webnovel

University Series: Athena Louise Sarxel

Athena Louise Sarxel, ang babaeng hinahangaan ng SU o Sarxel University. Sya ang cheerleader captain. Sya rin ang tinuturing na Campus Bitch Queen. Don't mess with her or you'll end up living in hell. Xyzrille Cameron Garcel, isang scholar pero hindi nerd. In fact ay marami ang nagkakagusto sa kanya at sya'y kilala rin sa SU. Pero focus si Xyzrille sa pag-aaral nya. Halos hindi nga sya updated sa mga bagong ganap sa paligid nya. What would happen if their world collide? Well, it can be a total chaos.

KillerInDuty · LGBT+
Không đủ số lượng người đọc
54 Chs

Chapter 48

Xyzrielle's PoV:

Mahaba-habang katahimikan ang namayani sa aming dalawa. Tinignan ko sya and I saw that she's looking outside. Probably sa mga tanawin. Sa may bintana kasi sya nakaupo.

Magkahawak-kamay pa rin kaming dalawa. Not minding kung may makakakita man lagay namin. Madali lang namang lusutan 'yon.

Ang mahirap lang na gawan ng palusot ay 'yung nagkiss kami. But I'm confidently beautiful with a heart na walang nakasaksi non dahil mga knock out na silang lahat.

Dagdag points na lang 'yung nasa likod pa kami nakapwesto.

Tsk. Ang babaeng ito kasi, bigla-bigla na lang nanghahalik eh! Wala man lang pasabi. Hmp.

'Sus. Parang hindi mo naman gusto 'yung ginawa nya. Duh.' Pag-extra ng aking echuserang mind.

Hindi naman sa ayaw. Okay, aaminin ko. Gusto ko 'yung ginawa nya. Ang ayaw ko lang is wala man lang syang pa reminder katulad ng..

'Hi! Come here. I'll kiss you.'

or

'Beware. I'm gonna kiss you.'

'Yung ganon bang mga bagay lang. Argh! Ang dali-dali lang namang sabihin non eh. Tsk. Hindi tuloy ako ready. Anyways, naisipan kong basagin ang katahimikan sa aming dalawa.

"Uhm... hindi ka ba inaantok?" Tanong ko kay Athena.

Sorry. Ayan lang naisip kong topic. Pabayaan nyo na. Akala ko ay hindi sya sasagot ngunit nagsalita rin sya pagkatapos ng ilang sandali.

"Hindi." She said. Grabe. Ang galing. Napakaplain. Ayaw nya atang pahabain ang pag-uusap namin. Ano ba 'yan?

"Bakit ang tipid mong magsalita?" Hindi ko mapigilang itanong. Curious aketch eh. Hinarap nya ako habang naka-arko ang kanyang isang kilay.

"Kasi hindi magastos." She said. Napatanga naman ako sa sinabi nya.

Is that a joke? I didn't know na may ganon pala sa kanyang bokubolaryo.

Kasi kung oo, tatawa na ako. Pwede na siguro 'yung tatlong HA HA HA. Mga ganyan. Pangsupport man lang sa sinabi nya. Matanong nga para sure.

"Nagbibiro ka ba?" I asked ridiculously. But to my surprise, she just gave me her famous death glares.

Ano na namang nagawa ko?

"What? Nagtatanong lang. May masama ba?" Tama naman ako diba? Libre lang ang magtanong. Atsaka, we live in a democratic country. Mayroon kang sapat na kalayaan para ipahayag ang iyong saloobin.

"Tsk. Bahala ka nga riyan sa buhay mo!" She exclaimed. Hindi pa sya nakuntento at inikutan pa ako ng kanyang mga mata.

I reached her hand nang akmang aalisin na nito ang pagkakahawak sa akin.

"Ano ba? Wala ka bang kamay?" Mataray nitong turan. I saw how her eyebrows arched after she said that.

"Meron. Ito nga oh." I said and raised our hands that are intertwined.

"Eh bakit hawak mo 'yung kamay ko?"

"Wala lang. Gusto ko lang. May masama ba?"

"You're really stubborn, don't you?" Hala. Anong pinagsasasabi nya riyan?

"Why? Gusto mo na bang alisin ko?" I asked pero kahit oo ang isagot nya ay hindi ko pa rin aalisin ang pagkakahawak ko roon.

"Bakit? May sinabi ba akong tanggalin mo?" Napangiti ako bigla sa kanyang sinabi. It means, gusto nya rin ang pwesto namin ngayon.

Ahehehe... enebeeee, pereng tenge nemen.

Okay, parang ang pabebe ko sa part na 'yan. Pagbigyan nyo na ako. Minsan lang 'to. Kahit simple lang ang sinabi nya ay kinilig pa rin ako. Iba taalaga ang tama ni Athena sa akin. Napakalakas.

Naputol ang pagiging maharot ko nang magsalita syang muli.

"I changed my mind." Huh? Ano naman kaya 'yon?

"Since you interfered with my business, let me lean in your shoulder. I won't take no as an answer." Maawtoridad nitong turan.

"Nakaramdam ako bigla ng antok eh." Dagdag pa nya. She slowly clung into my arms. Naramdaman ko rin ang pagsandal nito sa aking balikat.

Parang magic na dumalaw rin ang antok sa akin. I'll sleep now kahit sobrang nagwawala ang puso ko sa hindi maipaliwanag na dahilan. Maybe, isa sa posibleng reason non ay itong babaeng katabi ko ngayon.

I closed my eyes and we both drifted into sleep.

_____//_____

"I'm sorry to disturbe your sleep pero malapit na tayo sa ating destination. I suggest na gisingin nyo na ang mga tulog-mantika nyong katabi." Naalimpungatan ako sa announcement ng aming tour guide.

Sayang. Ang sarap-sarap na ng tulog ko huhuhu. Don't worry, mamemeet ulit kita mamayang gabi.

I checked my watch and it's already 1pm. Past lunch na pala. Hindi pa kami kumakain. Nang sumilip ako sa labas ay wala namang matatanaw na sikat ng araw. Mabuti naman kung ganon. Hindi masyadong mainit.

I glanced at the girl beside me. Nakita kong tulog pa rin sya. Katulad nga ng sinabi ng aming tour guide ay ginising ko na sya.

"Athena, wake up." Ilang beses ko na 'yong sinabi pero hindi pa rin sya nagmumulat ng mga mata.

Oo nga pala, naalala ko na she's a heavy sleeper na minsan ay hindi. I guess, naka-on ang pagkaheavy sleeper nya ngayon.

"Hmm... babyloves, I don't want to." Parang naestatwa ako sa aking kinalalagyan nang marinig ko ang tinawag nya aa akin. Ramdam na ramdam ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

Is she, perhaps dreaming of me? I can'thelp but to smile. Ngunit nawala rin ang aking ngiti nang may marealize ako.

No. Nanaginip lang sya kaya nya nasabi 'yon, Xyzrielle. Baka ibang tao ang tinutukoy nya.

"Athena, gising na. Malapit na tayo." I whispered to her at marahang tinapik-tapik ang kanyang pisngi. Syempre, mahina lang 'yon. Nakita kong nagising naman sya dahil sa ginawa ko.

After that ay dumiretso muna kami sa parang cafeteria. Ito ata ang tawag nila rito. Sina Erin, Margarette, at Shane ang kasama ko.

"Hoy, akala ko ay break na kayo ni Athena ha? Bakit nakita ko kayong magkatabi kanina?" Eskandalosang sigaw ni Margarette.

Nanlaki ang aking mata at napanganga. Mygoodness. Ang lakas ng boses nya. Napatingin ako sa paligid at nakahinga ako nang maluwag dahil sa tingin ko ay wala namang nakarinig non.

"Hinaan mo naman ang boses mo. Hmp."

"Akala mo ba, hindi ko nakita yung pagki---" Bago pa matapos ang sasabihin ni Erin ay sinalpakan ko na ng fries ang bunganga nya. Isa rin pala sya sa nakakita.

"Kaya pala pagkagising ko ay wala ka na sa tabi ko, Xyzrielle." Nagtatampong saad ni Shane. Awww... Hindi na babe ang tawag nya sa akin.

"Sorry na, Babe" I said and hugged her side. Nakita ko ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi. Ganon lang sya kabilis pa-amuhin. Ang dalinh makipag bati sa kanya diba?

Napatigil ako nang maramdaman na para bang may mga matang nakatingin sa amin o. I scanned the place and damn, she's looking at us. Wait. Let me rephrase that. Masama ang titig na ipinupukol nya sa akin. So scary.

I gave her a confused look. Ano na naman kaya ang problema ng babaeng ito?

As expected, she just rolled her eyes at ibinaling na ang atensyon sa kanyang mga kaibigan. Napailing ako dahil doon. Ang lakas din talaga ng tama nya. Bored na siguro sa buhay kaya ganyan.

Nang matapos na kaming kumain ay nagproceed na kami sa field. Gagawin na raw namin ang unang activity. Na-excite naman ako dahil doon. I love games din kasi hihihi.

Nagpray muna kami at sinimulan na ang pagpapakilala kung bakit kami naririto ngayon.

"Okay, wazzup, students! Ready na ba kay" Energetic na saad ng isang lalaki. I guess, sya ang host. We answered him energetically too.

"Alright. Before we proceed to the first activity, we will group you into 10 teams. At kung sino ang isang team na matira ay may prize." Nag-ingay ang lahat dahil nabanggit ang salitang prize. Oh, I'm gonna love this.

"Gusto nyo bang malaman ang prize?" Syempre, oo na agad ang sagot naming lahat.

"Well, it's a 1 week tour sa Palawan. Free na lahat. Ikaw na lang at ang mga dadalhin mo na ang kulang. Kaya I suggest na pagbutihan nyong ang paglalaro." Napahiyaw muli ang lahat kasama na rin ako.

Whaa! Syempre, libre ba naman ang tour atsaka sa Palawan pa. Balita ko ay ang ganda raw doon eh. Sayang kung mamimiss mo 'yung chance.

Nagsimula nang maggroup ang lahat at ang isang team ay composed of 15 students. Sa Team C ako napunta. Mababait naman ang mga kasama ko at mukha ring athletic sila. Maganda kung ganon.

Ang kaclose ko lang na nandito ay si Shane. Ang ilan sa mga kateam namin ay friend nya. Sadly, hindi ko kateam sina Erin at Margarette dahil napunta sila sa Team A which is kinabibilangan nila Athena at ng kanyang tropa.

"Wait lang, guys." Pagpgil sa amin ni Steven base na rin sa nakalagay sa kanyang nametag. Nagsimula syang magbilang.

"Sobra tayo ng isa." He said kung kaya't nagsimula ring magbilang ang iba sa amin. Nakita kong nanlumo ang lahat. Probably, ni isa sa amin at ayaw maalis dito.

Oh shit. Pano na 'yan?

Baka naman pwedeng pagbigyan 'to ng ibang teachers. Isa lang naman ang sobrang eh. Baka pwedeng lusutan.

Napatingin naman ako sa teacher na syang nakatoka para magfacilitate para makita kung okay na ba ang bawat grupo sa myembro. Nakita kong parang may pinag-uusapan sila ng Team A. Si Jared ang kausap nito.

I decided not to meddle with them. When suddenly, may marinig akong nakaagaw ng aking pansin.

"Kulang kami ng isa, Sir."

Sa aking narinig ay parang kinabahan ako. Nagsimula nang magbilang ang teacher sa Team B kung 15 na ba sila. Nakita kong nilampasan nya lang ito which means, they are okay na.

Lalong nadagdagan ang kaba ko nang makitang papalapit na sya sa grupo namin. Oh shit. Sobra pa naman kami ng isa. For sure ay may matatanggal sa amin.

I heaved a deep sigh. Kalma, Xyzrielle.

Maliit lang ang chance na ikaw 'yon.

1:16 lang ang chance non. Napakaliit kaya kumalma ka na riyan.

"Oh 16 pala kayo. Sobra ng isa." Pagsimula ng teacher.

"May isang grupo na kulang at doon ko ilalagay ang matatanggal sa inyo."

He started to scan us. Nagdadasal ako nang mabuti na sana ay hindi ako ang mapili nya. Napapikit na rin ako dahil doon.

"Hmm... ikaw na lang." He said while pointing at a certain person.

Sinundan naming lahat kung sino ang tinutukoy nya. Nagland ito sa...

babaeng nasa harapan ko.

Napahinga ako nang maluwag dahil sa sinabi nya. Whoo!!! Mabuti naman. Thank you, Lord. I love you.

"Ako po sir?" Tanong ng babae for clarification. Oo, ikaw talaga 'yon.

"I changed my mind. 'Yung girl na lang na nasa likod mo ang napili ko."

Parang pinagbagsakan ata ako ng langit at lupa nang marinig ko 'yan. Ako lang naman kasi ang babaeng nasa likod nya which means....

"Xyzrielle, come here. Ililipat na kita sa Team A." He said.

Kahit labag sa loob ay sumunod na lang ako sa kanya. Hindi ko nakalimutang magpaalam sa mga ka-team ko. Nalungkot ako nang masilayan ang mukha ni Shane. Mukhang hindi sya masaya. Hayst.

Nakayuko lamang ako habang nakasunod kay Sir. Bakit pa kasi nagbago ang isip nya? Okay na sana eh. Biglang na-okray pa. Tsk.

"Oh students, ito na ang kulang nyong member." At umalis na agad matapos akong ihatid.

Masayang sinalubong ako nila Erin at Margarette. Oo nga naman, self. Bakit ka ba malungkot riyan? Andyan naman ang mga kaibigan mo ah. Cheer up.

"Welcome to the group!" Jared energetically said to me. I guess, sya ang leader namin. I smiled to him as a response.

Isa-isa kong tinignan ang mga natitirang member at sa tingin ko ay mukha naman silang madaling iapproach. Mukhang hindi ako mahihirapan nito.

Except siguro sa isang tao. Kilala nyo na siguro ang tinutukoy ko. I looked at her and she's looking at me with a bored look.

Sana naman po ay maging maayos ang takbo ng lahat. Sayang naman kasi 'yung prize. Hindi ko na muna iisipin ang babaeng nagngangalang Athena.