webnovel

Chapter Twenty Two

"What?!" Malakas ang tinig ni Aubrey na napatayo pa sa kinauupuan. "What do you mean tito?"

"I've decided to marry off Nadine to Gio," simpleng tugon ng ama na animo ba ay hindi isang malaking bagay ang inianunsyo nito.

"Daddy stop this please!" Aniya sa mariing tinig. "Sinabi ko na sa iyo na hindi ko pakalasalan si Gio!"

"At sinabi ko na rin sa iyong pinal na ang desisyon ko, Nadine."

"Bakit bigla bigla naman ang desisyon mong ito, Ernesto?" Si Dianna na nagulat din sa sinabi ng lalaki.

"Matagal ko itong pinag-isipan, at nasisiguro kong tama ang desisyon ko. Even Gio agrees with this, hindi ba hijo?"

Ang lahat ng mga mata ay natuon sa binata. Si Aubrey ay nasa mukha pa rin ang shock. She hates to admit it but there is a sense of fulfillment seeing Aubrey so pissed like this.

"Pakakasalan ko po si Nadine, tito. I gave you my word," Gio glanced at her, tinitignan ang reaksyon niya.

Her eyes narrowed into slits, "I don't want to marry you Gio! Ilang ulit ko bang kailangang sabihin sa'yo para maintindihan mo?! I have a boyfriend for crying out loud!"

"Tama na ang usapang ito, Nadine! Pakakasalan mo si Gio, sa ayaw o sa gusto mo!" Anang ama, "huwag mong subukin ang pasensya ko!"

Nadine sighed exasperated. "Do what you want papa. I don't care anymore," tumayo siya mula sa kinauupuan, "I won't marry Gio and that's my final answer." Akma na siyang tatalikod ng muling magsalita si Ernesto.

"Kung hindi kita mapipilit ay mayroon pa ring kasalang magaganap..." makahulugan ang tinig nito.

Marahas na nilingon ni Nadine ang ama, agad na nakuha ang ibig nitong ipakahulugan. May ilang segundo niya itong tinitigan, pilit inaarok ang kaseryosohan sa sinabi nito.

"You can't do this daddy."

Huminga ng malalim ang ama bago muling nagsalita, "it's either you or me, hija. You choose."

"What are you guys talking about?!" Si Aubrey na naguguluhang pinaglipat lipat ang tingin sa kanila.

She gritted her teeth, kasabay ng pagkuyom ng nga kamao. Her dad knows she won't allow him marrying Dianna, and he's using it as his ace against her.

"I hate you daddy!" She roared before storming out of the dining area.

"Ano ba ang nangyayari, Ernesto?" Dianna asked.

"Don't worry. My daughter will do as I wish, kilala ko ang batang 'yan," Ernesto said confidently bago ito humigop ng kape.

"But what do you mean na mayroon pa ring kasalang magaganap kahit pa hindi kay Nadine?" A sparkle of hope undeniably crossed the woman's eyes.

Bahagya lamang itong tinapunan ng tingin ng matandang don. He cleared his throat but didn't answer the question.

"Ernesto!" May iritasyon sa tinig ni Dianna.

"Sinabi ko ng wala, hindi ba?" Hindi man nagtaas ng tinig ang lalaki ay sapat na iyon upang tumahimik si Dianna. Alam nitong hindi magandang ginagalit ang lalaki.

*******

Galit na isinaksak ni Nadine ang ilang mga gamit sa bag. She can't take this anymore! Bahala na! Basta kailangan na niyang makaalis sa lugar na ito! Maybe her dad's bluffing, kung talagang nais nitong pakasalan si Dianna ay matagal na sanang ginawa nito.

You know your father Nadine. You really think he's bluffing? Are you willing to take that chance? Matatanggap mo bang ang mag-inang 'yon ang mag take over sa lahat ng ipinundar ng mga magulang mo?

Padabog siyang naupo sa kama sa naisip. Paano kung totoohanin ng ama ang banta? Matatanggap ba niya iyon? Magbuhat ng dumating ang mag-ina sa buhay nila ay halos siya na nga ang naitaboy palayo ng mga ito sa sariling ama. She doesn't mind them living a good life off their family's wealth, but she could not accept her father marrying that woman! Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya maialis ang pagdududa na hindi malinis ang tunay na hangarin ng mag inang iyon sa daddy niya.

Idinukdok niya ang mukha sa palad. She feels so defeated. Hindi naman siya naging masamang anak maliban sa madalang niyang pagbisita sa Sto. Tomas, kaya hindi niya maintindihan kung bakit kailangan siyang pahirapan ng ganito ni Ernesto?! Nais niyang sumbatan ito, ngunit malaking bahagi ng kanyang isip ay nagu-guilty din sa ilang taong hindi niya nakasama ang matandang lalaki. As the only child, she knows that she should've done better instead of focusing only on herself. Malaki ang itinanda ng ama nitong mga nakalipas na taon, in fact, he doesn't even look as healthy as before, marahil ay dala na rin ng edad.

She felt like crying! Ang isang bahagi ng isipan niya ay nais na lamang takasan ang kinakaharap na ito, to just run away far from her father and from Gio, habang ang kabilang bahagi naman ay natatakot pa rin sa maaaring kahinatnan kapag ginawa niya iyon.

All of a sudden, an idea crossed her mind. Napatuwid siya ng pagkakaupo sa naisip. What if, she just pretend to agree to this wedding? Siguro naman ay pagbibigyan ni Gio ang ideyang iyon? Afterall, isang kasal lamang naman ang nais makita ng ama, kung magkahiwalay man sila ni Gio pagkatapos ng isang taon ay hindi na nito iyon saklaw.

Patayo pa lamang siya mula sa pagkakaupo nang iluwa ng pintuan ang lalaking nais niyang makausap. Si Gio. Hindi nito hinintay na papasukin niya ng silid, sa halip ay nagtuloy tuloy na lumakad palapit sa kanyang kinauupuan.

"H-hindi ka man lang ba marunong kumatok?!" asik niya rito.

Hindi nito pinansin ang sinabi niya. He sat on her bed next to her, looking as calm as ever.

"I know I may not be your ideal man, Nadine. After all, ano ba naman ang kaya kong ipagmalaki sa iyo? Ako, na ni sariling mga magulang ay wala..." he paused, pain and sadness crossed his handsome face, "but I could promise that I will always be here for you, Nads. I will be your pillar, the man who will never leave your side, for as long as I live."

Hindi malaman ni Nadine kung ano ang isasagot sa sinabi nito. His eyes were full of sincerity, umangat ang isang kamay nito at marahang pinaraaanan ng daliri ang kanyang pisngi. It was a simple touch but all her senses seemed to be awakened, nagtayuan ang mga mumunting balahibo sa kanyang katawan.

"A-about that..." she cleared her throat bago umayos ng pagkakaupo paharap dito. "I'll agree to marry you, but on one condition..."

Gio didn't answer, but his brows arched up, tanda nang hinihintay nito ang susunod niyang sasabihin.

"We can get married b-but...but it will only be on paper."

"What do you mean?"

"Listen. I know you're doing this because dad forced you to. And me, I have a life of my own now Gio and there's..." huminga siya ng malalim na tila ba kumukuha ng lakas ng loob, "...there's someone else waiting for me. So if we need to do it, why don't we do it just on papers? Hindi kita pakikialaman sa gusto mong gawin kahit kasal na tayo, at ganoon ka din sakin."

"You mean we will deceive your dad?" he sounded amused.

"Well there are other terms we could use instead of the word "deceive", right?," hinaluan niya ng kaunting tawa ang sinabi, attempting to lighten the air around them.

Humalukipkip si Gio, na para bang pinag-iisipan ang proposal niya. It took a few moments bago ito muling nagsalita.

"So when you say on paper, no touching or kissing?"

Pinamulahan ng pisngi si Nadine. Since when did Gio become so blunt like this? Ang naaalala niyang Gio ay never siyang kakausapin ng ganito noon.

"O-of course! Kaya nga papers eh!"

"Paano kung hindi ako pumayag?" he asked in a challenging voice.

"Why not? This will be mutually beneficial for us! Dad will be out of our backs after this! Kailangan lang nating magpanggap ng kahit anim na buwan pagkatapos ay pwede na tayong magpa- annul."

"But I don't like the no kissing and touching part. Sigurado ka ba roon?" May panunukso sa tinig nito.

"Gio!" pinandilatan niya ito.

Gio gave out a hearty laugh. "Ok. Sige, papayag ako sa proposal mo."

"Really?" masayang paniniguro niya. Tila siya nabunutan ng tinik sa dibdib.

Tumango ito. "But I guarantee you, you won't want to let me go sweetheart."

"As if!" she exaggeratedly rolled her eyes upwards. "Be sure to keep your word, okay? No touching, no kissing!" Itinaas niya ang hintuturo as a warning.

A smug smile crossed his face. "Not unless you're the one who wanted it."

"M-me?!" she echoed incredulously. "Never!"

Tumayo si Gio mula sa pagkakaupo at humakbang patungo sa pintuan. He stopped right when he was at the door to look back at her. "Three months sweetheart. I assure you, by three months, you'll be the one to give yourself freely to me." Matamis ang ngiting sumilay sa mga labi nito bago kinabig pasara ang pintuan.

"As if! Argh!" gigil niyang binato ng unan ang pintuang isinara ng binata.