webnovel

Chapter 01

Pagkatapos nang klase ay hinila na ako agad pababa ng hagdan ni Faith dahil excited siyang makita si Kuya Clyde.

"Dalian mo na," napasimangot ako pero wala rin akong nagawa kundi magmadali na rin sa pagbaba. Wala na akong oras para mag-inarte.

Dinial ko agad ang number ni Kuya para sabihin sa kanya na daanan niya na ako.

[Wait lang. Kasama ko sina Theon.] Sabi niya agad pagkasagot niya sa tawag. Alam na alam na agad niya ang dahilan niya kung bakit ako tumawag.

"Hi, Clyde!" Sigaw ni Faith.

Bigla tuloy nawala sa konsentrasyon si Kuya sa sinasabi niya sa akin meron pa siyang sinabi pero hindi ko na naintindihan dahil binaba na niya ang tawag ko.

"Hoy," sigaw ko kay Faith na naglalakad na palayo. "Uuwi na ako!" Kumaway siya sa akin. Palibhasa ay narinig na niya ang boses ni Kuya ay umalis na siya! Grr.

Naiinip na ako sa tagal ni Kuya kaya naupo muna ako sa hagdan. Nakakainip mag-intay! Itong kapatid ko kapag naging doctor, mamamatay na 'yung pasyente niya ay hindi pa siya dumadating! Bwiset.

"Sorry, inintay ko pa kasi si Chase, e." Turo niya sa lalaking naka black shirt at pants. Sa'n lamay natin? Sa dami ng lalaking tropa ni Kuya o kahit ka group man lang niya ay hindi man lang niya ako binati.

Nagfist bombs sa akin sina Daniel maliban kay Theon na ngumiti lang sa akin. Hindi man lang ako pinakilala ni Kuya doon sa bago niyang kaklaseng med student. Attitude naman.

Pagdating sa kotse ni Kuya ay nagulat akong sa shotgun seat umupo si -ano nga ulit pangalan niya?!

"Do'n ka na sa likod kasama sina Daniel umupo, Hopie." Utos sa akin ni Kuya. Sanay akong sa shotgun seat umupo dahil nagpapatugtog o kaya ay nagchacharge ako sa kotse niya, grr.

Naunang sumakay si Theon. Kaya napapalagitnaan nila ako. Si Theon ko sa kaliwa at sa kanan naman si Kuya Dan.

"I'll just drop you at the house. Close all the doors. Gabi na ako makakauwi." Bilin sa akin ni Kuya habang nagmamaneho. "Hopie."

"Yes, Kuya." Sagot ko sa kanya. He doesn't want me not paying attention sa mga binibilin niya sa akin lalo na't kami lang dalawa ang nasa bahay.

"I'll bring food tonight. H'wag ka na magluluto."

"Okay."

"Theon, it's your birthday on Saturday? Any plans?" Tanong ni Kuya Dan sa kanya. Nailang ako dahil hindi ko alam kung aayos ba ako ng upo para makapag-usap sila ng maayos. I can't even use my phone kasi baka mabasa niya.

"Simple party lang as the same as before." Nakatitigan kami ni Kuya. Even it was just a look maybe he remembered what happened that day. Iyon ang pinaka ayoko na matandaan, it must be painful to him.

"Hoy, Chase. Punta ka ha sa Sabado. Sumabay ka na lang kina Clyde or sa amin." Right! Chase ang pangalan niya parang palaman.

"I'll try." He just looked at the rare view mirror para tignan si Kuya Dan. Nagtama ang mata naming dalawa pero agad din akong umiwas dahil baka kung ano ang isipin niya.

Inhale at exhale lang ang gawa ko ngayon sa kotse. Hindi ko naaway ngayong araw ang Kuya ko kaya sa text ko siya aawayin mamaya.

Bumaba si Kuya Dan para makababa ako sa kotse. Kuya gave me the keys and kissed me on my forehead. Kahit na medyo aso at pusa kaming dalawa he's so caring and sweetest brother for me.

Pagkabukas ko ng pinto ay ni-lock ko na ulit ito pagkapasok ko. Dumiretso ako agad sa taas at ginawa ang mga reports na dapat kong ipasa. Then suddenly I remembered Kuya's new classmate so asked him.

Pero wala akong napala sa kanya kungdi pambubully at kapilosopohan.

To: Kuya Panget

Sa labas ka matulog ha. Bahala ka.

Pagkatapos kong isend iyon ay nagtwitter ako. Hinanap ko sa mga following ni Kuya ang bago niyang kaklase. He was new nga. Bigla kong nasapo ang noo ko nang malike ko ang tweet niya.

"Argh!!! Putangina!" Napamura na lang ako ng wala sa oras at hinampas ang sarili ng unan. "Omg, self. Accidentally lang 'yon, okay? Hindi ka interesado."

After liking the tweet ay pinaringgan na niya ako sa isa niyang twitter post. "Interested my ass." Bulong ko sa sarili at pinaringgan din siya.

Nilalambing ako ni Kuya sa twitter dahil alam niyang hindi ko talaga siya pagbubuksan ng pinto mamaya. Mamaya naman ay nagtext ulit si Kuya.

From: Kuya Panget

I'm outside. Kasama ko si Chase.

From: Kuya Panget

Open the door.

"Fuck," bulong ko sa sarili ko nang magsink-in sa utak ko iyong text niya. I'm just wearing nighties dahil sanay na ako kay Kuya na ito lang ang suot ko.

Sunod-sunod na nagdoor bell si Kuya sa labas kaya wala akong tiyansa na makapagpalit ng damit. Sinuot ko ang robe at lumabas ng kwarto.

Pagkabukas ko ng pinto ay nagulat silang dalawa sa suot ko. Nasamid pa si Chase at hindi na naituloy ang sasabihin niya. Inakbayan ako ni Kuya at pumasok sa loob.

"Magpalit ka." Tinulak niya akong paakyat sa kwarto ko. Dumiretso silang dalawa sa kusina para magprepare ng dinner namin.

Pajamas na lang ang sinuot ko tutal tutulog na rin naman ako pagkatapos ko magpahinga pagkakain. "Sorry, Chase. Allergy kasi kapatid ko dito. Ito na lang sa'yo." Narinig ko si Kuya na sinasabi iyon kay Chase. At pinagpalit nila 'yung box ng pagkain.

Naghugas ako ng kamay dahil naisipan kong magkamay na lang habang kumakain. Medyo nailang ako sa titig ni Chase lalo na nang maalala ko iyong nalike kong profile picture niya sa twitter. He was assuming if it was accidentally or intention to look for his photos because I'm interested to him.

My god. Ang kapal ng mukha niya.

Bahagya akong nasamid nang biglang magtama ang mata namin ni Chase. Nagulat si Kuya, "Ang takaw-takaw kasi." Inabutan akong tubig ni Chase, wala akong choice kungdi tanggapin iyon. Ayokong mamatay dahil lang sa samid.

Nanonood akong T.V. dito sa sala. Kuya presented na siya na raw ang maghuhugas ng plati at samahan ko na lang si Chase pumuntang sala at manood ng T.V.

Pagkabukas ko ay biglang halikan sa isang teleserye ang bumungad. Uminit ang pisngi ko at nilipat agad ang channel. Kita ko si Chase na pinipigilan na matawa dahil sa reaksyon ko. Palibhasa ay lalaki siya kaya sigurado akong nagawa na rin niya 'yung napanood naming dalawa!

"Dessert?" Inaalok sa akin ni Chase 'yung grapes. I don't know if I'm going to accept it. Nahihiya akong i-reject iyon dahil hindi ako kumakain no'n dahil nagsusuka at nananakit ang ulo ko. "She doesn't eat that." I feel relaxed nang biglang nagsalita si Kuya. May pakinabang din!!!

"Oh,"

Ngumiti na lang ako kay Chase at muling binalik ang atensyon ko sa panonood ng T.V. "Chase, sa tabi ng kwarto ni Hopie ang guest room. Doon ka na lang matulog." Sabi ni Kuya bago siya umakyat. Seryoso ba siya? Ipagkakatiwala niya ako sa lalaking 'to?

Lumapit sa akin si Kuya at hinalikan ako sa ulo as goodnight kiss. He always do that to me. "Don't worry. He is not interested to you." Sinamaan ko siya ng tingin nang sinabi niya iyon ay hinampas ang braso niya. Napatingin si Chase sa amin dalawa dahilan.

Ilang minuto pa rin ang lumipas ay nakaramdam na ako ng tulog. Hindi ko alam kung paano ko iyon sasabihin sa kanya dahil baka barahin niya lang ako!

"Uhm," napalingon sa akin si Chase 'yung atensyon niyang nasa palabas ay napunta sa akin. "I'm going to sleep. Patayin mo na lang dito kung.. tutulog ka na rin." Finally, nasabi ko rin!

"Patayin mo na." Pagkasabi niya noon ay tumayo na siya. "Tutulog ka na di ba? Tutulog na rin ako." So he was just waiting for me kaya hindi pa siya natutulog?

"Good night." Bati ko sa kanya bago siya pumasok sa guest room. He didn't give me a look at dumiretso na sa kwarto. Gano'n na rin ang ginawa ko! Siya na nga 'yung binati siya pa 'yung galit.

Pagkaopen ko ng twitter ay nakita ko ang tweet niya.

@Chase17364

I don't do goodnight's, good morning's are better.