?" 'di makapaniwalang tanong ng babae.

Hindi ko siya sinagot bagkus tinignan ko lang ng seryoso ang babaeng kaharap ko ngayon.

She wore silver strap with some diamond on top of it. I wonder if it is true, halata naman kasing peke.

"So, what brought's you here, Rei?" malamig na tanong ni Cerine.

Ano ba'ng ginagawa ng mga tao rito? Siyempre, eh 'di magsaya. Palibhasa ang slow pa rin niya. She's still numb up until now.

"What a person in this room doing kung hindi inimbeta, 'di ba? Dahil kung ako ang tatanungin. I will not going to waste my time for getting in here just for the party. But however, I came here because someone forced me to go here," sabi ko.

Their lips gaped and their eyes stretched because of surprise. Kung ang dating Reilyn na inaapi noon ay ngayo'y ibang-iba na. No one can look down on me, takot lang nila sa akin.

"Whatever, I didn't expect you attend this party, kasi alam ko namang cheap ka pa rin. No one had reached my decency," sabi niya sabay simsim sa juice niya.

Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Decency? Where?"

Namilog ang mga mata niya sa sinabi ko kaya pumunta siya sa gawi ko at akmang sasampalin ako.

"How dare you—"

Hinuli ko ang kamay niya at tinulak siya ng malakas na siyang dahilan para masubsob siya sa sahig. Don't missed me miss.

"Opss, did I hurt you? Masakit ba? Well, I don't care. You deserved it." Tumalikod ako at hahakbang na sana nang hinila niya ang buhok ko.

"You bitch!"

Nakaramdam ako ng sakit no'n. I feel like my scalp would going to slit. Hinawakan ko ang magkabilang braso niya at sinipa siya sa tiyan.

Narinig ko ang sigawan ng mga tao dahil sa ginawa kong iyon.

Maybe it's about time to end your journey, Rei. Panigurado kumalat na ang pagyayaring ito. No wonder ako na naman ang babatikusin nila.

As always naman, wala na silang inatupag kundi ang husgahan ako while didn't care to know the real happening.

"Wala kang karapatang saktan ako, dahil first of all you are nothing to me. Walang-wala ka sa akin. You're just a poor slut who acting classy but it showed itself how poor you really are." Inayos ko ang buhok ko at naglakad na parang walang nangyari.

"Hoi! Ano ba'ng ginawa mo kay Cerine? The photos and videos are now in public and you are trending now," sabi ni Jarmine nang makabalik ako sa kaniya.

Huminga ako ng malalim at sumimsim sa wine ko. Wala akong pakialam kung ano pa man ang sasabihin nila. Why don't they know what really happened than judging me.

"Hoi! Nakikinig ka ba sa 'kin?"

"I know, I'd expect that already at paniguradong tatanungin na naman nila ako at kahit na magsabi ako ng totoo ay hindi pa rin nila ito paniniwalaan," sabi ko sabay hinga ng malalim.

"Hay nako, ewan ko sa 'yo! Bakit mo kasi pinatulan 'yong demonyitang iyon? 'Yan tuloy, ikaw tuloy ang nasa panganib ngayon. Panganib na masira ang pangalan mo."

"I don't care, kawalan nila iyon. If they tend to judge me while not hearing my voice after telling it. Well, I quit! Hindi ko sila kailangan."

Hindi ko na ipagpilitan ang sarili ko sa kanila, dahil alam ko namang may ibubuga ako at kawalan rin naman nila kung gagawin nila iyon.

I don't care! Mas mabuti pa ngang aalis na lang ako kaysa bantay sarado naman ang lahat ng kilos ko.

Narinig ko ang usap-usapan ng mga tao malapit sa gawi namin ni Jarmine.

"'Di ba siya 'yong runner? Ang maldita pala talaga niya."

"She's born wealthy but the attitude was so nauseous."

"Sinabi mo pa, she had no class. Sayang ang pangalang dinadala niya. Anak pa naman sana siya ng isang business man pero ang ugali nakakasuka."

"Hindi mo rin naman kasi siya masisisi. Eh paano, lumaking spoiled brat."

Pumikit na lang ako para mawala sa utak ko 'yung mga pinagsasabi nila. How dare them! Wala silang karapatang husgahan ako dahil hindi nila alam ang buong pagkatao ko.

"It's okay Rei. 'Wag mo lang damdamin 'yung sinabi ng mga lecheng uneducated people na nagsabi no'n. They're just fond of judging while doesn't care to the person they judge. Palibhasa mga INSENSITIVE."

Nilakasan talaga ni Jarmine'yong boses niya para marinig ng mga tao.

Bakit ganito?

Bakit ang hilig nilang manghusga?

Bakit hindi nila hayaan ang sariling alamin ang totoo?

"Don't mind them Rei. E-aalis na lang kita rito," sabi ni Jarmine.

Tumango ako at inalalayan niya ako para makahakbang nang may nagsalita sa likod ko. Ang demonyitang si Cerine. Ano pa ba ang kailangan niya? She succeed it, napahiya niya ako.

"Saan kayo pupunta? Aalis kayo? Guys tignan niyo oh. Aalis na 'yong spoiled brat ng mga Lopes," sabi ni Cerine na tumawa pa ng nakaka-asar.

Kinuyom ko ang kamao ko para maibsan ang inis na nararamdaman ko ngayon. Jarmine patted my back and I felt her soft and warm hand on my back.

"'Wag mo na lang siyang intindihin Rei. Tara na—"

"How sweet, isa ka rin ba sa

pina-ikot ng babaeng 'yan? I wonder kung anong potion ang nilagay niya sa baso mo para mapaamo ka. Wake up girl! You're in a wrong path."

Hindi na nakapagpigil si Jarmine. Hinarap niya si Cerine at sinamaan ng tingin. Hinawakan ko ang braso niya para pakalmahin siya pero ayaw niyang magpa-awat.

"Ikaw ang dapat gumising Cerine. You are too being delusional. Nang dahil sa isang lalaki nagkakaganyan ka na," sabi niya sabay baling sa mga tao roon. "People, that is Cerine Fuego, the certified ass who stole my friend's boyfriend."

Hindi nakapagsalita si Cerine sa sinabi ni Jarmine and the spotlight were now on her. She's in the hot seat now.

I saw her red due to anger. Susugurin niya sana si Jarmine nang may pumigil sa kaniya.

"Don't hurt them kundi ako ang makakalaban mo," sabi ng lalaki at tinulak ng mahina si Cerine.

Napa-usog ng konti si Cerine sa ginawa no'ng lalaki. Buti nga sa 'yong bruha ka! Mang-aagaw! Wala na siyang inatupag kundi ang mang landi.

Gusto kong magpasalamat do'n sa lalaki pero hindi ko maaninag ang mukha niya.

Pumunta siya sa akin at hinawakan ako. "Are you okay?"