CHAPTER TEN
LEONA's POV
Dalawang araw na ang lumipas at ang karamihan sa amin ay maayos na ang lagay. Ngunit kasabay ng pag papagaling namin ng sugat ay s'ya namang pagkaubos ng pagkain dito sa bahay.
Sa kadahilanang Masyado kaming marami ay mabilis na naubos ang mga pagkain na nakaimbak dito sa amin.
Ngayong umaga ay nagkakape at kumakain nalang ng tinapay ang ilan samin dahil sa pinaubaya namin sa mga bata ang mga natitirang pagkain.
Ngunit hindi naman pwedeng laging bata na lang ang makakakain ng maayos, Kailangan rin naman naming na kumain para may lakas kami lalo pa't kami ang pumoprotekta sa mga bata.
Itinigil ko ang pagsimsim ng kape at inilapag sa center table ang mug na iniinuman ko.
"We need to get foods and other necessities" panimula ko na s'yang nakapukaw ng pansin nilang lahat.
"Ang mga supplies at pagkain na naabutan natin dito sa bahay ay malapit ng maubos"
"At sino naman ang balak mong pakuhanin ng mga pagkain na 'yan aber?" pagtataray ni melanie na nakatodo pulupot ang braso sa katawan ni aries.
"Gusto mo ikaw? Tss" singhal ko, arte arte nabubwisit ako.
"Paanong ako? eh kagagaling lang ng paa ko tsaka, Madami na raw nagkalat na carriers sa labas no! ayoko nga silang mahawakan eew" I rolled my eyes.
"Ganito, Para Makaiwas sa kapahamakan. Lima lang ang lalabas para kumuha ng pagkain at ang iba ay maiiwan dito para magbantay at protektahan yung mga walang karanasan at di kayang ipagtanggol ang sarili nila" Sabi ko at napatango-tango naman sila clyde.
"May susi ako ng puregold, doon nalang tayo kumuha ng pagkain" suggest nung isang may edad na lalaki na isa rin sa mga niligtas namin sa laboratory ni daddy.
Nasa kalagitnaan kami ng pagpaplano ng makarinig kami ng putok ng baril at tinamaan yung TV namin na malapit sakin.
Napakurap kurap ako sa gulat. Kung nagkataon na yumuko ako edi naheadshot ako.
"Dapa!" Sigaw ni clyde ng makita namin na andaming nakaitim na maskara sa labas at may mga hawak na baril.
Saktong pagdapa namin ay s'yang simula nila ng pagpapaulan ng bala sa loob ng bahay namin. Sa sobrang lakas ng pagpapaputok nila, paniguradong makakaattract sila ng mga zombies na pumunta dito.
Tumigil sila sa pagbaril ng makapasok sila ng tuluyan dito sa bahay.
"Sino sainyo ang anak ni General Paulo?" Walang balak magsalita ang lahat maliban kay melanie na nanginginig sa takot na biglang tumayo at tinuro ako.
"Sya! Sya si Leona Ocampo, anak ng gagong baliw na heneral na 'yon!" Nakita kong biglang hinila sya ni aries padapa ulit.
"Sino naman si aries alboleras sainyo?" Walang nagtangkang sumagot kaya naman ay hinila ako nung lalaki sa buhok at sapilitang pinatayo.
"Alam kong isa sainyo si Aries Alboleras, Ngayon. Pag hindi pa umamin ang isa sainyo, Dito mismo sa harap n'yo, mapupugutan 'to ng ulo" sabi nung lalaki habang nakadikit sa leeg ko ang isang katana na hawak nya.
"Ako si Aries" Sabay na sabi ni clyde at aries na sabay ring tumayo.
Napangisi yung lalaki.
"Wag n'yo kong pinaglalaruan na dalawa baka parehas kong pasabugin bungo n'yo" sabi nung lalaki.
Dahil sa likot nung lalaki tumayo, ay nakita ko sa peripheral vision ko na nalusutan ng isang zombie yung mga lalaking nambabaril sa mga lumalapit na zombie.
At dahil malapit na yung zombie sa amin ay hinugot ko ang isang maliit na kutsilyo sa tagiliran ko at tinusok 'yon sa mata nung lalaking nakasabunot sa buhok ko.
"AAAHHH!" Sigaw nya habang paatras ng paatras kaya naman ay napangisi ako ng di nya namamalayang nasa harap na sya ng isang zombie.
"Pumunta na kayo sa garahe!" nakaready na ang gagamitin naming sasakyan kapag may nangyaring ganito, nung nakaraang araw pa namin yun hinanda sa kadahilanang baka sugurin kami ng mga tauhan nung tao sa likod ng sulat na nabasa namin nung nakaraang araw.
Dumaan kami sa likod nitong bahay papunta sa garahe, kase kung sa harap kami dadaan. Eh may mga zombie doon na kasalukuyang pinagpepyestahan yung mga lalaki na dumating kanina.
Van ang ginamit naming sasakyan, lahat ng niligtas namin ay naisakay dito sa loob kabilang na yung dalawang bata at isang sanggol saka may tatlong sundalo rin ang nakasama at kabilang na doon si clyde.
Dahil sa pagmamadali ay di ko namamalayang sa tabi ng driver's seat ako napaupo at si aries ang napunta sa driver's seat.
"Anak ng! Marunong ka?" He just grin at me at napataas taas pa sya ng dalawa nyang kilay.
"Ayusin mo ha!" sabi ko at sinuot ang seatbelt.
Ang ilang sundalo na hindi nakasakay dito sa van ay napunta sa armored car na ginamit nila papunta dito.
At dahil nasa unahan ang armored car ay sila ang nagpauna para maclear ang mga zombies na balak humarang sa amin.
Napapikit pa ako ng mariin ng maramdaman ang pagkagulong ng van sa mga katawan ng nabaril na zombies.
Hindi pa kami tuluyang nakakaalis at mabagal pa ang takbo ng van kaya naman ay may mga zombies na lumalapit sa van at pinupokpok ang sarili nilang ulo sa bintana.
"CLYDE! pakisabi sa mga kasamahan mo na bilisan nila ang pagpapatakbo ng armored car na sinasakyan nila! Pag nagkataon mababasag na 'tong mga bintana ng van!" sigaw ko na sinunod naman ni clyde dahil kinuha nya ang radio nya.
Tuluyang nabasag ang salamin sa gilid ko at patuloy parin ang mga zombie sa pagabot sakin kaya naman kinuha ko ang dalawang paborito kong baril ang binaril sila hanggang sa namalayan ko nalang na mabilis na ang takbo namin.
Nang tuluyan nga kaming makalabas ay bumungad samin ang napakagulobg paligid. May mga nagkalat na laman ng tao, Parte ng tao at mga tricycle at kotse na nagkagulogulo.
"So, Saan na ang punta natin?" tanong ni aries na chill lang sa pagmamaneho.
"Saan ba may pinakamalapit na grocery store dito?"
"Uhm, After we cross the bridge ahead on us, May bagong bukas na maliit na mall sa pagliko" sagot ni aries.
"Dont tell me itutuloy nyo parin yung plano nyong pagkuha ng pagkain?" Tanong ni melanie.
"Wag kana magreklamo, kakain karin naman e" sabi ko.
"Ugh nakakapagod kayang tumakbo, you know?"
"Ate wala na po kase tayong foods po, tsaka ubos narin po yung gatas ni baby Miles na binigay ni ate dragona" my forehead knotted as the little boy answered melanie.
"Who is ate dragona?" tanong ko kase given naman yung baby miles na si baby 'yon pero yung dragona? parang hindi ko tanggap.
"Ikaw po, Kuya Ipis Called you dragona po kaya i will call you like that narin po" Nakita kong umirap si melanie matapos sabihin yon nung bata.
"and, How will you going to call me?" tanong naman ni melanie na nakatodo ngiti.
"Ate taydor po"
"Taydor? ano yung taydor?" tanong ko.
"I heard po kase kanina na pinagalitan ni kuya ipis si ate taydor and sabi ni kuya ipis, she is a taydor daw po for telling those bad mens who are you po" Aaahh, traydor hindi taydor.
"Ate dragona look!" sigaw nung isang batang babae na sa tingin ko ay mas matanda dito sa batang lalakibg 'to.
Tinignan ko ang tinuturo n'ya at ganon nalang ang gulat ko ng makita ang isang school bus na malapit ng nahulog sa tulay.
"TULOOONG!"
"TULUNGAN NYO KAMII!!"
A tear fell in my cheeks, dahil sa experiment na 'yon ay nagkakagulo ngayon ang madaming tao.
"We have to help them" sabi ko ng lagpasan ni aries yung bus.
"Are you blind? Cant you see na madaming nakapalibot na carriers sa paligid nila?" reklamo ni melanie.
"Hindi naman ikaw ang kumikilos kaya wag kang reklamador!" Sigaw ko.
Reklamo kase ng Reklamo wala namang naitutulong. At isa pa, kargo ko lahat ng kaguluhang nangyayari lalo pa at si dad ang nasa dulo ng lahat ng 'to. kung hindi sana nya pinagpatuloy yung experiment ni mommy edi sana hindi 'to mangyayari.
At isa lang ang paraan na nakikita ko para maresolba ang lahat ng kaguluhang 'to. Yun ay ang sumuko dun sa taong nasa likod ng sulat na nabasa ko.