CHAPTER SEVENTEEN
LEONA's POV
"Guys, Unang una sa lahat, kung makatakas man tayo ngayon eh mahahanap parin tayo ng kupal na 'yon, Alam n'yo kung bakit? Kase dahil sa mga sundalo. Hawak ng kupal na 'yon ang mga sundalo na nandito sa loob ng Baguio. Isa pa, Kung tatakas tayo ngayon. Hindi natin makukuha sila mom and dad. Hindi n'yo ba ako tutulungan na mabawi sila?" I asked.
"Ofcourse we're going to help. Lalo na at utang ko sa'yo ang buhay ko. You just saved me from that ViruZ" Aries said kaya naman napangiti ako.
"Edi maiiba ang plano natin? Hindi na muna tayo tatakas?" Tanong ni melanie at sabay sabay naman kaming tumango lahat.
"Ganito, Dahil iilang armas lang ang hawak natin, Mas maganda kung sama-sama tayo palagi. specially to those who don't know how to use guns like this, Dapat dikit lang tayo palagi. Kaya boys, and girls. Wala kayong choice kundi magstay sa iisang kwarto. Kada gabi o umaga ay dapat may tulog at gising na magsasalitan sa pagbabantay kung may mangyayaring hindi maganda. okay?" They nodding as I spoke.
"And oh, Walang magaaksaya ng bala. We need those left bullets to protect each other." Dugtong ko pa.
"Okay, now. let's discuss about when we are going to leave here with your parents" Aries said.
"Ano? parents lang ni ma'am leona ang iintindihin natin? Pa'no naman si Jam?" Dama ang kaunting inis sa boses ni Jr.
"Hey bud, Chill. Ofcourse kasama sa plano si Jam"
Jr. Sighed at nagiwas nalang ng tingin.
I was about to approach Jr. And lift his mood up ng lumapit si aries sa kan'ya at tinap nito ang balikat ni Jr.
"We'll going to find Jam till our last breathe okay? cheer up bud" Aries said at napatingin s'ya sakin kaya naman napaiwas ako ng tingin.
"Sa ngayon, Magingat muna tayo sa mga lalabas sa bibig natin at sa mga gagawin natin. We should act normal, Magsosorry tayo sa nangyaring sumbatan kanina sa hapag at papakiusapan natin s'ya na dito na muna tumuloy. And kapag gumana ang planong 'yon, we can continue to our plans on discovering what is in this whole house, We should know every parts of this house para kung sakaling may mangyari, we can still save our lives. And second, While discovering. Dapat ay pakonti-konti nating binubuo ang plano kung paano maitatakas sina General Paulo. And third important, Kailangan rin nating mahanap si-"
Naputol sa pagsasalita si melanie ng may biglang sumulpot na lalaki na hingal na hingal at may hawak na mga baril.
"HA! Guys! Sorry na late ako. Iniwanan kase ako ng mokong na Dylan na 'yan e! Kinakalabit ko na sumama sa'kin eh ayon nauna sa pagtakbo ang timang. kinalabit ko si Dylan kanina ng Makita ko kung saan nila tinatago yung mga armas natin, at pati mga armas nga nila ay nand'on, Nakakuha ako ng ilan sa mga baril- yes i know hindi 'to sapat. but this can help right? Tsaka sino nga palang hinahanap natin? May iba pabang nawawala?" Napakurap-kurap ako sa mga sinabi ng bagong dating na si Jam.
Agad ko s'yang hinila papasok ng kwarto dahil baka may makakita sakan'ya na may mga baril s'yang hawak.
"Tangina ka beb akala namin tegi kana! Huhu beb wag mo na uulitin 'yon ha! Namiss kita, gago!" niyakap ni Dylan si Jam pagkatapos n'yang sabihin 'yon.
"tara wampepte" sabi ni Jr kay Jam.
"Ay, fafa gusto ko 'yan."
"Hoy hoy hoy, Anong wampepte? Nasa 'yo ang wampayb ko ah? Ipagpapalit mo wampayb sa wampepte? wag ganon fafa, nakakontrata kana sakin no!" Sabi ni Dylan at pinaghiwalay ang magkayakap na si Jr. At Jam.
Napapailing nalang ako na napapangiti sa tuwing magkukulitan ang tatlong 'to. Kase kung magkulitan sila ay tila ba'y wala kaming kinakaharap na problema.
"so... Can we now start our plan?" I smirked as aries ask kaya naman ay agad kong hinawakan ang kamay n'ya at nagpauna kami sa pagbaba papuntang sala.
Iniwanan namin ang mga baril namin at itinago 'yon pero sinigurado naming may dala-dala kaming tigiisang hand gun. Syempre exempted ang dalawang bata pati sila melanie, Dani at ate jane. Siguro sa mga susunod na araw ay pwede ko silang turuan para kung saka-sakali mang mapahiwalay sila sa'min ay kaya nilang ipagtanggol ang sarili nila.
Nang makababa kami ng hagdan ay bumungad sa'min si Dr. Emmanuel na nagbabasa ng dyaryo habang katabi si mommy na nakatulala.
Gusto kong hilahin si mommy at sigawan si Dr. Emmanuel ngunit kailangan kong dumikit sa plano. Kung hindi, Lahat kami ay mapapahamak maski ang magulang ko.
"Oh? I thought you are all leaving? Why are you all still here? Pack your things now and leave" Dama ang sarkasmo at inis sa boses n'ya kahit na nakangiti s'yang nagsasalita.
"What? they're leaving?" Tila ba ay parang robot na biglang nalagyan ng baterya si mommy ng bigla s'yang magsalita.
"Narito ho kami ngayon sa inyong harapan upang humingi ng dispensa sa nangyaring hindi pagkakaunawaan kanina sa hapag" Panimula ko.
Dr. Emmanuel smirked at tumayo s'ya na sinabayan naman ni mommy.
"Talaga? But why i can't see the sincerity to others? Bakit kay leona ko lang nakikita ang senseridad? Napipilitan lang ata kayo e" Naramdaman ko ang konting paghigpit ni Aries sa pagkakahawak sa kamay ko.
"I know na ako lang ang pinupuntirya mo sa mga sinabi mong 'yan, But I am not the type of person who doesn't have conscience" Kita ang pagtagis ng bagang at paguumigting ng panga ni Dr. Emmanuel sa sinabi ni Aries. Mukhang tinamaan si loko, tsk. "That is why here I am. Infront of you, Asking for acceptance on my apology from the heart"
"Hon, Mukha naman silang sincere. Ano ba kasing nangyari? Hayaan mo na ang mga bata dito, Para kahit papa'no ay mabayaran man lang natin ang utang na loob natin sakanila" I want to vomit as my mother called that demon a 'Hon' Like, yuck. Seriously?
Parte ba ng Hipnotismo ng ulol na 'to na tawagin s'ya ni mommy ng 'Hon?'
kase kung oo, Well napakadesperado n'ya.
Bumuntong hininga si Dr. Emmanuel bago magsalita "Okay, Pagpasensyahan n'yo narin ako sa walang habas kong pagtatanong. I wish we can erase that moment and get back to the moment na kakakilala n'yo lang sakin at wala pang ganon ang nangyayari" I nodded and smile to him genuinely.
"Oh, I remember. I made a promised to them that i'll be bringing them to the park para mamasyal" My mommy said.
"Really? That would be awesome Hon, Enjoy okay?" Hinalikan ni Dr. Emmanuel si mommy sa noo.
"Ano? ready na ba kayo?" nakangiting tanong ni mommy sa amin.
Bigla kaming nagkatinginan ng maalala yung mga baril sa kwarto.
"Oww! Ouch! Ang sakit ng t'yan ko! Magpapaiwan nalang ako! Ouchh!" Clyde said while touching his stomach at napapayuko pa na animo ay masakit talaga.
"Boss"
"Sige ma'am leona, Magpapaiwan narin kaming dalawa ni bebe Jam para po may kasama si Sir, Clyde" I nodded.
Hoo, Buti nalang witty si clyde at nakahanap agad ng way para may maiwanan sa pagbabantay sa mga gamit namin.
Palabas na sana kami ng bahay ng sumigaw si Dr. Emmanuel, "Hon! Please buy us some Fruits to eat after dinner okay? And why don't you try on picking up some strawberries?"
"Sure hon! That will be fun!" My mommy said excitedly as we enter their black van.
I saw clyde, He winked at me before entering the van kaya naman napairap ako.
Mga lalaki talaga, Ang lalandi.
A/N: HI PEOPLE! I JUST WANT TO TELL YOU OR INFORM YOU THAT VOTES AND COMMENTS ARE HIGHLY APPRECIATED HIHI LOVELOTS PEOPLE.