CHAPTER EIGHTEEN
EMMANUEL's POV
Napangisi ako habang pinapanood ang sinakyan nilang van na umandar papalayo.
"Ahh, Sir. Una kami. Baka dito pa kase sumabog ang baho nitong si sir clyde e" Tinanguan ko sila at pinanood silang umakyat sa hagdan.
"Sayang naman bossing, Makakatikim na sana kami ng strawberry e"
"Oo nga"
"Anong mas importante? Ako o ang pagkain?"
"Pagkain/Ikaw sir"
"ANO!?"
"Wala sir, ang sabi namin, Kainin ka RawrR wampepte ser"
"Payb handred ser"
"Tangina n'yo"
Nang hindi ko na marinig ang mga nakakairitang boses nila ay agad na nagsipasukan ang mga sundalo na kanina pa naghihintay.
"Nakuha n'yo ang mga baril nila?" Tanong ko.
"Yes sir"
"Good, Isarado n'yo ang kwartong pinagtataguan n'yo ng mga armas at baril. Ayokong makakakuha sila ng kahit isang pirasong patalim na pwede nilang magamit sa'kin"
"Yes, sir"
"Sir, Mawalang galang na. Pero may nakapagsabi sa'min na si General Paulo daw ang pinahuli mo sa mga hired assassins na pinakuha mo sa'kin. Sir, Totoo ho ba 'yon?" tumalim ang tingin ko sa isang sundalong may napakatigas na mukha at nagawang itanong sa akin ang bagay na 'yon.
"Paano kung sabihin kong oo?" tanong ko.
"Kung ganon ay pasensyahan nalang tayo sir, Sinusunod ho namin ang mga utos n'yo dahil sa nangako kayo na gagawa ng gamot para sa lumalaganap na ViruZ. Pero kung ang isang napakabuti at tanyag na heneral ang hawak n'yo, ay ikakasa namin ang aming mga baril at ang mga bala nami'y ipapaulan sa katawan mo" Nagtagis ang bagang ko sa sinagot n'ya na narinig naman ng iba pang sundalo at animo ay handa silang lumaban para sa punyetang heneral na 'yon.
Tumawa ako para hindi sila makahalata, "Nagbibiro lang ako, Masyado naman kayong mga seryoso! Hindi isang heneral ang pinadakip ko. Kundi isang tao na may napakalubhang karamdaman na kinailangan kong magbayad para lang ay hindi ako ang humawak sa katawan ng taong 'yon kung saka-sakaling pumalag" tila ba ay nahimasmasan sila at bumalik ang dating liwanag sa mga mukha nila.
"Aalis na kami, sir" sabi n'ya at sabay sabay silang sumaludo at umalis.
"Bwisit" bulong ko at nagmamadaling pumunta sa lab para tignan ang kalagayan nung punyetang heneral na ginagalang nila.
Malakas na sinipa ko ang binti ng heneral ng maabutan ko s'yang tulog kaya pumalahaw ang kan'yang malakas na pagdaing sa sakit na nadama na dulot ng pagsipa ko sa binti n'ya.
"Bwisit ka talaga heneral! Hanggang dito ba naman ay may sundalong gustong ialay ang buhay para sa'yo!?" Tumawa s'ya sa sinabi ko.
"Hindi lahat ng tao ay kaya mong ngudnguran ng salapi upang lamang ay isamba ka emmanuel." Sabi n'ya habang nakatodo ngiti kaya inis kong tinadyakan muli s'ya sa binti ng paulit-ulit hanggang sa mawalan s'ya ng malay kakasigaw sa sakit.
bwisit.
LEONA's POV
Tuwang-tuwa ang dalawang bata habang kami ay nakasakay sa isang bangka dito sa parke.
"Aries, Kapag lumubog ang bangkang 'to at ang kasama mo ay si melanie at leona, sino ang una mong ililigtas?" tanong ni mommy kay Aries kaya natigil ako bigla sa pagtawa at pagngiti sa mga bata.
Ewan ko, May parte sa'kin na curious sa kung ano ang kan'yang isasagot. Pero may parte rin sa'kin na ayaw marinig ang kan'yang isasagot dahil alam mong masasaktan lang ako.
"Si Leona" napatingin ako bigla kay aries ng banggitin n'ya ang pangalan ko bilang sagot.
"Si leona ang iiwan ko habang lumulubog ang bangka at una kong ililigtas si melanie" napataas ang kilay ko sa sinagot n'ya at kasunod no'n ay inirapan ko s'ya and i mouthed 'Tangina mo, Paasa ka' and he laughed.
Binaling ko na ulit sa mga bata ang pansin ko pero bigla akong napatulala ng malamang may kasunod pa pala ang sagot n'ya.
"Pagkaligtas ko kay melanie ay babalikan ko si leona at sabay kaming malulunod sa isat-isa" Hindi ko magawang tumingin kay Aries dahil sa sinabi n'ya.
Si melanie naman ay inaasar ako gamit ang kilay n'ya na walang tigil sa pagtaas baba kaya inirapan ko s'ya at rinig ko namang napahagikgik s'ya ng tawa.
Bigla kong naalala yung sinabi ni melanie sa'kin kanina,"Nung araw na sinabi kong sinagot ko na si aries, yun dapat yung araw na titigil s'ya sa pangliligaw sa'kin para sa'yo, kase ikaw talaga ang gusto n'ya. Sa'yo dapat 'tong kwintas, may pangalan mo sa likod ng pendant n'yan. sorry kung dahil sa pagiging selfish ko ay nagkaaway tayong dalawa. Leona the lion" hinawakan ko 'yong kwintas na sinuot sa'kin ni melanid kanina at inalala yung moment na pinagyabang sa'kin ni melanie itong kwintas.
FLASHBACK>>
Magiilang oras na akong naghihintay dito sa rooftop pero wala paring dumadating na Aries.
Nagtext kase s'ya sakin kanina na may importante daw s'yang sasabihin sa'kin, at dahil sa curious-citizen ako ng pinas ay sinunod ko at eto na nga ang resulta, Mukhang aasa nanaman ako kakahintay dito sa rooftop sa Aries na mukhang never namang dadating.
Maya-maya pa ay narinig kong bumukas ang pintuan ng rooftop at malapad ang ngiti ang otomatikong dumikit sa labi ko habang hinihintay na pumasok si Aries.
At parang si flash sa bilis na biglang naglaho ang ngiti sa labi ko ng makitang si melanie and pumasok kasunod n'on ay si Aries na hila-hila ni melanie papasok dito sa rooftop.
"Leona! Look! Aries gave me a necklace!" melanie said.
Napangiti ako, Melanie deserves it. "It looks beautiful,It fits you so well melanie" I said as i imagine kung ano ang magiging itsura ko pag ako ang nagsuot n'on.
"Ha, I know right. And guess what!? I already answered him! Hihi, We're now official!" parang pinagbagsakan ako ng langit at lupa sa narinig ko kaya naman ay napatingin ako kay Aries pero bigla s'yang nagiwas ng tingin.
"Congrats! Im happy for the both of you!" sabi ko at pinigilang pumatak ang luha sa mata ko. "s-sige ha? Una na ako" dugtong ko at parang hangin na dumaan ako sa gilid nila sa bilis.
I also heard Aries calling my name habang pababa ako pero 'di ko na s'ya pinansin at nagpatuloy sa pagbaba habang umiiyak.
Nang pinunasan ko ng marahas ang mata ko ay 'di ko namamalayan kung saan ako tumapak at nahulog sa hagdan.
It takes me 10 seconds before standing up and continue to climb down stairs. kahit na may mga parte ng katawan ko ang masakit gawa ng pagkahulog ko ay okay lang.
Mas masakit parin naman kase yung nahulog ka sakan'ya, Nagbigay motibo s'ya. tapos wala lang naman pala.
Ang sakit.
Ang sakit-sakit.
Ang sakit-sakit palang mahulog sa hagdan. Wala first time kong mahulog e, Di ako nainform na masakit pala.
Sobra.
END OF FLASHBACK<<
Nahimasmasan ako kakabringback ng memories ko sa hagdan ng mamalayang tapos na pala ang time namin sa pagrent ng bangka at pinapababa na kami.
"Huy, Ayos lang ba you?" Tanong sa'kin ni melanie.
"Ah, oo naman. May iniisip lang"
"hulaan ko iniisip mo? tungkol 'yan sa sinabi kanina ni aries ano?"
"Duh, Hindi noh! Iniisip ko lang kung bakit ang ganda ko ganon!"
"Eh kung gan'on ay wag kana magisip kung tungkol lang rin d'yan, Kase sa larangan ng kagandahan. Ako ang number One"
"Ulul, kailangan may rankings gan'on?"
she laughed, And nod.
Josko, ang lamig na nga dito sa baguio dadagdagan pa ng bagyong melanie.
A/N: HI PEOPLEEE! I JUST WANT TO INFORM YOU THAT VOTES AND COMMENTS ARE HIGHLY APPRECIATED! HIHI LOVELOTSS