webnovel

Quadro

CHAPTER 9

hindi mawala sa isipan ko kung sino ba talaga silang tatlo, nakasama ko na ba sila noon pa? o sadyang hindi ko lang maalala dahil nawala sa memorya ko ang iba?

"hi" ngumiti ako sa lalaki ng makitang naka tingin lamang ito sa basong iniinuman niya, gabi na at nandito lamang siya sa labas.

"what are you doing here? gabi na pumasok kana sa tent niyo at baka lamukin ka" sunod sunod na sabi niya, masungit nga talaga siya.

hindi ako umimik ngunit umupo ako samay tabi niya, nakita ko naman ang dalawang sundalo na papunta at may dalang container at noodles ang naroon.

"sakto.. buti apat ang niluto ko" saad ni juan na ngayon ay nasa harapan na namin ngayon.

napapikit ako ng makaramdam ng sakit, tinignan ko ang pwesto namin ngayon na parang nangyari na rin ito.

"sino ba kayo?" saad ko ng mahina habang kumakain, hindi rin sila kaagad nakapag salita at tumingin lamang saakin.

umiwas ng tingin si thaddeus ng tanongin ko ito, hindi siya umimik maski ang dalawa.

"hello?" natatawa ngunit naiiyak na saad ko dahil hindi nila ako kinakausap, bumuntong hinga sila bago kumain muli.

"ako s-si wara" saad ng babaeng sundalo, tumango ako bago sumubo ulit at tumingin sakaniya.

"k-kaibigan moko sa n-nayon" mapait itong ngumiti. kinuha niya ang telepono at pinakita ang litrato naming dalawa.

siguro ay 18 lamang kami noon, naka bistida akong puti at mahaba ang buhok naka yapak habang naka tungtong sa puno.

"wara" iniisip ko siya at unti unting buo ang imahe sa isipan ko.

"s-si Juan ang nobyo mo.." bulong ko habang tumingin sa lalaking katabi niya. hindi ko maiwasan ang pag ngiti ng maalala ko silang dalawa.

"ang sabi nila kung sino raw ang makabalik sa sundalong anak ng mga valderama ay may pabuya silang tatlong milyon"

lumingon ako sa lalaki at alam kong nasasaktan ito ngayon sa harapan ko, tinignan ko siya na seryosong kumakain sa harapan ko.

"i-ikaw ang sundalo " mapait kong saad ng ikinatango niya.

sumakit ang ulo ko kaya napahawak ako doon. ramdam naman nila iyon kaya naman dinaluhan nila ako.

"maraming salamat hael.. sa kaunting araw nating pag sasama ramdam ko na naging parte kana ng buhay ko"

ang pakiramdam ko ay parang nanghihina ako sa bawat katagang naalala ko ngayon, naiiyak at halo ang emosyon ko.

"ayun pa isa.. patayin niyo yan!"

nagising ako sa isang kama, nakita ko naman na nakatingin si jia saakin habang ako naman ay nakahiga.

"naalala mo na" ngumiti ito saakin bago niya ayusin ang buhok ko. si hael at ang mga sundalo ang pumatay at sumira sa nayon.

"Hael" bulong ko, nakita ko ang lalaki na naka tayo ngayon sa harapan ko. umalis saglit si jia para makapag usap kami.

"Yves.." mahina at malungkot ang pag kakasabi niya kaya naman napaiwas ako ng tingin.

sila ang pumatay sa tauhan ni ama sa nayon, sila din ang dahilan kung bakit muntik ako mamatay.

"hindi kita kilala" saad ko at tumingin sa mga mata niya, nanliliksi ang paningin ko sakaniya dahil sa nangyari.

lalapit na sana ito nang tumayo ako, sinuot ko ang tsinelas bago lumabas ng tent. hindi ko alam kung sumunod ba ito o nag paiwan doon ngunit wala na kong pake.

"Doc! may isang bata roon sugatan!" hiyaw ng isang nurse. pumasok ako sa tent at kaagad kong kinuha ang medical kit, ni hindi ko siya napansin at dali daling pumunta sa bata.

puro sugat ang bata, ang kaniyang katawan ay puro dugo kaya naman nilinisan ko muna. ang kaniyang mga magulang ay umiiyak sa gilid kaya naman binilisan ko na lamang ito.

I check to ensure his airway is clear. He's conscious and breathing, though clearly in pain and after that I observe his breathing pattern. It's labored but steady then I check for a pulse at his wrist; it's rapid but strong. There are no signs of severe bleeding, which is a relief.

I gently begin a head-to-toe assessment to identify all injuries. I touch his leg, which appears to be swollen and possibly fractured. There are also some minor cuts and scrapes on his arms and face, likely from a fall.

I took the medical kit to start, I clean the minor cuts with the antiseptic wipes to cover them with sterile dressings to prevent infection after that I use the branches and strips of cloth from my kit, I create a makeshift splint to immobilize his leg, reducing pain and preventing further injury and lastly I administer a mild painkiller.

"he's okay now ma'am, just rest him first" ngumiti naman ang mga magulang niya bago mag pasalamat saakin, tumingin ako sa lalaki bago lumuhod.

"hey, get better" saad ko sabay gulo sa buhok nito, ang mga sundalo ay naka palibot saakin kaya naman tumayo na ako at umalis.

hinugasan ko ang kamay ko at pumasok na rin sa tent, wala na ang lalaki kaya nag bihis na ako at lalabhan pa ang damit dahil amoy pawis na iyon.

"you are a great doctor" nagulat naman ako sa tono na iyon, hindi ko siya pinansin at patuloy lang ang aking pag lalaba.

hindi parin siya umaalis kaya naman minadali ko na ito para masampay na. tumunog naman ang phone ko kaya chineck ko kung sino.

"anak.." panimula ni daddy, nakita ko naman na umatras si hael kaya naman tinuloy ko na ang pag sampay ko.

"si captain valderama ang gagabay saiyo.. wag na matigas ang ulo anak ha" paalala niya bago patayin ang tawag.

lumingon ako sa lalaki at nakita ko ang nag tatagong ngisi sa mga labi niya, nang maramdaman niya ang tingin ko ay naging seryoso naman ito.

"wala kang narinig!" saad ko sabay talikod sakaniya. rinig ko ang mahina niyang pag tawa kaya naman mas lalo kong binilisan ang pag lakad ko.

"pogi talaga ni Thaddeus" rinig kong saad ni Ashley kaya naman tinaasan ko ito ng kilay.

"hindi naman.." saad ko ng ikinatawa ni jia ngayon, siya lamang ang tumawa kaya naman napaubo siya.

"parang labas sa ilong yan.." bulong niya sabay hagikgik pa at pumasok na sa tent namin.

___________________________________________________________