webnovel

Ayos ka lang?

"Pre, dun sa table na yun oh, bilis habang wala pang umuupo. Ilapag mo rin bag mo, hindi tayo magpapaupo ng iba kasi campus celebrity ka na at ako lang ang may katapatang…" sabi ni Cleo habang tinuturo nya sa akin ang table na tinutukoy nya.

Di ko na nasundan lahat ng sinabi nya tungkol sa kung pa'nong sya lang may karapatang kumain kasabay ko dahil sya lang daw ang kasama ko sa lungkot at ligaya.

Nasa school cafeteria kami ngayon para kumain ng lunch. Punuan ang mga table pero marami pa rin ang pumapasok.

Umupo na ko agad sa table na tinuro ni Cleo ng walang kahit anong sagot pabalik sa lahat ng kalokohang sinabi niya.

"Uy pre, hintayin mo ko,"

"Akin na bag mo dali," dugtong nya pa.

Kinuha nya lang ang bag ko mula sa balikat ko. Hindi masyadong maganda ang pakiramdam ko, nasobrahan ata sa inom kagabi. Di naman ako na-hangover nung nakaraan pero ngayon hay…Ganon ko ba ka-hindi kaya pag magkasunod na araw?

Kumakain ako ng dahan-dahan. Pagka-angat ko ng ulo ko, nakita ko si Fhay at ang kaibigan nya na nakapila sa counter.

"Fhay," bigkas ko na sakto lang para marinig ni Cleo.

"Hmm?" tanong ni Cleo habang sinundan naman ang tingin ko.

"Woah, bumabalik na ba si Wein the observant?" kantyaw ni Cleo.

"Teka, teka, teka, sandali lang. Bakit pinapansin mo na ngayon kung nasan si Fhay ha?" sabi ni Cleo habang may mapang-asar na ngiti.

"Ikaw, ahh, dati puro si 'L' lang, " dagdag nya pa.

"L?" tanong ko habang hindi tumitingin sa kanya.

"Ah. Ganun ginagawa para mapag-usapan ang mga taong hindi mo gusto o di mo pwedeng banggitin ang pangalan, parang sa mga artista," pagpapaliwanag niya.

"Isa lang naman ang 'L' na lagi mong iniisip at pinapansin diba?" pagkompirma nya.

Tumigin ko sa kanya saglit, at inangat-baba nya ang kilay nya.

Ibinalik ko ang titig ko kay Fhay.

"Hindi ako nagugutom, wag na kaya akong kumain?" sabi ko ng walang context na ikinalito ni Cleo.

"Huh?" pagtataka nya.

"Yun ang sinasabi ng expression ni Fhay," dugtong ko.

"Ahh, nagdesisyon ka nang hindi ako pansinin? Okay. Yun lang naman ang role ko sa buhay mo eh. Pahiram nalang ng phone mo tutal di mo ko pinapansin, mumultuhin ko gallery mo," pagdadrama ni Cleo.

Kahit ako nagugulat na nagiging observant na ko ulit sa paligid ko. Lalo na kay Fhay. Siguro dahil nababahala ako sa message na sinend nung Gio. Tungkol saan ba talaga yon? Di na nga maganda pakiramdam ko naiirita pa ko na sinasama nila ako sa kalokohan nila.

Sobrang bagal ko kumain ngayon, medyo wala rin akong gana. Kaya habang nasa one fourth na si Cleo ng pagkain nya, ako naman nakakatatlong subo palang.

"Wala kang gana bro ah, masama pala talaga pakiramdam mo? Hindi yon paawa lang?" sabi sa'kin ni Cleo.

Tinango ko lang ang ulo ko ng bahagya.

"Hi!" bungad sa'min ng babaeng humabol kay Fhay sa hallway kahapon, habang nasa kaliwang kamay ang pagkain at nasa kanang kamay naman si Fhay. As usual, nakatingin lang si Fhay.

Tumitig lang ako habang si Cleo naman napainom ng tubig para malunok ang nasa bibig.

"Ah, Pia. Ako si Pia, kaibigan ni Fhay. Pwede ba kaming makisabay sa inyo rito? Wala na kasing available na table, pati sa labas punuan na, " paghingi ng permiso ni Pia.

Kinuha ko ang bag ko na nasa katapat kong upuan, na sinundan naman ni Cleo. Kinuha nya rin ang bag niya at nakaupo nang parehas si Pia at Fhay.

Tahimik kaming kumain.

"Pre umiilaw phone mo, may notif ata," sabi ni Cleo.

Nakay Cleo pala phone ko? Kailan pa?

"Huh? Gio as in Gio Maranta?" tanong ni Cleo nang mabasa nya ang notification.

Lumaki ang mata ko sa sinabi ni Cleo.

"Tropa pala kayo non, pre?" dagdag na tanong ni Cleo.

Kaso parang naduduwal ako kaya di ko na nasagot ang tanong nya at tumakbo papuntang comfort room habang nasa bibig ang kamay

"Ah, Wein!" sigaw ni Cleo.

Pagkabalik ko, patapos nang kumain si Cleo. Grabe ni hindi nga manlang ako sinundan at nagawa pang makanguya habang ako sinusuka ko yung tatlong subong pagkain kanina.

Napabuntong hininga nalang ako.

"Oh, nandyan ka na pala. Kamusta na pakiramdam mo?" sabi ni Cleo habang sinisimot ang pagkain.

"Nilagay ko sa bag mo yung phone, kilala mo pala yung Gio na yon? May pa-forum pa kayo ah, ano yon forum para sa mga artista ng campus?" dagdag nya pa.

"Gusto mo pa?" hindi ko pinansin ang sinabi nya at inilapit ko ang pagkain sa kanya.

Pagkalingon ko kay Pia at Fhay, nakangiti lang si Pia samantalang nakatitig si Fhay, na ang pagkakaintindi ko ay nag-aalala.

Kaya sinagot ko sya

"Ayos lang ako, ipapahinga ko lang 'to sa bahay tapos okay na."

"Huh? Wala namang sinasabi si Fhay ahh…ganyan expression nya palagi," sabi sa'kin ni Pia.

"Kinakausap mo ba sya sa tingin?" tanong ni Pia kay Fhay.

Tumango naman si Fhay.

"Pano mo nagets yon eh ako nga yung simpleng galit at hindi galit nya hindi ko makita ang pagkakaiba," sabi ni Pia sa sarili habang nasa baba ang kamay na para bang may malalim na iniisip.

"Ah, simple lang ang dahilan, people sensitive kasi si Wein, magaling syang mag-interpret ng gestures at facial expressions. Nasanay kasi sya sa kapatid ny--"

Hindi natapos ni Cleo ang sinasabi nya dahil nakita nya yung cold na tingin ko sa kanya.

"Aheheh, " sabi ni Cleo sabay inom ng tubig.

"Una na ko," sabi ko lang pagkuha ng bag ko.

Hinampas ko ng walang lakas si Cleo sa balikat para magpaalam, at tumango naman ako kay Pia at Fhay.

"Pahinga ka, pre" sabi ni Cleo.

Naglakad ako dahan-dahan palabas. Nang nasa kalagitnaan na ko, narealize kong hindi ko nanaman nahingi ang number ni Fhay.

"Haaay," wala na kong lakas para bumalik.

"Bukas nalang, may bukas pa naman," sabi ko nang biglang may gumulong na bola sa paa ko na tumigil din dahil sa pagkakabungo.

Sa lahat-lahat ng madadaanan bakit ba ngayon sa mga pagkakataon napadaan pa ako rito sa lunga netong lalaking 'to ng hindi ko namamalayan.

"Hmm...tama bang isipin kong gusto mong tanggapin yung invitation ng personal?" sabi nya matapos huminto mula sa pagkakatakbo para mahabol ang bola.

Tumingin lang ako sa kanya dahil wala akong lakas na makipagsagutan sa kanya.

• Fhay's POV •

"Nasobrahan ata kami sa alak kagabi," halatang pag-aalala ni Cleo kay Wein nang patakbong umalis ito habang tinatakpan ang bibig.

Nakatitig ako sa daan kung saan si Wein pumunta at ibinalik ang tingin sa pagkain.

Maya-mayang konti, may nagbuntong hininga sa tapat ng lamesa namin, pagka-angat ng ulo ko, si Wein pala na nakatitig kay Cleo.

"Oh, nandyan ka na pala. Kamusta na pakiramdam mo?" sabi ni Cleo.

"Nilagay ko sa bag mo yung phone, kilala mo pala yung Gio na yon? May pa-forum pa kayo ah, ano yon forum para sa mga artista ng campus?" dagdag ni Cleo.

Si Gio. Anong meron sa kanila?

"Gusto mo pa?" halatang hindi komportable si Wein na pagusapan yun kaya iniba nya ang usapan.

Halata ring hindi maganda ang pakiramdam ni Wein dahil matamlay ang mata nya at medyo nanunuyo ang labi. Gusto ko syang tanungin kung ayos lang ba sya, pero gaya ng normal kong ginagawa, tumitig lang ako.

Nilingon nya kaming dalawa ni Pia.

Nang makita nya ko, panadaliang lumaki ng bahagya ang mata niya at nagsalita.

"Ayos lang ako, ipapahinga ko lang 'to sa bahay tapos okay na," sabi nya sa'kin.

"Huh? Wala namang sinasabi si Fhay ahh…ganyan expression nya palagi," pagtatakang sabi ni Pia.

"Kinakausap mo ba sya sa tingin?" tanong sa'kin ni Pia.

Gusto kong sabihin na 'parang ganun na nga', pero napatango nalang din ako sa pagkagulat.

"Pano mo nagets yon eh ako nga yung simpleng galit at hindi galit nya hindi ko makita ang pagkakaiba," sabi ni Pia habang nagiisip ng malalim.

"Ah, simple lang ang dahilan, people sensitive kasi si Wein, magaling syang mag-interpret ng gestures and facial expressions. Nasanay kasi sya sa kapatid ny--"

Naputol ang pagrarason ni Cleo nang tumitig si Wein, na sapat lang para kilibutan siya.

"Aheheh," napatawa nalang si Cleo sabay inom ng tubig.

"Una na ko," sabi ni Wein habang nakaharap kay Cleo.

Pinatong nya ang kamay kay Cleo bilang paalam at tumango naman sa amin ni Pia

"Pahinga ka pre," sabi ni Cleo.

Dahan-dahan ang lakad nya, mukhang pagod talaga.

Magiging ayos lang kaya sya?

"Ah, naiwan nya wallet nya," sabi ni Cleo.

"Akin na," kinuha ko ang wallet sa kamay ni Cleo at naglakad ng mabilis palabas ng cafeteria.

Dumaan ako pakanan dahil dito ko nakita pumunta si Cleo nung umalis sya.

Nang nasa distansya na ako na kaya ko nang marinig si Wein, narealize ko kung anong madadaanan ng daan na 'to.

"Covered court," sabi ko.

Nakita ko si Wein sa mismong tapat ng lugar na yon, may hawak na bola at kaharap si Gio.

Napatago ako sa likod ng isang puno na katabi ko.

"Ilang tao na nag invite sayo sa forum ah, di ka pa rin ba sasali? Kahit sinabi ko nang may koneksyon kay Fhay di ka pa rin interisado," sabi ni Gio habang may mapang-asar na ngiti.

Forum? Yun ba yung invitation na tinutukoy ni Cleo kanina?

"Ah, namumutla ka. May sakit ka ba? Pero nasa bar ka kahapon diba?" dagdag nya pa.

Hindi lang isa yung forum na tungkol sa'kin? at tyaka, magkakilala ba si Gio at Wein?

"Fhay," hinihingal na sabi Cleo. Napatingin ako sa kanya at ibinalik ang paningin ko kay Wein at Gio.

"Masama pakiramdam ko, pasensya na mauna na ko," walang lakas na sabi ni Wein kasabay ng pag-hagis nya ng bola kay Gio ng tamang lakas lang. Ngumiti lang ng mapang-asar si Gio, at tumalikod na agad para pumasok sa loob ng court.

May alam kaya si Wein?

"Kakakain ko lang e--ah, si Wein. Akin na yung wallet Fhay, habulin ko sya," dugtong ni Cleo nang makita nya si Wein.

Tumango lang ako at binigay ang wallet kay Cleo, habang nalilito pa rin sa mga nakita at narinig ko.

"Wein!" sigaw ni Cleo na nagpahinto naman sa mabagal na lakad ni Wein.

"Naiwan mo wallet mo," dugtong ni Cleo hanggang makarating sya kung nasan si Wein.

"Ah. Salamat, pre," sabi ni Wein.

"Hmm," pagsang-ayon ni Cleo.

Nagtanguan lang sa huling pagkakataon ang dalawa at tuluyan nang umalis si Wein.

Dali-daling tumakbo si Cleo pabalik sa akin.

"Fhay, ba't ka nasa puno, ayos ka lang?" tanong nya sa akin dahil nababahala pa rin ako.

"Oo, ayos lang ako. Pakisabi nalang kay Pia na nauna na ko sa next class namin, Salamat," sabi ko kasabay ng paglakad ko palayo sa covered court.

"Huh? Pano gamit mo?" tanong ni Cleo.

"Alam na ni Pia yun," sagot ko naman pabalik.

"Tutulungan ko nalang sya, if ever hehe. Bye," rinig kong sigaw nya.

Kailangan ko lang makalayo, sorry Pia.

Aalamin ko kay Wein lahat, mamayang gabi.