webnovel

UNTIL WHEN

dafloxe · Kỳ huyễn
Không đủ số lượng người đọc
37 Chs

If only you knew

Kung ganun pala ay bumalik siya sa kwarto nito kanina pagkatapos nilang kumain.

"Meel-meelk" hindi malinaw na bigkas ni Maro habang karga-karga ko siya na nakatingin sa bag na dala ng mama niya para sa kaniya kung saan nakalabas ang bottle milk niya kaya kinuha ko yung isa at ibinigay sa kaniya habang pinapaupo ko na siya sa polyester floor carpet na kalapit ng sofa.

Kinuha ko ang maliit na unan nito sa sofa at malambot na blanket kung saan ito na ang nakapasadyang unan at higaan niya dito sa kwarto ko saka ko linatag kaniyang kinauupoang polyester at kinuha siya sa pagkakaupo at inihiga.

"Gumising ka na naman siguro ng mga 4 am 'no? Kung ganun pinuyat mo na naman ang mommy mo" kaya minsan na kapag ganitong mga 10 am na ay nakakatulog ulit siya. Tulad ngayon, mukhang inaantok na siya habang iniinum ang gatas nito.

Mga dalawang minuto lang ay malapit na niyang maubos ang gatas nito pero natigil na dahil nakatulog na ito kaya umiling nalang ako at kinuha ang bottle milk niya at linagay pabalik sa bag nito saka ko kinuha yung remote ng aircon para ibaba ang temperatura nito kung saan pwede kay baby Maro.

Wala na akong gagawin kundi bantayan siya habang natutulog kaya mas mabuting panoorin ko nalang si Carter habang kausap si ate Merly. Nasa music room na sila at mukhang kanina lang din sila nakapasok, 'sorry kung masyado akong nakikialam sa privacy niya dito sa mansyon' pero gusto ko talagang marinig ang boses niya at kung ano ang pinag-uusapan nila ni ate Merly kaya binuksan ko na ang sounds ng footage.

"Actually ngayon lang din ako nakapasok dito sa music room ni Miss Mcain; siya lang ang pumapasok dito" sabi ni ate Merly pagkaplay ko palang nung sounds nito.

"Wohw. Where did she get all of these instruments? I mean, wow... I'm out of words." Manghang-mangha nitong sabi at saka linapitan ang guitarang unang-una kong dinesenyo para sa kaniya.

"Siya mismo ang nagdisenyo ng mga ito, naroon siya mismo sa pagawaan nila nang ginagawa ang mga ito at tumutulong sa paggawa." habang mangha ring tinitignan ni ate ang music room.

"Pero hindi pa 'ko nakakita ng mga musical instrument na gawa ng mga Raconia at sa pagkakaalam ko ay hindi sila gumagawa" tanong ni Carter na hawak-hawak na ang guitarang C.

"Hindi ko rin alam kay miss Mcain. Sige at maiwan na kita; heto ang cellphone kung saan nariyan lahat ng mga number na pwede mong tawagan kung may kailangan ka dito sa mansyon." at tuluyan na ngang umalis si ate Mcain pagkabigay niya ng cellphone kay Carter na inilapag naman ni Carter sa malapit na mesa.

"Alam ko nakikita mo 'ko ngayon." sabi ni Carter nang makaalis na si ate Merly. Napakaseryoso niya habang nakatingin sa CCTV na ikinagulat ko.

"Thank you for sharing me your music room" pasasalamat niya habang nakatingin pa rin sa cctv at umupo sa upuan na kalapit lang ng mesa kung saan niya linagay ang cellphone kanina at kinandong ang guitara na C.

"Hindi ko alam kung bakit ganito ang trato niyo sakin. Especially Doña Fetherston, kilala siya bilang protective lola at hanggang ngayon talagang secure na secure ka. And, we all know na hindi kayo nagpapapasok sa mansyon niyo at aabotin pa ng isang linggo at buwan bago aprobahan ni señora ang pagbisita sa mansyon niyo. Bakit parang okay lang na nandito ako? Sa pagkakaalam ko hindi kayo tumatanggap ng taong pwedeng mamalagi sa mansyon niyo kung hindi ka kilala; pero hindi naman kita kilala. Bakit ako tinanggap ng señora agad-agad nang tanongin ko kung pwede akong mamalagi sa inyo? Akala ko kahapon makikilala na kita, na makikilala ko na rin ang misteriyosong Mcain Xen pero hindi ka lumalabas ngayon sa kwarto mo dahil nandito ako, right?" sunod-sunod nitong sabi na hanggang ngayon hindi ako makapaniwalang kinakausap niya ako.

"Hanggang dito hindi ko akalaing pinapasok mo pa 'ko sa music room mo na ikaw lang ang pumapasok na kung ikaw lang ang pumapasok; ibig sabihin ikaw rin ang nag-ayos at naglilinis?" Habang pinalibot niya ang mga mata niya sa mga instruments sa paligid niya at binalik na naman ang ngisi na malapit na malapit na lang ay tatawagan ko na siya sa cellphone na binigay ni ate Merly para sagotin ang bawat tanong nito.

"Do you like me? Hindi ako ang pinakasikat na singer o pinakahinahangaan ng nakararami at hindi na din ako tataas bilang pangatlo pagdating sa paggwapohan, pasikatan, palakihan ng kita pero —-" hindi ko na nakayanan pa kaya tinawagan ko na siya sa cellphone na binigay ni ate Merly na ako lang din ang nagpabigay kay ate Merly kanina.

Kitang-kita ko kung paano siya ngumisi, na ikinainis ko dahil ramdam ko kung gano kalaki ang problema nito sa buhay na pati yung mga problema niya sa trabaho niya sinasabi niya.

"Hi" bungad niya na bumaling ulit sa cctv at ngumiti ng nakakaloko.

"What-is-your-problem?" tanong ko ng malumanay pero may diin, kahit gusto ko na siyang sigawan na 'Magpasalamat ka nalang at pinatuloy ka namin!'

"Ikaw ang problema ko Miss Mcain Xen Fetherston" sagot niya habang unti-unting nawala ang ngiti nito kanina.