webnovel

When Badboy meets Angel (Tagalog)

THERE IS REALLY A CHANCE IN THIS LIFETIME TO MEET A BADBOY, WE DON'T WANT THEM, BUT WHAT IF YOUR STUPID HEART WANTS HIM? WHY DO WOMEN PREFER BAD BOY THAN SANE GUYS ANYWAY? Justine Villafranca is the infamous son of a General, (who made a pact with his bestfriend to marry their children) . His son has no interest in business, it only causes headaches and trouble. So he came up with a good idea, this is probably the right time to teach him a lesson, he won't bequeath an inheritance to him if he doesn't marry Angela Dela Vega. What would happen if an angel and a demon lived together in the same place? Will these two different people get along well? Will it snow in hell or will the sky burn with heat ...

Xacariuz · Huyền huyễn
Không đủ số lượng người đọc
22 Chs

Chapter 7

Isang linggong magiging tahimik ang bagong bahay ng newly wed couple.

Angela was working on her international flight. So naiwang mag isa si justine.

This is the first night that he will occupy the bedroom alone by himself.

He was busy thinking about the papers infront of him para sa pagpasok nya sa belle air ng mag ring ang phone nya.

Agad nya iyong pinulot..

" who's this?"he asked.

" Hey JV ,this is whestly. just want to remind you.. Malapit na mag expire ang validity ng Exam mo.Get your results and start the training.."

" Damn .. Oo nga pala. Ok ,thanks bro.Daan ako sa Opisina nyo .See you soon."

Paalam ni justine.

Napahilot sya bigla sa sentido.

3 years ago.. Nagtake sya ng PMA exam.. He passed at ngayon ang huling taon, to make his dream happen.

He wants to be in the airforce.

But how could it possibly come true kung kelangan nyang pumasok sa kompanya ng Ina nya sa belle air at isabay pa ang hinihinging pabor ni Enrico Villafranca?

Ayaw nyang humingi ng tulong sa ama,

Gusto nyang gawin ito ng magisa .Alam nyang nasa serbisyo dati at marami itong koneksyon.

Hindi nya nga ipinaalam rito na nagtake sya noon kasama ang kaibigan nya.

Ngayon pa kaya?

Kelangan nya pag isipan ng mabuti ang hakbang na gagawin nya .

Muling nag beep ang hawak nyang cp.

To: JV

From: Jake

Hey bro ,where are you?

Come here quick ,someone is lookin for you!

😁😁😁

Sino naman kaya ang naghahanap sa kanya? Kung nakarating na si syrahn malamang etext sya nito.

Kung yung kambal tuko tatawag yun .

Si rod? Sigurado aabisuhan din sya nun.

Nireplyan nya ito.

Kinda busy tonight,Maybe some other time.

Ngunit makulit talaga ito at nagtext pa muli.

Come on bro , where are you?,

Free delivery right infront of your doorstep😁

Nanlaki ang mga mata ni Justine.

At mabilis na nagreply.

No way dumbass!

Im out of town.Don't you dare go there.

Si Rod pa lang ang nakakaalam ng bagong bahay nya. At wala syang balak ipaalam pa sa iba ..or else malalaman na nila ang sekreto nya.

Laking pasalamat nya ng di na nangulit pa si jake. Tumayo sya at ini Off ang ilaw saka naglakad palapit sa kama at ini-On agad ang lamp shade ,bigla syang natigilan at napaisip sa ginawa.

Teka ,wala nga pala si angela..

No need to turn on this Lamp shade.

I want darkness so I can go to sleep right away..

8 a.m sharp kelangan nasa Belle Air na sya kinabukasan.

Kinabukasan maagang gumising si Justine.

5:15 a.m , naka hawak na sya ng tasa ng kape habang nasa harap ng walk in closet nila ni Angela.

Sumasakit na ang ulo nya kakahagilap ng neck tie ..

Gustong gusto nya ng tawagan si angela mabuti na lamang at napigilan nya ang sarili.

Sa bwesit nya itim na long sleeve

Nalang sinuot nya ,all black for the first day.

Usap usapan sa opisina ng Belle air ang bagong darating na future boss ..

Anak daw ito ng Nagmamay ari ng kompanya.

"binata daw ba? "

" hindi ..may asawa na ata??"

" sana naman pogi.."

" kaya nga , o kahit mabait na lng.."

Bulongbulungan ng mga empleyado..

Sa elevator..

Pasara na sana ang pinto ng may isang matangkad na binata ang pumasok.

Namukhaan ni Cathy ang bagong pasok na binata..

" Justine??" tingala nya sa lalaking naka all black.

Dahil naka headset ang binata hnd sya napansin nito.

Pag open ng pinto sa 3rd floor ,agad na lumabas ang binata ni hindi sya nito tinapunan ng tingin.

Napaisip si cathy ..ano naman kayang ginagawa ng isang Justine Villafranca dun.

Cathy Asuncion attended the same highschool where JV did. Classmate pa nga sila since 1st year.

Crush na nya ito noon pa kaso di sya pinapansin nito dahil kay Angela Belmonte na Highschool sweetheart ng binata ..

Kaya ng malaman nyang wala na ang dalawa ,sobrang saya nya kaso nag transfer naman sa australia ang binata kaya ,nawalan nanaman sya ng chance dto.

She was stalking angie through social media at kasal na ito kay Wolfe may baby na din..

So baka ito na yung right time na pinaka hihintay nya😁

Pag pasok ni justine sa opisina ng Tito Roland nya .. Ngumiti agad ito pag kakita sa kanya.

" Justine! " malapad ang ngiti ng may edad na lalaki..

" Good morning Tito" bati ni justine.

" Excited ako na finally andito ka na.. Sana magtuloy tuloy ito . This is actually your moms property intrusted to me .. Kaya naman ituring mo ito na pangalawang bahay mo .. Because it also belongs to you."

Wika ng tito roland nya.

" Actually tito .. I have different plans Im afraid this wont take long, so can we start now?" ngiti ni justine.

" sure sure " tango ng matanda..

" well have a meeting later at 10 a.m, ipapakilala kita mamaya sa commitee.

But for now meet our staffs..at e aassign ko si miss Allen to show you how your day will be spent here at belle air .She will also be your secretary, so dont worry sasamahan ka nya sa lahat ng gagawin mo shes working here for 5 years.."

Napanatag si Justine ng malaman na may assistant naman sya..

The whole day was spent with meeting ,greetings, and an intoduction to a simple bunch of paper works.

Hell..this is boring!

Reklamo nya sa sarili.

Kaya naman laking pasalamat nya nang matapos ang office hours at makakauwe na rin sya sa wakas.

He decided to use the stairs, para ma familiarize ang buong lugar ..alam nyang kulang ang buong 15 minutos para maikot yun kaya nagkasya nalang sya sa pagoobserba ng mga madadaanan nya.

May mga flight attendant syang nakasalubong ..

Kamukha iyon ng mga nakita nyang uniform sa closet ni angela ..

I wonder what is she doing this time?

May flight kaya ito?

Maybe I' ll try to give her a call later ..

Pagdating sa bahay naabutan nya si Lalang na naghahanda ng hapunan.

"ah ser ,anu po ang gusto niyong ulam? Baka may gusto po kayong ipaluto?"

Tanong ng kasambahay pag kita sa kanyang umiinom ng tubig galing sa reF.

" Anything,bahala ka na.." sagot lang ni

Justine.

Naupo sya sa harap ng Tv pero wala nmn talaga syang interes sa balita kaya lumabas sya upang lumanghap ng sariwang hangin.

He then tried to dial a number..

Sorry the number you have dialed is unattended or out of coverage area please try again later..

Nakailang dial din sya pero unattended ito.

Naiinis na nag search sya kung anong oras na ngaun sa New york .unfortunately late sila ng 13 hours kumpara sa oras sa Pilipinas.

Biglang nag ring ang phone nya at nang nakitang numero ni Angela ang tumatawag bigla nalang syang kinabahan.

" Hello,Im sorry .. Kagigising ko lang,

Kumusta kayo jan?" tunog bagong gising pa pati boses ng dalaga..

" We're fine." sagot ni Justine.

" Ang dami mo palang missed call , may emergency ba?" nagaalalang tanong muli ng dalaga.

" ah ..kase," bigla ay nakalimutan na ng binata kung bakit nya ito tinawagan..

Bigla namang sumilip sa labas ang kasambahay para ayain na sya maghapunan..

"Ser magkain na po tayo , luto na po yung hapunan.."

Senenyasan nya ito ng may kausap sya cp kaya umalis na ito at bumalik sa loob.

" oh hapunan na pala ,anong ulam nyo jan?" mukhang narinig ni angela ang kasambahay..

" ah hindi ko pa alam , pero naalala ko na kung ano yung itatanong ko.

Nakita mo ba yung mga necktie ko?"

" ah akala ko naman emergency na..

Nakasabit sa hanger ,kapag hindi mo nakita dun e check mo yung mga loob ng polo mong nakasabit baka nasa loob nun,kasi kulang yung hanger natin kaya pinagkasya ko na lahat dun.."

Paliwanag ni angela.

" okay thanks. Nagdinner ka na ba?"

Tanong ni justine.

" break fast na po dito 6:38 a.m na eh..

Kikilos na rin ako after this..

May itatanong ka pa ba?" concern na wika ng dalaga.

" sino kasama mo ?"agad na tanong ni justine.

"Im with ellie ,we share the same room..

Bakit?" angela replied.

" Nothing, How about bren?" usisa ni justine.

" Bren? He is not here.. Hindi sya ang piloto namin.. " imporma sa kanya ng dalaga.

" Okay, Ingat,bye."paalam ng binata.

Hindi pa nakapagpaalam si angela ibinaba na ng binata ang tawag.

Minsan talaga hnd nya maintindihan ang isang yun eh.

It was him. Siguradong wika ni cathy sa sarili. So sya pala ang tinutukoy ng management na bago.

Malapad na ngiti ang gumuhit sa labi ni Cathy Asuncion.

This time wala na syang sasayangin na pagkakataon.

Ilang araw ding nag abang si cathy sa mga pasilyo kung san nya pwedeng makasalubong o makabangga si Jv pero masyadong mailap ang tadhana at hnd sila lagi nagkakasabay.

Nakasimangot na lumabas siya ng airport at maghihintay nalang sya ng taxi.

Nang mapalingon sya sa exit nakita nya ang pamilyar na bulto ng binata papalapit sa exit door..It was JV!

" Sir Justine!" tawag nya sa lalaki.

Nag angat ng tingin ang binata sa kanya...

Tumango lang ito at nilampasan sya.

Mabilis na lumipas ang isang linggo..

Angela was so thrilled and excited na sa wakas makakauwe na rin sya. She bought so many stuffs ..chocolates ,scarf, perfume, at may nakita syang magandang necktie kaya naisip nyang ibili si Justine nun...

Hila nya ang maleta habang naglalakad palabas ng airport ng bigla syang harangin ng guard.

" Miss Angela, Wag daw po muna kayo umalis at ni radyo po sa akin na hintayin nyo po si Mr . Villafranca."

Imporma sa kanya ng gwardya.

" ha? ..okay po. Saan daw po ba ako maghihintay?.." tanong ng dalaga.

Niradyo muli ng gwardya bago ito sumagot..

"ah ma'am ,dto nalang daw po kasi papunta na raw po sya dito e" ..

" ah okay po.." ngiti ng dalaga saka tumabi muna saglit upang hindi makasagabal sa daanan..

Maya maya pa ay nakita nya ang pamilyar na bulto ng binata na palapit sa kaniya.

Napalis sa isip nya ang isipin na si Don Enrico ang Villafranca na tinutukoy ng gwardiya..

Naka business attire ang lalake kaya nagtatakang tinitigan sya ni Angela..

"what?" bungad sa kanya ni Justine.

" nothing" natatawang tugon ng dalaga,

" Ang porma mo ngayon ah..san ang business meeting natin sir?"

biro pa ni Angela..

Tinitigan lang sya ni justine, saka pagka kuwan ay nagsalita rin muli

" Sabay na tayong umuwe."

Saka nauna na itong naglakad palabas.

May kakaiba ata sa mga kinikilos nito ,at ng mga tao sa paligid.. O baka imagination lang yun?napapaisip na titig ni angela sa likod ng binata hanggang sa makalabas sila ng airport malapit na sila sa parking lot nang kunin ni justine ang maleta nya.

Pagdating sa bahay dumeretso na si angela sa banyo kasi gusto nyang makaligo muna bago magpahinga.

Sa banyo na rin sya nagbihis kayat paglabas nya naabutan nya si justine na nakaupo sa dulo ng kama ..

" baka magkasakit ka nyan." kunot noong sita nito sa kanya.

" nakapagpahinga na po ako,wag ho kayong magalala.." tugon ni angela..

Habang tinutuyo ng towel ang basang buhok..

Pumasok naman ng banyo ang binata .

Nang matapos e blower ang buhok ,komportableng nahiga sa kama si angela.

Hindi na nagtaka si justine ng maabutang himbing na himbing na sa pagtulog ang dalaga.

He checked the schedule of her flight and arrival, kaya alam nya kung kelan ang dating nito.Inalam nya rin ang cabin crews at piloto ng flight na yun.

Its only 7pm ,sobrang aga pa para matulog ni hindi na ata ito gigising para maghapunan.Kaya naman naghapunan na lamang na mag isa si Justine at pinasabay na si lalang.

"eh ser bakit hnd po bomaba si mam Angela?"

Tanong ng kasambahay.

" Nakatulog na , pagod sya sa byahe ..Ipagtabi mo nalang sya para may kainin sya pag nagising mamaya."

Paliwanag ni justine.

Ngumiti at Tumango tango na lamang ang babae.

Matapos kumain dumiretso na sa taas ang binata bitbit ang 2 lata ng light beer.

Sa sobrang lalim ng tulog ni Angela , hindi nito alintana ang bukas na ilaw ..

Kaya naman ini on ni justine ang lamp shade saka pinatay ang ilaw tulad ng nakasanayan ng katabi,inayos nya ang higa nito at kinumutan ito ng maayos, bago ito pumwesto sa kama at nag laro ng mobile legends sandali habang inuubos ang beer.

Patapos na ang 2nd game niya ng may matanggap syang text.

Beep.

My bro ,nakabalik ka na ba from out of town? Dumaan ka naman dito bro.

-Jake.

Saglit na napaisip si justine at napalingon sa katabi .

Bukod sa may pasok pa sya bukas ,tinatamad na rin syang umalis dahil nakapantulog na sya at tamad ng mag bihis.