webnovel

Chapter 53

THALIA'S POINT OF VIEW

"Sir Bob."

"Hmm?"

"After lunch ba tapos na tayo rito?"

"Siguro bakit?"

"May team building ang kumpanya ng dalawang friend ko."

"Sasama ka?"

"Susunod kanina pa sila nandoon."

"Kaya lang kung hindi mag-eenarte mga kasama mo." pareho namin tingin sa mga kasama namin.

"Maaga pa naman I'm sure before lunch tapos na tayo."

"Okay."

"Payag ka ho?" He nodded. "Salamat!"

Sumenyas na umayos sa gagawin dahil excited ako ay inasikaso ko ibang babae para matapos kaagad. Nasa puntong kahit makaramdam ako ng pagod talagang tatapusin ko alang-alang sa mga kaibigan ko.

Ina-update ako ni Elaine tungkol sa team building kasalukuyang nagpapalaro pa pero after daw non ay game nang maglakwatsa. Nakiusap ako na sana hintayin ako bago mamamasyal kasi gagawin ko kako ang lahat para lamang makahabol.

"Akala ko ba aalis ka?"

"After lunch pa."

"Agahan mo umalis."

"Talaga Sir Bob?"

"Baka gabihin ka pagpunta roon wala kang aabutan na palaro."

"Eh kahit umalis ako ng maaga hindi talaga ako makakahabol malayo ang terminal ng bus dito ilang ride pa ng transportation."

"Sige ihahatid na kita saan ba 'yon?"

"Huwag na baka magpasundo ako kay Alex."

"Inabala mo pa, ako nang bahala."

"Ikaw ang maaabala ko."

"Tapos na rin naman tayo free time na. Ayusin mo mga gamit tapos alis kaagad tayo." I nodded.

Matapos ang pag-aayos nagsimula na kami bumiyahe, dahil wala pang lunch umalis kami pero ginutom sa gitna ng biyahe ay huminto sa highway para kumain, at pagkaraan nagsimula muling magtungo sa pupuntahan.

"May boyfriend ka siguro gustong makita doon, ano?"

"Wala akong boyfriend."

"Talaga? Ako rin."

"Wala kang boyfriend?"

"Girlfriend." ahhhh…okay, share mo lang? Palubog na ang araw nang marating namin ang location.

"Hanggang dito na lang ako."

"Bumaba ka muna ipapakilala kita sa mga kaibigan ko."

"Sa ibang araw na lang alanganin kung uuwi ako ng hating-gabi."

"Eh di dito ka na lang magpaabot."

"Next time."

"Thalia." tinig ni Andrew sa bandang likuran ko. Tiningnan ko siya ng maayos.

"Thalia, I have to go huwag ka mag-alala hindi kita tatanggihan sa susunod, keepsafe."

"Salamat sa paghatid mag-iingat ka i-text mo ako kapag nasa bahay ka na."

"Sure I will. Have a nice night." I nodded until paandarin ang kotse.

"Siya ba ang bago mong photographer?" lapit ni Drew.

"Oo, nasaan sila??"

"Sandali." tatakbo na sana pinigilan lang braso ko.

"Bakit?"

"May gusto sana akong itanong."

Nakakakaba, "Ano 'yon?"

"Nandito na si Thalia!" sigaw ni Bella, kasama si Agatha. "Bruha ka akala namin hindi ka makakasama."

"Ginawa ko na ang lahat pero ginabi kami sa daan."

"Sino naghatid sa iyo?"

"Si Sir Bob."

"Aha, manliligaw mo rin ba?"

"Hindi," nalimutan ko may itatanong sana si Drew. "Ano 'yong——" pero imbes na magtanong sumenyas na sumama ako kina Bella.

"Tamang-tama kakain na nang dinner." naglalakad kami patungo sa cabin.

"Sagot nila pati cabin ng mga tauhan?" usisa ko.

"Naman, ibang Kevin at Andrew mayaman."

"Mayaman din asawa ko kaya lang kuripot." buwelta ni Agatha.

"Tama ka riyan."

Sabay-sabay kami kumain sa labas ng cabin. Kung titingnan parang simpleng resort ito pero sabi nila maganda raw lalo kung umaga. Bukas na bukas maglalakad-lakad ako ng makalanghap ng sariwang hangin. Madalas nga kami mag-shoot sa tabing-dagat pero hindi puwede magtagal dahil may location na susunod.

Gumawa sila ng fire pagkatapos pinaikutan namin medyo naiinis ako sa sarili dahil ako ang walang katabing boyfriend ah hindi si Anton pa nga pala walang jowa, ewan ko doon mukhang wala balak magka-girlfriend.

"Congratulations sa ikakasal nating kaibigan." bati ni Carl habang nakayakap sa kanya si Agatha.

"Ang bilis ikakasal kaagad." wika ni Daryll may kasamang bagong biktima.

"Kung saan siya mas magiging masaya doon tayo. Ako nga masayang single, walang problema." komento ni Anton.

"Basta kahit na anong mangyari kahit sandamakmak ang magiging anak ni Alex walang iwanan." pabirong wika ni Kevin.

"Trip mo na naman ako de bale, Nathan ayusin mo ha? Mahalin mo 'yang si Charie." nalingon ako kay Nathan na kasama pala si Charie. Ngayon ko lang din napansin marahil sa dami ng tao nandito.

"Gagawa na nga kaagad kami ng baby." nakatanggap tuloy siya ng hampas ni Charie, at kantiyawan ang iba sa kilig.

"Ohh, nandito nga pala si kambal may gusto sana siyang sabihin, at mukhang may panibago na siyang iibigin." umiwas ako ng tingin sa lahat malapit na at mapipikon ako sa kaingayan ni Alex, at sino naman kayang babae ang bagong iibigin ni Drew?

"Aba, teka sino 'yon?"

"Handa ka na ba muling umibig?"

"Nandito lang kami suportahan ka namin."

"Miss na namin ang Andrew na palaging nakangiti." sunod-sunod nilang sabi rito.

"Huwag kayo magpapaniwala sa ugok kong kapatid."

"Sus, sige na malaya kang maghanap ng babae. Pumili ka na may mga babae sa loob ng cabin puwede mo tikman." at sira-ulo talagang— "Aray!" ayan butenga sa iyo. Sige Bella, patayin mo 'yang asawa mo! Huwag mo nang buhayin!

"Bad influence." sige na Bella patayin mo.

"Binibiro lang naman."

"Drew, hindi ba sabi mo may gusto ka makausap?"

"Ahh, mamaya na lang siguro." nagtitikhiman ang lahat pero dedma ayokong makisali sa usapan na hindi ako komportable.

"Giniginaw ka ba?" napansin siguro ni Elaine napayakap ako sa balikat.

"Medyo kukunin ko lang ang jacket sa cabin." pinagpag ko pa lang ang kamay nang ihagis ni Andrew ang cardigan.

"Ayan huwag ka na umalis isuot mo 'yan baka sipunin ka." bahagya ako nangiti pero ng tingnan ko si Drew abala itong nagbubukas ng beer.

"Okay." sabay suot.

"Lahat malalasing bawal ang killjoy." buwelta ni Daryll.

"Ang mga bata?" tanong ko kay Elaine pa rin.

"Hindi sila kasama inalagaan ng mga lolo at lola nila."

"Kahit anak nila Carl?"

"Oo."

"Kay Alex?"

"Yep!"

"Aba, malaya nga kayong makakainom."

"Uminom ka ng lumakas-lakas loob mo."

"Kailangan ko ba?"

"Naman."

"Huwag iinom kasi wala akong gamot baka masama."

"May masakit ba sa iyo?"

"Ulo ko masakit," dahilan ko kahit hindi naman. Ayokong uminom kasi kapag ako nakainom——

"WHOOOOOO! SAYAW THALIA!" nahihilo na ako sa kalasingan pero bakit gustong-gusto ko pa rin sumayaw.

Iba talaga kapag nalalatagan ng alak sa katawan. Ang pagiging mahiyain mo nawawala, ayos lang kahit maraming tao basta makakasayaw ako.

"Thalai, gusto mo magpunta sa kabila?" tinig ng pamilyar na boses.

"Saan?"

"Doon sa mga waitress ni Kevin nagsasayawan sila."

"Eh sila?" turo ko sa di malamang direksyon.

"Mga nagsipasukan na sa cabin nalasing na rin."

"O-akayy! Go!" inalalayan ako ng babaeng pamilyar patungo sa sinasabi niya.

"Guys, sasama si Thalia sa atin."

"Sure Ma'am Thalia!" dinig kong sabi ng isa.

Pinaliwanag nila kung paano ang gagawin. Stop dance pero may twist, oras na gumalaw ka talo ka pero may pagpipiliin kung iinom ng alak o magbabawas sa suot na damit lalo ako na excite.

Nagsimula ang laro, sa una pa lang talo ako iba kasi 'yong laro matatalo ka talaga lalo kung lasing na lasing. Makakaramdam ka nang hilo kapag huminto ng kilos. Uminom ako ng isang basong beer dapat daw straight hanggang sa maka-apat na tagay parang masusuka na ako.

Pinili kong maghubad na lang nang damit, at maging sa sumunod ay tinanggal ko ang short, hanggang sa huli pinahuhubad na ang bikini.

Mukhang napasubo ako.

Natanggal ko ang pagkakatali ng bra sa leeg ko akmang may pumigil upang huwag tuluyang mahubad dahil dito dinig kong magbubulungan sila hanggang sa iwan kami ng taong basag trip, at muli nitong itinali ang bra ko.

"Para kang nakawala sa bilangguan." bahagyang nagising ang diwa ko sa tinig nito. "Sa susunod kapag makikisali ka sa laro 'yong hindi ka pa lasing na lasing."

"Doon tayo." masusuka na ako.

"Saan?"

"Doon——" sumuka ako kasabay non ang matinding pagkahilo.

"Hawakan mo ako please…"

"Ihahatid na kita sa cabin."

"Mabuti pa nga, inaantok na ako." pero hindi pa naman.

Nakapikit ang mata kong binuhat niya. Hindi ko alam kung nasaan kami banda basta tahimik ito. Dumilat ako saglit pero hindi cabin ang pinagdalahan niya.

"Anong ginagawa natin dito?" marahan niya akong inihiga sa loob ng kubo.

"Kailangan natin mag-usap maraming tao sa cabin."

"Ngayon talaga? Ngayong hindi ako matinong kausap??"

"Hindi ka magiging totoo kung nasa katinuan ka."

"So sinasabi mo abnormal ako today, ha?"

"See??"

"Ano ba sasabihin mo?" bumangon ako upang marinig ang sasabihin nito.

"May galit ka ba sa akin?"

"Wala."

"Gusto mo ako?" na tigilan ako saglit.

"Alam mo naman tinatanong mo pa." gusto yata tarayan ko na naman, eh.

"Sige."

"Iyon lang ba sasabihin mo? Putek, dinala mo pa ako rito!"

"Kasi——"

"Kasi ano? Sasabihin mo na naman mahal na mahal mo si Princess at hindi mo siya kayang kalimutan. Oo alam ko kaya huwag mo nang sabihin pa."

"Lasing ka kasi."

"Eh ano ngayon?"

"Baka kapag sinabi ko ito makalimutan mo kinabukasan."

"At least may kuwenta itong pagdala mo sa akin sa kubo!" dinig kong natawa. "May nakakatawa?"

"Taray mo talaga."

"Mabuti alam mo."

"Kaya nga bagay kayo ni Alex."

"Tsk, puwede ba huwag mo ako umpisahan, Andrew Azun."

"Sarap mo asarin."

"So natutuwa ka na riyan?"

"Oo."

"Eh di congratulations." saglit itong nawalan ng kibo. "Oh nanahimik ka riyan?!"

Naupo sa tabi ko saka inayos ang buhok kong gulo-gulo parang dito pa lang mapapaamo niya ko para siyang may alagang aso at ako 'yon, tsk.

"Hindi nalalayo hitsura niyo ni Prinsesa pero hindi ibig sabihin nun ay may dapat kaming magustuhan sa iyo dahil kamukha mo siya."

"Ha? Lasing lang ba talaga ako o ikaw ang magulong magsalita?"

Dahan-dahan niyang hinaplos ang pisngi ko nasa mga mata nito ang pagnanais kunin ang labi ko. Ako ang umiwas, ako ang umiwas sa tuksong nais niya, at pilit nitong hinawakan ang kamay ko.

Handa na niyang angkinin ang labi ko nang may kumakatok sa pinto ng kubo. Tumayo siya upang pagbuksan, isang lalaki na tingin ko nagmamay-ari ng kubo.

"Pasensya na ho lasing ang kasama ko nagpahinga lang pero palabas na rin kami." kaagad akong inalalayan.

Nawala yata lasing ko o nandito pa?nakukuha ko nang maglakad ng tuwid kahit medyo hilo pa.

"Kukuha ako ng bagong cabin." may dinayal siya sa cellphone pagkaraan ay hinawakan kamay ko. "Sumama ka sa akin hindi pa tayo tapos mag-usap."

Sunod-sunod na lunok, tila may naghahabulang kabayo sa dibdib ko, nanginginig ang kamay ko at nanlalamig parang iba nasa isipan ko. Mukhang delikado sapagkat dito rin ako minsan naging marupok kay Alex.

"Thank you." sabi nito sa isang lalaki nang iabot ang susi. Kakaibang cabin malayo sa puwesto ng mga kaibigan namin. Ang tanging liwanag lamang ay ang solar sa mga sanga ng puno at bawat sulok ng cabin.

Hindi pa rin binibitiwan ang kamay ko hanggang sa makapasok sa cabin. Hindi gaano malawak tulad sa mga kaibigan namin parang for two persons lang yata.

"Maupo ka muna." nagtungo sa maliit na kusina ito, tumingala ako saka inakyat ang kuwarto.

Napaka ganda tanaw ang karagatan dito. May makakapal na kurtina para incase gusto mo iharang habang natutulog ay ayos lang. Pagkatapos ang kama ay maliit, parang hanggang binti lang ang makakasakop.

Nahiga ako pagkaraan ay pumikit. Naalimpungatan ako nang maramdaman ko ang ginaw.

Si Andrew nakaupo habang nakatanaw sa dagat bumangon ako para tawagin siya pero nauna itong isara ang makakapal na kurtina saka tumabi sa akin. Nakangiti itong hinawakan ang kamay ko.

"Huwag ka sana magagalit kung may gusto akong itanong sa iyo."

"Hmmm?"

"Puwede na ba kita maging girlfriend?"

"Kaagad??"

He nodded, "Iniisip mo baka gamitin kita para makamove-on."

"Eh ano pa nga ba?"

"Gusto kita pa matutunang mahalin."

"Ibig sabihin gusto mo na talaga ako?" He nodded again, "Kailan pa?"

"Nang tanungin ako ni Charie kung liligawan ko na nga ba siya dalawa kayo ni Princess ang lumabas sa isip ko na hindi ka naman dapat kasali."

"What do you mean?"

"Baka nga unti-unti na kitang nagugustuhan?"

"Eh parang alanganin ka pa."

"Kasi nga nag-iisip pa ako baka kapag naging tayo isipin mong ginagamit kita."

"Ayos lang,"

"Ayos lang??"

"Oo alang-alang sa iyo, ayos lang kung gawin mo akong girlfriend basta sa huli huwag mo ako sasaktan, basta sa huli sabihin mong hindi lang pagka gusto ang nararamdaman ko kung hindi mahal na pala."

Hahalikan sana ako nang pigilan ko, "Ops, gawin mo 'yan kapag sigurado ka na talaga."

"Ha?"

"Ayoko halikan ng lalaking wala pang nararamdaman na pagmamahal."

"S-sige pero sana huwag kang magpapaligaw sa iba."

"Ha?"

"Girlfriend na kita!"

"Pero may assurance ba para——"

"Basta girlfriend na kita tapos ang usapan. Hindi kita hahalikan iyan ang gusto mo sana itong gusto ko sundin mo rin, gets?"

Matawa-tawa ako.

"Bahala ka nga."

"Bukas na bukas sasabihin kong girlfriend na kita."

"Bukas pa?"

"Matutulog na tayo." inalalayan niya akong mahiga. Akala ko ay hahalikan ako sa labi kaya tinakpan ko pero sa noo lang pala.

Tinalikuran ko siya at palihim na kinikilig. This night, ugh.

After so many years hindi ko inakala na ang lalaking ipinaubaya ko sa pinsan ko ay mapapasaakin na ngayon. Ganoon yata kapag mapagbigay ka susuklian ng magandang pangyayari.

"NAPAKASAYA namin para sa inyong dalawa." wika ni Carl matapos aminin ni Andrew sa lahat habang nakasakay kami sa van. Pasimpleng hinawakan niya ang kamay ko.

"Huwag niyo nang patagalin 'yan, ah?" sabat ni Bella.

"Sa simbahan din naman ang tuloy kaya bakit patatagalin pa?" dugtong ni Kevin.

"Hay, ako na lang talaga single rito." sa boses ni Anton na malungkot.

"Hindi ka nag-iisa." gatong ni Daryll.

"Huwag ka nga sino 'yong kasama mo kagabi ha?"

"Syempre, alam niyo na."

"Kailan ka ba magbabago!" batok ni Nathan.

"Kapag naging puti na ang uwak, hahahaha."

"SIRA-ULO!" sabay-sabay nilang sigaw habang ako may ngiti sa labing nakatanaw sa labas.

"Ano iniisip mo?"

"Kung paano na mangyayari after natin umuwi sa bahay, at paano ko sasabihin kina Tita Jade ang tungkol dito."

"Huwag mong isipin ako ang bahala." inalalayan ulo ko para isandal sa balikat niya. "Ang dapat mong gawin kung paano mo ako mamahalin."

"Mahal na kita noon pa."

"Kaya nga gusto ko mabaliw ka nang tuluyan, ouch!"

Ito na nga ba ang simula nang pag-iibigan namin ni Andrew ni minsan hindi ko naisip hahantong kami sa ganitong sitwasyon dahil simula pa lang iwinaglit ko ang totoong nararamdaman sa kanya para kay Prinsesa. Oo tama nga naman 'di ba? Nauna si Princess, at bakit ako magpapaka kontrabida sa dalawa kung wagas silang magmahalan.

NAGPABABA kami sa bahay nila Princess nandoon si Tita Jade, at Jak ngunit matinding kaba itong nararamdaman ko.

"Thalia, Andrew! Kumusta ang team building?" kabungad-bungad ni tita.

"Maayos naman po." tumingin sa akin si Andrew matapos magsalita.

"Thalia, bakit parang ayaw mo pumasok may problema ba?"

"Oh, babae anong arte 'yan?" siyang dating ni Jak.

"May sasabihin po kami ni Thalia." sabay hawak sa kamay ko. Pilit kong ibinibitaw pero mahigpit ang pagkakahawak.

Takang-taka si tita samantalang nakangiti si Jak na tila kuha kaagad ang ibig sabihin ng hawak kamay namin.

"Pumasok muna kayo," hinawakan ni tita balikat ko. "Kinakabahan ka ba, anak?"

"H-ho??"

Pinaupo ako sa sofa pagkaraan ay naglabas ng makakain si Jak.

"Sa mga kilos ninyo mukhang alam ko na. Kailan pa? Sino ba unang nagkagusto? Puwede ko ba malaman kung paano nangyari?"

"Tita…"

"Kay Thalia po noon pa pero dahil napaka bait niyang pinsan never nitong inisip na siraan kami ni Princess. Ngayon ko lang na pagtantong siguro kaya nawala si Prinsesa dahil may isang taong nasasaktan, at nagmamahal." buong paliwanag ni Drew.

"Pero tita huwag mo masamain itong nangyayari. Kung alam niyo lang kung gaano ako nasaktan nang mawala si Princess. Sinisisi ko ang aking sarili pasensya na tita hindi rin ako nalalayo kay Ate Riz na inagaw si Aaron kay Princess."

"Bakit mo ikukumpara ang sarili sa buwisit mong ate? Iba ka, ibang-iba ka, Thalia. At kung tatanungin mo ako tungkol sa anong mayroon sa inyo ni Kuya Drew napakasaya ko." akap ni Jak sa akin. "Matagal na namin pinag-uusapan ito ni mommy na sana kahit man lang sa kamag-anak natin mapunta si Andrew kasi mahirap mawala si Drew kumbaga siya ang ala-ala namin kay Ate Princess."

Nakita kong umiiyak si tita nilapitan ko ito at niyakap pareho-pareho kami nag-iyakan sa loob ng bahay.

Ngayon, maluwag sa dibdib kong paninindigan ang pagmamahal ko kay Andrew.

"Wala akong sasabihin pero isa lang dapat mong malaman, anak mahal na mahal ka ni Princess, at mahal na mahal niya rin si Andrew masaya na siyang kayo ang talagang itinadhana."

"Tita…" hagulgol ko. "Nakokonsenya po ako."

"Eh bakit? Huwag mo alalahanin ang importante masaya kayong pareho at…tanggap ng mga tao kung ano mayroon kayo, masaya ako para sa inyo. Ako nang bahala sa mommy mo magsabi o kaya kung gusto niyo ay ako gagawa nang paraan para makasal kaagad kayo."

Natigilan ako sandali. Kasal, oo tama ito ang gusto ko pero paano nga ako makasisigurong mahal na mahal ako ni Drew? Hindi ba ako masasaktan nito sa huli? Kung sa tunay lang nararamdaman ipaglalaban ko siya pero paano siya? Paano niya ako panghahawakan kung wala pa akong nakikitang patunayan na wagas ang pagmamahal niya?

"May problema ba, anak?"

"Uhm, siguro po mas mainam kung medyo pahabain natin ang relasyong mayroon kami."

"Ayaw mo ba makasal?"

"Gusto,"

"Kung ganoon may alinlangan ka?"

"Gusto ko po makasigurong——"

"Liligawan pa rin kita bilang respeto." komento ni Drew.

"Ayos lang, bibigyan ko kayo kahit ilang buwan pagkatapos sa madaling panahon maikasal kayo." I nodded.

Heto na naman ang isang side ng pagkatao ko palagi akong kinokontra sa isang bagay. Heto na nga oh nandito na siya kasama ko na siya pero may isang lintek na konsensya ayaw makisama.

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

_Awueshun_creators' thoughts