TINALIKURAN lamang ni Joelle ang kumakaway na si Ridge at pumasok sa classroom nila kahit kating kati na siyang awayin ito sa ginawa nitong pagpunta sa eskuwelahan niya. Kung hindi nga lang maraming nanonood sa kanila ay malamang na inihagis na niya rito ang sapatos niya.
"'Di ba yung fian---" Agad niyang tinakpan ang bibig ng kaibigan bago pa nito maisiwalat sa lahat ang relasyon niya sa lalaking nasa ibaba. Wala siyang balak na ikalat sa buong campus ang mga kalokohang nangyayari ngayon sa buhay niya. Tinanggal naman ni Maddy ang kamay niya mula sa bibig nito at mukha namang na-realize nito ang gusto niyang mangyari. "Anong ginagawa niya rito? Sinusundo ka?"
"I don't know and I don't care." Balewalang sabi niya bago bumalik sa kinauupuan niya kanina.
"Sigurado ka? Dinudumog na siya ng lahat ng babae sa campus. Hindi mo man lang ba ililigtas?" tumabi ito sa kanya. itinuon naman niya ang pansin sa Magazine ng kaibigan.
"Malaki na siya. Saka sangkaterba ang bodyguards niya hindi mo ba nakita? Sana nga sangkaterba na lang din ang mga bodyguards niya noong magkita kami. Di sana hindi siya nakalapit sa akin."
"Baka naman ngayon lang iyan nagbitbit ng bodyguards. Aggressive kasi masyado ang mga babae rito."
"Hay ewan! Basta wala akong pake sa kanya!" naiiritang isinara niya ang magazine na hindi naman talaga niya binasa.
"Eh bakit naiinis ka kung wala kang pake?" nang-iintriga ang tinging ibinigay nito sa kanya. Pinandilatan lamang niya ito. "They say there's only a threadlike line that separates hate from love. Ingat ka, baka hindi mo nalalaman, nakalampas ka na sa linyang iyon."
BUONG araw na usap-usapan ang pagdating ni Ridge sa eskuwelahan nila. Kanya-kanyang kwento ng kilig ang mga tao sa campus. Kapag mga babae ang nag-uusap ay impit na tilian ang maririnig habang pinagkukuwentuhan ng mga ito kung gaano daw ka-'PERFECT' ang lalaki. Kapag mga lalaki naman ang nag-uusap ay pagka-inggit ang umeere. Kesyo sana raw ay kasing-yaman ni Ridge ang mga ito o kasing gwapo man lang. All in all, nabubuwisit siya! Bakit ba kahit saan siya maputa sa school nila ay kailangang tungkol sa lalaking iyon ang maririnig niya. Kung bakit nakapunta-punta pa ito sa eskuwelahan nila kung saan nananahimik naman siya. Hanggang sa naglalakad na siya papunta sa parking lot kung saan naroon ang sundo niya ay usapan pa rin tungkol kay Ridge ang naririnig niya. Ipinapanalangin na lamang niya na sana kinabukasan ay nakalimutan na ng mga ito ang lalaki.
Pagdating sa parking space kung saan usually nagpa-park ang driver niya ay agad niyang hinanap ang sasakyang naghahatid-sundo sa kanya. It was nowhere in sight. Tumingin siya sa suot wrist watch. She wasn't early at never naman na-late ang driver niya sa pagsundo, maliban na lamang ngayon. Luminga-linga siya, hoping na sa iba lamang ito nag-park ngunit wala talaga ang pamilyar na sasakyan.
Nagulat pa siya nang isang sasakyan ang tumigil sa likod niya. Agad niyang hinarap iyon upang alamin kung sino ang sakay. Bumaba naman ang salamin ng sasakyan.
"Hop in, I'll take you home." Wika ni Ridge na nakaupo sa harap ng manibela ng sasakyan. He was smiling at her.
"Hindi na. May sundo ako." pairap na sabi niya rito.
"Pinauwi ko na ang driver mo."
"What? Abnormal ka talaga ano?"
"Sumakay ka na, hinahanap ka na sa inyo." Sabi nito na parang hindi narinig ang sinabi niya.
"Hindi na! Maglalakad na lang ako kesa sumakay sa kotse mo." Sabi niya saka ito tinalikuran. Nagsimula siyang maglakad palabas ng campus nila. Pinaandar naman nito ang sasakyan ngunit sumabay lamang iyon sa paglalakad niya. "Get lost, will you? Nakakairita ka na!"
"Papadilim na, Joelle. Sumakay ka na." Mahinahong sabi nito sa kanya na hindi lang niya pinansin at tuloy pa rin sa paglalakad. Siguro naman sa labas ay may taxi na siyang masasakyan. "Joelle, delikado na sa daan. Ihahatid na kita sa inyo."
"Kaya kong ipagtanggol ang sarili ko." Sige lang siya sa kalalakad hanggang sa makarating siya sa gate ng eskuwelahan nila at nag-abang ng daraang taxi upang masakyan. Tumigil din ang sasakyan ni Ridge sa harap niya.
"Pwede ba ialis mo yang sasakyan mo sa harap ko. Paano akong makakapag-abang ng masasakyan kung nakabalandra ang sasakyan mo riyan?" sita niya rito.
"Sumakay ka na kasi. Your father was the one who gave me the job to take care of you. Ayokong mapasama sa Daddy mo."
"At ano yan? Pinaninindigan mo talaga ang pagiging fiancé ko ganon?"
"Seriously, I'm not a patient person. Sumakay ka na habang nakikiusap pa ako ng maayos." Seryoso na ang mukha nito gayunpaman ay hindi siya nagpasindak dito. Ano ba ang kaya nitong gawin sa kanya?
"Tinatakot mo ba ako?"
Umiling lang ito at nagulat siya nang lumabas ito ng sasakyan nito at lapitan siya. Inilapit nito ang mukha sa kanya.
"You are testing my patience, woman." Seryosong sabi nito habang nakikipagtagisan ng tingin sa kanya. Nakaramdam siya ng pagkailang.
"S-sino ba ang may sabing k-kulitin mo ako?" nauutal na sabi niya rito. Napalunok pa siya nang ilapit pa nitong lalo ang mukha sa kanya. "L-lumayo ka nga sa akin!" sita niya rito na kinulang sa determinasyon. Bakit ba ganito ang epekto nito sa kanya. She was used to being around guys ngunit bakit ganito ang epekto ng paglapit nito sa kanya.
"Eh kung ayaw ko?" ramdam niya ang hininga nitong humahaplos sa mukha niya sa lapit ng mukha nito sa mukha niya. Hindi tuloy niya alam kung tama pa ang pagkakaintindi niya sa sinasabi nito.
"L-lumayo ka sakin!" ulit niya saka itinulak ito sa dibdib ngunit mas mabilis ito sa kanya. Bago pa man niya mamalayan ay buhat-buhat na siya nitong parang sako ng bigas. Parang napakagaan niya dahil walang kahirap-hirap siya nitong nabuhat. "Aaaaaahhhh!!! Put me down, you jerk! Kung hindi, pagsisisihan mong napanganak ka sa mundo, I swear!" nagpupumiglas na sigaw niya. Sige siya sa kasisipa para lamang ibaba siya nito ngunit sadyang malakas ata ang balikat ng lalaking ito dahil walang nagawa ang paglilikot niya at matagumpay siya nitong naisakay sa sasakyan bago ito umupo sa driver's seat. Akmang bubuksan niya ang pinto nang gumana ang automatic lock niyon. "This is kidnapping, you know?" nanlilisik ang matang sabi niya rito.
"Not when I intend to take you to your own house, right?" simpleng sabi nito bago nito pinaandar ang sasakyan.
Hindi na lamang siya sumagot. Sadyang naubusan na siya ng ipambabara rito kaya naman nanahimik na lamang siya roon at hinayaan itong makipag-bonding sa manibela nito. Hindi na niya ito kakausapin dahil nabubuwisit siya rito. Naiirita siya sa kakulitan nito at sa kakaibang epekto nito sa sistema niya.
Ngunit nang magtagal na ang katahimikan ay hindi rin siya nakatiis.
"Bakit ka ba kasi sumusunod sa mga gusto ng Daddy ko? You can always tell him that you don't like me, tutulungan pa kita pero bakit hindi ka umapela sa kalokohan ni Daddy at ng mga kapatid ko?"
Tinignan siya nito ng panandalian lamang at ibinalik muli ang atensiyon sa daan.
"Because it's fun." Narinig niyang sagot nito.
"Ano?"
"You see, I was always the one being chased by girls and it's tiring already." Hinarap siya nito. "I wanna try the other way around for a change." Then he smiled. That cute yet irritating smile of his.
"Ah ganon? At ako ang gagawin mong guinea pig sa bago mong escapade na 'yan?"
"Well you can say that." Hindi niya napansin na malapit na pala sila sa bahay niya kaya naman nagulat pa siya nang ihinto nito ang sasakyan sa tapat ng malaking gate ng bahay nila. "We're here."
"Alam ko. Kilala ko ang bahay na----" hindi na nito pinatapos ang pagsasalita niya at lumabas na ito ng sasakyan. Pinagbuksan siya nito ng pinto. Sa tanang buhay niya ay wala pang gumagawa niyon para sa kanya kahit pa ang sarili niyang driver. She was that dependent that she hated anyone who dares to do a favor for her kahit gaano man iyon kaliit na bagay pero hindi na siya nakareklamo dahil bago pa niya makita ang gagawin nito ay nagawa na. Padabog na bumaba na lamang siya ng sasakyan nang hindi ito tinitingnan. Didiretso na sana siya sa loob ng bahay nila nang magparamdam ang kagandahang-asal na kahit papaano ay mayroon naman siya. Hinarap niya ito ngunit pero niya ito tinignan ng diretso sa mukha. Sa malapad na dibdib lamang nito humantong ang paningin niya.
"Gusto mong mag-juice muna sa loob. Baka sabihin mo napaka-ungrateful 'kong tao at isumbong mo pa ako sa Daddy ko." Pasimpleng alok niya rito.
"Wala sa dibdib ko ang mukha ko, you know?" Narinig niya ang pagtawa sa tinig nito.
"Huwag kang pilosopo! Kung ayaw mo edi wag!" nahihiyang sabi niya saka tumalikod na. Ramdam niya ang pag-iinit ng mga pisngi niya at natitiyak niyang namumula na ang mga iyon.
Papasok na lang sana siya sa kanila nang pigilan nito ang braso niya at iharap siya rito. Sa pagkagulat ay hindi na niya naiwasan pang salubungin ang mga mata nito. There was something in his eyes that she wasn't able to recognize. Nagulat pa siya nang umangat ang kamay nito at idampi ang hinlalaki nito sa kaliwang pisngi niya.
"I have never seen a girl blush before." He smiled. Kakaiba ang ngiting iyon sa mga ngiting nauna na niyang nakita noon. It was somewhat... somewhat gentle. "Cute!" at pinisil nito ng mariin ang pisngi niya.
"Aray!" Akmang hahampasin niya ito nang hulihin nito ang kamay niya. Naramdaman niya ang pagpisil nito sa palad niya. He was still smiling gently.
"See you tomorrow, my cute guinea pig."