webnovel

UNLOCKED: Serum CPH4-1028

Twelve students having their normal college lives in a university discover something strange within them. This is the hidden ability that rested in the depths of their beings. This brings several changes to their lives and challenges the connection between oneself and to each other. The university helps them understand their abilities but only to find out how their abilities are being unlocked.

AirMaster1028 · Khoa huyễn
Không đủ số lượng người đọc
29 Chs

Chapter CPH4-1028-07

Pabalik-balik na naglalakad si Ervin sa lobby sa harap ng Physics Lab habang nag-iisip ng malalim. Pinapanood lamang siya ng mga kaibigan. Papalubog na ang araw at umuwi na rin ang kanilang mga kaklase. Napagdesisyunan nila kanina na kanilang aalamin ang nakatagong kapangyarihan ni Ervin bago matapos ang araw na 'to.

"Ervin, tumigil ka nga sa palakad-lakad mo. Nahihilo na kami rito," saway ni Vince.

Huminto sa paglalakad si Ervin at tumayo na lamang sa harap nila. "May naiisip na ba kayo?"

"Alam mo, Ervin. Hindi ka makakapag-isip nang matino dahil kinakabahan at natatakot ka," sabi ni Melody na siyang ikinakunot ng noo ni Ervin. "Ayan, oh! Kulay lila 'yung aura mo ngayon."

"Based on the stories I've read, 'yung karakter na hindi alam ang kapangyarihan niya ay 'yun pa ang may malakas na kapangyarihan," saad ni Ervin na naging dahilan ng pagtawa ng mga kasama.

"Iniisip mo talaga na malakas na kapangyarihan na sa'yo?"

"Athena, hindi. Iniisip ko lang na… what if nga. Natatakot lang ako na may masaktang maraming tao kung hindi ko makontrol kung ano man 'to." Umupo sa sahig si Ervin at nakatingin sa papalubog na araw.

"Aha! 'Yun nga!" nagulat silang lahat nang tumayo si Bruce.

"May naisip ka na ba?" tanong ni Ervin.

"Sasaktan ka namin."

"Sure ka ba na gagana 'yan?" Nagdadalawang-isip si Ervin gawin ang suhestiyon ni Bruce.

"Natatakot ka dahil baka masaktan mo ang ibang mga tao, 'di ba?"

"Oo. Tapos?"

Ilang sandaling natahimik si Bruce bago nagsalita. "Iyon na."

"Ha? Ang gulo mo, Bruce," saway ni Aries.

"Sumasang-ayon ako kay Bruce," sabi ni Bryan.

"Na saktan ako?"

"Sa mga napanood kong pelikula na may ganito, lumalabas ang kapangyarihan ng karakter kapag pinapahirapan ito o 'di kaya���y may masidhing emosyon," wika ni Bryan.

"Pelikula. Eh, fiction 'yun! Nasa totoong mundo tayo—nasa realidad," pagsalungat ni April.

"Baka lang naman—" Napatikom ng bibig si Bryan nang pinanliitan ito ng mata ng kasintahan.

Bumuntong-hininga si Ervin. "Sige. Gawin natin ang suhestiyon ni Bruce. Kapag hindi ito gumana, siguro wala nga talaga akong hidden ability."

"April at Bryan, magbantay kayo malapit sa hagdan. Sabihan niyo agad kami kung may taong paparating," utos ni Vincent na sinunod naman agad ng dalawa.

"Maghanda ka na, Ervin," sabi ni Bruce.

Tumingin si Ervin sa dulo ng lobby. "Gerald, ang CCTV camera."

"Ako na ang bahala," taas-noong saad ni Gerald.

"Sinong mauuna?" tanong ni Ervin.

"Ako na lang," pagboluntaryo ni Sheina.

"Anong gagawin mo?" kinakabahang untag ni Ervin.

Hindi sumagot si Sheina. Tumakbo lamang ito papunta sa kinaroroonan ni Ervin. Dahil sa bilis nito ay hindi namalayan ni Ervin na nasa harap na pala niya si Sheina at binangga siya na naging sanhi ng kaniyang pagkatumba.

"Wala ka bang gagawin, Ervin?" tanong ni Sheina nang nakangisi.

"Magkaibigan pa rin naman tayo, 'di ba?" kinakabahang tanong ni Ervin.

Hindi na naman sumagot dito si Sheina. Sa halip ay nagtungo na naman siya sa direksiyon ni Ervin at tumakbo nang paikot dito. Nagulat ang kanilang mga kasama sa ginagawa ni Sheina.

"Papatayin ba niya si Ervin?" nag-aalalang tanong ni Gerald.

"Bakit?" pagtataka ni Bruce sa sinambit ni Gerald.

"Gumagawa siya ng vortex."

"Masama ba 'yan?" usisa ni Melody.

"Mawawalan ng hangin si Ervin sa loob." Kinakabahan si Gerald sa mga maaaring mangyari.

"Sheina! Itigil mo na 'yan!" sigaw ni Bruce. Hindi pa rin nagpapaawat si Sheina sa kaniyang ginagawa. Sumigaw na rin ang iba para pahintuin siya.

"Bryan! Tulungan mo kaming mapatigil si Sheina. Mukhang hindi niya kami naririnig," sambit ni Athena.

Nakuha naman ni Bryan ang nais ipagawa sa kaniya kaya ginamit niya ang kaniyang telepathic abilities.

"Sheina, tumigil ka na! Mapapahamak si Ervin niyan." Nakuha naman ni Sheina ang sinabi ni Bryan sa kaniyang isipan kaya huminto ito sa pagtakbo.

"Ano ba, Sheina? Papatayin mo ba si Ervin?" singhal ni Bruce.

"Pasensiya na kasi hindi ko napigilan kaagad," malungkot na saad ni Sheina.

Nakita nila na nakaupo sa sahig si Ervin habang yakap ang kaniyang mga tuhod at nakasubsob sa sariling mga braso ang mukha. Nilapitan nila ito at niyugyog.

"Ervin? Okay ka lang ba?" tanong ni Athena na puno ng pag-aalala.

Tumingin si Ervin sa kanila na may takot sa mga mata. "Tapos na ba?"

"Paano ka nakahinga sa loob ng vortex?" usisa ni Gerald.

"Hindi ko alam," sagot ni Ervin na malakas pa rin ang kabog ng dibdib.

Kinuha ni Aries ang bench na kinauupuan nila kanina at itinaas na lagpas sa kaniyang ulo. "Guys, tumabi kayo." Nagulat ang lahat sa kanilang nasasaksihan.

"Anong gagawin mo diyan?"

"Tumabi ka diyan, Gerald," utos ni Aries.

Tumingin si Ervin dito at lalo siyang natakot. "Aries?"

Hindi nagpatinag si Aries at akma na niyang ihagis ang buhat na bench sa direksiyon ni Ervin subalit bigla nilang narinig si Bryan sa kanilang isipan.

"Guys, may mga tao."

Nawala ang kanilang mga naramdamang kaba't takot at napalitan iyon ng pagkataranta. Ibinalik agad ni Aries ang bench sa dati nitong kinalalagyan.

"Anong gagawin natin? Mapapagalitan tayo kapag nakita tayo rito at ganito ang itsura ng lobby na medyo magulo," tanong ni Bruce na hindi alam ang gagawin.

"Sheina, tipunin mo lahat ng gamit natin at hawakan mo. Humawak rin kayong lahat sa'kin," sabi ni Vince.

Dali-dali silang humawak kay Vince habang si Sheina ay ginamit ang kaniyang bilis para matipon ang mga gamit nila at humawak na rin kay Vince habang ang isang kamay ay sa mga gamit.

Nagulat sila nang itinutok ng dalawang security guard ng university ang mga flashlight nito sa kanila.

"Wala namang tao dito, ah. Saan kaya nanggaling 'yung ingay kanina?" sabi ng isa.

"Eh, rinig kong dito talaga 'yun. Totoo siguro ang mga kwento tungkol sa mga multo rito sa university," saad naman ng pangalawa.

"Iyong tungkol sa mga binihag ng mga Hapon? Nagpapaniwala ka roon?"

"Kalimutan mo na. Baka nagkamali lang tayo. Alis na nga tayo." Sabay na umalis ang dalawa sa building na siya namang nagpawala sa kaba ng magkakaibigan.

"Muntik na tayo doon, ah," bulalas ni Romeo habang malalim ang bawat paghinga.

"Mabuti na lang may kaibigan tayong may invisibility power," saad naman ni Bruce na naging dahilan upang tumawa ang lahat.

"Nawala ang panginginig ko dahil doon, ah," natatawang sambit ni Ervin.

"Umuwi na tayo," suhestiyon ni Vince na sinang-ayunan ng lahat.

"Bukas na lang natin ipagpatuloy ang pagpapalabas ng kapangyarihan mo, Ervin," sabi ni Aries.

"Huwag na tayong magsayang pa ng oras kasi siguro wala talaga. Baka mamatay pa ako sa mga gagawin niyo," saad ni Ervin.

"Mayroon 'yan. Tutulungan ka namin," sambit ni Gerald at ngumiti.

Hindi na lang nagsalita si Ervin hanggang sila'y lumabas ng university at naghiwa-hiwalay ng landas.

Pagkarating ni Ervin sa bahay ay sumagi na naman sa kaniyang isipan ang tungkol sa mga kakaiba nilang nararanasan na akala niya'y sa mga fictional stories niya lang mababasa. Inisip niya kung paano mapapalabas ang kapangyarihan—kung mayroon man—na nasa loob niya. Gusto niyang malaman ng mga kaibigan na pinapahalagahan niya ang pagnanais ng mga ito na matulungan siya. Kinuha niya ang kaniyang laptop at naghanap ng mga impormasyon sa internet. Lumipas ang ilang oras ay wala pa rin siyang nakukuha. Sumuko na siya at inisip na wala talaga siyang kapangyarihan at wala na silang magagawa roon.

Iniligpit na lang niya ang kaniyang laptop at humiga sa kama. Pinilit niyang makatulog subalit hindi pa rin siya pinatatahimik kahit anong gawin niya.

Kinabukasan ay lutang na lumabas ng bahay si Ervin. Habang patawid siya ng kalsada ay muntik pa siyang masagasaan ng motorsiklo. Nang makarating sa unibersidad ay bumungad agad sa kaniya si Aries na niyaya siyang palabasin na ang nakatagong kapangyarihan.

"Ayaw ko na. Hindi mo ba naiintindihan?" naiinis na sabi ni Ervin at tuluy-tuloy lamang siya sa paglalakad hanggang makaabot siya sa Physics Lab. Naroon na ang kaniyang mga kaibigan na parang siya lamang ang hinihintay.

"May naisip na kaming paraan, Ervin," bungad ni Athena.

"Mag-aaksaya lamang kayo ng oras." Umupo si Ervin sa kaniyang puwesto at sinusundan naman siya ni Gerald na may dalang mga papel.

"Basahin mo ang mga ito, Ervin. Makakatulong 'to." Inilagay ni Gerald sa harap ng kaibigan ang mga papel.

"Ayaw ko nga, 'di ba? Hindi ko 'yan babasahin kasi wala akong gana at inaantok pa ako. Sumasakit pa nga 'yung ulo ko. Huwag na kayong dumagdag pa. Pwede?" singhal ni Ervin.

"Pero—"

"Kung ayaw, ayaw. Hindi niyo ba 'yun naiintindihan? Mag-aaksaya lamang kayo ng oras. Wala akong kapangyarihan. Wala!" galit na saad ni Ervin.

"Ervin naman, eh. Gusto lang namin—"

"Tahimik!" sigaw ni Ervin na siya ring paglakas ng hangin at pagkatilapon ni Gerald na tumama ang likod sa pader. Nagkalat rin ang mga papel na pilit ipinabasa ni Gerald kay Ervin.

Nagulat ang kanilang mga kaibigan sa nangyari at nilapitan ang walang malay na si Gerald na may dugong dumadaloy mula sa kaniyang ilong. Nanginginig si Ervin habang nakatayo at natatakot sa kung ano ang maaaring mangyari sa kaibigan. Nakatingin lamang siya sa mga kaibigang puno ng pag-aalala.

Nangyari na ang kaniyang pinangangambahan—may napahamak na at kaibigan pa niya. Hindi niya maatim na lumapit dito kaya napagpasyahan niyang lumayo. Ilang hakbang pa lang ay tila nahihilo na siya. Pilit niya itong ininda subalit bumulagta siya sa sahig at nawalan ng malay.