Nakakabingi ang kabog ng puso niya. She even keeps on walking back and forth sa labas ng ER, halatang hindi mapakali. Napatuwid na lang siya sa pagtayo ng bumukas ang pintong binabantayan niya, revealing the doctor and the nurses from the inside.
Agad naman niyang sinalubong ang doktor.
"Doc, anong nangyari? Kamusta na po ang pasyente?"
Sunod-sunod na tanong Niya na nagpagulat sa doktor. Well, bigla lang naman kase siyang sumulpot sa harapan nito.
"Oh who are you?"
There's a something in the voice of the doctor that she can't name. Nakita niya pa ang pagdaan ng rekognasyon sa mukha nito. Pero agad ding nawala kaya parang namamalik mata lamang siya.
Parang uurong ang kaniyang dila, pinipigilan ang pagsasalita nya. The doctor seems weird.
Nakasuot lang ito ng puting suit kaya nagmumukang doktor. But he has his baby face, o baka talagang bata pa lang ito? Maybe in his late 20's. Basta. Sabog ang buhok nito, he's not even wearing formal attire like a doctor should wear. Nakasando lang kase ito and a casual shorts plus naka tsinelas lang ito. Buti hindi ito sinita. Kung ano man ang trip nito, wala siyang pakialam.
"I'm Mikka—"
She's about to introduce herself when the doctor wave his hand and cut her off like he doesn't care.
"Wait– are you a friend of that brute?"
He asked in his shocking face. Umakto pa itong parang nag-iisip base sa bahagyang pagsalubong ng mga makakapal nitong kilay. Ewan nya kung ano ang iniisip nito. Hindi niya mabasa. He's weird at all. And he even called Blare a brute? Damn. Tama ba ang doktor na pinagtatanungan niya.
"You can say that—"
"Oh nevermind again. Tsk."
He cut her again and God knows how hard she is to maintain her poise. Because one thing she is damn sure, malapit ng maubos ang pasensya niya. He's not just weird but also rude.
Ganito ba talaga ito makipag-usap sa pamilya ng pasyente?! Nanggigigil na talaga siya.
Buti na lang parang hindi na nito hinintay na tuluyan na siyang sumabog.
"Nag flatline lang naman si Blare kanina."
"Ano?!"
Napalakas ang pagsigaw niya pero wala lang ito habang nagsasalita. Damn. Is he even a doctor?
"What can I say, I'm Doc. Prince Hell Mendez, I'm one of a kind kaya na revive ko ang buhay ni Blare."
May pagmamayabang pa sa boses nito. She get it now. That Doc. Mendez is a friend of Blare. Nakahinga na siya ng maluwag dahil don.
"But don't yet breath confidently, malakas pa rin ang impact ng pagtama niya puno." Bigla itong sumeryoso. Parang hindi ito ang kausap niyang weirdong doktor kanina. Kinabahan siya bigla. "Naapektuhan talaga ang ulo Niya and there's a possibility that it can affect to his whole body since brain controls everything."
Nanginginig ang kaniyang kalamnan sa narinig. So hindi pa talaga sigurado ang kaligtasan ni Blare. Iniisip niya pa lang na may posibilidad na may hindi magandang mangyayari dito, sumisikip na ang kaniyang dibdib.
Napatigil na lang ang kaniyang pag-iisip dahil sa pagpaparamdam ng kaniyang sikmura. Nakaligtaan niya palang kumain kanina kaya siguro nag-aalburuto na ang kaniyang tiyan. Ni hindi niya napansin na wala na pala ang doktor sa kaniyang harapan kaya nagtungo na lang siya sa cafeteria ng ospital.
She's silently eating sandwiches nang may isang starbucks coffee na lumitaw sa kaniyang harapan. Agad na umangat ang kaniyang paningin para alamin kung saan iyon nanggaling.
And there she saw a nurse, smiling at her.
"Coffee po ma'am. Libre sa ospital namin."
Ilang segundo pa niyang pinagmamasdan ang kape bago ang babaeng nurse na nag-alok nito na hanggang ngayon naka smile pa rin. Curious tuloy s'ya kung 'di pa ba ito nangangawit. Tsk.
"Salamat."
Akala niya aalis na ito pagkatapos niyang tanggapin 'yon pero nananatili lang itong nakatingin sa kaniya. At hindi siya komportable sa mga titig na iyon, na parang may something na mangyayare.
She just discreetly shook her thoughts. In the end, maingat niyang tinungga ang plastic cup ng starbucks.
Isang lunok lang ang nagawa niya dahil sa biglaang pag-ikot ng kaniyang paligid. Napahawak pa siya sa kaniyang noo dahil sa hilong nararamdaman.
"Naku ma'am, okay lang ba kayo?"
Hindi siya makasagot. Basta hindi mabuti ang kaniyang nararamdaman.
What's wrong with her? Okay naman siya kanina ah. Epekto ba ito sa pagpapalipas niya ng gutom?
"Mukhang 'di po mabuti ang 'yong lagay. Dalhin pa lang po kita kay dok."
Hindi na siya makaimik nang akayin siya ng nurse sa kung saan.
"Pasensya na po kayo. Kailangan ko lang ng pera."
Yun lang ang narinig niya bago siya tuluyang nawalan ng lakas. Bago siya nawalan ng malay.
'Nasan ako?'
Yan lang ang tanging rumihistro sa kaniyang isip when she wakes up, still having the feeling of uncomfort. Naalala niya ang huling nangyari. Damn that nurse. What did she do. Wala naman sa itsura nito ang pagiging masamang tao. But then looks can be deceiving.
Dahan-dahan siyang bumangon mula sa pagkahiga. When her eyes landed on her sorroundings, she then realized where she is. Pano ba naman niya makakalimutan ang kulay pink na dingding pati na ang mga pambabaeng disenyo sa paligid. She's in her old room!
Ibig sabihin nasa puder siya ng kaniyang mga magulang!
Hindi pa siya nakakapag-isip ng matino nang bumukas ang pinto ng kaniyang silid.
She acts calmly even if she's not for goodness's sake, saksi ang bawat pagpigil ng kaniyang hininga sa t'wina.
Nag-abot ang kaniyang paningin sa Ina. Hindi na siya nag-abalang umiwas, wala naman siyang dapat katakutan di ba. Kahit ilang beses pa niyang suwayin ang kagustuhan nito, alam niyang hindi siya nito sasaktan physically.
"M-mom."
"Glad that you're still remembering me as your mom." Mahinahon ang bawat pagbigkas ng mga salita nito pero bakas pa rin ang pagiging strikta sa mukha. "It's been what, more than seven years, Mikka. Kung hindi pa kita pinapakidnap, hindi pa kita makakaharap ngayon."
So her mom planned it. Ano pa nga ba ang aasahan niya.
"Ba't ka tumatakbo, ah. Ano bang tinatakbuhan mo? Hindi ka pa ba napapagod?"
She remained silent.
She once asked herself the same question before, bakit siya tumatakbo. Si War ang unang pumasok sa isip niya. She wanted to be with him to the point that she's willing to leave everything behind. But seven years ago when she lost him, hindi pa din siya tumigil sa kakatakbo. Oo wala ng rason para lumayo siya dahil wala na ang taong proprotektahan nya.
But no. She's still running... Ayaw niyang huminto dahil ayaw niyang bumalik sa dati, sa dati na punong-puno nga s'ya ng karangyaan ngunit wala naman siyang kalayaan. Sa dati kung saan wala siyang ibang choice kundi maging sunod-sunoran. Walang boses. Hindi pinapakinggan.
She lived in a cage for 20 years. And it's suffocating.
Seven years ago when she made a choice without thinking for the consequences. Pero wala siyang pinagsisihan. Munting panahon lang nga iyon pero kung bibigyan siya ng pagkakataong baguhin ang naging desisyon niya, hindi niya gagawin.
Nag desisyon siya. Dapat niya iyong panagutan.
"Princess, when you left, hindi lang ako ang sinaktan mo, pati ang daddy mo... He was hospitalized, ikaw ang hinahanap niya. I maybe looked tough but I do have weaknesses and that includes you and your dad." Pumiyok pa ang boses nito. "Hinanap ka namin kung saan-saan... At hindi kami tumigil. Pero nung nakita ka namin, bigla ka na namang nawawala... Takbo ka ng takbo na parang ayaw mo talaga kaming makita."
Napasinghap siya ng marinig ang hagulhol ng ina. And it hurts knowing na siya ang dahilan ng iyon. Hindi niya namalayan na sa kagustuhan niyang maging malaya, may mga tao na siyang nasasaktan.
"I'm sorry kung pinilit kitang gawin ang bagay na gusto mo..."
Mas lalong sumikip ang kaniyang dibdib. Kaya kahit anong pigil niya, kusang pumatak ang taksil niyang mga luha. Napatakip na lang siya sa bibig para kontrolin ang hikbi
"I'm sorry kung sinira ko ang buhay mo... I'm sorry sa pagsira ko sa kaligayahan mo...I'm sorry kung hindi kita pinakinggan... I'm sorry sa lahat..."
Walang tigil sa pag-iyak ang kaniyang ina. And damn, ayaw niya makita itong ganon. Kahit may sama siya ng loob dito ngunit ina niya pa rin ito. Magulang niya na nagluwal sa kaniya, na bumuhay sa kaniya. And seeing her break down, para siyang tinadtad ng kutsilyo sa katawan. Pakiramdam niya wala siyang kwentang anak.
"W-wag ka ng umalis, 'nak. Mahal ka namin ng papa mo. Hindi na kami bumabata..."
And then she can't hold her anymore, she hugs her mom. Tightly. Regretting every pain she have caused to her parents.
"I-I'm sorry mom. Hindi ko namalayan na sa kagustuhan kong maging malaya, nasasaktan ko na pala kayo. Naging selfish ako... I'm sorry... h-hindi na ako ulit aalis..."
Maybe it's the time to finally set everything free. Seven years is enough to prolong the agony... Maybe its finally the time to bring back herself to the world she really belongs.
After that talk with her mom, sinupresa niya ang daddy niya. Hindi pala nito alam na pinakidnap soya ng mommy niya. Basta mahaba ang pinag-usapan nila. She can't even forget the tears in his daddy's eyes nung sinabi niyang don na ulit siya titira.
Buong araw niya ding sinasanay ang sarili sa paligid. Seven years din siyang nawala kaya naninibago siya. Lalo na sa atensyon na binibigay ng kaniyang mga magulang. She's happy though. Masaya siyang napasaya niya ang mga magulang niya.
"Hey, Mikka!"
Napahawak siya sa dibdib dahil sa gulat. Bigla kaseng lumitaw sa paligid niya ang isang maligno.
Hinihingal ito pero swabe pa ring tingnan. But he has those expression of disappointment. Ano naman kayang problema nito.
"Ba't ka nandito? I thought you wanted to live independently? I thought you're enjoying your freedom? Tas ngayon nandito ka? Goodness anong pa naging saysay ng pagtakip ko sa mga traces mo? Damn. I thought you're happy on what your doing."
Sunod-sunod na tanong ni Xavier. Hinihingal pa din ito pero hindi niya mapigilan ang mapatawa.
"What are you laughing at?!"
Medyo naiirita ito sa kaniya but she really can't help it lalo na nang sinundan nito ang tingin niya papunta sa suot na hello kitty slippers ni Xavier. Damn. Napahalakhak talaga sa siya. Seeing Xavier's blushing face hahhahaha.
"Oh iho, ang bilis mo sa balita ah."
She mimicked her mom's voice habang tawa ng tawa pa din. Napatuwid lang siya sa pagkakatayo dahil sa seryosong expresyon ni Xavier. And oh, she forgot to tell that they are a good friends.
"Damn! Tawa ka Ng tawa. Mabulunan ka sana ng sariling laway."
Sinamaan niya lang ito ng tingin. Saglit pa na dumaan ang katahimikan sa paligid bago tuluyang sumeryoso ang mukha.
"I've decided to be back here." Panimula niya. Tahimik lang ang katabi niya.
"Well, kung yun talaga ang gusto mo. Sana di ka magsisisi."
"Of course I won't. Kilala mo naman ako 'di ba. When I decide, I will stick with my decision—"
"Yeah yeah whatever." Putol ni Xavier, naalala niya tuloy si Doc. Mendez, yung sobrang rude na doktor. "Right. I have to go."
Tiningnan lang niya si Xavier na abala sa selpon. Seryoso ang mukha nito, parang may problema. Then she remember, that pink hello kitty slippers of Xavier, sigurado siyang hindi iyon kay Xavier. Well...
"Wow. Sanaol love problem."
Tiningnan lang siya nito ng masama bago tumayo at naglakad palayo. Tahimik lang niyang niyang pinagmamasdan ito hanggang tuluyan na itong nawala sa kaniyang paningin. She's happy that her friend finally has someone to love. Well kahit hindi nito aminin, alam niya ang istura ng inlove.
Sanaol talaga.