webnovel

Unpredicted Stories

maligue · Hiện thực
Không đủ số lượng người đọc
30 Chs

-PAANO MAGKALABEL?-

May ka MU ako, si Hades. Sweet siya akin, gusto daw niya ako kaya syempre nafall ako, crush ko e. Kaya lang wala yata siyang balak na manligaw or step up status namin. Kaya pinapatamaan ko na lang siya sa mga posts ko sa facebook like,

Masaya na tayo eh isa na lang kulang, LABEL.

Isang uri ng I love you lang gusto ko, ILabelYou!

Tapos siya naman langya tamang react lang. Yung mga kaibigan naman niya comment ng comment, minemention siya syempre. One time, nagchat sa akin si Zeus, kaibigan niya.

Zeus: Tara pagselosin natin siya! Game?

Ako: Gora!

So yun kunware pinormahan ako ni Zeus. Nagcocomment lagi sa mga posts ko. Nagpapadala ng mga sweet messages tas isesend kay Hades. Kaya ayun galit na galit si Hades, inaya niya na ako agad! Kami na daw! Syempre di ako pumayag, nafall na ako kay Zeus eh.

Syempre charot lang yon. Kay Hades pa din ako kakalampag syempre. Sa ngayon break na kami ni Hades, 2 months lang kami. Mas okay pala nung wala kaming label, tumagal ng 1 year.

Ps. Pinsan ko pala si Zeus.

--------

Update every Saturday