webnovel
#ACTION
#ROMANCE
#MYSTERY

UNO (Tagalog)

Seryoso ang mukha ng lahat habang nasa conference room lalo na ng bigyan bawat isa ng folder na naglalaman ng panibagong assignment. Huminga muna ang lalakeng nasa harap na bahagyang may edad na ngunit matikas pa rin ang tindig. Nakasuot ito na itim na vest na nakapatong sa suot nitong putting amerikana. Ganoon din ang suot ng iba pang nasa loob ng silid. “Your folder contains the information we’ve got about Agent One who disappeared for almost ten years. That person has no identity and left no traces at all. We thought he’s dead but a source confirmed he’s still alive and still working on something. That’s why we have to know what happened to him and his reasons for not reporting in this office for those years we thought he’s dead.” Pagpapaliwanag ng lalake kasabay ang mga bulung-bulungan. Maya-maya’y nagtaas ng kamay ang isa sa mga nakaupo na nakikinig. “Yes, Agent 15?” Tawag ng lalakeng nakatayo sa nagtaas ang kamay. “Why do you need us all in this case, Michael?” Tanong nito na hindi na nag-abala pang tumayo. “Good question. The Greater Heights needs all of its agents in this case. Why? Dahil hawak ni Agent One ang data na naglalaman ng mahahalagang impormasyon patungkol sa ating lahat. Nung aktibo pa siya sa organisasyon, siya ay isa sa may access sa ating system. Nang mawala siya at ideklarang patay, hindi na binago ang ating system. Ngunit ngayong may impormasyong buhay siya, huli na para mabago pa ang lahat. Kaya kailangang maibalik siya at tinayaking walang nag-leak sa mga hawak niya. Dahil kapag nagkataon, mamimilgro hindi lamang ang mga buhay nating lahat kundi lahat ng mga taong malalapit sa ating buhay.” Pagpapaliwanag ng lalake. Kita ang pagkabalisa ng lahat. “Finding a missing person is the easiest thing a single agent can do, Michael.” Wika naman ng isang pang agent na nakaupo na sinang-ayunan naman ng marami. “Yes….unless wala na ang lahat ng source maging ang lahat ng may koneskyon kay Agent One.” Sagot ng lalake na ikinatahimik ng lahat. *********************************************** Basahin ang makabagong istorya na puno ng aksyon, misteryo, at pag-big. "UNO" sa panulat ni B.M. Cervantes Copyright by B.M. Cervantes All Rights Reserved 2020

Blessedy_Official1 · Hành động
Không đủ số lượng người đọc
36 Chs
#ACTION
#ROMANCE
#MYSTERY

Lost Memories

Ngayo'y nakatayo silang magkaharapan ni Kyel sa mat na nasa gitna nang gym. Bagama't may ibang training area ang ibang agents ay di maaalis ang mga mata nito sa kanilang dalawa.

Pinag-krus ni Kyel ang mga braso niya at tumunghay sa dalaga.

"So what's now?" Tanong ng babae.

"You fight me." Mabilis namang ani nito saka pumwesto na tila handa na siyang sugurin.

"Wait." Mabilis na saad ni Melissa.

Napangisi ang lalake saka muling tumayo ng humusay at nagpamulsa.

"You don't believe you're a robot right?" Aniya habang pinag-mamasdan ang balisang itsura ng dalaga.

"Now I will show you." Pagpapatuloy niya saka mabilis na sinugod ang babae. Malakas niyang ikinulong ang katawan nito sa kanyang mga braso upang ibalandra sa sahig na may mat. Pilit nagpumiglas ang babae at nagawa naman nitong makakawala.

"Ok, I get it. You want to fight? Then let's fight." Humihingal na ani ni Melissa saka siya naman ang sumugod sa lalake.

Nang marinig ni Kyel ang sinabi ni Melissa ay may tila bumalik na alaala sa kanyang isipan.

"Ok, I get it. You want to fight? Then let's fight." Wika ng babae sa kanyang harapan.

"You're Agent 34 and I am Agent 1. Do you see the big difference?" Nakangisi niyang ani sa dalaga na nakahanda na para sugurin siya.

"I don't care." Natatawa naman nitong sagot saka tuluyang tinawid ang distansya nilang dalawa. Malakas na sipa sana ang ibibigay nang babae sa kanya ngunit agad niyang nahawakan ang hita nito saka niya hinila upang mapadikit ang babae sa kanya na agad niyang ibinagsak sa sahig.

"You have to train harder." Humihingal na wika niya habang nakahiga pa rin ang babae sa gitna nang ring at siya nama'y nakatukod ang mga braso sa tagiliran nito.

"I know." Ani naman ng babae na pinapungay ang mga mata na sinalubong ang matiim niyang tingin.

"Why can't I resist you, Caroline?" Tila nahihirapang wika ng lalake.

"Then don't resist me." Mapang-akit namang wika ng babae na napangiti nang makitang tatawirin na ni Kyel ang distansya nila upang bigyan siya nang halik.

Malakas na sipa ang tumama sa kanyang tagiliran na nagpabalik kay Kyel sa kasalukuyan.

Agad namang napahinto ang ibang mga agents sa ginagawa at ang mga mata ngayon ay nakapinid sa kanila ni Melissa. Wala pa kasing agent ang kayang sumipa sa kanya na makapagpapabagsak sa kanya. Ngunit ngayon ay napaluhod siya dahil sa sakit ng sipa ng babae sa kanyang tadyang na animo bakal na tumama sa kanya. Ngunit nang dahil sa pagbalik ng isang alaala ng kanyang nakaraan ay hindi na niya nadipensahan ang sarili kay Melissa.

Agad naman siyang tumayo at siya naman ang sumunod na sumugod at muling ipinulupot ang malalakas na braso sa katawan ng babae.

"What happened to us, Caroline?" Bulong niya sa tenga nito habang ito'y nagpupumiglas. Nang marinig ito ng dalaga ay huminto ito sa ginagawang paniniko sa kanya.

"We're ambushed, Kyel. It's planned. Greater Heights wanted to kill us." Pabulong niyang sagot dito saka siya kumawala sa mahigpit na pagkakahawak ng lalake sa kanya ngunit muli siya nitong hinila at ibinalandra sa mat.

"Why?!" Tanong niya dito saka inilagan ang pagsuntok ng babae.

"Because we met the former Agent 1. And he gave us the file. And we looked into it though we're instructed to destroy the file." Muling pagpapaliwanag niya dito saka napangiwi ng muli siyang ikulong ng lalake sa mga bisig nito.

"What's in the file?" Muling tanong niya sa babae habang mahigpit pa ring niyang hawak ito.

"A lot." Matipid lang na sagot nang babae at saka mabilis na nakawala sa pagkakahawak sa kanya.

"And who we are exactly?" Tanong niya sa babae nang tila maaalala ang mga maiinit na sandali ng kanyang nakaraan sa piling nito.

Imbis na sumagot ay sinugod siya nito ngumit mabilis siyang nakaiwas.

"Let us just pretend that we don't remember anything, Kyel. It's safer." Sagot niya.

"I thought we're doing this fighting thing to prove the truth about me? You believe in me now? That I am not a robot." Napapantiskuhang ani ng dalaga nang tumayo na nang mahusay.

"I am not sure." Wika ni Kyel na nagpasimulang humakbang palapit sa babae.

"We're done with this training, Kyel." Singhal ni Melissa na patuloy sa pag-atras. Muntik na siyang mawalan ng panimbang dahil wala na palang mat ang inapakan niya ngunit mabilis naipulupot ni Kyel ang mga braso sa bewang niya.

"But I am not done with you. Let's see if you're really a robot." Wika nito. Huli na para mahulaan ng babae ang gagawin ni Kyel. Mabilis na sinakop nito ang kanyang mga labi kasabay muli nang pagbabalik tanaw sa isang alaaala.

"What would Michael do with us once he found out that we're in a relationship?" Tanong nang dalaga matapos niyang bigyan ng mainit na halik. Nakahiga pa rin ito sa gitna ng ring na pinagpa-prakisan. Humiga rin siya sa tabi nito at tumitig sa kisame.

"He knows." Sagot niya.

"He knows? What did he say? It's against our rules, right?" Nag-aalala niyang tanong dito.

"That's why I told him we're gonna retire from the service." Tila balewala naman niyang wika.

"'You're willing to do that for us?" Di makapaniwalang ani nang babae. Alam kasi nito na halos buong buhay nila ang kanilang hawak ng Greater Heights.

"Ofcourse. I love you. And.." Ani ng lalake at may kinuha sa bulsa nito.

"Will you marry me, Caroline?" Pagpapatuloy nito nang itaas ang kamay na may hawak na singsing.

Napaawang naman ang bibig ng dalaga kasabay ang pagpatak ng masaganang luha sa mga mata.

"Yes. I love you, Kyel." Wika niya saka masaya ngunit lumuluhang pinanuod niya ang lalake habang isinusuot ang singsing sa kanya at muli nitong sinakop ang kanyang mga labi.

"Kyel.." Pagpupukaw ng atensyon ni Melissa sa kanya matapos na bigyan niya ito ng isang halik sa gitna ng gym. Masigabong palakpakan ng mga agents na naroon ang muling nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan.

Agad niyang hinawakan ang kamay ni Melissa at hinanap ang singsing na noo'y siya ang naglagay. Ngunit wala.

Nagtatanong ang mga mata ng muli siyang tumunghay sa babae. Sinalubong siya ng isang kakaibang ngiti nito.

"You're not Caroline. What did you do to her?!" Galit niyang singhal dito. Pakiramdam niya ay binuhusan siya nang malamig na tubig ngunit naglalagablab ang galit sa kanyang puso.