CHAPTER THREE
LEONA's POV
Tuesday 9:56 AM
magaalas dyis na at wala parin si aries dito sa shop. Ugh! Bakit ko ba sya hinahanap? ah, tama. dahil lang talaga 'to sa nasanay ako na lagi syang nandito at lumalamon ng cakes na binebenta ko at inuutang nya hays.
Nasa kalagitnaan ako ng pagpupunas sa mga lamesa dito sa shop ko ng bumukas ang glass door at iniluwa sila dad pati na ang mga alipores nito.
Bigla ring nagsitayuan ang mga costumers ko na kumakain at nagalisan kaya naman ay napabuntong hininga ako.
"What are you doing here dad?" i ask as I kissed his cheeks.
"why? Am I not allow here?"
"No, I mean. Yung mga costumer ko kase nagsipag-alisan, mukhang natakot sa inyo" i said.
"People nowadays, They shouldn't be scared to people like us. Dapat nga matuwa pa sila na nasa paligid kami kase in that they are safe" napairap ako.
"Avery, Pakibigyan sila daddy ng cupcakes and coffee" utos ko at nginitian sila dad at pumasok sa office ng shop ko.
Inaayos ko ang sched ko nang pumasok si dad pati ang alalay nya, yung pulis na nagharang sakin kahapon? Sundalo pala sya hindi pulis and his name is Clyde at yes, sya ang alalay na ni dad na tinutukoy ko.
Dire-diretso silang dalawa na pumasok, si clyde ay naupo sa harap ko at si dad ay dumiretso sa likod ko at clinick ang white button na nasa likod ng mini book shelf ko.
ng pindutin yon ni dad ay nahati ang mini book shelf ko at tumambad ang napakadami at ibat-ibang uri ng armas, bomb and whatsoever.
Si dad ang naglagay nyan dyan, Kahit saan may ganyan. Sa kwarto ko, sa kusina, sa library at maski sa garden at bubong ng bahay ay merong ganyan at syempre pati dito. Sa CR netong shop ko at dito sa office.
for emergency daw sabi ni dad.
"clyde, ang suitcase?"
"eto sir"
May iniabot na dalawang suitcase si clyde kay daddy na syang nagpataas ng kilay ko.
"Ano nanaman yan dad?" Walang ganang tanong ko.
"Additional Guns and new inventions"
"tss whatever, di ko rin naman yan nagagamit e" I said at pinanood ko lang silang dalawa na maayos na inilalagay ang bagong mga armas.
natigil sila sa pag aayos ng may kumatok sa pintuan ng office ko.
"sir, May nakuha na raw pong impormasyon tungkol sa nangyari kahapon" inayos ni dad ang damit nya.
"should i leave clyde here para makasama mo?" i made a face.
"seriously dad? nakukulangan kapa ba sa sandamakmak na armas na yan at iiwan mo pa tong asong to?" nginisihan ako ni clyde at inirapan ko nalang sya.
"okay, just be safe my daughter" he said and kissed me at my forehead then leave.
I released a deep sigh, How i wish my mother is here and alive, kung hindi sana namatay si mommy hindi magiging ganon kaprotective si daddy, sinisisi parin nya kase ang sarili nya sa pagkamatay ni mommy sa di ko malamang dahilan.
Lumabas na ako ng office at tumambad sakin ang lumalamong si aries.
"Hoy, kapal ng mukha mong letse ka hindi ka man lang nagpaalam muna sa mayari!" napakunot ako ng noo ng hindi nya ako pinapansin at sa halip ay tuloy parin sya sa paglamon.
"avery, ilang cake na nakain nitong kupal na to?"
"Dalawa na po"
mas lalong lumalim ang kunot ng noo ko at automatic na lumipad ang palad ko papuntang leeg nya at doon, napatigil sya sa pagkain.
"Ayos kalang aries?"
"oo naman, gutom lang talaga siguro ako" muling kumunot ang noo ko.
"eh bakit parang basang basa ka ng pawis?"
sandaling natigilan si aries.
"wala"
parang ang daming iniisip ngayon ni aries, Should i bring him somewhere where he can think peacefully?
I smiled and grab his wrist.
"What are-"
"Basta, tara"
Iniwan ko muna ang shop kay avery at sumakay kami ni aries sa kotse.
"where are w-"
"Basta, trust me" sabi ko at nginitian sya.
Ng makarating kami sa dati naming school ay hinila ko ulit sya papunta sa rooftop.
" Nung College tayo,pag stress na stress ka sa mga prof at thesis eh lagi kitang nakikita dito, ikaw pa mismo nagsabi sakin na kapag may iniisip ka na malalim ay dito ka pumupunta"
He smiled at me.
"May itatanong ako" sabi nya habang nakadiretsong tingin sa mata ko.
"Ano yon?"
"Kung meron kang nakakahawang sakit, AIDS kunyari. tapos kasama mo yung taong pinakamamahal mo at iniingatan mo, hahalikan mo ba to express your feelings o hindi?" napakurap kurap ako sa tanong ni aries.
Sa lahat ng pwede nyang itanong, bakit yun pa napili nya? Hmmm, Siguro may aids tong kupal na to tapos hindi sya makascore man lang kay melanie kase nga mahal nya.
"Ang sabi mo, Kasama ang pinakamamahal at iniingatang tao right? syempre hindi ko sya hahalikan kahit magpumilit pa sya at magtaka kung mahal ko ba talaga sya, kase gusto ko syang protektahan dahil nga sa mahal ko sya, dun mo makikita ang tunay na definition ng love. desire and lust Versus Safety" sagot ko habang nakikipaglaban ng titigan sa kanya.
"Leona may sasab-"
hindi natuloy sa pagsasalita si aries ng magring ang cellphone ko.
agad ko yung sinagot ng makitang si daddy ang tumatawag.
"My daughter, Sinong kaibigan mo nga yung sinasabi mo na pupuntahan mo sana sa miraculous hospital?"
"Ah, Si aries po"
"kasama mo ba sya ngayon?"
"Huh? Bakit?" napakunot ako ng noo at napatingin kay aries na napaiwas ng tingin.
"Makinig ka anak, Kay aries nanggaling yung virus na kumalat sa hospital kahapon, sya ang dahilan kung bakit nagkaganon ang mga tao sa hospital kahapon!"
"P-paano mo naman nasabi yan dad?"
"Hinalikan sya nung nurse na nagasikaso sa kanya-"
"YUN NAMAN PALA DAD E! Wala syang kasalanan!"
"Layuan mo na ang lalaking yan bago kapa nya mahawa!"
Nakita kong may tumulong luha sa pisngi ni aries.
Inend ko ang tawag kahit nagsasalita pa si dad at niyakap si aries.
"Sundin mo ang daddy mo leona, tama sya. Lumayo kana bago pa kita mahawaan"
"Hindi, ayoko aries"
"Damn it leona! Kahit ngayon lang please! Kahit ngayon lang pairalin mo naman yang utak mo! Lumayo ka sakin!"
"Hindi ko kaya aries! I cant, cause I love you!"
napatingin bigla sakin si aries at natahimik naman ako.
"Did you just said.. you love me?"
"Medj, hehe"
nagulat ako ng pinitik nya ang noo ko napatingin ako sa mata nya and i saw happiness and a mix of sadness at his eyes.
"itigil mo yang nararamdaman mong yan leona, yan ang magpapahamak sayo" seryosong sabi nya at naglakad palayo.
"Aries naman! Wala ka bang nararamdaman sakin!?" i shouted.
"Wala" sagot nya at iniwan ako dito sa rooftop ng magisa.
simot sarap ba?
wala ba talaga akong pagasa?