webnovel

UNO (Tagalog)

Seryoso ang mukha ng lahat habang nasa conference room lalo na ng bigyan bawat isa ng folder na naglalaman ng panibagong assignment. Huminga muna ang lalakeng nasa harap na bahagyang may edad na ngunit matikas pa rin ang tindig. Nakasuot ito na itim na vest na nakapatong sa suot nitong putting amerikana. Ganoon din ang suot ng iba pang nasa loob ng silid. “Your folder contains the information we’ve got about Agent One who disappeared for almost ten years. That person has no identity and left no traces at all. We thought he’s dead but a source confirmed he’s still alive and still working on something. That’s why we have to know what happened to him and his reasons for not reporting in this office for those years we thought he’s dead.” Pagpapaliwanag ng lalake kasabay ang mga bulung-bulungan. Maya-maya’y nagtaas ng kamay ang isa sa mga nakaupo na nakikinig. “Yes, Agent 15?” Tawag ng lalakeng nakatayo sa nagtaas ang kamay. “Why do you need us all in this case, Michael?” Tanong nito na hindi na nag-abala pang tumayo. “Good question. The Greater Heights needs all of its agents in this case. Why? Dahil hawak ni Agent One ang data na naglalaman ng mahahalagang impormasyon patungkol sa ating lahat. Nung aktibo pa siya sa organisasyon, siya ay isa sa may access sa ating system. Nang mawala siya at ideklarang patay, hindi na binago ang ating system. Ngunit ngayong may impormasyong buhay siya, huli na para mabago pa ang lahat. Kaya kailangang maibalik siya at tinayaking walang nag-leak sa mga hawak niya. Dahil kapag nagkataon, mamimilgro hindi lamang ang mga buhay nating lahat kundi lahat ng mga taong malalapit sa ating buhay.” Pagpapaliwanag ng lalake. Kita ang pagkabalisa ng lahat. “Finding a missing person is the easiest thing a single agent can do, Michael.” Wika naman ng isang pang agent na nakaupo na sinang-ayunan naman ng marami. “Yes….unless wala na ang lahat ng source maging ang lahat ng may koneskyon kay Agent One.” Sagot ng lalake na ikinatahimik ng lahat. *********************************************** Basahin ang makabagong istorya na puno ng aksyon, misteryo, at pag-big. "UNO" sa panulat ni B.M. Cervantes Copyright by B.M. Cervantes All Rights Reserved 2020

Blessedy_Official1 · Võ hiệp
Không đủ số lượng người đọc
36 Chs

New Identity

Hindi inalis ni Melissa ang paningin sa matandang lalakeng hindi hinihiwalayan ng mga body guards nito. Panay ang linga nito sa paligid hanggang sa magtagpo ang kanilang paningin. Kita niya ang pagpormal sa mukha nito saka ang pagpukaw ng atensyon nito sa isang guard na tila may inabot.

Napalunok si Melissa ng makitang papalapit sa kanya ang isa nitong guard saka inabot ang maliit na papel sa kanya.

SEE YOU IN THE PARKING LOT. MY BODY GUARD WILL ASSIST YOU. –DOMINIC

Napalunok siya saka agad sinipat ng tingin ang pwesto ng matanda. Kita niyang tumayo ito at naglakad palabras kasama ang mga body guard. Hindi niya alam kung masisiyahan siya sapagkat ang lalakeng gusting-gusto niyang makausap kanina pa ay siyang una pang gumawa ng paraan upang magawa ito.

"Tara na, Miss." Bulong sa kanya ng body guard. Huminga muna siya ng malalim saka sumunod dito. Dahil abala si Kervy sa pakikipag-usap sa mga associates nito at hindi nito napansin ang pagtayo't paglabas niya.

Mabilis ang ginawa nilang paglalakad at halos kaladkarin na siya ng lalakeng kasama saka pabalandra siyang isinakay sa backseat ng itim na van.

"Melissa." Ani ng matanda na ngayo'y katabi niya sa loob ng van.

"You know me?" Nagtatakang tanong niya sa kaharap na seryoso ang mukha.

"You should not be here, Melissa. I sent you in China. Why do you come back?" Tanong nito na may langkap na galit.

"Wait, Sir. I do not understand." Naguguluhan niyang wika.

"Umalis ka na dito sa Mendes, Melissa. Kung hindi-" Huminto sa iba pang sasabihin saka malalim na bumuntong-hininga.

"Kung hindi ay ano? Look, wala akong naiintindihan sa sinasabi niyo, Mr. Hernandez. Please, paki-clarify." Binigyan niya ng diin ang bawat salita.

"I said you move out of Mendes, Melissa. Or else I will be the one to kill you!" Singhal nito sa kanya.

Pumikit si Melissa na tila doon siya makakahugot ng lakas upang makakuha ng kasagutan.

"Why? Why do I have to move out of here? I came back to be with my family! I lost most of them, and now I have to take care of my grand mother! Give me a valid reason why I have to go." Pakiusap niya dito.

"First of all, Melissa. Wala ka ng pamilya. Pangalawa, walang kang lola. Pangatlo, hindi ka mula dito sa Mendes kaya wala kang dahilan para manatili pa dito." Mabilis na paliwanag ng matanda.

"What?!" Naguguluhang niyang wika.

"You're real name is Caroline Crisostomo. I found you in an orphanage at Plaridel when you were still 5 years old. I adopted you and you became my first experiment subject. Five years ago I sent you in China to secure the data I stored in your head, Melissa. I erased your previous memories and installed new ones that include your new self, new family, your new identity." Pagpapaliwanag ng matanda.

Napaawang naman ang bibig ni Melissa na tila hindi niya ma-absorb ang mga sinasabi nito.

"Paano kita paniniwalaan?" Tanong niya dito.

Huminga ng malalim ang matanda.

"I'll show you." Ani nito saka sinenyasan ang driver ng van. Agad naman nitong pinaandar ang sasakyan.

Natagpuan ni Melissa ang sarili sa tila isang abandonadong gusali. Sumunod siyang pumasok sa bakal na pintuan habang iginagala ang paligid sa loob ng gusali na tila matagal ng panahong walang nag-aayos ditto sapagkat puno ito ng alikabok at sukal. Huminto sila satapat ng kalawanging pintuan sa nag-iisang silid dito. Pagpasok niya ay bumalaga ang modernong opisina na kinalalagyan ng napakaraming aparatos.

"I'm sure you've heard of my project." Paunang-wika ni Mr. Hernandez habang inaayos ang nag-iisang upuan sa gitna ng silid na pinag-dudugtungan ng napakaraming tubo at computers.

"Yes. Revocare?" Sagot niya habang inaalala ang speech nito sa hall kanina na pinaggalingan nila.

Tumango ito saka siya iginaiya paupo doon.

"Don't be afraid, Melissa. I'll just want to show you kung sino ka talaga." Ani nito na tila nababasa ang kaba sa kanyang mukha at buong katawan. Tumango na lamang siya saka sinundan ng tingin ang bawat galaw nito habang inaayos ang mga aparato. Ang mga body guards nito ay nanatiing nakatayo sa palibot nila.

"Ready?" Tanong ni Mr. Hernandez sa assistant nitong babae na mukhang dalaga pa at mapostura. Ito ang nagko-control sa main computer na nakakonekta sa mga tubo na kanyang kinauupuan.

Inayos ni Mr. Hernandez ang mga belt na nakakabit ngayon sa knayng balakang saka nito ipinatong ang isang bakal na helmet sa kanyang ulo.

"Ipikit mo lang ang mata mo, Melissa at huminga ng malalim." Utos sa kanya ni Me. Hernandez.

SInunod naman niya ang utos nito. Pumikit siya at huminga ng malalim.

"Go." Kinig niyang utos ng matanda sa katabi nitong babae.

Kasabay niyon ang tila napakalakas na boltahe ng koryente na dumaloy sa kanyang ulo pababa sa kanyang buong katawan kaya isang malakas na hiyaw ang lumabas sa bibig ni Melissa kasabay ang pagmulagat ng kanyang mata ngunit kadiliman lamang ang kanyang nakikita. Patuloy ang pagdaloy ng malakas na koryenteng iyon sa kanyang buong katawan kasabay ang kanyang malalakas na mga hiyaw.